Friday, March 02, 2007

Relive the Crowning Glory

Wala ka na naman bang buhay? Nababagot sa mga paulit-ulit na mga ginagawa? Nalulungkot dahil sa dry at matamlay na buhok? Sawa ka na ba sa mga produktong walang ginawa kung hindi paasahin lang na mapaganda ang inyong buhok? Lifeless ba ang iyong hair? Nagugutom k na ba? Heto ang bagong produktong bagay para sa inyo!

From the company that brought you BB System™, we now introduce you another breakthrough product.

Introducing the All-New Hairlicious™ Flavoring Shampoo.

Bigyang buhay ang inyong walang kwentang mga buhok with Hairlicious™ Shampoo. Hindi lang siya basta shampoo, may iba't ibang scent at variant para gawing alive ang buhok. Hindi lang siya buhay, ngayon magagawa ng makain ang buhok dahil sa Hairlicious Shampoo. At dahil sa iba't ibang flavors ng Hairlicious Shampoo talagang masasarapan kayo sa pagkain ng inyong buhok. Hairlicious Shampoo comes in Roast Beef, Pinakbet, Papaya, and Fried Chicken.

Roast Beef. Mahilig ba sa beef? Heto ang bagay sa inyo, Hairlicious™ Roast Beef Shampoo. Amoy pa lang, roast beef na! Matatakam ka sa sarap at amoy ng roast beef kaya kumuha lang ng strand at nguyain, malalasap ang lasa ng tunay na baka.

Pinakbet. Bagay sa mga mahilig sa mga local dishes. Sa amoy pa lang, malalanghap na ang bagoong, kalabasa, talong, okra at iba pang mga sangkap sa pinakbet. Kumpletos rekados na, buhok pa lang ulam na!

Papaya. Naghahanap ng healthy fruit dessert? Heto meron na para sa mga buhok niyo. Ang amoy, galing sa natural na papaya na amoy poopoo. Kaya kung nae-engganyo at naghahanap ng papaya, pitasin lang ang buhok at kainin, papayang-papaya ang lasa.

Fried Chicken. Everybody's favorite. Sino nga ba ang hindi naghahambing ng ibang karne sa manok? Halos lahat yata paborito ang manok. Craving for that famous fastfood chicken, now it's in your hair. Tikman ang sarap ng manok sa buhok at baka sa susunod maghanap ka na ng gravy.

So ano pang hinihintay niyo? Bigyang buhay ang inyong buhok at ang inyong sikmura, bumili na ng Hairlicious™ Flavoring Shampoo. Siguradong kakainggitan ka ng kapwa mo kapag meron ka na nito. Huwag ng magpahuli.

But wait there's more... If you order now, makakatanggap ka ng libreng eyspeysyal blue na tabo. Perfect pampaligo lalo kung sira ang shower niyo. (Limited supplies only, unless gusto niyo ng pink)
Makes your hair incredibly delicious.

Ano pang hinihintay niyo dyan? Huwag na kayong tumunganga at tumayo lang dyan, sugod na sa telepono at umorder na!

*Also available in Durian, Tinola, Blueberry Cheesecake and Binagoongan Flavor.

21 comments:

ek manalaysay said...

paorder ng tinola variant... bwehehhe...

wala bang sinigang? fave ko kasi iyun eh!

Riker said...

nakatrunks ka?.. siguro manwhore ka noh billycoy?.. hahaha.. hindi lang xa dsquared.. yung galing dsquared e yung mga sexy wear.. haha.. (hinahanap ko na nga yung boutique nila sa manhattan e..) meron ding Marc Jacobs at Lacoste.. the others were too formal..

kaw a.. im impressed with your fashion sense.. at nanonood ka ng shows via men.style.com!! COMMENDATIONS!! LOL

enihoo..paorder naman ng roast beef.. i thank you..bow

Anonymous said...

gusto ko yung karekare scent.
pakisigurado lang na may kasamang bagoong else ipagkakalat ko na kalbo ka.
:)
teka.
para ba sa parlor natin yang bagong shampoo mo?

Anonymous said...

pareho kami ni Xienah, i also want kare-kare flavor dats one of my favorite kc isama mona ang crispy pata waaaaaaaa... pero pano kung isang araw kalbo na ako? san pa ako kukuha ng kakainin ko?

Mary De Leon said...

blueberry cheesecake ang akin billycoy ha.. alam mo naman kung saan ipapadala.. hehe..

Billycoy said...

yatot, xienah & tikey > our experts are currently making other new variants.

tikey > madali lang yan, hindi lang naman yung buhok sa ulo ang pwedeng gamitan ng Hairlicious™ flavoring shampoo.

marya > saan ko ba ipapadala? pwede ba ang packages thru email?

sherma said...

ay, wala bang tuyo and kamatis? parang ok ang amoy nun, eh... yung amoy na pini-prito pa lang, ah... kung wala, sinigang na lang...

pakipadala sa blog ko... dun! to the left, to the left... eto ang susi... minsan kasi nakalock sya, eh... =)

Anonymous said...

wahaha... sa buhok sa ibang parte pala ilalagay. nyay! eh di, di na uso ang pag-shave ngayon..

anyhow, para maka-mura, meron ka ba nyang Hairlicious™ shampoo mo in budget meals? :)

pausiu said...

wala po ba yang kasamang conditioner, para sa mga taong may unruly hair?

pwede ba yan sa mga kulot? hehe. kulot kasi ako eh wee..

sabi nila mukha raw pancit canton yung hair ko. baka magulat sila isang araw yung pancit canton na favorite nila, amoy fried chicken na pala. hahaha. =)

Loverboy said...

pabili ng roast beef ha. paki padala na lang via dun sa airlines ko.

pwede rin akong mag sponsor ng mga deliveries. sabihin mo lang sa akin ha? hehehe.

Anonymous said...

Trip ko yata yung binagoongan flavor. Peyborit kasi iyon ng akong bhebhe. [Nyaaaah, as if meron akong bhebhe.]

Hahahahaha!

Anonymous said...

Wow ansasarap naman nyan, sana sa susunod may appetizer at drinks para kumpleto na ang meal. Hehe

jhenny said...

hahaha,.. lupet ng mga shampoos ha.. wala ba sinigang dyan para masabaw :P

Anonymous said...

hi,
great posts! pde ba xlink d2?

Anonymous said...

paorder naman po...fried chicken flavor

dorkzter said...

dahil ako'y pure na ilokano, xempre pinakbet pleybor ang para sakin :)

Anonymous said...

Hindi lang lalake maaattract mo, pati ipis. Hahahahah walang adobo? Pinoy product naman 'to diba?

Anonymous said...

talagang gago ka billycoy!

wahaha katawa naman tong post na to. BUHOK PA LANG, ULAM NA!

dapat yan ibigay sa mga mukhang wig ang buhok para makalbo na sila! at least mabawasan man lang ang mga asungot sa mundo!

:P

Anonymous said...

hep hep!

I strongly suggest that Shampoo to Britney Spears. Pa-send na lang sa kanya ng isang bottle ng.. uhh, Binagoongan flavor.

TY. :)

charimazing said...

amazing creativity! :) *hats off*

blueengreen said...

para lang ata yan sa mga may trichotillomania(mga taong kumakain ng buhok) ... o di kaya sa mga mangayn na naglalagay ng sauce ng sardinas sa buhok .. para may ibang varian naman silang magamit... hehehehehe
anyway, mukhang masarap ung roast beef a since proteinous din ang buhok.....
papaya .. amoy poopoo... i agree.. hehehehe....
by the way,
i've changed my url... http://grade-conscious.blogspot.com na... thanks... see ya there...