Monday, March 05, 2007

Politics Vegetation

Sa mga 18 years old dyan at sa mga 18 years nang bumoboto dyan, naka-decide na ba kayo kung sino iboboto niyo? Ako hindi pa, kasi hindi ko alam kung may matino pang mga kandidato sa mga panahon ngayon. Isa na diyan si Prospero Pichay, dahil isa siyang mutant... isang GMO (Genetically Modified Organism).

Hinding-hindi ko iboboto ang nilalang na ito dahil altered genetics lang siya mula sa halamanan at taniman ng pechay. At kaya hindi ko rin siya iboboto kailanman dahil hindi naman niya sinasabing iboto siya kundi itanim. Hindi ako papayag na gawing bukirin ng Pichay ang senado. Hindi naman suggestable na gawing taniman ang senado dahil covered ito, hindi lang maaarawan ang Pichay dito. Ang mga halaman kailangan ng araw yan dahil dun sila kumukuha ng energy, malaking kawalan sa mga Pichay ang walang araw.

Hindi rin ganun kadali mag-alaga ng mga Pichay, dahil kailangan ng maintenance niyan. Lalagyan mo ng fertilizer, tutubigan mo para talagang maging maayos. Papayag pa ba kayong magkaroon ng Pichay sa senado?

Paano itatanim si Pichay sa senado?

  1. Ang mga halaman kailangan ng buto, at si Pichay may buto rin. Kaya kailangan hintayin mo muna siyang maagnas o di kaya patayin para makuha ang mga buto niya. Unless, kahit buhay pa siya ay huhugutin mo na ang mga buto sa katawan niya.
  2. Pumili ng matabang lupa at lugar na maaarawan ang halamang Pichay. Sa case ng senado, tibagin ang semento at bungkalin ang lupa na pagtataniman. Butasin din ang mga kisame para papasukan ng araw.
  3. Alagaan ang tanim na Pichay, diligan araw-araw at lagyan ng pataba.
  4. Makalipas ang ilang araw tutubo na si Pichay sa pinagtaniman at maaari ng pitasin at manungkulan sa senado.
Hindi ako magtatanim ng Pichay, dahil kapag itinanim siya aabot sa 206 na Prospero Pichay ang tutubo - dahil may 206 na buto ang tao. Masyadong magiging crowded ang senado kung sakali at mapupuno ito ng Pichay. Lalo na't nasa corner ng administrasyon siya. Unfair lalo na sa oposisyon, dahil wala naman silang mala-gremlins din na kandidato. Kahit pa 23 lahat ng oposisyon kung 206 naman ang kalaban na Pichay na maka-administrasyon, wala silang panama.

Sa pagkakaalam ko, nailagay na rin ang ilang parts at juices ni Pichay sa instant noodles, ingat kayo sa pagkain nito baka mainfest ang utak niyo ng Pichay.

Papayag ba kayong may gulay tayo sa senado? At kapag tumubo ba ito bibilhin at kakain ba kayo? Aaprubahan kaya ng BFAD ito? Masustansiya kaya ito? Tatakbo rin daw si Victor Wood na Senator, susunod at lalaban kaya si Madame Auring sa kanya? Totoo kaya ang Atlantis?

29 comments:

Anonymous said...

bakit naman ayaw mo kay pichay?
ang sigasig nga niya mangampanya.
at saka ayaw mo nun?
pangarap niyang tuparin ang mga pangarap mo?
imagine?
kasama siya sa pantasya mo?
threesome.
:)

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

ibang klase ka talaga billycoy. bow ako sa yo. dapat ikaw ang itanim sa senado.

jhenny said...

i'd still vote for pichay! masaya kasi ang may halaman sa senado kasi right now majority ng nandun halimaw eh LOL

Anonymous said...

sa tingin ko kahit ayaw mo kay pichay e kinakampanya mo na siya :)

Talamasca said...

Hahahaha. This is soooo goddamn hilarious. :-)

Did you know that Pichay wasted 33 fucking million for those TV ads alone? He could've given those poor people jobs but no, he chose to create totally disgusting commercials and empty promises. The horror.

Franco Dominico said...

itanim ang utak ni billycoy sa senado!!!

BILLYCOY ANG SABOG NA UTAK SA SENADO!!!

Mary De Leon said...

mabuti para sa mga vegetarians...wahaha..

Uy, kras billycoy hindi kaya ito'y isang quiet campaign para sa iyong sarili? nakuha mo boto nila o...lol

Anonymous said...

ahaha! kahit vegetarian (sort of) ako, di na ko matunawan sa PICHAY campaign na yan and to think di ko naman kinakain pa... (come to think of it? kainin si PICHAY??? im lost between cannibalism & vegetation?) Ewwww... hahaha!

hahhahhahahahahaa! :P

ek manalaysay said...

si pichay ang ay isang rason kaya hindi na ako magiging VEGAN... hahahha... he made the vegetable world so very uninteresting to explore!

very ironic nga ang pangalan nya... pichay! tapos gulay yun, tapos dapat healthy sya... tapos... ang daming possibilities... it's endless! dapat dyan hindi itanim, ibaon! bwahahaha...

oi salamat sa isang seryosong comment ha... it's true that fame is not the basis of success... dati ko pa alam yun... i always love my works! lahat naman tau magaling mag-isip eh... iba-iba nga lang ang paraan, pero lahat tayo magagaling!

sherma said...

hindi dapat ganun ang tag name nya, eh...

mala-fairy godmother kasi ang dating nya... "pangarap nyang tuparin ang pangarap nyo..." parang genie lang ni aladdin kaya lang sya yung tipong nagpa-practice pa lang na maging genie...

Luisa said...

ayoko din kay pichay PURO PANGARAP lang ang alam niya hahaha saka

magtanim ay di biro maghapon nakatayo
di ka man makaupo di ka man makatayo..

Billycoy said...

super x > di ko trip ang threesome... lalo sa isang gulay, gross yun ah

mandaya moore > hindi na ako kailangang itanim, dumadami na ako kapag nababasa

jhenny > carnivore na halaman din si pichay!

talamasca > naku, milyon naman nakukurakot nila at madadagdagan pa kapag nanalo sila

franco > hindi yun tutubo magiging pataba lang yun... kainin na lang masarap pa, lagyan lang ng mayonnaisse saka iba pang sahog salad na!

yatot > naku kapag ibinaon at naagnas yun, may buto pa rin siya, tutubo pa rin

sherma > may fairy kasi siyang kasama kaya matutupad niya ang mga wishes... remember sa plants nakatira ang mga fairies!

Anonymous said...

Pangarap kong topareen ang pangarahp niyu.

Aku poh si Pruspiro Pitsay.

Proh-Pinoi.

Pitsay! Itanim sa Sinado.

---

Ang sarap magmura kahit hindi ako nagmumura. Hahaha. Magaling magaling magaling!

Anonymous said...

bloglove..saya dito!

lateralus said...

Pichay wanted to abolish the Senate by the way. haha

Anonymous said...

potanginang pichay yan. nakaWIG ba yan? puta ka. anung itatanim sa senado? ibabaon kita sa senado,,, ng BUHAY. lintik ka. saka sinu kayang magtatangkang kumain kay pichay...? DAMN!!!

dorkzter said...

hahaha!! kktawa ung pic :)

Unknown said...

fuckface mga kandidato ngayun...

The King said...

bwahaha! alam mo, his campaign slogan is the corniest i know, for this, i wouldnt even bother considering him, hehe! basta, ang corny ng pagka-play sa surname niya. ulk..

Anonymous said...

LOL, as usual napatawa mo na naman ako!.. haha. XD ang corny din nya, agree ako kay rex. haha.. itanim!.. bleh.

ganda nga pala ng bagong header!

Anonymous said...

And oh, just to add up. He has so many platforms. Platforms which are unachievable. Platforms which are so many, no one in the Senate nor in the lower house might have passed it. Platforms which he choose to project while in the previous eons he was so willing to dismantle the Senate. Musta naman iyon.

Riker said...

dumadami ka kapag nababasa?.. GREMLIN ka pala billycoy!! dapat kang ieradicate!! hahaha

mr_diaz said...

hahahhaha basta ba may omega-9 yung noodles niya bibili ako

Anonymous said...

"Pupulutin ka sa Kangkungan" - Pichay! (ang labo)

Anonymous said...

nakaka aliw naman tong entry mo.. di ko nga alam saan ba napulot itong si pichay e..

wala din akong balak iboto sya kasi sa laki ng ginagastos nya sa tv ads baka bawiin lng niya sa kaban ng bayan...

hindi din makatotohanan ang tv ads nya kasi feeling genie sya na tutupad sa mga pangarap ng pinoy..

and lastly, hindi ko siya iboboto kasi hindi ako nakain ng gulay. :p

ninong said...

helo... first time...

nice post.

ako man, magpapatiwakal muna ako bago ko siya iboto... at dahil wala akong balak magpatiwakal sa ngayon e hindi ko talaga sya iboboto...gagawa na lang ng motto korni pa... bolang bola... tsk!

saka di rin naman ako registered...haha.

katrina said...

ahahahaha!! ang kuleeet talaga.


hmm.. mukhang maraming ayaw kay Mr. Pichay. ayaw nyo yun, tutuparin nya ang mga pangarap nyo? ako pangarap kong maging ninja kala ko hindi na magkakatotoo. thank you mr. pichay.

the jester-in-exile said...

idol kita billycoy.

yun lang.

Myx said...

naaawa ako kay pichay.. hangang ngayon pichay pa rin siya sa mga survey

http://micamyx.i.ph