Monday, March 19, 2007

The Great Escape


Nakatingin ako sa salamin, tinitingnan ang aking sarili. Nag-aayos ng buhok, naggugupit ng tutsang sa ilong at sinisipat ang bawat pores ng aking ilong. Maraming blackheads at may ilan ding pimples na tinatawag ako at sinasabing "Tirisin mo na ko, c'mon honey!" Pinipilit kong labanan ang tawag niya ngunit ang mga daliri ko ay may sariling utak at tinahak ang daan patungo sa tighiyawat.

Dumampi na ang mga daliri sa zit nang biglang dumilim at lumabas mula sa kadiliman si Charo Santos-Concio. Papalapit na siya sa akin nang biglang nalaglag mula sa kawalan ang isang black na piano at nabagsakan si Madam Charo. Tumingin ako sa taas upang hanapin kung saan nanggaling ang mahiwagang piano ngunit sa gulat ko may nalalaglag pang muli. Si Mr. C ang nalalaglag. Bumagsak si Mr. C sa upuan ng piano, nagpagpag lang ng kaunti at nagpatugtug sa piano ng isang malamyos na musika. Nagwater-effect muli ang paligid.

11 years old ako noon, halos kakasimula pa lang ng summer vacation at ilang araw pa lang natatapos ang klase. Ginising ako ng umagang iyon ng aking ina "Anak gising na, magpapatule daw kayo!" Nagulat ako at tila bumagsak ang upper deck ng aming double deck at napisak ang utak ko sa mga nasambit ng nanay ko. May libreng patule kasi ang madalas na ginaganap sa aming wasted crazy town dito sa Pasay. Hayun nag-ayos na nga ako, wash wash ko lalo dun sa patotoy dahil nga tutuliin na kami.

Dumating kami doon sa eskwelahang gaganapan kasama ng pinsan ko at isa pang kababata - pinsan ng pinsan ko. Marami ng mga batang lalaki ang nakapila din upang maging ganap na silang lalaki paglabas sa silid na ginaganapan ng ritwal. At siyempre dahil kasama namin ang lolo ng mga kasama ko at may katungkulan siya sa baranggay at kinikilala sa aming wasted crazy town isiningit at pinauna kami sa pila. Regal shockers, kinakabahan na ako, hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil hindi pa ako handang tanggalan ng excess skin sa aking patotoy. Aba gumising ba naman na bubulaga ang ideyang pagpapatule sa mismong araw at oras ding yun. Kailan din siyempre ng preparation at basbas ng mga santo at ng mga disipulo ni Juday!

Nag-excuse muna ako sa eksena at sinabing iihi muna ako. Sumunod naman itong kababata ko - pinsan ng pinsan ko - at pagkatapos naming sundin ang inuutos ng kalikasan nag-usap kami. Ganun din siya hindi pa siya ready, so nagdevice kami ng plan ng pag-eskapo. Aakalain mo kami'y mga munting kriminal na nais tumakas sa paaralang mistulang torture chamber ng mga panahong iyun. Tumingin kami sa likod, may pader ngunit masyadong mataas ang pader at baka mapilayan lang kami kung sakali. Ibang plano ulit, kaso kailangang sa front gate kami dumaan. Kaya hayun, sinipat namin ang mga lugar na pwede naming daanan at hindi kami mapapansin basta-basta. Pagkatapos sipatin, hayun tumakbo kagad kami ng matulin at umalis sa lugar. Alas, successful ang misyon at nakatakas na kami sa torture chamber. Kaya ayun ng pag-uwi, basyo ako ng mommy dahil naging successful ang pagtakas namin.

Sumunod na taon, naging successful ulit... pero hindi na kami, kundi ang mga doktor na nagtule sa amin. Lumipas ang ilang panahon, nadiskubre ko ang iba't ibang bagay tungkol sa aking patotoy. Ngunit lumipas ang ilang panahon, hindi pa rin siya nagagamit into good use!

Tumigil ang pianong pinapatugtug ni Mr. C dahil binuhat at hinagis ni Madam Charo ang piano. Samantalang dumating si Mel Tiangco at sinugod si Madam Charo. Nagsabunutan sila at nagbuno sa sahig, dumugo ang mga nguso at namaga na ang mga mata. Patuloy pa rin sila sa pagrambol. Pipigilan ko na sana sila upang kausapin si Madam Charo at pakiusapan siyang ipasok ako sa showbiz, ngunit nagwater-effect ang paligid. Nasa harap na akong muli ng salamin at tumalsik ang pus dun. Pumutok na ang aking taghiyawat.

9 comments:

ek manalaysay said...

"Lumipas ang ilang panahon, nadiskubre ko ang iba't ibang bagay tungkol sa aking patotoy. Ngunit lumipas ang ilang panahon, hindi pa rin siya nagagamit into good use!"

bwahahhaa... same here! joke! bwahahah... lagi naman sinasabi ng mga doktor iyan kapag after matule eh... sasabihin nila... o, pwede mo ng magamit iyan, iho... e tagal na nga kaya hindi pa din magamit hahaha...

anyway, be proud you are among us... move over kabataans... for we virgins are the REAL future of this country... hahahha

Anonymous said...

masama ang tinuturo ng mga duktor sa kabataan. dapat ay sinasabing dapat after 18 pa magagamit yan. hehe.

natuwa naman ako sa great escape.
ako nga babae pa tumuli sa akin. iyon, nangamatis. hehe.

toothpick said...

uy, nahihiya na ako sa iyo dahil lagi ka sa blog ko pero hindi naman ako makadalaw sa blog mo. pasensiya na ha, busy kasi sa school lately eh. ngayon lang nagkaroon ng time.

anyway, ako naranasan ko yung bloodless surgery sa aking patotoy. hahaha. state-of-the-art laser cutting daw ang tawag dun. pinag-isipang mabuti iyon. hahaha. buti na lang at hindi ko na-experience ma-laser saber ala star wars... baka naka life support na ako ngayon katulad ni darth vader! hahaha.

Anonymous said...

hmmm... ganito pala magflash back buhay mo? halo halong suspense, action, comedy at fiction? ha? ano ba sinasabi ko?

water effect ang paligid: kahit nag prison break kayo, nahuli parin kinasunod na taon. pero pagkatapos nun? *scratch*
stick shift, great responsibility. ahahhahah!

Anonymous said...

using 'patotoy' is such a great word. haha.

question: sinong Mr. C?

Donya Quixote said...

yak ziiiit... disgasting.

Anonymous said...

Naranasan ko na rin yan...

ang magpatalsik ng pus sa harap ng salamin at siyempre ang magpatule.

Naaalala ko non gusto ko muna syang ipatigil, as in mayamaya muna ulit. Hehe. Masakit na e.

Talamasca said...

You twosome of big wusses! Bwahahahahaha.

utakgago: Mr. C = Ryan Cayabyab. Ok babai.

Anonymous said...

:)) idol talaga kita! hahaha. xD