Friday, March 16, 2007

Gettin' Hot!

Its gettin hot in here (so hot)
So take off all your clothes
I am gettin so hot, I wanna take my clothes off
Hot in Here by Nelly

Napanood niyo na ba yung "An Inconvenient Truth"? Ako kasi hindi pa, baka gusto niyong ipahiram ang DVD niyo nito, well kung wala naman, payag na ako sa porn! Ang An Inconvenient Truth ay isang documentary na ipinapakita ni Al Gore yung mga epekto at mga maaaring maganap nang dahil sa dinadanas na global warming.

Talaga namang nakakabahala na itong global warming na ito. I'm so hot na nga. Nag-iinit na ako ng sobra-sobra. Kung napapansin niyo pwede ng ilagay sa straight jacket ang weather ngayon dahil nagiging retardate at nabubuang na siya. Nariyan na ang mga bagyo't hurricanes na sumusugod sa iba't ibang bansa, El Niño phenomenon. Kapuna-puna rin na epekto ng global warming ang mainit na ulo ng mga drivers sa gitna ng trapik, mga nag-uuramentadong customers sa mabagal na serbisyo ng mga fastfood chains, supladang mga teller at tindera sa mga malls at ang pagiging malibog ng maraming tao.

Sino ba ang hindi nag-aalala sa kakahinatnan nitong global warming? Lahat naman tayo natatakot sa maaaring mangyari, kaya kahit magtago pa kayo sa ilalim ng kumot ay wala ding mangyayari dahil mas papalalain niyo lang ang problema, mas lalong iinit. Hindi lang naman si George W. Bush, PGMA at ang USA ang magugunaw - well, sana nga sila na lang - kapag lumala na ang global warming, lahat tayo madadamay. Malulunod tayo sa baha ng maalat na pawis at maso-suffocate tayo ng putok sa kili-kili dahil mawawalan na ng epekto ang mga deodorant-antiperspirant. Kaya naman we should do our part, kahit man lang sa maliit na bagay para sa ikakatulong sa ating kapaligiran.
  • Huwag ng huminga. Dahil nagpoproduce tayo ng carbon dioxide kapag nag-e-exhale mas mabuting pigilan at huwag na tayong huminga. Masama kasi ang carbon dioxide sa ating ozone layer, nabubutas ito.
  • Huwag ng kumain ng gulay o kahit anong nasa halaman. Ang halaman kasi nafi-filter at kinoconvert nila ang carbon dioxide to oxygen. Dahil konti na lang ang mga halaman at puno sa paligid, mabuting iwasan na natin ang pagkain ng gulay. (Sinusuportahan ko si Benj sa kanyang pagpoprotekta at pagliligtas sa mga gulay)
  • Iwasan ang pagkain ng kamote. Nagpoproduce ito ng napakabahong at nakakaduwal na utot. Masama yun sa ating katawan at ganun din sa kapaligiran dahil meron itong methane.
  • Manood ng porn, makakatulong ito para maging green ang inyong utak.
  • Huwag ng gumamit ng fridge. Nagpoproduce kasi ito ng CFC. Kaya mabuting mag-imbak na lang kayo ng asin pangpreserve ng pagkain o kaya ibaon ang mga stocks ng pagkain sa ilalim ng lupa.
  • Magdala ng mga buto at itanim ito kung saan-saan, sa school, sa kalsada, sa park, sa bunganga ng kaibigan, sa kama ng kapitbahay, o kaya sa mata ng juwawhoopers.
  • Tigilan ang paninigarilyo (at marijuana) dahil sinusunog nito ang mga baga niyo, mga tao sa paligid, mga kabahayan at ang ozone layer. Mabuting kainin niyo na lang iyon, busog pa!
  • Ugaliing makipagpopoyan, dahil mainam ang sex sa ating katawan. Benefits sa kapaligiran? Malay ko, gusto ko lang kasi maisama ang sex sa tips ko.
Kailangang magtulungan na tayo para masagip natin ang ating mundo sa lumalalang kalagayan nito. Kung kaya't tayo na't magkapit kamay, sama-sama, sabay-sabay tayo. Ilabas na ang conga, gitara, beer bong at pulutan, tara na at magtungo na sa beach. Hubarin na ang damit at ipakita ang mga hubog ng katawan sa suot na bikini. Ipangalandakan ang inyong mga booties sa suot niyong thong at sumayaw sa saliw na tugtuging "Thong Song".

16 comments:

Riker said...

speaking of crazy weather.... kung kelan 5 days from spring nalang..saka darating ang pinaka matinding snow storm dito

ek manalaysay said...

totoo iyan... pahirap nga sa mga scientists ngayon iyang global warming na iyan... hindi nila alam kung sa papaanong paraan nila maSUSOlusyonan iyang problemang kinakaharap natin ngayon...!

teka may hang-over pa ata ako nung last entry mo!

jhenny said...

nakakalungkot talaga ang global warming at sobrang nakakatakot :(

Myx said...

scary hehe

i'll t

Anonymous said...

controversial ang global warming dito..hehe..

lateralus said...

Save the vegetables!!!!

L.A said...

susme! nakapa-ganda ng mga payp mo haha! matututlongan nga natin mailigtas ang mundo pero tayo naman yata ang made-deads nyan haha....

ok yun ha wag na huminga,,,subukan ko kaya???..........................
...................
.........
....
...
.
.
.
.
argggghhhhhhh

hindi ko kaya hehehe...!

oi good luck sa PBA '07!

Jhed said...

Agree ako dun sa iyong last tip. Hehe. :P

Anonymous said...

anong connect nung ending??? anyway, seryosohin natin ulit? dito nga samin umuulan nanaman, eh hello! magsa-summer na dapat dba? lamig sa umaga. kulang na lang snow.

save the veggies! wahaha! may rason na ko pag nagrereklamo mama ko sa pagkain ng gulay. hanep! very informative.

bkit yung paginom ng beer wala sa tips? hmmm...

Billycoy said...

jhenny > naku wag kang matakot, tutuparin naman ni Pichay mga pangarap mo

l.a. > nadadaan yan sa praktis. praktis lang

andianka > hindi pwedeng isama kasi mas lalong mag-iinit kapag nakainom! isa nga ang alak sa masamang epekto ng global warming

p said...

i scared. =!

Anonymous said...

civic awareness?
bago yun ah?
hmmm.
sabaw na utak mo.
:)

dosflame said...

Wow! isang environmental advocate! haha. Green is IN!

sherma said...

ainako... grabe ang init! yung chocolate na kinain ko, natunaw agad!

dapat nga, hindi na nagpopopoyan ang mga tao ngayon... lalong mag-iinit ang paligid, eh! =)

jhenny said...

hahahaha langya ka billycoy.. as in si pichay talaga?!?!? bakit sagot ba cya sa global warming haha..

Anonymous said...

hAi,,Im cLacLa,,
6rabE nha asSign. aqkOn6
m6-bLita nAN wEather rEpOrt
nAn phiLLipInes,,
eh ksO kn6 anu-anO an6 m6a LmLbas
sa m6a iTech nha yan,,
hAY nakO,,
uhhmmm,,
adD neO n Lng aqko sa ym,,
aT e2 eOn,,
>>> clarisser.macuja <<<
aT sA fS aMan,,,
e2 pfu eOn,,
clacla13@bk.com