Wednesday, March 07, 2007

Get Your Packs Ready

Summer na at malamang may mga plano na para sa bakasyon. Malamang sa mga malalayong lugar ang mga pupuntahan ng mga pamilya, barkada o colleagues niyo. Sandamakmak na experiences na naman ang maitatabi. Syempre kaakibat ng masayang bakasyon ang mahabang biyahe lalo na kung from Ayala to Guadalupe, napakalayo nito at exciting. Iba't iba ang paraan para makapunta sa mga vacation spot na patutunguhan:

Sea Travel. Exciting talaga ang travel kapag sa cruise ship o kaya mga barko lalo't kung mahaba ang araw ng bakasyon niyo. Pwedeng gawin sa railings at sumigaw ng "I'm the king of the world." Masarap ding maranasan kahit pa yung seasickness, kaya i-treasure ang suka sa first sea travel at ilagay ito sa sealed pack. Masaya ring pakiramdam na may mababanggang iceberg yung ship at saka ibabaligtad ng dambuhalang tidal wave. Pagkatapos may lalabas na higanteng pusit mula sa ilalim ng ocean at hihilahin ang barko pailalim. Calming ang experience na ito.

Air Trip. Ngayong pa lamang ay nagbabagsakan na ang presyo ng airfare para sa summer getaways. Mabilis at masarap ang pakiramdam na nasa ere ang sasakyan habang kapiling ng mga ulap. Saka yung pakiramdam na parang akala mo bubulusok ito sa ere at tatama sa dalawang mataas na tore sa New York. Magandang experience yun lalo na kung may mga missiles na humahabol sa eroplano at may mga ahas na nagkalat sa loob nito. Hayun ang perfect experience sa eroplano.

Land Travel. Kung hindi naman kalayuan ang pupuntahan at hindi necessary ang barko o eroplano, dito na lang kayo. Kung may sariling sasakyan good to go na, minsan kahit bus na lang. Masaya ito lalo kung kasama ang mga cool na barkada, kahit pa magsiksikan sa sasakyan. Exciting ito kung sa bawat stop-over sa mga di kilalang lugar may nawawala isa-isa. Pagkatapos mafaflatan pa, kaya magpapatulong sa tao sa malapit na talyer o bahay. Papatuluyin kayo dun sa loob ng bahay at makikita niyo ang iba't ibang parte ng tao na nagkalat doon sa loob. Magmamadali ngayong tumakbo sa sasakyan ngunit sa pag-start ng makina hindi kagad ito tatakbo at may nilalang na may hawak ng chainsaw at papalapit sa inyo...

Masaya talaga ang bakasyon lalo't exciting din ang travel experience. Hindi naman kasi makukumpleto ang inyong bakasyon kung walang biyahe kasi paano naman makakarating sa paroroonan kung nakatunganga lang kayo. Dapat sa biyahe pa lang enjoy na, para kahit pa sa smokey mountain ang pupuntahan may memories kayong maitatabi sa mga wallet at photo album.

Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano at barko, virgin din ako sa mga ganun. Sana may magsponsor sa akin para magawa kong makasakay sa mga iyon. Pero sana lang may mag-sponsor sa akin ng bakasyon sa Amanpulo. Kahit pa languyin ko mula Manila Bay hanggang Amanpulo basta mabigyan lang ako ng sponsorhip upang makatuntong sa ginintuang islang ito. Kapag ako'y napagbigyang makapunta dito dadalhan ko kayo ng buhangin bilang pasalubong. Pwede yatang isangla ang buhangin ng Amanpulo!

10 comments:

ek manalaysay said...

ako din uber virgin pa sa pagbibiyahe...! pero sa darating na april 27 mararanasan ko na din ang sumakay ng barko at eroplano! bwahahaha... sagot ng company yung karamihan sa gastos! bora ang destination... excited na ako! woohoo!

Anonymous said...

kung di ka pa nakakasakay
sa eroplano
malamang ako rin.
e di mo naman ako
sinasama sa mga lakad mo e.
belat.
:)

Anonymous said...

wow...masyado naman exciting ka-morbidan ng summer getaway dito.. nywei, punta ka dito bicol at ihuhulog kita sa bunganga ng mt. mayon...kung di naman papakain sa butanding (kaso iluluwa ka nun unless lasang hipon ka)...

nyahahha :P

ikay the dancer said...

talagang trip na trip mo ang salitang virgin. nagdududa na tuloy ako sayo.. hahaha. :) hindi ka naman yata virgin talaga e. hahaha! :P

Talamasca said...

Sana ma-devirginize ka na this summer. I wish you fuck, I mean, luck! *pats billycoy on the back*

Riker said...

tama billycoy..agree ako kay tala.. lol.. good fu...luck!! :P

Billycoy said...

yatot > nakow, nang-inggit ka pa!

xienah > hindi mo lang siguro namamalayan... nilalagay ka kasi namin sa kahon para makatipid sa pamasahe

andianka > nanggaling na akong bicol last year... di nga ako lasang hipon, lasa naman akong plankton

ikay > naku maniwala kayo na virgin ako, ang hindi maniwala may tae sa puwet

talamasca & chino > salamat sa panalangin... hayaan niyo ipapanalangin ko rin yan!

ikay the dancer said...

hahahaha... kadiri ka talga. hahaha. sige.. ipagdadasal ko na din ang pagdevirginize sau. hahaha!!

Anonymous said...

oh...lasa ka naman palang plankton? bat dka kinain? sayang naman... masaya sana yun! eh di may kwento ka sana while nasa loob ka ng tyan.. nyahaha! :D

jhenny said...

pangarap ko din ang amanpulo :)