Tuesday, March 13, 2007

Dying in Hell with the Spartans


One week ago nasa sinehan na naman ako. Opening kasi last week, March 7, ng 300 at syet ang lufet. Ang dami nga ring nanood, box-office talaga. At syempre dahil pasosyal ang inyong abang lingkod, sa cinema 3 ako ng G4 nanood para guaranteed seats and guess what kung saan ako nakapuwesto, sa mismong harap ng screen, middle column sa corner. Fave spot ko kasi mga dulo ng mga rows para hindi sagabal kapag ako'y tutungo ng CR upang sundin ang tawag ng kalikasan kung sakali mang naparami ako ng iniinom na iced tea habang nanonood.

Dahil nga nasa harap ako ng screen pakiramdam ko meron pa rin akong 300 hangover. Ganun kasi ako kapag maganda ang movie nagkakahangover ako. Kahit nga one week na ang nakakaraan sumisigaw pa rin ako ng "Aahu!" Matindi pala talaga tama ng isang pelikula kapag sa harap ka mismo manonood. Nakaka-high parang drugs na sinisinghot gamit ang tenga. Trip ko na nga ang fashion statement ng mga spartans, baka one of these days magsuot na ako ng pulang kapa at loin cloth lang. O kung talagang mas matindi, yung red cape na lang, wearing that and only that. Trendsetter ako nun kung sakali!

[Spoiler Warning: Plot and/or ending details follow, pero dahil alam kong matigas ang mga bunbunan niyo, ipagpapatuloy niyo pa rin ang pagbabasa nito]
Natuwa ako ng husto doon sa movie - hindi lang dahil sa malufet na battle sequence, cinematography, at visual effects - dahil sa sandamakmak na utongs at nipples ng mga iilang babae sa pelikulang ito. Ang unang nagpakita ng nipple ay yung si Oracle, mapula. Erect ang mga nipples niya, squarish na nga kapag sideview. Ang pagkakaalam ko ang cause ng erected nipples ay lamig o di kaya arousal. Hmm... na-arouse nga kaya si Oracle dun sa mga nakakaduwal na mukha ng councils? Ganun na ba ang bagong tipo ng mga kababaihan noon, yung mukhang yakee kadiring Quasimodo? Kung sakali palang nabuhay ako noon hindi siya malilibugan sa mukha kong saksakan ng sex-appeal at nag-uumapaw ng Niagara falls sa kagwapuhan, sayang naman, crush ko pa man din si Oracle at ang kanyang utong.

Mabalik tayo sa utong... este sa 300, may ilan pang daring scenes ng mga utong kaya ginawa itong rated-R, di lang sa ating bansa kundi sa iba pang pinalabasan nito. Nakakadismaya nga lang ang pelikulang ito dahil nabigo akong makita ang pinakaaasam-asam ko. Hindi yung utong, dahil marami nga nito sa pelikula. Wala ang tunay na Spartans dito, yung mga Spartan slippers. Nabigo akong makakita ng 300 pairs na Spartan slippers. Hindi pala ito tungkol sa mga tsinelas, kaya nalumbay ako sa pag-uwi. Nabigo ako, ang sakit sa damdamin, umaagos ang tsunami ng aking dugo palabas ng aking puso. Kaya naman parang gusto kong pumunta dun sa takilyera at hingin ang aking ibinayad sa kabiguan ko. Nakakapanghinayang talaga.
[Spoiler ends here, at sana hindi ko naman na-spoil ang mga kinakain niyo]

Dahil nga nabigo akong makita ang 300 Spartan slippers, inisip ko na lang ang mga utong ng mga kababaihan sa pelikula upang bumalik ang gana at upang ma-arouse. Doon ko na-realize na maganda naman pala ang pelikula. Salamat sa mapulang nipple ni Oracle! Isa ko pang na-realize, kaya Spartan ang ipinangalan sa ating pambansang tsinelas dahil nga sa tibay nito gaya ng mga Spartans sa battle of Thermopylae. Kaya naman si Achilles ay namatay noong napana siya sa kanyang heel dahil ang ginamit niya diumanong tsinelas ay Havaianas. Kung kaya ako, Spartan pa rin!

FYI: Ang Spartan Sandals ngayon ay under na rin ng Islander Sandals

24 comments:

Anonymous said...

Oh, I just saw 300 this weekend. It was OK as eye candy. :D

I actually saw Gerard Butler (that dude in 300) last year at the 2006 Toronto Film Festival where he was promoting his film "Beowulf and Grendel" (which was a snoozer zzzz, btw).

Kiro said...

Di ko ito babasahin dahil gusto kong mapanood ang 300!
No spoilers!!!!! AHEHE!

Talamasca said...

One of the best flicks I've seen in ages. Glad to know you enjoyed it. :-)

jhenny said...

hahaha.. kaaliw ka talaga billy.. try ko nga panoorin yan, medyo busy kasi kaya ndi na nakakanood ng sine waaaaaa 1 month na din ata.. badtrip.

anyway, thanks sa pagpapaalala ng 300 :)

Anonymous said...

hmmm... gusto ko din magsine. di ba sumasakit batok mo kung nsa harap ka talaga?

at bkit nga ba wlang Spartan slippers? eh ano gamit nila? rubber shoes?

hahaha! sineryoso!

manonood din ako!!!!!!!!

Billycoy said...

fruityoaty > naka-redcape at loin cloth din ba siya?

kiro > naku, basahin mo, ang hindi magbasa panget

jhenny > ako nga rin tagal ng walang sine... one week na!

andianka > hindi sila naka-rubber shoes, naka-stilleto!

Anonymous said...

mahihiya ako kung kasama kita.
haha.
garabe.

L.A said...

Hindi ko pa napanood yung 300 pero may balak ako kaso parang tipid nga sa costume yun oo nga....dapat ang title nung movie the NIPPLE! haha

oi galing ngayon ko lang nalaman na yung spartan under na nang islander!

Mary De Leon said...

wah. di ko pa yan napapanood... hayy.. I heard maganda nga raw... anyway, salamat sa pagbati! :)

Franco Dominico said...

AAAAAUUUU!!!!

deejayz said...

totoong ba yang, Spartan at Islander? Ang pinagtataka ko, eh bakit kelangan may pumping scene bago umalis ang hari, for goodluck DAW sabi ng kasama ko!

Jhed said...

Naiinggit ako. Napanood mo na ang 300! Gusto ko ng mapanood ang utong... este ang movie na ito! Ahuhuhu.

Billycoy said...

super x > bakit ka naman mahihiya na kasama ako, ako nga yata mahihiya sayo kasi hindi kita malilibre

deejayz > oo totoo yun! syempre kailangan ng popoyan scene, kailangang matikman ang heaven bago sumugod sa hell

sa mga di pa nakakapanood, bilisan niyo baka tabunan ito ng You Got Me!

Riker said...

manonood palang ako nyan next week.. kaya hindi ko binasa sinulat mo..hahahahhahaha

marco inc. said...

adik k n sa blog. nagtratrabaho k p ba? hehe

Anonymous said...

yo! i'm back..

ako siguro ang nag-iisa dito na di makakarelate sa entry na to. hehe..

hindi dahil sa di ako mahilig manood ng movie.. hindi dahil sa galit ang kalikasan sa'kin [further information? write me. nyahaha!].. hindi rin dahil sa wala ako sa manila.

ito'y dahil sa walang sinehan dito.

pasensya na kuya coy, out muna ako dito.. pero at least,nagcomment.. hehe..

tama! kelangan talaga ni achilles nun para di sya mamatay. spartan lang ang solusyon.. whahaa!

zeus-zord said...

hindi ko binasa dahil sa tingin ko spoiler, wrong timing nmn ang pag bisita ko

wakekeke

Unknown said...

talaga?? makapanood nga niyan... hehe...

buti hindi dragon ang nakalaban ng spartan.. eh mas matigas na tsinelas yun... tsssskkk

Anonymous said...

hindi ko siya binasa.. dahil malambot bumbunan ko. :D

love your site.

Anonymous said...

di nga? stilleto? hmmm... makes sense... ahhh! so yun din for sure ang kanilang ultimate weapon? aba! ipang-pukpok lang nila yun tagos! naks! i love this movie na talaga! hahahaha!

nakakalakad sila nun sa mala disyertong enviro?asteeg! :P

The King said...

hindi naexpect yung reference sa sandals ah. nung una, akala ko, seryosong history piece yung Spartan sandals, hindi ko agad nagets.. haha! =p

lateralus said...

What's your occupation!?

AWOOOOOOOO!

Anonymous said...

Sa isang recent issue ng Time magazine, nabanggit dun na yung eksena ng Oracle ay kinunan sa ilalim ng isang swimming pool. So spot-on yung guess mo kung bakit nakatayo ang nipples ng Oracle. Bukod pa don, lahat halos ng shots were taken indoors---yung mga scenes lang daw na may kabayo ang kinunan outdoors since kelangan ng mahaba-mahabang space para realistic ang pagtakbo ng mga kabayo---and, syempre, siguradong malamig sa loob ng studio dahil sa aircon. Giniginaw siguro yung Oracle habang kinukunan yung mga eksena nya (not to mention na basa rin yung nipples nya ;)

cha said...

i already watched 300, and ang ganda nga,, aahu!