Friday, March 30, 2007

Someday My Dreams Will Come


Noong mga bata pa tayo at mangmang pa ang musmus nating pag-iisip, may isang tanong na paulit-ulit na kinukulit sa atin. Baka nga sa tuwing tatanungin ito magpapantig na lang ang iyong tainga, didilim ang iyong paningin at kikitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak ng Mongol sa kanyang puso. Pero dahil nga mangmang at wala pang alam sa mundo hindi mo ito ginawa. Sinong bata ba ang hindi tinanong ng "Ano gusto mo maging paglaki?"

Lahat tayo tinanong niyan at kahit tayo tinatanong natin yan sa mga bata ngayon. Yung mga sinasagot natin noon malaking impluwensya para mabuo natin ang mga pangarap natin. Ano nga ba ang mga gusto kong maging ngayong malaki na ako at makapal na ang pubic hair sa ilalim ng aking brief?

Doctor. Pwede akong mag-medicine noon sa UP at sasagutin ng tiyuhin ko sana ang tuition ko doon. Kaso hindi ko pinili kasi inisip ko matagal ang bubunuin ko sa pag-aaral, imagine 5 years or more sa school, inisip ko na baka hindi na ako magka-girlfriend o mag-asawa sa ganung tagal. Hindi ko nga kinuha pero heto USB pa rin ako at wala pang napopopoy kahit isa.

Mafia Lord. Hindi ko lang gusto maging hitman o assassin, gusto kong maging head ng mga sindikato lalong lalo na sa MAFIA. Napakapowerful ko kung sakali, may hawak ako sa politika at sa mga illegal na transaksyon at mapapapatay ko na ang mga gusto ko kahit pa ang mga ipis at langaw na hindi man lang nadudungisan ng dugo ang aking mga kamay.

Drug Lord. Kailangang magtake ng enterpreneurship or business course at pagkatapos pharmaceutical para maging drug lord. Malakas ang sales dito, lalo na siguro kung magkaroon ako ng mga puwesto sa mga malls kahit isang booth or boutique lang. Nais kong dalhin sa heaven ang maraming nilalang.

Papa Sang. Ang maging sikat na bugaw sa mundo ng boogie wonderland ay tagal ko ng pinakakaasam. Gusto ko maging middleman lang sa mga negosasyon, huwag lang ako yung gumagawa ng aksyon. Hindi naman ako papayag na ibigay ko ang aking virginity kung kani-kanino lang, masaya na akong makakuha ng 90% komisyon sa mga talents ko.

Porn Star. Napagdesisyunan ko na lang na hindi ituloy. Iba kasi magiging reaksyon ng mga viewers ko. Instead na ma-arouse ay baka magtatakbo sila sa kanilang kwarto magtalukbong sa kumot habang hinahayaang nakabukas ang ilaw sa takot oras na makita nila ang kahubdan na aking katawan. Instead na porn film ang ipapalabas ko ay maging horror movie at daigin pa sina Freddie Kruger at Sadako sa pananakot.

Simple lang naman ang mga pangarap kong yan. Matupad ko lang ang isa sa mga iyan, laking ligaya ko na at malamang daig pa ang orgasm na mararanasan ko once na madevirginize na ako. Pero kung mahihigitan pa nga nito ang orgasm ko, hindi rin yata ako papayag. Mas gusto ko yata ang ligaya sa orgasm!

Wednesday, March 28, 2007

Crying is Not Enough

Malapit na talaga katapusan ng Pilipinas. Kung mga artista nagiging politiko, ang mga politiko naman nag-aartista. Napanood niyo na ba yung audition tape ni Manay Tessie? Hindi ko nga alam kung anong talent search ang sasalihan niya, kasi tapos naman na Starstruck at wala naman na yung Star Circle Quest. Saka kung sakali mang meron pa, nangangamoy alimuom at lupa na siya para sa mga ganung contest.

Kung ako huhusga sa drama niya dun sa audition tape niyang ipinapalabas sa TV, naku bagsak siya. Hindi ko nga nadama yung mga nais niyang iparating. Akala niya naman sa ginawa niyang pag-iyak sa national TV matatalo niya ang superstoned... este superstar Nora Aunor o kaya ang dakilang Juday. Daig pa nga siya ng mga emo youtuberos sa pag-iyak. Kahit nga sa pagsayaw-sayaw niya noon hindi rin pasado. Malambot pa ang mga poste sa kanto kaysa sa mga kinakalawang sa osteoporosis na mga buto niya kaya nga di ko talaga maintindihan kung paano siya naging dancing queen!?

Kung gusto niya sanang sumikat komunsulta sana siya sa akin baka natulungan ko pa siya. Heto lang naman mga paraan para sumikat siya:

  • Sumali sa mga reality shows gaya ng PBB. Since hindi naman siya talented pwede siyang sumikat dito. Tulad na lang nila Kim at Gerald, sumikat kahit puro pa-cute lang ang alam.
  • Makiapid sa mga boyfriend ni Kris Aquino. Mabilis siyang sisikat, parang si Hope.
  • Magsuot ng mga kakaibang damit gaya ni Tessa Prieto-Valdez. Yun nga lang sa case niya magmumukha lang siyang matronang hindi mabili sa kalsada ng Timog Ave. at Baywalk.
  • Kaawayin si Gretchen Barretto. Sumisikat din mga kaaway nun.
  • Pausuhin niya ang kanyang dance move. Baka ungusan niya pa ang Itaktak Mo at Boom Tarat-tarat.
  • Gumawa ng sex scandal at ipalaganap sa internet at cellphone. Marami na rin ang kilala sa mga scandals, isa na diyan ang hotel heiress na si Paris Hilton. Pero kapag ang sa kanya na ang lalabas, hindi kaya maging curse ito sa mga cellphone at virus sa PC?
  • Sumali sa forbidden questions ni DJ Mo at siguradong magiging controversial siya kapag tinanong sa kanya yung "Dude, we know your gay" lalo kung sinagot niya sina Piulu, Sam Melbi, at Erik Santos. Ang masama lang kung umabot siya sa "Show me the puppies!" at patulan niya ito.
  • Baka sa excitement niya dun sa "Show me the puppies!" magkaroon na rin siya ng "Manay Tessie Gone Wild" video, kung saan binubuyangyang niya ang kanyang mga puppies.

Marami pang ibang paraan para naman makapasok pa siya sa showbiz, bakit pa kasi ganung audition tape pa. Kumunsulta kasi kagad kay Gina Alajar para magawa yun kaso parang si Gina na rin mismo nahirapan sa pag-arte niya. Kung ako sana kinunsulta niya baka natulungan ko pa siya kung paano sumikat. Nagsayang lang siya ng sandamukal na salapi sa kanyang TV audition tape ad.

Monday, March 26, 2007

Attending the Sunday's Concert

Ang mga Pinoy, lumaki sa mga noontime variety show. Tanungin man ang sinumang Pinoy na nagkalat sa kalsada, bata o matanda, lalaki o babae, may ngipin o wala, regular o irregular, single o married, normal o timang, may TV o wala, alam nila ang noontime variety show. Kultura na nga natin yan at bawat isa may kanya-kanyang paboritong variety show, GMA, ABS-CBN, IBC-13 at iba pang free TV stations.

Monday to Saturday, naghahari ang Eat Bulaga at Wowowee – pero more on game show itong Wowowee. Pero kapag Linggo na ang noontime variety shows, nagtatransform na akala mo bilog ang buwan at may lalabas na usok sa paligid at nagiging Koko Crunch… este Concert TV ang mga ito. ABS-CBN merong ASAP (Ako’y Sex Addict Po) at GMA merong SOP (Sex Orgy Please). Hindi ko nga maintindihan kung paano nagging concert TV ang mga variety shows na ito samantalang mga lalaki at mga babaeng nagngangawaan na tila mga buntis at nagle-labor ng natural at hindi C-section.

Hindi ako nanonood ng mga “Concert TV” na ito dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

  1. Lahat ng mga performers dito puro Birit Kings and Queens. Lahat na lang ngumangawa at tumitili. Kahit nga mga RnB, Soul, Rock artists nila bumibirit. Kaya siguro dumadami mga palengkera at bungangera sa panahon ngayon.
  2. Pinapakanta at pinagli-lipsync ang mga matinee idols at love teams. Isinama pa si Richard Gomez – buti wala siya ngayon. Malapit na pati mga palaka, bayawak, butiki, bubuli, dinosaur at iba pang mga uri ng reptiles at amphibians kakanta na rin.
  3. Pinapasayaw ang mga bakal ang buto at mga di nalalangisan ang mga joints sa katawan.
  4. May album na si Dennis Trillo. Ewan ko kung matino o mas hibang pa sa mga pasyente ng asylum ng Makati Med ang mga producers nito. Alam kong kasali siya – o may banda siya dati – pero sa pagkakaalam ko drummer siya at hindi vocalist. Hindi ko na lilibakin si Dennis Trillo dahil kapwa ko Taurean at ilang araw lang ang pagitan ng birthday namin.
  5. Ang mga champions at mga nanalo sa mga singing contest na lalaki ay naka-bra’t panty sa ilalim ng mga suits at damit nila. Malamang din na kapag inalis na nila ang mga pantalon nila naka-palda with peticott pa.
  6. At higit sa lahat, lingo-linggo na lang may birthday. Mapatapat lang sa week or malapit sa araw ng lingo ipagdidiwang na nila ito, with matching cakes, phone patch at video greetings ng mga kaibigan at mga pinaplastikang tao. Kahit yata kapatid ng kaibigan ng pinsan ng tiyuhin ng bayaw ng fans niya sinasama sa mga greetings.
Nang dahil sa mga iyan hindi na ako nanonood at mas pinipili kong makinig ng makalumang tugtugin na pinapakinggan ng mga peyrents ko sa Star FM kapag linggo. Unless ganito ang gagawin nila sa opening jingle ng SOP:

“Sex Orgy, Sex Orgy, Sex Orgyy…
Sex Or-gy, dito sa GMA! (2x)”

Nakakainis na talaga. Pero ilang months na lang birthday ko na, saan kaya mas magandang i-celebrate ito, SOP o ASAP?

-----------------------------------
Maiba muna, Philippine Blog Awards 2007 na sa Sabado. Hindi po ako pinalad na maging finalist. Sayang nga lang yung mga inalay kong mga dugo ng birhen sa altar ng dakilang Juday dahil hindi niya naman binigyang pansin ang aking hiling. Pero dahil naihanda ko na ang kasuotan ng alipin ko kaya kailangan niyang umattend. Isa pa sayang ang mga premyong iPod at cellphone. Kaya nga ipinadala ko na sa kanang kamay ko ang gatling gun para siguradong kami ang mag-uuwi nun dahil kung hindi, masaker ang mangyayari sa awards night!

E-mail niyo ko dito crost22@gmail.com

Friday, March 23, 2007

Wheel of Fate

Meron ang nag-iisang frustration sa buhay. Higit at natabunan niya pa ang frustration ko sa pagiging virgin at USB (Unloved Since Birth). Nang dahil sa frustration ko sa bagay na ito, maraming aspeto ng aking buhay ang naapektuhan. Matindi ang epekto nito sa akin at talaga namang nakakabagabag ang mga ito. Kaya't kumapit na kayo sa inyong mga silya at lamesa dahil matinding bagyo ang mababasa niyo dito at liparin ang bawat parte ng katawan niyo papunta sa Pasig River at kainin ng mga piranha dun.

Hindi ako marunong magbisikleta. Sa buong 23 taon kong buhay sa ibabaw ng crust at pananatili sa biosphere ng planetang earth, hindi ako natutong magbisikleta sa bike na dalawang gulong lamang. Kaya ko naman yun kung meron pa yung dalawang extrang gulong na maliit, magagawa ko pang magbalanse o hindi kaya pedicab, dahil tatlo ang gulong nun. Pero kapag dalawa lang, kapag ipinilit ko malamang ako'y mapapasubasob at masisira lang ang aking irresistably attractive highly stimulating uber handsome face at baka mawalan pa ako ng seductively arousing sex-appeal.

Nang dahil sa di ko pagkatuto magbike, ang laki ng epekto nito sa akin.

Walang balanse. Sa bike mahalaga ang balance, kapag wala nito, maaaring tumumba sa kahit anong side nito at magiging duguan dahil magagalusan. Kaya naman naging clumsy ako at walang balanse sa maraming bagay. Nauuntog, natatapilok, nakakatabig, nakakaapak at kung anu-ano pang bagay na clumsy talaga. Pero sa aking palagay, malakas na sex appeal itong pagiging clumsy ko, nawawala kasi ang respeto ng tao sa akin.

Hindi ako nakakalayo ng bahay. Dahil nga hindi ako marunong magbisikleta ang pinakamalayong napupuntahan ko lang mula sa bahay, ay ang likod-bahay lang namin. Nandun lang ako nakatunganga sa langit at nag-aabang ng babagsak na babae o kaya pera mula sa mga ulap.

Isa akong powerwalker. Mahilig akong maglakad, mabilis pa. Kahit malayo kaya kong lakarin, huwag lang naman mula Aparri hanggang Albay dahil ayaw ko namang magkapaltos-paltos ang paa ko at matunaw ang swelas ng sapatos ko. Pero dahil sa hilig kong maglakad at hindi natutong magbike, natuto naman akong magstrike-a-pose ala male fashion model. Lahat ng kalsada sa akin nagta-transform to catwalk.

Naging single at virgin. Heto ang malufet na epekto ng di ko pagkatuto sa pagba-bike. Naging USB at extremely delicious virgin ako dahil dito.

Pero napagtanto ko sa aking ultimately pathetic life na ang aking iibigin at magiging ang kaabang-abang kong soulmate ay ang babaeng magtuturo sa akin magbisikleta. Nakatadhana na siguro ito sa aking mga makalyong palad kaya hindi sa aking pinaubaya ang matuto magbike. Darating din yun balang araw... sana now na!

Wednesday, March 21, 2007

Sing and Die

Likas sa mga pinoy ang maging mahilig sa pagkanta. Nasa dugo na nga natin ang pagiging mahilig sa sex... este sa singing. Kaya nga patok na patok sa atin ang mga singing contest gaya ng Tanghalan ng Kampeon, American/Philippine Idol, Pinoy Dream Academy at Pinoy Pop Superstaar!!! Pero hindi lahat ng kumakanta ay blessed, marami din dyan ay sinumpa at tinalikuran ng mga awit at kanta, at karamihan din ay namamatay dahil sa mga awitin. Makarinig ka ba naman ng mga sintunado at mga pumipiyok ay malamang maposess kayo ng mga Spartan at bigla na lang mansibat sa mga mang-aawit.

Kung hindi niyo alam, naging glee club member ako during my puberty period, 13 years old, 1st year highschool. Tenor pa nga ako noon, pero saglit lang stint ko noon, kasi itinatakwil ako lahat ng mga awitin, isinusuka na ako at kulang na lang isumpa at gawin akong palaka. Sayang, hindi ko tuloy napaghusay ang aking singing prowess. Dahil kung sakali, laging babagyo at babaha na kasingtaas ng Enterprise building sa Makati tuwing linggo dahil makikita akong kumakanta sa SOP (Sex Orgy Please) o di kaya sa ASAP (Ako'y Sex Addict Po).

Maraming bagay ang dapat tandaan sa pagkanta upang maperfect at mapuri naman kayo ni Simon Cowell at hindi yung binging kaibigan niyo.

Range of Voice. Nagva-vary yan, depende kasi kung anong genre ang nababagay sa kanta o kumakanta. Kung kumakanta at hindi maintindihan ang mga letra o lyrics ng awitin at tipong nginunguya niyo na ang kanta, masuwerte kayo dahil isa na kayong diva. Kapantay niyo na sina Mariah Carey, Celine Dion, Whitney Houston at Regine Velasquez. Ayon sa Rule #1256 of singing, ang mga mataas na kanta/boses hindi na naiintindihan ang lyrics.

Huwag uminom ng malamig na tubig. Instead, uminom ng kumukulong tubig dahil tutunawin niya kung ano mang nakabara at pati lalamunan niyo. Mabuti ang clear throat para talaga namang maabot niyo ang mga tamang tono. Mabuti rin kung samahan niyo na ng chlorox para mas malinis at germ free.

Kumanta sa tubig. Sina Regine at Sarah ginawa ito at magandang gawin rin ito. Nakakatulong kasi ito para sa proper breathing at exercise sa diaphragm kapag kumakanta. Mas maigi ito kung ilulubog na rin ang ulo. Maghanap ng kasama para siya ang magtulak ng ulo niyo sa ilalim ng tubig at i-make sure niyang hindi na humihinga ang nakalublub.

May kantang pamatay at nakamamatay. Heto yung mga kantang pang-suicide at pwedeng gamitin sa mga giyera dahil nagiging warsong din ito. Kaya kung nais ng magpakamatay o gumawa ng gulo, kantahin lang ang "My Way" at "High" at samahan pa ng nakakainis na boses ng kurikong at lagyan pa ng kakaibang kurbada ang boses. Sureball ang gulo sa mga kantang iyan.

Kaya kung sasali kayo sa mga singing contest at kahit sa videoke dyan sa kanto, tandaan lang ang mga bagay na yan. Maghanda na rin ng barong tagalog or any formal dress at ipaghanda na rin ang mga janitor ng mga mop dahil magiging madugo ang kompetisyon.

Monday, March 19, 2007

The Great Escape


Nakatingin ako sa salamin, tinitingnan ang aking sarili. Nag-aayos ng buhok, naggugupit ng tutsang sa ilong at sinisipat ang bawat pores ng aking ilong. Maraming blackheads at may ilan ding pimples na tinatawag ako at sinasabing "Tirisin mo na ko, c'mon honey!" Pinipilit kong labanan ang tawag niya ngunit ang mga daliri ko ay may sariling utak at tinahak ang daan patungo sa tighiyawat.

Dumampi na ang mga daliri sa zit nang biglang dumilim at lumabas mula sa kadiliman si Charo Santos-Concio. Papalapit na siya sa akin nang biglang nalaglag mula sa kawalan ang isang black na piano at nabagsakan si Madam Charo. Tumingin ako sa taas upang hanapin kung saan nanggaling ang mahiwagang piano ngunit sa gulat ko may nalalaglag pang muli. Si Mr. C ang nalalaglag. Bumagsak si Mr. C sa upuan ng piano, nagpagpag lang ng kaunti at nagpatugtug sa piano ng isang malamyos na musika. Nagwater-effect muli ang paligid.

11 years old ako noon, halos kakasimula pa lang ng summer vacation at ilang araw pa lang natatapos ang klase. Ginising ako ng umagang iyon ng aking ina "Anak gising na, magpapatule daw kayo!" Nagulat ako at tila bumagsak ang upper deck ng aming double deck at napisak ang utak ko sa mga nasambit ng nanay ko. May libreng patule kasi ang madalas na ginaganap sa aming wasted crazy town dito sa Pasay. Hayun nag-ayos na nga ako, wash wash ko lalo dun sa patotoy dahil nga tutuliin na kami.

Dumating kami doon sa eskwelahang gaganapan kasama ng pinsan ko at isa pang kababata - pinsan ng pinsan ko. Marami ng mga batang lalaki ang nakapila din upang maging ganap na silang lalaki paglabas sa silid na ginaganapan ng ritwal. At siyempre dahil kasama namin ang lolo ng mga kasama ko at may katungkulan siya sa baranggay at kinikilala sa aming wasted crazy town isiningit at pinauna kami sa pila. Regal shockers, kinakabahan na ako, hindi dahil sa natatakot ako kundi dahil hindi pa ako handang tanggalan ng excess skin sa aking patotoy. Aba gumising ba naman na bubulaga ang ideyang pagpapatule sa mismong araw at oras ding yun. Kailan din siyempre ng preparation at basbas ng mga santo at ng mga disipulo ni Juday!

Nag-excuse muna ako sa eksena at sinabing iihi muna ako. Sumunod naman itong kababata ko - pinsan ng pinsan ko - at pagkatapos naming sundin ang inuutos ng kalikasan nag-usap kami. Ganun din siya hindi pa siya ready, so nagdevice kami ng plan ng pag-eskapo. Aakalain mo kami'y mga munting kriminal na nais tumakas sa paaralang mistulang torture chamber ng mga panahong iyun. Tumingin kami sa likod, may pader ngunit masyadong mataas ang pader at baka mapilayan lang kami kung sakali. Ibang plano ulit, kaso kailangang sa front gate kami dumaan. Kaya hayun, sinipat namin ang mga lugar na pwede naming daanan at hindi kami mapapansin basta-basta. Pagkatapos sipatin, hayun tumakbo kagad kami ng matulin at umalis sa lugar. Alas, successful ang misyon at nakatakas na kami sa torture chamber. Kaya ayun ng pag-uwi, basyo ako ng mommy dahil naging successful ang pagtakas namin.

Sumunod na taon, naging successful ulit... pero hindi na kami, kundi ang mga doktor na nagtule sa amin. Lumipas ang ilang panahon, nadiskubre ko ang iba't ibang bagay tungkol sa aking patotoy. Ngunit lumipas ang ilang panahon, hindi pa rin siya nagagamit into good use!

Tumigil ang pianong pinapatugtug ni Mr. C dahil binuhat at hinagis ni Madam Charo ang piano. Samantalang dumating si Mel Tiangco at sinugod si Madam Charo. Nagsabunutan sila at nagbuno sa sahig, dumugo ang mga nguso at namaga na ang mga mata. Patuloy pa rin sila sa pagrambol. Pipigilan ko na sana sila upang kausapin si Madam Charo at pakiusapan siyang ipasok ako sa showbiz, ngunit nagwater-effect ang paligid. Nasa harap na akong muli ng salamin at tumalsik ang pus dun. Pumutok na ang aking taghiyawat.

Friday, March 16, 2007

Gettin' Hot!

Its gettin hot in here (so hot)
So take off all your clothes
I am gettin so hot, I wanna take my clothes off
Hot in Here by Nelly

Napanood niyo na ba yung "An Inconvenient Truth"? Ako kasi hindi pa, baka gusto niyong ipahiram ang DVD niyo nito, well kung wala naman, payag na ako sa porn! Ang An Inconvenient Truth ay isang documentary na ipinapakita ni Al Gore yung mga epekto at mga maaaring maganap nang dahil sa dinadanas na global warming.

Talaga namang nakakabahala na itong global warming na ito. I'm so hot na nga. Nag-iinit na ako ng sobra-sobra. Kung napapansin niyo pwede ng ilagay sa straight jacket ang weather ngayon dahil nagiging retardate at nabubuang na siya. Nariyan na ang mga bagyo't hurricanes na sumusugod sa iba't ibang bansa, El Niño phenomenon. Kapuna-puna rin na epekto ng global warming ang mainit na ulo ng mga drivers sa gitna ng trapik, mga nag-uuramentadong customers sa mabagal na serbisyo ng mga fastfood chains, supladang mga teller at tindera sa mga malls at ang pagiging malibog ng maraming tao.

Sino ba ang hindi nag-aalala sa kakahinatnan nitong global warming? Lahat naman tayo natatakot sa maaaring mangyari, kaya kahit magtago pa kayo sa ilalim ng kumot ay wala ding mangyayari dahil mas papalalain niyo lang ang problema, mas lalong iinit. Hindi lang naman si George W. Bush, PGMA at ang USA ang magugunaw - well, sana nga sila na lang - kapag lumala na ang global warming, lahat tayo madadamay. Malulunod tayo sa baha ng maalat na pawis at maso-suffocate tayo ng putok sa kili-kili dahil mawawalan na ng epekto ang mga deodorant-antiperspirant. Kaya naman we should do our part, kahit man lang sa maliit na bagay para sa ikakatulong sa ating kapaligiran.
  • Huwag ng huminga. Dahil nagpoproduce tayo ng carbon dioxide kapag nag-e-exhale mas mabuting pigilan at huwag na tayong huminga. Masama kasi ang carbon dioxide sa ating ozone layer, nabubutas ito.
  • Huwag ng kumain ng gulay o kahit anong nasa halaman. Ang halaman kasi nafi-filter at kinoconvert nila ang carbon dioxide to oxygen. Dahil konti na lang ang mga halaman at puno sa paligid, mabuting iwasan na natin ang pagkain ng gulay. (Sinusuportahan ko si Benj sa kanyang pagpoprotekta at pagliligtas sa mga gulay)
  • Iwasan ang pagkain ng kamote. Nagpoproduce ito ng napakabahong at nakakaduwal na utot. Masama yun sa ating katawan at ganun din sa kapaligiran dahil meron itong methane.
  • Manood ng porn, makakatulong ito para maging green ang inyong utak.
  • Huwag ng gumamit ng fridge. Nagpoproduce kasi ito ng CFC. Kaya mabuting mag-imbak na lang kayo ng asin pangpreserve ng pagkain o kaya ibaon ang mga stocks ng pagkain sa ilalim ng lupa.
  • Magdala ng mga buto at itanim ito kung saan-saan, sa school, sa kalsada, sa park, sa bunganga ng kaibigan, sa kama ng kapitbahay, o kaya sa mata ng juwawhoopers.
  • Tigilan ang paninigarilyo (at marijuana) dahil sinusunog nito ang mga baga niyo, mga tao sa paligid, mga kabahayan at ang ozone layer. Mabuting kainin niyo na lang iyon, busog pa!
  • Ugaliing makipagpopoyan, dahil mainam ang sex sa ating katawan. Benefits sa kapaligiran? Malay ko, gusto ko lang kasi maisama ang sex sa tips ko.
Kailangang magtulungan na tayo para masagip natin ang ating mundo sa lumalalang kalagayan nito. Kung kaya't tayo na't magkapit kamay, sama-sama, sabay-sabay tayo. Ilabas na ang conga, gitara, beer bong at pulutan, tara na at magtungo na sa beach. Hubarin na ang damit at ipakita ang mga hubog ng katawan sa suot na bikini. Ipangalandakan ang inyong mga booties sa suot niyong thong at sumayaw sa saliw na tugtuging "Thong Song".

Tuesday, March 13, 2007

Dying in Hell with the Spartans


One week ago nasa sinehan na naman ako. Opening kasi last week, March 7, ng 300 at syet ang lufet. Ang dami nga ring nanood, box-office talaga. At syempre dahil pasosyal ang inyong abang lingkod, sa cinema 3 ako ng G4 nanood para guaranteed seats and guess what kung saan ako nakapuwesto, sa mismong harap ng screen, middle column sa corner. Fave spot ko kasi mga dulo ng mga rows para hindi sagabal kapag ako'y tutungo ng CR upang sundin ang tawag ng kalikasan kung sakali mang naparami ako ng iniinom na iced tea habang nanonood.

Dahil nga nasa harap ako ng screen pakiramdam ko meron pa rin akong 300 hangover. Ganun kasi ako kapag maganda ang movie nagkakahangover ako. Kahit nga one week na ang nakakaraan sumisigaw pa rin ako ng "Aahu!" Matindi pala talaga tama ng isang pelikula kapag sa harap ka mismo manonood. Nakaka-high parang drugs na sinisinghot gamit ang tenga. Trip ko na nga ang fashion statement ng mga spartans, baka one of these days magsuot na ako ng pulang kapa at loin cloth lang. O kung talagang mas matindi, yung red cape na lang, wearing that and only that. Trendsetter ako nun kung sakali!

[Spoiler Warning: Plot and/or ending details follow, pero dahil alam kong matigas ang mga bunbunan niyo, ipagpapatuloy niyo pa rin ang pagbabasa nito]
Natuwa ako ng husto doon sa movie - hindi lang dahil sa malufet na battle sequence, cinematography, at visual effects - dahil sa sandamakmak na utongs at nipples ng mga iilang babae sa pelikulang ito. Ang unang nagpakita ng nipple ay yung si Oracle, mapula. Erect ang mga nipples niya, squarish na nga kapag sideview. Ang pagkakaalam ko ang cause ng erected nipples ay lamig o di kaya arousal. Hmm... na-arouse nga kaya si Oracle dun sa mga nakakaduwal na mukha ng councils? Ganun na ba ang bagong tipo ng mga kababaihan noon, yung mukhang yakee kadiring Quasimodo? Kung sakali palang nabuhay ako noon hindi siya malilibugan sa mukha kong saksakan ng sex-appeal at nag-uumapaw ng Niagara falls sa kagwapuhan, sayang naman, crush ko pa man din si Oracle at ang kanyang utong.

Mabalik tayo sa utong... este sa 300, may ilan pang daring scenes ng mga utong kaya ginawa itong rated-R, di lang sa ating bansa kundi sa iba pang pinalabasan nito. Nakakadismaya nga lang ang pelikulang ito dahil nabigo akong makita ang pinakaaasam-asam ko. Hindi yung utong, dahil marami nga nito sa pelikula. Wala ang tunay na Spartans dito, yung mga Spartan slippers. Nabigo akong makakita ng 300 pairs na Spartan slippers. Hindi pala ito tungkol sa mga tsinelas, kaya nalumbay ako sa pag-uwi. Nabigo ako, ang sakit sa damdamin, umaagos ang tsunami ng aking dugo palabas ng aking puso. Kaya naman parang gusto kong pumunta dun sa takilyera at hingin ang aking ibinayad sa kabiguan ko. Nakakapanghinayang talaga.
[Spoiler ends here, at sana hindi ko naman na-spoil ang mga kinakain niyo]

Dahil nga nabigo akong makita ang 300 Spartan slippers, inisip ko na lang ang mga utong ng mga kababaihan sa pelikula upang bumalik ang gana at upang ma-arouse. Doon ko na-realize na maganda naman pala ang pelikula. Salamat sa mapulang nipple ni Oracle! Isa ko pang na-realize, kaya Spartan ang ipinangalan sa ating pambansang tsinelas dahil nga sa tibay nito gaya ng mga Spartans sa battle of Thermopylae. Kaya naman si Achilles ay namatay noong napana siya sa kanyang heel dahil ang ginamit niya diumanong tsinelas ay Havaianas. Kung kaya ako, Spartan pa rin!

FYI: Ang Spartan Sandals ngayon ay under na rin ng Islander Sandals

Monday, March 12, 2007

Want to have a Pearly Skin?


Sa mga nilalang na taghiyawatin at mga pimpolin dyan bagay sa inyo itong post ko ngayon dahil pwede na kayong yumaman. Basta magbasa na lang kayo kung paano kayo yayaman.

Kilala ang bansa natin bilang Pearl of the Orient, malamang alam niyo na kung bakit at di ko na yun i-eexplain pa dahil alam niyo naman na siguro yun, at kung hindi pa naman ay bahala na kayo, kumuha na lang kayo ng kawali at ipukpuk niyo sa ulo gamit ng inyong sakong. Kung paano iyun hindi ko na rin alam.

Isa ang perlas sa mga precious jewels at marami ang bansa nito. May mga worth 100 pesos meron din naman yung mas mahal pa sa buong buhay niyo at hindi niyo na mababayaran forever and ever and ever dahil sa mahal ng presyo. Kung can't afford naman meron din naman dyang mga bulitas o kaya holen na pwede niyong gawing alahas.

Ang perlas nabubuo yan sa shells. Isa silang irritation sa sensitive inner tissue ng mga shells. Kapag napapasukan sila ng foreign object (gaya ng butil ng buhangin), nagfoform sila ng protective layer dun sa irritation na yun. Habang tumatagal, kumakapal at nagpapatung-patong ang mga layers hanggang sa mabuo ng pearl. Ang perlas ay taghiyawat ng mga shells.

So kung pimpolin kayo, pagkakataon niyo na para yumaman at pagkakitaan niyo ang mga pimples niyo. Hindi yan peste sa mukha ikayayaman niyo yan. Kaya kung gusto niyong yumaman heto gawin niyo:

  1. Huwag maghilamos ng mukha, hayaang maging madumi ang face at magculture na kayo ng pimples.
  2. Good thing kung acne-prone ang balat niyo, mas malaki ang kikitain niyo, kaya i-culture na. Kung hindi naman kumain kayo ng isang drum ng mani at nga mga oily foods. (Though hindi pa proven kung may kaugnayan nga ang mga kinakain sa pagkakaroon ng zits, marahil ito ay sa allergic reaction sa kinain.)
  3. Kapag may tumubo na ang pimple o zit, huwag itong gagalawin o titirisin. Hayaan itong lumaki kasing laki ng golf ball at kung kakayanin niyo pa hanggang bowling ball. Mas mahal kasi ang Pearl of Allah!
  4. Huwag pa ring maghilamos ng mukha lalo kung hindi pa nahihinog.
  5. Kapag hinog na, maari niyo ng i-harvest ang nanigas na nana... este perlas sa inyong mukha at maari ng ibenta.
Maaari na talagang pagkakitaan ang mga zits niyo. Afterwards nga lang pwede na kayong pumunta sa labas ng earth at mag-orbit na rin sa paligid ng earth at palitan na ang pwesto ng buwan dahil sa sandamakmak at mga mala-crater na butas na mangyayari sa inyong mukha. Pero madali lang naman solusyunan yan, kung hindi madadaan sa masilya maaari na kayong gumamit ng graba at semento sa inyong face. Kung talagang malaki, komunsulta na kayo sa construction o kaya sa DPWH para sila na mag-ayos ng inyong mukha.

Friday, March 09, 2007

When Heroes Battle

Naaalala niyo pa ba ang aking best friend kong si Em-em, the MetroMan? Nag-email kasi ulit siya, like sa mga emails niya sa akin problema na naman. This time hindi naman na sa work niya ang problem, personal life niya naman. Na-interview kasi siya sa isang radio show sa US. Quite controversial yung sagot niya kaya hayun, naeskandalo. Let me share it with you.

My best friend Billycoy,

Hi! Kamusta ulit? I'm totally pissed off again. Pasensya na if all my e-mails are puro problems na lang palagi, I don't have enough friends here kasi. My colleagues in JLA are assholes and mga friends ko naman sa society here are sooo tupperwares, the hell with them talaga!

I'm dissed with this Enerva girl, she made me enter to a scandal kasi. The biatch! Paano ba naman kasi, I had an interview with this radio show. They have this segment kasi na 'Forbidden Questions' like you know, they were asking me with controversial questions. I made sagot naman with all transparency and honesty. I'm just being blatantly honest para maging good rolemodel sa mga youths here, there and everywhere. Unlike those colleagues in JLA, they are so Orocanic.

The question that puts me into scandal is the question "Have you ever had a one-night stand? With whom?" I answered "Yes, with Enerva." Na-put ko in electrifying shock yata ang mga people here with my answer. There is a controversy kasi regarding with Enerva. She's a real oozing venusian beauty kasi, maganda voice niya but the problem with her, she's sooo muscular. She has a beautiful face with a body bigger than Arnold Schwarzenegger!

Nothing really happened to us, actually I am making a favor nga for her para mas makilala siya. One time in a bar kasi, I was totally drunk, but my alaala is still strong. I met her, we make pakilala to each other. Then there, I fell in love with her face, so we make out. Until we banged into her room. She stripped my clothes off and I can't resist kasi she is sooo strong, mas malakas pa yata than with that jackass Superman! We were so aroused but when I stripped off her clothes, I was really really shocked. My jaw dropped and made a hole on the floor, I feel my head nearing to make sabog like the Atomic Bomb in Hiroshima!

Enerva has a wang! Her wang dropped and dangled at talagang it made sayad na sa sahig! Big eww!!! She tried to make lapit to me, but I resisted so I kick her and then blast off from her room. Big eww talaga the moment I saw it, I wanna make suka all my lamanloob over her. This Enerva is a shemale pala, eww talaga, and I kissed her pa with my tongue roaming her mouth. Yuck!!! I'm disgusted that night with her and with myself! Big eww everytime I remember that!

Days after dun sa interview, Enerva and I crossed in front of Tiffany's here in New York. She suddenly made sampal me on the face, with her lakas ba naman so I threw off the air. Buti na lang I knew how to brake in air or else I will make largescale damage here in New York if I made tama with the buildings. I did not make patolling her kasi for me being a gentleman I don't want to hit her. She flew to me and she want me to apologize ba naman! The biatch! I did not make hingi ng tawad to her nga, so I just flew off na lang. Siya dapat ask for apology kasi she or he violated me. If I knew she or HE was a shemale, I would have not tried to kiss her. My only fault was being too gwapo to attract everyone!

Ahh! I don't want to make isip na nga that, I'm having goosebumps and make me wanna puke everytime I think of that. Sana lang may supervillain na dumating so I can make buhos all my anger to him na lang.

Till here na lang, I think I'm gonna puke na kasi.

Ciao.


Your best friend,
MM

P.S.
My mom arrive pala last week and she wanna say hi to you. I'm teaching her to write e-mail na nga para siya na mag-email and make kamusta to you.


Kay lufet talaga ng tadhana para kay Em-em. Lagi na lang siyang minamalas, dati sa work, ngayon sa personal life naman. Kakaawa talaga. Ano ba ang maitutulong ko sa kanya this time? Kahit ako kinikilabutan sa kwento niya!

Wednesday, March 07, 2007

Get Your Packs Ready

Summer na at malamang may mga plano na para sa bakasyon. Malamang sa mga malalayong lugar ang mga pupuntahan ng mga pamilya, barkada o colleagues niyo. Sandamakmak na experiences na naman ang maitatabi. Syempre kaakibat ng masayang bakasyon ang mahabang biyahe lalo na kung from Ayala to Guadalupe, napakalayo nito at exciting. Iba't iba ang paraan para makapunta sa mga vacation spot na patutunguhan:

Sea Travel. Exciting talaga ang travel kapag sa cruise ship o kaya mga barko lalo't kung mahaba ang araw ng bakasyon niyo. Pwedeng gawin sa railings at sumigaw ng "I'm the king of the world." Masarap ding maranasan kahit pa yung seasickness, kaya i-treasure ang suka sa first sea travel at ilagay ito sa sealed pack. Masaya ring pakiramdam na may mababanggang iceberg yung ship at saka ibabaligtad ng dambuhalang tidal wave. Pagkatapos may lalabas na higanteng pusit mula sa ilalim ng ocean at hihilahin ang barko pailalim. Calming ang experience na ito.

Air Trip. Ngayong pa lamang ay nagbabagsakan na ang presyo ng airfare para sa summer getaways. Mabilis at masarap ang pakiramdam na nasa ere ang sasakyan habang kapiling ng mga ulap. Saka yung pakiramdam na parang akala mo bubulusok ito sa ere at tatama sa dalawang mataas na tore sa New York. Magandang experience yun lalo na kung may mga missiles na humahabol sa eroplano at may mga ahas na nagkalat sa loob nito. Hayun ang perfect experience sa eroplano.

Land Travel. Kung hindi naman kalayuan ang pupuntahan at hindi necessary ang barko o eroplano, dito na lang kayo. Kung may sariling sasakyan good to go na, minsan kahit bus na lang. Masaya ito lalo kung kasama ang mga cool na barkada, kahit pa magsiksikan sa sasakyan. Exciting ito kung sa bawat stop-over sa mga di kilalang lugar may nawawala isa-isa. Pagkatapos mafaflatan pa, kaya magpapatulong sa tao sa malapit na talyer o bahay. Papatuluyin kayo dun sa loob ng bahay at makikita niyo ang iba't ibang parte ng tao na nagkalat doon sa loob. Magmamadali ngayong tumakbo sa sasakyan ngunit sa pag-start ng makina hindi kagad ito tatakbo at may nilalang na may hawak ng chainsaw at papalapit sa inyo...

Masaya talaga ang bakasyon lalo't exciting din ang travel experience. Hindi naman kasi makukumpleto ang inyong bakasyon kung walang biyahe kasi paano naman makakarating sa paroroonan kung nakatunganga lang kayo. Dapat sa biyahe pa lang enjoy na, para kahit pa sa smokey mountain ang pupuntahan may memories kayong maitatabi sa mga wallet at photo album.

Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano at barko, virgin din ako sa mga ganun. Sana may magsponsor sa akin para magawa kong makasakay sa mga iyon. Pero sana lang may mag-sponsor sa akin ng bakasyon sa Amanpulo. Kahit pa languyin ko mula Manila Bay hanggang Amanpulo basta mabigyan lang ako ng sponsorhip upang makatuntong sa ginintuang islang ito. Kapag ako'y napagbigyang makapunta dito dadalhan ko kayo ng buhangin bilang pasalubong. Pwede yatang isangla ang buhangin ng Amanpulo!

Monday, March 05, 2007

Politics Vegetation

Sa mga 18 years old dyan at sa mga 18 years nang bumoboto dyan, naka-decide na ba kayo kung sino iboboto niyo? Ako hindi pa, kasi hindi ko alam kung may matino pang mga kandidato sa mga panahon ngayon. Isa na diyan si Prospero Pichay, dahil isa siyang mutant... isang GMO (Genetically Modified Organism).

Hinding-hindi ko iboboto ang nilalang na ito dahil altered genetics lang siya mula sa halamanan at taniman ng pechay. At kaya hindi ko rin siya iboboto kailanman dahil hindi naman niya sinasabing iboto siya kundi itanim. Hindi ako papayag na gawing bukirin ng Pichay ang senado. Hindi naman suggestable na gawing taniman ang senado dahil covered ito, hindi lang maaarawan ang Pichay dito. Ang mga halaman kailangan ng araw yan dahil dun sila kumukuha ng energy, malaking kawalan sa mga Pichay ang walang araw.

Hindi rin ganun kadali mag-alaga ng mga Pichay, dahil kailangan ng maintenance niyan. Lalagyan mo ng fertilizer, tutubigan mo para talagang maging maayos. Papayag pa ba kayong magkaroon ng Pichay sa senado?

Paano itatanim si Pichay sa senado?

  1. Ang mga halaman kailangan ng buto, at si Pichay may buto rin. Kaya kailangan hintayin mo muna siyang maagnas o di kaya patayin para makuha ang mga buto niya. Unless, kahit buhay pa siya ay huhugutin mo na ang mga buto sa katawan niya.
  2. Pumili ng matabang lupa at lugar na maaarawan ang halamang Pichay. Sa case ng senado, tibagin ang semento at bungkalin ang lupa na pagtataniman. Butasin din ang mga kisame para papasukan ng araw.
  3. Alagaan ang tanim na Pichay, diligan araw-araw at lagyan ng pataba.
  4. Makalipas ang ilang araw tutubo na si Pichay sa pinagtaniman at maaari ng pitasin at manungkulan sa senado.
Hindi ako magtatanim ng Pichay, dahil kapag itinanim siya aabot sa 206 na Prospero Pichay ang tutubo - dahil may 206 na buto ang tao. Masyadong magiging crowded ang senado kung sakali at mapupuno ito ng Pichay. Lalo na't nasa corner ng administrasyon siya. Unfair lalo na sa oposisyon, dahil wala naman silang mala-gremlins din na kandidato. Kahit pa 23 lahat ng oposisyon kung 206 naman ang kalaban na Pichay na maka-administrasyon, wala silang panama.

Sa pagkakaalam ko, nailagay na rin ang ilang parts at juices ni Pichay sa instant noodles, ingat kayo sa pagkain nito baka mainfest ang utak niyo ng Pichay.

Papayag ba kayong may gulay tayo sa senado? At kapag tumubo ba ito bibilhin at kakain ba kayo? Aaprubahan kaya ng BFAD ito? Masustansiya kaya ito? Tatakbo rin daw si Victor Wood na Senator, susunod at lalaban kaya si Madame Auring sa kanya? Totoo kaya ang Atlantis?

Friday, March 02, 2007

Relive the Crowning Glory

Wala ka na naman bang buhay? Nababagot sa mga paulit-ulit na mga ginagawa? Nalulungkot dahil sa dry at matamlay na buhok? Sawa ka na ba sa mga produktong walang ginawa kung hindi paasahin lang na mapaganda ang inyong buhok? Lifeless ba ang iyong hair? Nagugutom k na ba? Heto ang bagong produktong bagay para sa inyo!

From the company that brought you BB System™, we now introduce you another breakthrough product.

Introducing the All-New Hairlicious™ Flavoring Shampoo.

Bigyang buhay ang inyong walang kwentang mga buhok with Hairlicious™ Shampoo. Hindi lang siya basta shampoo, may iba't ibang scent at variant para gawing alive ang buhok. Hindi lang siya buhay, ngayon magagawa ng makain ang buhok dahil sa Hairlicious Shampoo. At dahil sa iba't ibang flavors ng Hairlicious Shampoo talagang masasarapan kayo sa pagkain ng inyong buhok. Hairlicious Shampoo comes in Roast Beef, Pinakbet, Papaya, and Fried Chicken.

Roast Beef. Mahilig ba sa beef? Heto ang bagay sa inyo, Hairlicious™ Roast Beef Shampoo. Amoy pa lang, roast beef na! Matatakam ka sa sarap at amoy ng roast beef kaya kumuha lang ng strand at nguyain, malalasap ang lasa ng tunay na baka.

Pinakbet. Bagay sa mga mahilig sa mga local dishes. Sa amoy pa lang, malalanghap na ang bagoong, kalabasa, talong, okra at iba pang mga sangkap sa pinakbet. Kumpletos rekados na, buhok pa lang ulam na!

Papaya. Naghahanap ng healthy fruit dessert? Heto meron na para sa mga buhok niyo. Ang amoy, galing sa natural na papaya na amoy poopoo. Kaya kung nae-engganyo at naghahanap ng papaya, pitasin lang ang buhok at kainin, papayang-papaya ang lasa.

Fried Chicken. Everybody's favorite. Sino nga ba ang hindi naghahambing ng ibang karne sa manok? Halos lahat yata paborito ang manok. Craving for that famous fastfood chicken, now it's in your hair. Tikman ang sarap ng manok sa buhok at baka sa susunod maghanap ka na ng gravy.

So ano pang hinihintay niyo? Bigyang buhay ang inyong buhok at ang inyong sikmura, bumili na ng Hairlicious™ Flavoring Shampoo. Siguradong kakainggitan ka ng kapwa mo kapag meron ka na nito. Huwag ng magpahuli.

But wait there's more... If you order now, makakatanggap ka ng libreng eyspeysyal blue na tabo. Perfect pampaligo lalo kung sira ang shower niyo. (Limited supplies only, unless gusto niyo ng pink)
Makes your hair incredibly delicious.

Ano pang hinihintay niyo dyan? Huwag na kayong tumunganga at tumayo lang dyan, sugod na sa telepono at umorder na!

*Also available in Durian, Tinola, Blueberry Cheesecake and Binagoongan Flavor.