Sinumang nasa baba ng estado sa buhay ay nais tumaas. And most Filipinos are down there. Halos lahat gustong yumaman. Umaasa lagi sa lotto at pinapadugo na ang mga utak at kamay sa pagtatrabaho. Marami ring nilalangoy pa ang pacific ocean at lumilipad sa stratosphere para lang makapunta sa ibang bansa at doon magtrabaho. At talaga namang nakakainggit yung mga taong kumakain ng masasarap na mga pagkain sa mga hotel, ang sarap tadtarin at i-mince naman yung mga umiinom ng kape sa mga coffee shops at pa-english-english pa na alam naman nilang hindi nila afford at mas marami pa silang dapat pagkagastusan kaysa sa sa worth Php 100 na kape.
Naku, ang mommy ko, araw-araw yang tumaya ng lotto. Kabisado ko na nga yung mga bola sa bawat araw; Megalotto/4 digits kapag MWF, Regular/6 digits kapag Tuesday and Saturday, Superlotto naman kapag Thursday. Grade 6 pa lang ako, 12 years old, nagtataya na ako sa lotto. Bawal yun, pero nakakalusot ako kasi matangkad naman ako... pero hindi ako mukhang matanda, bebefes yata ako! Sa araw-araw na taya ng mom ko, puro balik-taya lang lagi ang panalo niya, minsan lang yung mga 500 saka yung mga thousands. Ewan ko ba, bakit ba laging umaasa dun si mommy. Malay mo nga naman manalo kami, one of these days... Sana nga manalo na ng jackpot si mommy para magkaroon na ako ng sariling bahay at makapag-uwi na ng babae... I mean pintura at mapinturahan ko ng gusto kong kulay ang aking bahay.
Bukod sa lotto, marami pa namang pwedeng gawin para yumaman. STD lang yan, sabi nga ni Manny Villar... ay di pala STD, ST pala. Mag-ST sa mga bars at kung saan-saan pa... ganun din STD rin abot mo. Pero bukod sa mga yan, marami pang iba.
Mambugaw. Hindi ito yung pambubugaw ng mga langaw sa mga lugawan o palengke. Heto yung pambubugaw sa mga kalsada ng Malate, ilang parte ng Makati, saka sa Quezon Ave. at Timog Ave. Kapag naging successful sa ganito, pwede ng magtayo ng sex den at whorehouse. Make sure lang na sinusuplayan ang kalapit na presinto ng iyong mga produkto. Pero sabi nga ni Robbie Williams "Pimpin' ain't easy".Napakarami pang paraan para yumaman, pwedeng maging politiko, druglord, Mafia, sindikato at kung anu-ano pa. Ayoko lang i-elaborate baka kasi sabihin na bad influence na ako. Pero kung gusto niyo ng easy money, magtaya na lang kayo sa lotto. Basta be sure na nasa legal age na kayo sa pagtaya. Balatuhan niyo na lang kami kapag nanalo kayo!
Mag-sideline. Kung lagi kang naka-cherry sa dart, pwede ka na dito. Maghitman ka, kung gusto ng mas maayos na term, eh di assassin! Bigtime ang kita dito, lalo kung bigtime ang client niyo. Pero kung ang titirahin niyo lang yung mga pedicab drivers, wala kayong mapapala, unless gusto niyo silang maging practice target. Sayang nga lang sa bala at effort.
Mangolekta. Kung meron kang isang milyong kaibigan, hingan mo sila ng tigpipiso at ipunin, yayaman kayo tiyak. Ok lang kung kahit libo lang o yung mga friends mo sa friendsters, myspace o multiply, basta araw-arawin lang, makakaipon na kayo nun!
Magpanggap. Pumunta ka sa isang tribu at sabihin sa kanila na ikaw ang reincarnation ng kanilang dating hari. Hindi ka man mayaman na katulad nila Bill Gates, feeling mayaman ka pa rin naman, kasi marami kang tagasilbi at maraming alay ang ibibigay sa iyo. Yun nga lang, baka di mo na maatim na tingnan ang iyong hitsura sa salamin dahil masulasok ka sa sarili mo na nakabahag o anu pa man.
19 comments:
ako ay sadya namang walang suwerte sa number games at anu mang tikets...
susme... as far as i can remember, kinder pa lang ata ako e bumibili na ako ng tiket sa national red cross na talaga namang nakakabighani ang premyo... isang tumataginting na P10,000 sa first prize! pero nakagraduate na ako't lahat... wala pa din! huhuhuhu... :(
Muntik kong natapon ang iniinom kong kape, habang binabasa ko ung comment mo sa entry ko! nyahahah!
ganun tlga tayo, hanggang kaya natin, para lang makahangon sa buhay khit anong paraan payan. tamo ung mga gang-gang na lumalabas. pati mga nanalo sa wowowiw hinuhuthutan. heheh!
huwaw bebefes ka pala combatron!! wehehehehehe ^^,
hindi pa ako naging swerte sa mga games na ganyan, hindi pa ako nanalo ng more than P100, hehe!
closest one was a raffle draw of P100,000 back in high school. 4 digits ang bawat ticket, yun unang 3 digits, tumama ako, pero sa last digit, sumablay pa, hehe..
lotto... pangarap ko dating tumaya sa lotto nung bata pa ako kasi hndi pa ako pwedeng tumaya dahil underage ako... pero ngaun, khit pwede na, ayoko na... ang haba ng pila, eh! hehehe...
naiinis nga rin ako sa mga taong nagiistarbaks partly because they're trying to climb the social ladder. pero ang mas matindi ay yun ngang pagbabayad nila ng 100 para sa isang baso ng kape. (no offense meant to starbucks customers)wala lang. siguro dahil hinndi ako umiinom ng kape kaya mas lalo kong hindi maimagine ang sarili kong naga-avail ng coffee sa ganung cost. practicality is what we need. hehehehehehe.....
next... yung lotto.... parang dati nagienjoy rin akong manood sa tv since may sarili rin akong mga numero... pero ngayon nawalan na ako ng enthusiasm sa lotto.... hahaha... wala kasi akong pantaya.... pero ok pa rin sa kin ung lotto since kahit di ka manalo, malaking bahagi dun ipantutulong sa ibang tao... naks.. ako ba ito?.... hahahahahahaha
haay bakit nga ba sila ma-pera tap0s ung iba hindi,, unfair tlg,, sana makahanap rin ako ng trabaho.. trip ko sana ung politiko e kasi malaki kita dun,, hahah!!!
hindi ako mahilig sa math e kaya wag nang lotto. mas gusto ko yung sideline mo. hahaha may kilala ka bang kliyente?
haha magpopopok na lang ako sa sa circle...sure kikita ako dun haha!
haha oo nga noh baka nga ma-raid yung quiapo hehe sa nmn hindi and dmi p nmn dvd dun!
Politiko kaya? heheheh... Bugaw na nga lang... bugawin ko yung mga bakla sa Welcome Rotonda.. sa tabi ng burger king... heheheh
sabi nila magnegosyo ka tungkol sa mga ito para yumaman:
1.edukasyon
2.relihiyon
hahaha! nakakatawa ka!
alam mo yung pinsan ko araw araw din tumataya sa lotto, ilang taon na din, at iisang number combination lang ang tinatayaan niya allt these years. kahit minsan di pa yata nanalo ng kahit magkano. ayaw niya itigil kasi may mga nangyayari daw na kapg yung number na alaga eh di na itinaya, biglang lumalabas!
ayos mga suggestion mo ah!
tamang tama. may myspace,friendster, multiply.. atbp akong account... subukan ko kaya yang sinabi mo. baka sakaling maging milyonaro ako sa loob ng isang buwan... haha
aylabet!!..hahaha..isa ako dun sa mga lumipad sa stratosphere!!*i love that word** ..hehehe..
hahaha... natawa na naman ako, kulit talaga ng mga entry mo. sana nga ganun lang kadali yumaman sa mga naisip mong idea. anyway, sana nga manalo na kayo sa lotto bebefes, ahihi :D
ayos! kung magiging assasin ako, sisiguraduhin kong si Gloria Macapagal-Arroyo ang tatargetin ko! sya ang dahilan ng kahirapan ng Pilipinas e.. hahahah! matindi a!
:D pwede na ako tumaya ng lotto, babalatuhan kita, pag nanalo ako! promise! itaga mo sa bato!
sino pa ba ang nanalo sa lotto? ako nanalo ako once sa lutto, yung childrens version sa school namin dati, sampung piso na pinambili ko ng kendi na nagngangalang Lala.
"At talaga namang nakakainggit yung mga taong kumakain ng masasarap na mga pagkain sa mga hotel, ang sarap tadtarin at i-mince naman yung mga umiinom ng kape sa mga coffee shops at pa-english-english pa na alam naman nilang hindi nila afford at mas marami pa silang dapat pagkagastusan kaysa sa sa worth Php 100 na kape."
AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!
[see my post to see why.]
Post a Comment