Thursday, January 25, 2007

Parteeh Get Meeh

Umiiyak na ako ngayon ng elepante, paano ba naman kasi wala pa rin akong invite sa Blog Parteeh 2007 na yan. Kailangan yata magpanovena pa ako para lang makasama diyan, o kaya lumuhod sa mga santo ng Quiapo, Baclaran, Calaruega at Barosoain. Dapat yata sumama na rin ako dun sa pakikipagbalyahan at moshpit noong Fiesta ng Nazareno, baka sakaling makasama ako sa Blog Parteeh na ito. O di kaya magsasasayaw din ako ng Hala Bira noong Piyesta ng Sto. Niño at nakipagwrestling at nagsuplexan para lang makuha yung mga kending binabato. Pwede ring yung nakijoin ako sa pagsasayaw sa Fiesta ng Obando baka sakaling magkaanak na ako kahit wala pa akong esposa. Nagdasal na nga ako sa diyos ng Judayismo na si Judai at humingi na rin ako ng tulong kina Imaw at Elahi. Dumulog na rin ako kay Dugong at Braguda para matulungan ako kaso wala talaga.

Ewan ko ba kasi sa Technorati na yan, ayaw ilagay yung tag ko. Tama naman lahat! Nakakainis sinabayan pa ng pagbagal nitong Globelines Broadband dito sa opisina. Daig pa yata ng suso - snail po yan, wag kayong bastos - sa bilis itong internet namin ngayon. Ready pa man din ang aking parteeh attire para sa event na iyon. Pinatahi ko na nga yung mga damit ko kay Mang Tibur na design naman ni Maryang Malabanan - nanay ni Em-em - na gagamitin ko nga sana at talagang umangat si Billycoy dun sa naturang event. Kaya naman mga konseho ng Blog Parteeh 2007 invite niyo naman at bigyan ako ng tsansang manalo ng iPod at Krispy Kreme. Gagawin ko ang lahat para lang makamtan ko ang mga premyo, lalanguyin ko ang Pacific Ocean, tatawirin ko ang Himalayas, ire-repair ko ng martilyo at screwdrivers ang Ozone Layer para maiwasan na ang Global Warming at papaangatin ko ang kontinente ng Atlantis. Kaya PLEASE bigyan niyo na ako ng invite!

Kung sakali mang hindi ako makapunta, isa lang ibig sabihin nun. Napakagwapo ko kaya hindi ako itinadhanang makapunta dun, baka maoverpower ko ang event. O di kaya talagang fate na ang nagsasabing maging anonymous na ako forever at di na makilala ng kahit sino. Kaya magmumukmok na lang ako sa bahay at manonood ng porn... este TV buong araw na suot yung parteeh attire ko habang umiindayog sa kanta ng Boom Tarat-Tarat ni Willie o kaya Itaktak Mo ni Joey.

Konseho ng Blog Parteeh pansinin niyo naman ako at mag-email na.

Tatadtarin ko na lang ng technorati tag ito para sigurado!

4 comments:

chino said...

hahaha.. :) well.. good luck sa iyo sa party!!..hahaha.. yung party outfit mo ba ay yung combatron costume?.. para makilala ka ng mga tao na ikaw si billycoy!.. hehehe.. :P

Gener said...

Ahahhaha! Oi billycoy! makikilala naman kita kahit na magmaskara ka pa... amoy palang!

xoxiRiSH_29xox said...

over wualified ka daw kasi muhahaha..



lagot bukas na un patay ka na wala ka pang invite!! lagot...hahahaha



kahit wala ka namang invite makakapasok ka naman dun eh...may powers ka naman dba combatron??

xoxiRiSH_29xox said...

nabasa ko mga tags sa cbox..aba ang saya mo naman kasama ka na sa blog parteeh!! weeeeee...


ang saya2 ni billycoy dacuycuy..ahehehehehe..


congrats!! sana manalo ka ng iPod at krispy kream