Tuesday, January 23, 2007

I'm a Parteeh Banana



Marami na malamang ang nakabalita sa Blog Parteeh '07 na magaganap January 27, 2007 mula 2:00pm hanggang 8:00pm dun sa Classica Tower 2 sa may Salcedo Village sa Siyudad ng Makati. Kasinglaki daw ng Titanic ang event na ito, medyo nag-aalangan nga akong magpunta paano ba naman, mga bigtimer at mga halimaw yata ang mga pupunta dito isipin mo ba naman sponsored ito ng: Sheero Media Solutions, MyJournal Philippines, FeedText, Inc., Migs Paraz, A Bugged Life, The Blog Herald, b5media blog network, About My Recovery, Pinoy.Tech.Blog, Enthropia, Inc., Krispy Kreme Philippines, GMA New Media, Awesome Philippines, Codamon.com, Boracay.com.ph, Recipes.com.ph, WebMaster.com.ph, Bouncing Red Ball, Bo Sanchez, Microwarehouse Inc.


at heto pa ang mga BlogParteeh07 Donors:

Marc Javellana, Bubba Gump, e-YellowPages, Adobe User Group - Philippines, Weddings @ Work, Google Philippines, Hinge Inquirer Publications


Sobrang bigtime nila, baka lamunin nila ako ng buong-buo at wala ng matira sa akin. Isa lang akong saging na madaling kainin, lamutakin, lantakan, isubo at lunukin. Pero ok lang kahit saging lang ako, ako lang naman ang puno na may puso.

Iniisip ko nga kung pupunta pa ba ako, kasi kung sakali mari-reveal ang aking katauhan. Regal shockers yun, baka ipagkalat yun ng kapwa bloggers kong mami-meet, tapos later on, makikilala na ako sa TV, tapos pagkakaguluhan na ako ng local media, tapos sa Hollywood at bubulabugin na ang privacy ko ng mga paparazzi at magkaroon pa ako ng sex scandal na lalabas sa cellphone at internet. Hindi ko pa yata kaya yun. Kung di lang siguro sa mga prizes na iPod at Krispy Kreme hindi ko gagawin ito. Ite-take ko na ang risk na ito para lang magkaroon ako ng iPod.

Magdidisguise na lang siguro ako para di ako makilala. Hindi naman kasi ako pinanganak na blurred ang mukha para di makilala. Alin kaya ang mga effective ways para di lumabas ang aking pagkakilanlan?

  1. Maglalagay ako ng bayong sa aking ulo na may dalawang butas na eksakto sa aking mata, kaso nga lang baka mapagkamalan akong Makapili at puksain ako bigla ng mga descendant ng mga KKK at ng mga inapi noong panahon ng hapon.
  2. Magtatakip ako ng puting panyo sa may bunganga at shades yun nga lang baka sabihin nilang ni-rape ako. Hindi naman ako payag dun kasi nga virgin pa ako.
  3. Magdadala ako ng bilog na frosted glass at itatapat ko sa aking mukha. Ganun kasi ang epek nung may pixelated at blurred sa mukha. Masuwerte na lang yung mga pinanganak na pixelated ang mukha, hindi sila makikilala. Yun nga lang mabigat ang salamin at baka ipanghambalos ko pa yun kung sakali mang magkaroon ng kaguluhan sa event.
  4. Tatakpan ko ng itim na cardboard ang aking mata. Ang kaso naman dito, hindi ko naman makikita ang dinadaanan ko, baka kasi may biglang dumaan na tren sa H.V. Dela Costa at masagasaan ako dahil hindi ko nakitang dumaan. Magaya pa ako sa nangyari kay Poknat.
  5. Magsusuot na lang ako ng maskara, wearing that and only that maskara. Baka nga lang ma-overpower ko ang event kung ganun, kasi mahahalina sila sa alindog ng aking machong-macho at bruskong katawan.
  6. Magcocostume na lang ako bilang isang saging, kaso dahil mga halimaw ang mga makakasama ko, baka may gorilla dun at lamunin na lang akong bigla.

Dahil sa event na iyan napapost akong bigla, sana nga lang bigyan ng pansin ng komite ang post kong ito para manalo naman na ako ng iPod. Malalaman ko lang daw na kasali ako kapag nag-email sila sa akin sa crost22@gmail.com. Baka nandun na rin ang matrona... este ang sinta na magpupuno sa aking bulsa... este kakulangan dito sa aking puso. Baka pagkatapos ng Parteeh na ito madevirginized... I mean, matuto pa ako ng mga bagong kaalaman sa blogging.

Heto ang technorati tag:

8 comments:

xoxiRiSH_29xox said...

oi may gash ganun magbabalatkayo ka..nakow punta pa nman sana ako kaso wag na lng, baka hindi lng kita makita dun. hmmph..makapili ka!! muhahahaha

wooohoo...as if naman makakapunta ako dun. wish ko lng

Gener said...

SHET!!! kapag nakapunta ka dun mas lalo ko nang gusto pumunta! sabagay kilala naman talaga kita ahahhaha

metal-mouth james said...

kakaumay yung clip. action movie yan di ba? ang weird.

Hermie said...

Sana ma-invite din ako.

yatot said...

bwahahaha... alam mo bang tawanan kami dito sa nakakadiring video na nilagay mo! buong room namin dito sa office pati supervisor ko e talaga namang natawa at naawa na din sa scriptwriter ng pelikulang ito!

fyi! ang saging po ay hindi puno! ito po ay shrubs! tama ba ako o mali?

just text
TAMA or MALI at i-send sa 2366!

Virginia said...

gudlak billycoy, sana may mag-invite sa inyo ni hener!

gusto ko din pumunta pero in my dreams! di ako maiinvite jan no

sana talaga makapunta kayo!

AETHEN said...

kita-kita na kasi tayong lahat. ok na tong mukha ko! hehehe.

Hermie said...

Billycoy, Just received my invitation last night. Yahoooooo! Try mong mag-manual ping sa Technorati para lumabas ang blog mo sa blog links ng Blog Parteeh '07.

------------------

Hello Blogger,

Greetings!

We would like to invite you to the upcoming Blog Parteeh 2007.

We need your Full name so we can have you in the list. Do not miss
this chance, this is only once.

Please reply with your FULL NAME so we can sort the list out and you
may be included.

If you receive an E-Ticket, that means you are in.

Don't miss the chance! Reply now

The Blog Parteeh Committee