Pasensya na kasi hindi ako nakapunta doon sa Blog Parteeh, pero ipinadala ko naman ang aking kanang kamay. Kaya kung sakali mang may makakita ng mga larawan at sinasabing ako yun, FYI right hand ko po lamang siya. Nagkaroon kasi ng emergency, ipinatawag ako ng queen para kami'y mag-tsaa.
Nakabalik naman ako ng maaga mula sa pagtsatsaa ko from England, nag-teleport lang naman kasi ako. Susunod sana ako dun sa Blog Parteeh na iyon kaso hindi ko na nagawa kasi hindi kumpleto ang aking internal organs ko gawa ng pagmaterialize ko sa pagteleport. Ini-report naman ng aking sugo ang mga kaganapan sa Blog Parteeh.
Nagtaxi ang aking kanang kamay papunta dun sa parteeh dahil ayaw niyang mapagpawisan at maglakad ng malayo dahil sa matutulis niyang mga paa... este sapatos. Kuntodo porma siya gaya ng aking bilin, kasi sabi ko "Representative kita kaya kung gusto mong pumunta doon kailangan magsuot ka na kagaya ako." Ganun nga ang ginawa niya, pero on the way daw, habang binabaybay ng Taxi ang maluwag na karagatan ng Edsa, bigla daw dumilim ang paligid, bumaba ang madilim na ulap at tumambad sa harapan "Katapusan na ng mundo" ang sigaw niya. Ay syet, hindi pala, usok pala yun ng bus, isang bus na blue at pagkaluma-luma, gawa pa ata sa panahon ng mga Flintstones yun. Pero nung umarangkada na yung taxi at inunahan ang bus nakita niya, bus pa pala ng MMDA na gamit for clearing operations. Aba aba aba... mapupuksa ko si Bayani niyan at ako ang magclearing operation sa kanya.
Dumating na nga ang aking proxy dun sa location. Pagpasok niya sa lugar, bumulaga ang isang matangkad na halimaw... este nilalang, si Heneroso Bistokya katabi ang side dish na si Bulitas. Nakaupo naman sina Aaron Roselo, Tina at iba pang bloggers. Pero dahil pinalakas ko ang force ng aking sugo, lingon pa lang niya ay para na rin niyang hinagis sa kalawakan ang mga kapwa bloggers. At gaya ko rin, strike-a-pose din lagi ang aking representative. Kung ako siguro ang nagpunta dun, pagpasok ko palang mabasag na lahat ng salamin sa building at gumuho ito bigla at kung sakali pwede pang alisin ang buong Salcedo Village sa mapa ng Makati dahil sa lakas ng aking puwersa.
Umakyat na sila sa 6th floor at nagregister na at umupo. Tumambad sa kanilang harapan daw ang isang bath tub... hindi pala, swimming pool na tama lang sa mga condo; tipong paslit lang ang malulunod. I adviced my representative to maintain a low-profile, kahit nag-eexist siya huwag siyang mag-exist, labo ba? Invisible mode lang, mahirap pagkaguluhan since hindi lang naman siya dapat ang maging bida sa event, di ba? Nagkaroon ng usapan, bangayan at giyera sa isipan ng mga bloggers. Sosyal, telepathy lang ang mga gamit nila sa pag-uusap, pero later on nagkaroon na ng verbal at naging maaksyon na. May nagwrestling, nagbarilan, nagpatayan, at nag... ay sorry ibang report na pala ang binabasa ko, sa Toro na pala ako nagbabasa. May goodie bags ding natanggap na naglalaman ng magazines at kung anu-ano pa. Sana nga yung mga magazines ay Toro o kaya RED Magazine na lang, kaso hindi, pero ok lang.
Maraming nangyari at dumating na bloggers, masaya at enjoy. Meron pa ngang nagpalambot at nagpatigas dun. May mga raffles at mga games, sayang dahil malas ang aking alagad sa mga ganitong bagay, kung umulan man ng kamalasan noon siguro sa kanya lang lahat ibinuhos kaya hayun umuwi siyang bigo at walang iPod Video na dinala sa akin. Pero ok na rin, kasi marami siyang nauwi mula dun sa goodie bag, kasama na dun ang half-dozen na Krispy Kreme, kaya pinasakan ko na lang ng headset yung Krispy Kreme glazed doughnuts at nakinig ng music. Aba, akalain mo ba namang tumugtug. Almost 8pm natapos ang mga programs, kaya naisipan ng aking alagad na umuwi na at maiwasan pa ang exposure. At dahil isa lang ang nakapag-uwi ng iPod Video, hindi malayong mangyari na maging emo na lahat ng bloggers na umattend at magpakamatay na. Yung alagad ko nga gusto na yatang tumalon sa building o di kaya basagin ang mga baso at kainin na lahat ng bubog, kaso hindi na niya ginawa kasi kung sakaling mabuhay pa siya mafeature pa siya sa Guinness o kaya sa Ripley's.
Siyangapala, ini-report ng aking sugo na may isang nilalang dun na nakasira ng vendo machine, pinindot ba naman kaya hayun umagos sa bunganga ng vendo ang tubig.
Hindi kagad umuwi ang aking alagad at naglagalag pa siya sa G4 at naglaro pa sa Timezone ng Soul Calibur. Aba, naglaro pa, talo naman daw siya parati, dumating ang kaibigan at nagchallenge, ganun, talo pa rin. Hindi man lang nadala. Tsk tsk tsk. Malas ka talaga aking kanang kamay, hindi mo na nga ako inuwi ng iPod at hayan gumastos ka pa. Hayaan mo mamaya bibigyan na kita ng lason para tapusin mo na lahat.
Sa mga nagtatanong kung ano ang hitsura ng aking kanang kamay, huwag kayong mag-alala, nilagay ko larawan niya dito.
Hayaan niyo sa susunod na magkaroon ng pagtitipon, susubukan kong pumunta basta make sure na ako mananalo ng grand prize, dahil kung hindi papasabugin ko ang mundo niyo.
Technorati Tag: blogparteeh07
14 comments:
hahaha hangkyut kamukhang kamukha mo nga ung kanang kamay mo muhahahahaha!!! sayang di ka nanalo ng ipod video pero aus lng atleast may naiuwi ung sugo mo na krispy kream
[...] Alan (in personal, I thought he writes researches, but it was different when I went to his blog hehe, haven’t talked to this one though) [...]
Hope your hand is ok na.
naku, d ako side dish no.
ahaha.
sino nga kaya yung sumira ng vending machine dun?!
sabi kasi press eh!
haha!
emo-parteeeeeeeeeh!
Allan este Ray este Billycoy. Next time makakasama na ako sa Parteeh. Pogi yong kanang kamay mo ah. Naka hot compress pa rin ang paa ko waah!
Aha ikaw pala yung naka-sira ng vendo machine ng tubig dun! Hindi ko nga ginagalaw yun dahil ngayon lang ako nakakita nun eh...Ikaw kinalikot mo pa! Toiiiink!
Oo ayaw ko talagang maging pugad ng mahahalay na larawan yung blog ko..Dahil ako mismo eh mahalay na!
Maraming salamat sa iyong kanang kamay sa pag papapicture kasama ka sa mga malaswang sandalin yun.
Ako ay nagagalak T_T
Sana next year manalo na ako ng iPod at hindi lang Krispy Kreme!
wow! kakaingit naman di ako nakasama... huhuhu...
haha, ALAN pala ha!!!
:)) lagot ka. hahantingin na kita dahil medyo nakita ko na ang mukha mo!
nice header, btw.
aba.. kumusta naman ang Queen?.. lol
siguro yung kanang kamay mo kating-kating maligo sa pambatang pool nuh?..haha
putek na yan! gusto ko sanang makasama kaso hindi ko nagawa.... waaaahh...
ang tagal kong naghanap ng mga pictures dun sa blogparteeh nyo man lang masilayan ko ang inyong mga pagmumukha...
taena! sa lahat ba naman ng nakita kong picture itong picture ang pinakakakaiba sa lahat:
http://bp3.blogger.com/_gVuGdGeoEUg/RbwlYpw3ylI/AAAAAAAAAP4/J0Vodi1HteU/s1600-h/Litrato%28763%29.jpg
syet ka talaga billycoy! hahahahaha! :) para kang biktima ng rape o child abuse dito!
until next time... ang babata nyo pala! I feel so old... buti na lang di ako nakikita sa internet hehehe.
see you again soon...oo, may susunod pa.. palagay ko marami pa. yung hindi nakasama, siguraduhin nyo na maki=alam sa mga darating na events...
bulitas > tinamaan ka ng bato sa langit ano!?
l.a. > hindi ako nakasira, nagreact na siya
utakgago > naku uunahan na kita sa paghunting
yatot > oy hindi ako na-rape, virgin pa ako, VIRGIN PA AKO!!!
jun > hayaan niyo po, tutukan namin sila ng baril at isasama!
aba'y akalain mo yon. kay gandang lalaki pala niring si billycoy. fafable na fafable awwwwwww! hahahaha
sana sa susunod kasama na din kami... sinong nanalo ng ipod?
Post a Comment