Nitong Lunes, napakaraming pangyayari. Hindi pa rin naman ako nadedevirginized nung araw na iyon, pero ang daming events. Halos kakapasok pa lang ng taon, ganun na ang mga nangyari. Hindi yata magandang pangitain ang mga bagay na iyon.
Nagsimula kasi yun ng pauwi na kami mula sa trabaho. Ayus di ba? Pauwi pero simula pa lang. The end is only the beginning. Paglabas namin ng building, sinamahan ko muna ang officemate ko na maghintay ng taxi. Habang hinihintay namin yung taxi, kwentuhan muna kami, blah-blah-blah yada-yada-yada. Ganun kasi salita namin, blah-blah saka yada-yada, di naman kasi kami earthlings. Sa sobrang tagal dumating ng mga taxi, pumuti na ang mga bulbul namin kaya we decided to transfer sa ibang spot para makakuha na ng taxi. Nung palipat na kami ng puwesto at naglakad na kami, may nakita kaming nilalang. Paglagpas namin sa kanya, ang nasambit ko lang "Ang sakit sa mataa!" Nakita na pala ng ka-officemate ko, hindi niya lang sa akin nabanggit. Akala ko nga end of the world na dahil akala ko demonyo yung nakita ko. Hindi pala, isa pala siyang baklang ogre... pero parang undead din siya. Siguro in between ng ogre at undead. Paano ba namang hindi sasakit ang mata mo dun? Batu-bato ang katawan niya, hindi naman maskulado, payat na mabato, tapos ang suot niya tube na lacy at pink pa. Ang buhok niya malago, mahaba at kinky. Lubog pa ang mga pisngi at mataas ang cheekbones. The Nerve!
Nagpunta muna ako ng Glorye bago umuwi, kasi kailangan kong bumili ng bag. Dugyut na kasi yung luma kong bag at pwede na nga akong magsideline ng kamote business sa bag kong yun. Habang naglalakad ako sa mezzanine ng glorye, may nakita akong mga lovers na naglalaplapan, nainggit ako, gusto ko na ngang lumapit at makisali sa paglalaplapan. Dumiretso ako sa G4 at bumili ng tiket kasi naisipan kong manood ng Eragon. Habang hinihintay ko ang palabas, naglaro muna ako sa Timezone, nilaro ko yung all-time favorite game ko yung tetris... este yung Soul Calibur. Sinubukan ko yung Soul Calibur 3 gamit ang all-time favorite character kong si Maxi, first game ko hanggang 2 rounds lang, regal shockers, kakahiya, na-damage ang aking ego. Next game Maxi ulit, mas malala, 1 round lang. 3rd game, gamit ko naman ang 2nd All-time favorite ko Seong Mina, 1 round lang din, hindi man lang ako umubra sa mga kalaban ko. Ang aking ego, wasak na wasak na, sinasagasaan na ng pison, giniling at ginawa ng hamburger. Nakakainis, sayang lang ang card, gusto ko na ngang maglabas ng samurai at samurayin ko na yung arcade. Pero dahil disente akong nilalang, tumayo na lang ako at lumayu-layo sa Timezone. Buy na lang akong popcorn at pumasok na sa sinehan.
Nung nasa bahay na ako, paalis na ang Tita at ang pinsan ko, pumupunta kasi sila sa amin para tumulong kay mommy dahil nga wala na kaming degree-holder housemaid. Habang ako'y gumigiling habang nagbuburles at nag-aayos ng gamit sa aming kwarto, tumunog ang doorbell, akala ko may bibili lang ng yelo (meron kaming ice business), hindi pala, ang pinsan ko at ang tita ko nandun bumalik sa amin, duguan ang ulo ng aking tiyahin. Nabagok pala ang aking tita, nadulas at nagpasirko-sirko with matching cartwheel sa ere kasi basa ang kalsada dahil umambon nung gabing iyon. Hindi naman daw siya nakakapit kagad sa aking pinsan kaya hayun, nauntog ang batok niya. Dinala kagad siya sa pinakamalapit na hospital ng aking mga magulang para mabigyan ng lunas at maobserbahan.
Ang matindi. Maya-maya, nagshower na ako. Pagbuhos ko ng tubig, medyo humapdi yung sa malapit sa sakong ko. Yung nasa pagitan ng sakong at buto, hapdi nila sobra both feet, left and right. Umiiyak na pala yung mga paltos ko. Nagkapaltos ang mga paa ko dahil sa binili kong boots last week from Rusty Lopez, hindi naman siya masikip, sakto nga siya sa paa ko. Kumportable naman ako sa shoes, para nga akong modelong naglalakad sa glorye. Saka talagang strike-a-pose ako kapag humhinto. Pero kahit may paltos pa, suot ko ulit yung boots ngayon.
Anu ba namang mga kaganapang ito. Masyadong masakit. Pero kahit masakit masarap naman!
Wednesday, January 17, 2007
Masochistic Monday
Posted by Billycoy at 1/17/2007 10:23:00 AM
Labels: Basura Blogs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
with the boots.. pareho tayo ng experience.. pero ako..sa protruding bone sa paa masakit... pero exacto naman yung boots.. maganda at feeling sosyal ako.. pero parang minurder niya paa ko pagkatapos.. hehehe.. :)
g4!!..mayaman ka siguro!!.. hehe.. :)
You know, you have been devirginized without you knowing it. Haven't you heard of the expression "Nobody dies a virgin 'cause life fucks us all"? That's what exactly happened to you. Haha. :-)
wow! glorietta! namiss ko na ito! tagal ko ng hindi nakapunta dito eh...
hmmm... atin-atin lang ito ha... ako din mayaman! pero kelangan kong magtrabaho para hindi ako mahalatang mayaman... bwehehehe... =)
Eragon ba talaga ang pinanood mo o Tatlong Baraha... hehehe...
Soul Calibur... dati naglaro ako nyan pero lagi akong talo... huhuhu... kaya stick pa rin ako sa marvel vs. capcom... mabait sa mga kababaihan dahil nananalo ako dun! nyahahaha!
ahahaha....kala ko nadevirginized ka na muahahaha...
hala ka puro masamang pangitain lahat un ah...gudlak na lng sau!!! yaan mo baka sa simula lng yan..hehe
monday the 13th ba? hehehe...
maganda ba yung eragon?
aynako meron din akong sugat sa hinlalaki, pina-pedicure ko kasi yung paa ko sa tita ko, tapos kung makahukay siya ng ingrown, ganun na lang, kaya eto, yung kanan na hinlalaki namamaga, tapos, eww, medyo labas yung laman..
well, life sucks and it obviously sucked the hell out of you.
anyway, it's not that much obvious with the way you blog about it.
hehe.
ang cute nung bading, ah!
blah blah yada yada. ayos. :) nagkaintindihan kayo. :)
dang! worst yung bading na yun. :) buti ndi ka niya na0devirginized. amf!! at talagang the nerve! amf. naingget ka siguro sa suot niya. :P
..what's with the boots? haha. :) aku din.. nagsuot ako ng boots nung 1st yr college ako.. (pants kce kme!) so bumagay naman ung boots.. kaso hindi ko na siya sinuot ulit nung na shoot ung pointed na takong sa butas sa may pasig palengke,. kadiri kc nangyari sakin nun. hehe!
Ice Business? Wow ang yaman nyo naman haha at ice business talaga ang tawag...haha
aba! akalain mong may martian ka rin pala!
blah blah blah, yada yada blah? blah blah yada yada yada yada, blah, yada yada... blah! blah! yaddaaa!
--
masyadong madrama ang lunes mo... hindi ko kinaya! huhuhuhuhu
Post a Comment