Wednesday, January 03, 2007

The Marriage of Dreams and Reality

Enero na naman, at heto nag-aabang na rin ang February. Ibig sabihing malapit na namang mag-valentines. Ilang valentines na ba akong single at walang nakakadate, isa, dalawa, tatlo... lintek, kailangan pa bang bilangin yun. Since naman paglagpas ko ng puberty ay wala naman akong nai-date kahit man lang isa. Wala man lang minalas na maseduce sa makamandag kong sex appeal. Hindi rin ikinaloob sa akin noong nagdaang Pasko ang aking kahilingan na isang babaeng columbian na lalabas mula sa balikbayan box at sumasayaw-sayaw wearing only a red ribbon and only that ribbon na may hawak pang iPod at PS3.

Pero hindi porke't malapit na ang valentines ay nagmamadali na ako na may maka-sex... este magkaroon ng girlfriend. Masaya yata ang maging single at walang commitment, ok na rin kahit virgin ako, wala naman akong magagawa dun di ba? Kahit deep within the bottom of my bottomless heart with a hole that passes through my belly button ay gusto ko pa ring makaranas ng tinatawag nilang pag-ibig. Wait na lang tayo hanggang dumating yun, huwag lang sana akong mamatay na virgin.

Habang tayo'y nakaupo pinapainit ang puwet at naghihintay na bumagsak mula sa langit ang aking magiging Ms. Right (at sana'y buhay pa siya sa pagbagsak niya) ikwento ko na lang ang aking dream wedding. Usong-uso na ngayon ang mga themed wedding, meron dyan yung mala-Star Wars o kaya Lord of the Rings, meron ding mala-Harry Potter at mala-That's Entertainment. Minsan nga pinalabas pa sa Jessica Soho Reports yung mga sirkerong ikinasal habang tumatawid sa alambre. Jaskeng mga Geekazoids na 'to. Syempre, magpapahuli ba naman si Billycoy.

Ang gusto kong motif ng aking wedding ay black and red. Tapos yung tema niya ay medyo dark ang dating. Gusto kong kasal yung may iaalay na babaeng birhen sa altar pagkatapos ibubuhos sa aming ikakasal yung dugo niya. Yung mga kanta ng choir ay yung "Shigi-shigi-Wah-Wakere-Umaa!!!" habang may sumasayaw ng Roger Rabbit at Running Man sa harap. Yung mga ilaw din dapat pula. Ang mga pagkaing iseserve naman dinuguan, inihaw na dugo, bloody mary para sa drinks at Haagen-Dazs Ice Cream para sa dessert. Medyo off ang ice cream pero bakit ba, kasal ko 'to walang pakialamanan, saka Haagen-Dazs din yun!

Kung may wedding, dapat may honeymoon din. Gusto kong honeymoon yung kakaiba talaga. Honeymoon habang nag-skydiving, yung nagdu-do kayo habang kayo'y nasa ere. Wow, kakaiba yun at parang ang sarap ng feeling, wag lang sanang makalimutang buksan ang parachute kapag dumating na sa climax. O kaya habang nagba-bunjee jumping, ilang seconds lang yun, pero di ba ayus din yun, habang nalalaglag naggaganun, exciting. Yun nga lang kailangan din ng maraming practice kapag ganun bago sa actual. Baka pag-naexcite din makalimutang ilagay yung tali, goodluck na lang kapag yun ang nangyari.

Mukhang magastos itong plano kong ito, dapat na sigurong mag-ipon ngayon pa lang. Dapat medyo bigtime rin ang mga sponsors ko, kailangang makahanap na para bawi-bawi sa gastos. Dapat sa mga ninong at ninang na ito yung hindi magbibigay sa amin ng punchbowl. Ano pa ba kulang? Ahh, yung alay ba? Madali lang yan, marami naman ng mga emo kids dyan. Ano pa ba kulang, meron pa ba? Ahh muntikan kong makaligtaan, syempre yung babaeng papakasalan ko.

Kahit dream pa lang yan dapat nakaplano na, ayokong maggahol sa oras. Kaya kung sinuman diyan ang nais tumulong at magsponsor, tumatanggap na po ako ng cash or bank transfer as of this moment pa lang. Kahit wala pa yung magiging bride nagpeprepare na kasi ako.

20 comments:

Anonymous said...

Nyhahha! pwede bang mag alay nalang ako ng dugo, khit monthly pwede nyahah!!! Kung sakaling matupad ang iyong dream wedding babatiin na kita ngaun palang, wish ko lang e mapapayag mo ang bride mo sa mga plano mo, baka kc pag nalaman nya ang plans mo e mag back out un, wawa ka nman. simula ka na nman sa zero. heheh!!!

Hindi ba dumating ung galing sa colombia? ang hina mo nman pala santa claus, panu nman kc ginawa mo syang multo sa Nov. entry mo nyahah! baka nag tatampu yun sayo! hehe!!!

Anonymous said...

hay naku,
billycoy

puro talaga sex ang iniisip mo. alam mo gusto ko nang lagyan yung story ko ng mga sinasabi mong may kinalaman sa sex eh. ikaw kasi nangungulit..tuloy naging interesado ako sa paglagay nun.. pero hindi ko pa rin naiisip kung paano ko ilalagay ang wish mo sa akin.

madugo ang wedding dream mo. para bang yung isang video ng my chemical romance. black and red. tapos may dugu-dugo pa! wah! baka pwedeng si harry potter na lang mismo ang ialay sa iyo nang mamatay na siya (aba! nagsalita ang hindi fan ng harry potter!).

maganda yang naghahanda ka na habang maaga, diba? kaysa naman wala kang mga plano kapag nandyan na yung bride mo.

kailangan imbitado ako sa kasal mo, billycoy! tapos ilalagay ko sa story ko yung tungkol sa kasal mo!

pwede ring mailagay yung pinapangarap mong honeymoon. dapat pala mga two months before the honeymoon nagpractice na kayo ni ms. right na mag-ganunan habang nagba-bunjee jumping. anong saya nun! e ano naman kaya kung ginagawa niyo yun sa ilalim ng tubig? ano kaya pakiramdam?

sana nag-isip ka na rin ng mga iimbitahan mo. at saka handaan na rin sa reception. excited na ako sa wedding ni mr. and mrs. billycoy.

hindi na ako makapaghintay. ipadadala ko na lang sa'yo yung sponsorship ko mamaya.

hanggang dito,
jonell

Anonymous said...

nkktakot nmn ung nightmare... este dream wedding mo., parang mga bampira ang ikksal aah. or mga cannibal. hehehe. pero nnnnniiiiccceee parin.. [tao k b talaga billycoy? or may fangs ka]yelp!! hekhek

INIDORO said...

best wishes na lang.

as in best wishes, lalo na sa bride mo.

WOOT! said...

ano ba yan! kea naman pala dami ring babaeng walang bf..mga lalaki kasi na dapat sila dumidiskarte eh sila ang naghihintay.. pano na lang mga kababaihang sumusunod sa tradisyon ng pagkababae na trabaho lang ang maghintay?!..

pero wag ka magalala..lahat ng tao eh may partner..ipis nga meron eh tao pa kaya?!nagkakaton lang talaga na may lalaking namamatay na wala pa ring partner kasi yung nakatakdang maging partner nila ay namatay na rin na wala si special someone.

naaliw naman ako sa mga plano mo..wish ko lang eh mahanap mo na ang babaeng sasang-ayun sa ganyang klaseng sistema..pero aus yan ha..unique!

WOOT! said...

teka..nakalimutan ko idagdag..

ilang taon ka na?ung matino at totoong sagot ha.

ikay the dancer said...

ano ba naman yang balak mong gawin sa buhay ng mapapangasawa mo billycoy.. hehe.. kagimbal gimbal e! pero feeling ko, ndi ka na virgin. bwahahaha!

MISYEL said...

yayy, scary naman ng dream wedding mo billycoy. gud luck na lang sa bride to be...

Anonymous said...

gregorian ba ang mga kanta sa wedding?

Anonymous said...

Naaawa ako sa magiging esposo mo, tol. Promise. Aagawin ko sa iyo ang syota mo kung magkaganoon para habambuhay na ang kamay mo lang ang devirginized sa yo.

Billycoy said...

tikey > nakakadisappoint nga di dumating yung columbian girl... baka medyo mahuli lang, baka nasa barko pa.

jonell > sure invited ka, basta wag lang punchbowl ang gift mo sa wedding namin

dx_ter > di talaga ako tao, malalaman niyo soon kung anong klaseng nilalang ako.

thewhore > salamat sa pagbati, sana lang dumating na ang bride to be ko

ruth > nice comparison naman, sa ipis. baka ipis talaga ang kapartner ko. 23 na pala ako.

michelle > goodluck din sa aking paghahanap

abel > pwede rin, basta ang kanta nila yung shigishigiwahwakereuma!

neil > ok lang, marami naman akong gagawing spare.

Billycoy said...

ikay > extremely virgin pa ako!

Virginia said...

ibang klase imagination mo... grabe nakakaloka di ko kinaya!

maging romantic/mushy/cheesy ka naman (ewwwwwww!)! di siguro bagay sa'yo hehehe!

Virginia said...

to billycoy:

uy hello! salamat sa pagdaan! siguro bigtime kasi sa makati ang office nila... nakalimutan ko yung pangalan nung ad agency,pero sige tatanungin ko si nanay tapos ipopost ko sa cbox mo..ano bang course natapos mo nga pala?

di pa kami nkakapagpasa,umubra kay felix yung alibi namin ni kishawara!!!hahaha! pinayagan niya kami hanggang 15...

thanks ulit!

Anonymous said...

ikaw virgin pa? maniwala.

Anonymous said...

pareho tayo ng color motif.
black and red.
per yung iba--out of this world.
goodluck na lang sa maaaya mo magpakasal.
kung meron.
:)

... said...

nung kinasal yung pinsan ko, sabi ng mama ko, magtanim na daw ako ng bulaklak para sa kasal ko, hindi daw siya gagastos para sa bulaklak, eh gusto ko pa naman eh sa dagat ako ikakasal tapos madaming madaming bulaklak, kaya ayun, napilitan akong magtanim, so far ang tumutubo pa lang eh ang mga santan. corny. paalam. goodluck sa paghahanap ng makaka-do mo sa ere.

Polahola said...

magandang motif gold and silver tapos black! astig yun! ^_^ Sana invite mo kung sakaling ikasal ka! at ako iinvite kita kung SAKALI lang na ikakasal pa ako . hehe

A.Fuentes said...

Akala ko seryoso na tong post na to =p Billycoy... parati akong kinakabahan pag nagbabasa ako ng post mo =p haha

Ndi pa rin ako nagkaka-gelpren... at okey lang un. At okey lang rin sa akin kahit maging birhen ako habang buhay. Pero hindi ako makakapayag na hindi magkatotoo ang iyong pangarap na kasal... at lalo na yung honey moon sa ere.

hehe pero jok lang un. Okey lang kahit ndi matuloy un... haha pero seryoso - sana matagpuan mo na ang babaeng magugustuhan ka... at papayag gawin ang iyong pangarap na kasal at honeymoon =) God Bless sa iu =)

Napansin ko nga pla... bumongga ung header mo ah. Dati ung bowl lang ng noodles yan eh =) hehe Ngaun dramatik na

tresebry said...

waw pare! asteeg! bilib ako sau! straight to the point! kung ako sau, wag kang maghintay o maghanap! dadating din un! haha