Lunes ng umaga, as usual, late na naman. Ako ang may hawak ng susi ng office kaya ako ang unang dumating. Ako pa lang mag-isa noong umagang iyun. Binuksan ko ang ilaw, ang aircon, ang PC ng server, at ang PC ko, dumungaw saglit sa e-mail, sumilip-silip ng porn... este... ng news sa yahoo. Yung mga common rituals sa umaga bago ako magtrabaho, magbate... este magsurf sa net at medyo i-set ang mood for lovemaking... i mean working.
Nananahimik pa ako sa workstation ko nun, hindi ko pa nabubuksan ang radyo. Maya-maya nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, parang lumalamig ang paligid... ay oo nga pala nabuksan ko yung aircon. Tapos kinilabutan ako at tumaas ang aking mga balahibo... najejebs na naman ako, syet. Pero mamaya, may sumutsot at tumawag sa aking pangalan "Psst! Billycoy!" Syempre dahil ubod ako ng tapang, pumunta ako sa ilalim ng aking lamesa at nanginginig na nagtago. "Huy, Billycoy, kahit anong tago mo dyan masusundan pa rin kita!" ang sabi ng boses. "At bakit naman?" ang tanong ko. "Dahil nandito ako sa ulo mo" at sumagot naman siya. "Huh? Ano? Nagsasalita ang buhok ko? Waah!!!" ang pagwawala ko. "Ay eng-eng, hindi ako buhok, nandito ako sa utak mo!" sagot ng boses. Syempre nagtaka ako. imposible namang hindi "At paano ka naman nagkasya dyan sa utak ko?" At sumagot naman siya "Let's put it this way, ako ay ikaw at ikaw ay ako... kaya huwag ka ng matakot at bumalik ka na sa upuan mo, mukha kang timang dyan sa ilalim ng mesa!" Bumalik na nga ako sa upuan ko, "Ang korny mo naman, 'ako ay ikaw at ikaw ay ako' para kang mga teleserye at animé ah." "Eh talagang ganun, korny ka rin kasi" sagot ni Billycoy 2. Pagkatapos may tumawag ulit sa akin "Hoy hoy hoy Billycoy!"
Nagtaka ako, mukha na nga akong tangang kausap ang sarili ko, heto't may tumawag pang isa. "At sino ka naman?" tanong ko sa isa pang boses. "Same answer sa sagot nitong isa mong katauhan." sagot nitong boses. "Huwag mong sabihin na isa lang tayo?" ang pagtataka ko. "You got it right, men!" sagot nitong Billycoy 3. "Pa-english-english ka pa dyan, hambalusin kita ng lamesa dyan!" sabi ko na medyo naiirita na "Paano naman kayo nagkasya dyan sa utak ko, aber? Explain!" patuloy ko. "Ganito kasi yan" Billycoy 2 interrupted "Naaalala mo ba yung ego, superego and id, tayo yun!" "Huh? Para tayong Holy Trinity?" pagtatanong ko. "You got it right, men!" sagot ni Billycoy 3. "Parang ganun, na parang hindi, magbasa ka na lang ng psychology books" sabi ni Billycoy 2. "Nyak, ako pa ngayon pagbabasahin mo!" sagot ko. "You got it right, men!"sabat ulit ni Billycoy 3. "Teka pansin ko lang, yan lang ba ang alam mong sabihin?" ang tanong ko kay Billycoy 3. "You got it right, men!" ang sagot niya. "Pasensyahan mo na yan, yan lang kasi script niya saka may pagkakulang-kulang yan." ang sabi ni Billycoy 2. "Regal shockers, kulang-kulang ang isa kong pagkatao" sabi ko. "Bakit? hindi ba obvious?" sabat ni Billycoy 2.
Maya-maya pa, parang sumasakit ang ulo ko, nabagsakan yata ng Boeing 747 ang utak ko o kaya may nalaglag na meteor at tumama sa akin ng hindi ko alam. Pero hindi migraine, kasi parang lumilindol sa loob ng utak ko, umaalog na, ano ba ito? "Paparating na sila!" sabi ni Billycoy 2. "Sinong sila?" pag-uusisa ko. "Yung iba mo pang katauhan... maraming 'ikaw' dito sa utak mo." sagot ni Billycoy 2. "Huh? Maraming ako? so ano ito? may stampede ng 'ako' dito sa utak ko." taka ko. "You got it right men!" sabat ni Billycoy 3.
Kaya hayun, sumakit ang ulo ko nung araw na yun, nalamog yata ang utak ko sa kakaapak ng mga lintek na mga katauhan ko. Hindi ko aakalaing may populasyon pala ng China dito sa aking ulo. Jaske, kaya pala ako ganito, sandamukal pala ang aking katauhan. Buti na lang normal pa ako!
Wednesday, January 10, 2007
I am You and You are Me! That Makes A Country
Posted by Billycoy at 1/10/2007 09:42:00 AM
Labels: Basura Blogs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
Dude that's so fucktastically creepy! Classic sign of the splitting of the mind's cognitive functions or maybe some childhood trauma relived, I guess. Go pay the nearest psychiatrist a visit pronto! Or you can just jump off a cliff and spare yourself all the troubles ahead. Kthnxbye. :-D
Bigla akong may naalala dahil sa blog na ito.
:P
Nakakagutom ang design mo@
sensui? ikaw ba ito?
bwehehehe...=)
easy reading.. natuwa ako... dami mo pala persona hehe
bakit parang ito ang nawawalang karugtong ng Patayguhit?? bakit ganun ang epekto sa akin? bakit kaya?
ikaw ung ID!!! hahahahaha....
Talamasca > I did those a lot of times before, but for some reasons I survived.
Sa wari ko > ano naman ang naalala mo? baka kahalayan yan, share naman!
yatot > kay sensui naman pito lang ang katauhan niya, may sariling bansa na nga dito sa utak ko.
blueengreen > naku baka akala mo lang isa lang yan, baka spokesperson palang yan, mahiyain lang ang iba.
jenss > salamat, naku pasensyahan mo na sila
jonell > hindi ko alam kung bakit, try mong kumunsulta sa mga manghuhula sa quiapo... teka ano pala yung patayguhit?
irish > ako ba? pano mo nalaman? gleng-gleng naman! heto pulboron reward ko sa iyo!
Isa lang ang ibig sabihin neto, gutom ka! kain na!
waha.. may tao pa pa palng mas maraming alter ego kesa sakin..haha.. bansa na.. :P kulet.. as usual..
okay, so you're still normal, then?
haha. at least, somehow, you could still think straight with all those 'you's' inside your head.
ang saya naman billycoy... siguro napakasaya mo pagkatapos mong kausapin ang sarili mo ng napakatagal.. hehehe
akala ko ako lang ang ganun.. apir!! :)
Post a Comment