Napakabilis talaga ng panahon, di mo aakalain na 2007 na. Parang kahapon Sunday lang, ngayon Lunes na. Tapos na naman ang mga Pasko at New Year, kaya naman magtitiis muna kaming mga empleyado hanggang sa susunod na long weekend, which is sa April pa. Holy Week saka Araw ng Kagitingan, tagal pa! Hayy! People Power kasi natapat ng Linggo, ewan kung idedeclare yung next day nun na holiday.
Pero dahil kakahain palang sa ating hapag-kainan ang baboy, marami na namang hula-hula dyan. Naglitawan na naman yang mga propeta ng showbiz at politika sa mga talkshows at kung saan-saan pa. Kailangan ba talaga yearly ang mga forecast na yan? Mapagkakatiwalaan ba ang kanilang mga vibrator... i mean vibes? Ano ang ulam namin mamayang hapunan? Ano pinagkaiba ng lasa ng Popeye's Chicken sa Jollibee Chickenjoy?
Dahil sa mga katanungang iyan, sinapian ako ng espiritu ng kahalayan... este kalinawan. Nanginig ang aking katawan at ako'y nagmistulang vibrator. Damang-dama ko ang vibes na ikinaloob sa akin ng sun which is the center of our solar system moving around are the planets. Kaya ngayon may kuliti ako dahil sa pamboboso ko sa babaeng pinangalanang kinabukasan.
Sa Showbiz
Dahil ngayon ay 2007, uulan ng siyete mula sa langit. Ang mga siyeteng ito ay babagsak sa ulunan ng mga artista at sila ay mamamatay. Mawawalan na tayo ng mga artista, at mabuti yun dahil mawawala na ang mga artistang walang inatupag kundi magpacute lang. Ang matitirang mga buhay na artista ay mamamatay din ang career dahil sa kanilang mga tighiyawat. At dadagundong ang pangalan ni Billycoy at siya'y magiging hari ng showbiz.
Sa Politika
Ngayon ay year of the boar, kaya ang mga baboy sa pork barrel ay mabubuhay at kakainin nila ang mga politiko. Kahit pa buwaya ay magagawang lamunin ng mga baboy dahil wala namang crocs sa chinese zodiac. At dahil year of the pig at malayo pa ang presidential election, asahan na lalaki at tataba pa ang first gentleman dahil ito'y punung-puno na ng pera. No wonder na hindi makita ang kinukupit nila dahil kinakain niya pala ito.
Sa Iba pang pwedeng mangyari
Dadami ang mga baboy at malalampasan nila ang dami ng mga daga. Sila na ang mamemeste sa loob ng ating mga tahanan; Pig is the new Rat! Dadanak ang kababuyan at kahalayan sa iba't ibang parte ng mundo. Hindi na mauuso ang mga kubyertos at mga chopsticks, dahil kakamayin na ang lahat ng pagkain kung hindi man isusubsub na lang ang mukha habang kumakain. Maraming manganganak ng labindalawa at may mga batik pa. May porn movie na mananalo sa Oscar at dahil dun, dadanak na ang porno at pwede na ring panoorin ng mga bata at sanggol pa.
Ang forecast ko sa aking sarili? Maraming mangyayari, dahil pinanganak din ako sa Year of the Pig, dodoble ang aking kababuyan at kahalayan. Mahihilig na rin ako sa paliligo sa putik at sa koral na rin ako matutulog. Madedevirginized na ako this year dahil mare-rape ako ng isang hot chick na kamukha ni Heidi Klum. Magkakaroon na rin ako ng girlfriend, di lang isa, kundi sandamukal. Lalo pang lalakas ang makamandag kong alindog. At ilalabas ko na rin ang aking katauhan dito sa blog... maybe not!
Monday, January 15, 2007
Fumbling Fearless Forecast
Posted by Billycoy at 1/15/2007 09:55:00 AM
Labels: Propesiya
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
haha! i have been reading your blog for so long, at ngayon lang ako nakapagcomment. medyo nahihiya kasi ako. good news kasi i have been sharing your blog sa mga friends ko para basahin. anyhow, pwede ba namin i-link yung blog mo sa web ng texter's clan namin, which is davangels texters clan. davao-based clan ito. eto pala site namin: davangels.blogspot.com. enx!
ano na namang kababuyan yan ha combatron???
talaga??ilalabas mo na ang iyong katauhan???naku aabangan namin yan....sana hindi maxado mahalay hahahaha
oi... kainis hindi ako nauna sa comment post! hmp!
hehehe... anyway, at least may fans ka na from davao! bwehehehe... mahiya daw ba?
hindi naman masarap dun sa popeye's chicken eh... actually kasi mahal... hehehe...
kung year of the pig ka... e di 24 ka na rin pala!?! tama ba ako?
woo hahaha, naniniwala akong mangyayari ang showbiz forecast mo! aabangan ko ang pagsilang ng bagong hari ng showbiz na si billycoy!! hahaha.
Naway magkatotoo ang iyong mga pangitain...
magkatotoo nga naman sana ang mga forecast... :)
hindi ko pa nasubukan kumain sa popye's.. kaya wala akong ideya sa lasa ng manok nila :)
blog hopping.. :)
haha.. kaabang abang... wee.. as if.. :P
Kapag nagkatotoong na-rape ka, blog mo kaagad ha.
eow, yarnhoj back here! sa chatbox ko sana i-leave yung message mo, pero gusto ko kasi maansin mo agad bah?
anyway, salamat sa pagpasok mo sa web ng clan namin.
hindi naman po ako yung founder ng clan namin, actually birthday lister lang ako.
try ko po sabihin sa founder na ilink namin page mo sa amin.
kasi tuwang-tuwa talaga kami sa blog mo, promise. yung friend ko ata dito isa, may crush ata sa iyo.
hehe, tenchu poh
God you're such a pig! Sooo disgusting!
Nah! Love it!
Sana magkatotoo yung showbiz prediction mo. Hell, I detest all those wanna-beasts and whatnots.
yarnhoj > naku, wag kang mahiya, ako nga dapat mahiya sa mga pinagsususulat ko. salamat, sa pagsuporta at sa pagkalat ng aking lagim. sa may crush sa akin, pakisabi 'i love you'
irish > wag kang magworry, hindi naman mahalay, babuy lang!
yatot > tsek mo na lang sa profile ko ang aking age, hindi ko naman kinakahiya yun kasi matagal na akong walanghiya
loverboy > hindi nga pala ako isinilang, inutot lang po ako.
drew > magkakatotoo yan... sabi nga dream, believe, survive!
cher kulet > naku dapat masubukan mo, nang magkasubukan na
marya > nakupu, wag mo kong abangan, baka pagulpi mo ko
hermie > hayaan mo, ishe-share ko sa inyo yung experience kapag narape na ko, sana nga mamaya na!
talamasca > laking tuwa ko rin kapag natupad yun, para wala ng mga rebelde kapag pinagharian ko na ang showbiz!
so dahil pinanganak ako sa year of the snake e pag nag year of the snake e dodoble ang pagiging ahas ko?..lol.. :)
magpakita kana kaya billycoy.. kasi nakikinita kong nagttrabaho at nagbblog ay si bomberman..este si combatron! lol :)
Post a Comment