Saturday, January 06, 2007

Fire in the Sky

Kagabi Pyro Olympics sa MoA. Sandamukal ang mga tao, mas marami kaysa last year. Hindi naman masyado matrapik nung bumiyahe kami papunta dun, wala kasing trapik sa LRT. Ewan ko na lang kung magkatrapik pa dun. Tapos nagdyip kami mula Pasay Rotonda patungong MoA. Lagpas 8pm na nga kami dumating, 8pm start, pero as usual hindi naman kagad nagsisimula yun. Nung bumaba na kami sa MoA, hayun nagsisimula, hindi man lang kami nahintay, masyadong atat. Lintek na mga paputok, excited ng sumabog sa ere, sana man lang naghintay muna sila makahanap kami ng maayus-ayus na pwesto bago sila sumabog. I'm so hot, that's why I start to wet... wet with sweat. In rush kasi kami. Buti na lang maganda ang getup ko kaya I don't let my posture down. Ginawa ko na namang catwalk ang paseo ng MoA.

Nakipagkissing elbows tuloy kami sa mga kakaibang mga earthlings. Grabe, iba't ibang nilalang, may halimaw, may alien, may timawa, may tabon at kung anu-ano pa. Pero agaw pansin talaga sa amin dun yung Taong Bulbul. Yung bang parang sinalampakan ng bulbul ng sampung tao at nilagay sa kanyang ulo, as if naman negro siya para magpa-afro. Mabuti na lang may mga Bebes sa likod namin, at talaga namang umapaw ang lawa ng aking laway na halos lunurin na ang MoA lalo kapag nililingon ko sila. Kulang na nga lang yata lumapit ako sa kanila at lamunin sila. Bwiset lang kasi may kasama silang mga guys, ewan kung juwawhoopers nila yun, gusto ko tuloy sila (yung mga guys) na masakerin gamit ng radiation ng aking cellphone o kaya bigyan sila ng pearl shake para magkakanser na sila.

Pero siyempre, bida dito yung fireworks. Ang gaganda lahat at ang lulufet. Merong korteng puso, parang puno, saka meron din parang boobies. Talaga namang naligayahan ako sa mga pinakita nila. Naakit ako sa alindog ng kanilang mga paputok. Hindi ko mapigilan ang aking ungol sa ligayang aking nadama noong gabing yun. I can feel the heat. Sobra akong na-arouse!

Kaya naman naisip kong i-video ito at i-share sa inyo para ma-arouse din kayo. Kung hinahanap niyo ang abang-lingkod niyo sa video pasensya na po kayo at wala siya diyan dahil isinama na po siya sa mga paputok.



16 comments:

Virginia said...

kagagaling ko lang din dun ngayon! grrrraabbee ang traffic putsa, anong oras na o mag-aalas tres na ng umaga! ang ganda ng fireworks no... pero i agree, mas masaya panoorin kung may kasama kang 'juwawhoopers...'

sabi ni nanay Lowe's International daw pangalan nung company... try mo bka kunin kang...maintenance..? joke!

... said...

galing din kami last friday night, ang traffic. pagkatapos tuloy sa malate. wala lang, gusto ko lang mag-comment.

Japboy said...

billicoi.

wala lang naisip lang kita
sorry ha baka naistorbo kita
baka may iba ka pang hinihintay na comment.
gusto ko lng malaman mo,
nanganak ipis namen.

hihingi ka ba?

Billycoy said...

virginia > ui lowe's pala, sila pala yung naglabas yung kay angelica.

sorrowful > uy, friday ka rin pala, baka nagkita tayo dun ng hindi natin nalalaman, naka-blue ako noon eh, oo nga pala, lagi palang naka-blue si combatron.

japboy > pasensya na, marami na kaming alaga dito, di na rin namin kaya. baka gusto mong tulungan kaming mag-alaga nitong mga ampon namin.

sephthedreamer said...

ahh i saw this nung isang araw while i was leaving MRT Taft station. around 815pm ata. took me away from reality for a moment until i realized those blasted (literal) fireworks are causin major traffic hehe.

joe

Hermie said...

Wow! Nanggaling din ako doon noong Sabado para makita ang fireworks ng USA at Spain. Sayang, di kami nakapunta noong 1st day para makita ang sa defending champion na Argentina. Oo nga, ang daming tao. Buti walang naging gulo at stampede.

Hermie said...

Sorry, Australia pala.

xoxiRiSH_29xox said...

nakaka-arouse pala ang fireworks...jejeh...

Talamasca said...

Pffft I was hoping that I could take a glimpse of the man behind this blog on that video! Kahit parting words or riposte man lang or something! I mean, I honestly don't give a shit about the WPO because... I'm shutting up.

Ok off topic! The cockroach approach thingy that Japboy uttered was kinda... bizarre. Hell, but it's hilarious! I'm surrounded by freaks! Uhm, Mommy!!! lolololox

Riker said...

last year nakapunta din ako jan e..ang TRAFFIC NG UWIAN!!

Anonymous said...

juwawhoopers ?
gusto ko yun.
:)
kaw talaga.
hahanap ka lang pala
ng malalandi
sa MoA pa.
:)
kung sa bagay.
nakakadagdag ata
ng libido
ang paputok.
pyromania.
:)

ikay the dancer said...

hahaha! andun din kaya aku nung sat. :) ang astig noh? hehe,, mga 10pm tapos na ung fireworks.. pero 12mn, andun parin kme sa paligid ng MOA. na trafic. sana nakita kita. bwahahahaha!

ikay the dancer said...

teka.. kelan pa nakaka-ano ang pyro? amfufu ka talga. iba taste mo. bwahaha!

Anonymous said...

Huwaw! Enjoy ako sa kwento mo. Ingat lang sa pagpapaputok hehehe. Buti ka pa nakapunta dun. Samantalang ako, nakikita ko na lang sa mga pitsur. Galing ng mga kwento mo. Mahusay!

Donya Quixote said...

[i'm back!]

i saw the fireworks from a ship last friday... ganda nga...

i <3 your header. :D

Anonymous said...

Tsk, Friday ka pala andun. Saturday kasi ako. Hehe.