Friday, December 01, 2006

Unleashing the Poet

I am so inspired kung kaya't ako'y napasulat ng tula. Sobra talaga akong inspired kaya't kailangang i-share ko sa inyo. Very special person kasi ang pinanggalingan nitong inspirasyon. Kung sino ang special someone ko, syempre sino pa ba, kundi ako. Wala naman na akong pwede akong paghugutan ng ganitong inspirasyon kundi sa akin lang. So here it goes:


Katulad ni Billycoy
by: Billycoy

Katulad ka ng tae
Hindi mapigilang ilabas
Sa puwet nangingiliti
Hindi tuloy kami mapakale

Katulad ka ng ipis
Nagkakalat ng mikrobyo
Dulot ay sakit na labis
Ilan ba ang iyong puyo?

Katulad ka ng AIDS
Sakit na nakakahawa
Sickness from getting laid
Masarap naman yun di ba?

Katulad ka ng droga
Nakakaadik kapag sumobra
Ang isip ay nawawala
Nakakahigh ka na talaga

Katulad ka ng baboy
Tunay na ikaw ay mahalay
Kapag sa iyo lumalaboy
Utak ko'y nagiging high

Katulad ka ng sipon
Nakakainis at malagkit
Ilagay sa tissue at itapon
Pero sa isip ko ika'y kumakapit

Katulad ka ng utot
Kumakalat ang baho
Sobra ang iyong bantot
Tinitiis ang amoy mo

Katulad ka ng basura
Sa kalsada nakakalat
Napakasakit sa mata
May amoy na kumakapit sa balat

Katulad ka ng surot
Nangangagat, namemeste
Kami'y iyong hinaharot
Pero sa amin 'kaw ay swerte


Yan po ang aking obra maestra. Pinaghirapan ko ng husto yan at talagang kumalat ang utak ko sa paggawa ng tulang yan. Dapat magustuhan niyo yan dahil kung hindi lagot kayo sa akin!

22 comments:

garytarugo said...

maganda ang iyong obra. lapatan mo ng musika at isali mo sa metropop. pwedeng pwede na yan!

bananas said...

Nang magunaw ang mundo ng mga makata.

colored purple said...

...

minsan ang mga tuldok ay may kahulugan.

Anonymous said...

Ang kulit naman ng rhyme. Parang elementary.

Nyahahahaha!

Nang-aasar lang. Salamat sa pagbati, dude.

Anonymous said...

Haha. Nakakatawa naman 'yung tula. I have to agree with estupidormitaorian. So elementary. Hehe. Pero nakakatawa siya talaga. Mukha akong ewan dito sa PC shop kakatawa. :D

katrina said...

henyo!!

inspired ka nga! nyahaha :)

Anonymous said...

shet pareho tayong makata ah.... weird nuh?

Anonymous said...

grabe.

hindi ko alam kung tula ba yan o pawang... ewan ko ba.

nakakaulol ang tula mo. at hindi ko nagustuhan. malamang, dahil nag-iisa kang anak, autistic ka.

pero iba pa rin ang kaso ni Mhadel. siya'y pangatlo sa anak ng nanay niya. ang dalawa, nalaglag pa.

tsk. :) pero medyo hawig kayo ng ugali ni... mhadel ha. hihihi peace.

kiPay d'lakwatserah c",) said...

huwaw..isa kang living-francisco baltazar..i like you poem kuya...! vow ako sau!!!

L.A said...

Haha nice one!
Pedeng pede nang gawing national poet haha! blog more...

ive link you on my blog! hope you'll do the same! keep it up!

Riker said...

wow..tingin ko pwede mo yang isali sa nobel awards..yung for literature....talagang ang lalim e... lalo na yung tungkol sa tae..hahahhahaha :P

MISYEL said...

ang galing ng tula mo, sobrang natawa ako para akong baliw tuloy dito magisa haahahha... pang-alis bugnot to ahh :)

Loverboy said...

wow lagyan mo ng musika. ganda nyan tol haha. patugtog mo sa parokya. :)

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

BOW!

zeus-zord said...

wow

astig ng poem mo

ang lalim

hirap idecipher

meron syang hidden mining na d mo makukuha

tapos ung main character ang tragic ng buhay, ganun ba talga?

ano na ang mangyayari sa kanya?

hmmmm

hmmmm

more

kakabitin e

INIDORO said...

inspirado talaga si billycoy!

Anonymous said...

ngustuhan ko!!! hehehe

panghent said...

napakasaraaap *mali mali* kanais nais ka sigurong tao!!

ang mga pinagkumparahan mo sa iyong sarili ay tunay na (ahem) kaaya aya.

nice one tae. i mean billicoy. =)

ikay the dancer said...

huwaw.. makatang makata.. :P

hahaha!! magandang obra yan. sana hindi yan ang magiging huli na obra mo. :) aabanagan ko ang mga kasunod. :)

Talamasca said...

Ok that was just probably the grossest poem I've ever encountered in my entire life. But gotta give you props for the rhyming and all that shit.

Ipagpatuloy mo lang. Hehe.

Mary De Leon said...

hindi maipagkakailang, ikaw nga ay inspirado talaga, hayan tignan mo't ako ay nahawa, sabi nga ni tata. Tula ng tula!

Hehe.. Namiss ko tuloy emanila at kamakatahan..

Anonymous said...

waw asteg.... poet ka na pala..... o baka puwet!?! HAHAHA jks