Friday, December 15, 2006

Season of Gifts

"Ngayong pasko, ngayong paskoooo
Mabuti na ang buhay niyoooo
Mangarap ka ngayong paskooo
Isipin mo na kaya niyooo"
Manny Pacquiao, pasyon nya para sa araw ng pasko

Ilang araw na lang at magpapasko na. Nagkalat na sa mga bars, resto, pools, at sa mga kalsada ang mga christmas parties, reunion at kung anupaman. Ngunit alam kong may problema kayo ngayong pasko. Nava-vibes ko yun, ganun kalakas ang powers ko. Oo alam kong pinansyal may problema kayo, pero di naman yun ang tinutukoy ko. Problema sa math, wala akong pakialam dyan, at kahit yan di ko kayang solusyunan at wag niyo kong tanungin ng tungkol sa arithmetic baka puksain ko kayo dyan sa kinakaupuan niyo.

Pinoproblema niyo this season ang mga ireregalo niyo. Aba, hindi biro ang pagreregalo, madugo sa ulo pati na sa bulsa ang pagbibigay nito. Isa sa rason ng pagkalat ng mga utak yan. Very stressful ang pag-iisip kung ano ang magandang pangregalo. Mabuti na lang nandito si Billycoy para mapadali ang pag-iisip niyo. I-ready niyo na ang lapis/bolpen at papel niyo, kung wala kayo nun, pwede na rin ang uling at spraypaint at isulat niyo na lang sa pader. Pwede ring isulat niyo na lang sa dugo. So get ready for my tips.
  • Magandang ibigay ito sa mga exchange gifts kasi may certain amount na kailangan. Let's say ang required price ng exchange gift ay P 300. Madali na lang yan, bumili kayo ng picture frame, seiko seiko wallet ang wallet na maswerte or kung anupaman na worth P 50. Heto ngayon ang trick dyan, Ipa-wrap or bumili ng gift wrap na worth P 250, for sure na maganda yun, since uso na ang magagandang gift wrap ngayon, dun na lang kayo bumawi, malas lang ng napagbigyan niyo kapag sinira niya ito!
  • Siyempre pinahirapan kang mag-isip ng pang regalo papayag ba kayong hindi makabawi. It's payback time. Magregalo ng isang sakong bigas, o di kaya mga weight plates, barbells or dumbells. Tingnan ko lang kung di ka matuwa sa hitsura nila kapag inuwi na nila yun.
  • Heto bagay naman sa mga nakakasulasok na mukha. For sure na matatawa ang pagbibigyan mo kapag binigay mo na ito. Magregalo ka ng mirror sa kanya at kapag nabuksan at nakita na niya ang sarili niya dito, matatawa siya sigurado. Pero mag-ingat lang, hindi lahat ng nakakarimarim ang hitsura ay nakakatawa, may iba kapag nakita nila ang sarili nila sa salamin ay mamamatay na lang bigla.
  • Kung galing ka namang abroad o kaya mga malalayong lugar gaya ng Baguio, Boracay or Manila Bay, magandang ibigay yung mga galing sa lugar na iyon. Para di ka na mahirapan, magregalo ka ng hangin mula sa lugar na iyon. Malas na lang ulit ng napagbigyan mo kapag binuksan at pinawalan ang sariwang hangin na regalo mo.
  • Pero wala ng mas magandang iregalo sa ating mga minamahal ang ating presence. Very worthy ang bawat segundong kasama natin sila lalo't kapag nasa malayong lugar sila. Kaya magandang i-regalo natin ang presence natin sa kanila ngayong panahon ng pasko. Kung gusto niyo silang pasiyahin at sorpresahin, ilagay niyo ang inyong sarili sa isang kahon at i-ship papunta sa kanila, via door-to-door or any package freighting. Basta wag niyong kalimutan ang mga pagkain at oxygen na isama sa box niyo. Good luck na lang sa biyahe lalo kung barubal ang mga kargador, sure na malalamog kayo. Kapag dumating na kayo, masusurprised talaga ang mapagbibigyan niyo. Dahil kung hindi kayo nangingisay na dumating dun, ay malamang na isa na kayong malamig na bangkay.
Sa mga nag-iisip at gustong magregalo sa akin hindi ko na kayo papahirapan pa, kasi masaya na ako sa cash. Bahala na kayo kung through banks, money transfer o kung anu man, basta huwag lang tseke baka kasi tumalbog pa at maiskandalo pa ako sa mga bangko. Magdonate na kayo para mabili ko na ang mga lupain ng Ayala.

16 comments:

Anonymous said...

oi, bat ganong. nag-comment ako kanina tapos walang lumabas!!

Anonymous said...

TYPO. *ganon.

anyway, nag-comment na ko kanina kaso topak ang blogger. hehe.

walang tatalo sa presence ko sa pasko! aba, syempre naman! packaged na ko for take-home purposes!!

Sa totoo lang, hindi ako pala-regalo. Except kung babae at maganda at deserve ng money ko... pwede pa.

Hihihih.

Ikaw, baka nagreregalo ka ng anak??

lheeanne said...

Uy may suggestion ako, bkit hindi mo ibenta ang blog mo, kc sabi dun sa baba Your blog is worth $5,080.86.

nyhahahha!

Anonymous said...

problema ko rin ang exchange gift. sige sundin ko ang mga tips mo. gusto ko yung tungkol sa mabibigat na bagay na ireregalo mo.. magregalo kaya ako ng ganun sa ulyanin kong teacher na uugud-ugod! hrehehehe.

Anonymous said...

Wala akong balak mang-regalo sa kapwa. Ako'y selfish. bwahaha.

Gastos lang ang pasko. We're not even certain kung sa December 25 pinanganak si Cristo, so why celebrate?

Hahaha.

------
Cash? Cash mo mukha mo. ^_^

Anonymous said...

oo nga presence talaga ang pinakamagandang regalo para sa akin.

Anonymous said...

hello. :)

may iba kapag nakita nila ang sarili nila sa salamin ay mamamatay na lang bigla. natawa tlga ako dun. hindi naman sa ganyan ako. gusto ko kasi makakita ng gnyang tao eh. salamat sa tip na yan, tignan nalang natin... hihi. :)

Billycoy said...

utakgago > pwede akong magbigay ng sperm! maganda naman breed namin.

tutubing > katawan ko na lang siguro mabenta pa... kaso hanggang pambubugaw lang ang kaya ko

jonell > perfect yang pagbibigyan mo

neil > sensya na di pa ako bayani para malagay sa cash ang mukha ko. siguro kapag naging bayani na ako

kamille > anong klaseng presence? kaluluwa o yung sa buhay? pwedeng ako na lang?

patty > naku ikaw rin mag-ingat ka kapag nakakita ka ng ganyang tao, baka di mo kayanin at di ka makatulog ng ilang araw. may sumpa ang mga ganung mukha

ikay the dancer said...

ano kaya mangyayari sa buhay ko kapag sinunod ko ang tips mo? hehehe!!!

Mary De Leon said...

hanep sa mga tips!! effectivity:99% practicality:100% accesibility:98% health hazard(sa last tip):1000% hehe... ok na sana eh.. sumablay sa dulo..

Anonymous said...

Bayani? Akong bahala.

(Paging Mr. Berdugo and Kamatayan, pls proceed to Billycoy's room immediately. Paging Mr. Berdugo and Kamatayan, pls proceed to Billycoy's room immediately.)

Hahaha.

Nostalgia Manila said...

It's been a great year for bloggers. May you prosper in the new year!

Wishing you a Merry Christmas and a Happy New Year!

--Nostalgia Manila

Talamasca said...

OMG! A Manny P song! What a horrible way to open this entry! *makes the sign of the cross*

Sobrang morbid naman yung salamin na yan! Ma-try nga! I'm morbid like that, y'know. Hehe.

zeus-zord said...

hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm


nice idea

i was goin to buy dome gifts p nmn mamaya para sa exchange gift sa school

salamat

panghent said...

wais ka talagang gift giver. teka mali. wais ka talga. there you go.

Hermie said...

Billycoy, bago ako malunod kakakain ngayong darating na bakasyon, batiin muna kita ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon.

Hayaan mo ay tuwing kakain ako ng macaroni salad ay maaalala ko ang utak mo.
Yumyum!!