Tuesday, December 19, 2006

Scented Aura


Nakakainis talaga kapag may nakasama ka sa mga public thoroughfares na may kakaibang awra. Hindi ito yung awra na katulad nung nasa Maskman, yung natural na awra na lumalabas at sumisingaw sa balat ng tao o sa kilikili mo. Napakasalimuot ng magiging araw kapag nagsimula ka sa ganito. Noong college tuwing papasok ako, LRT ang sinasakyan ko. Confident at very fresh pa ako sa umaga. Plantsado ang mga damit at humahalimuyak ang bango ng Safeguard at ng pabangong ini-spray kong panakaw mula sa aparador ng dad ko. Pagdating sa LRT, hayun sangkaterba ang masang nagmamadaling pumasok sa kanya-kanyang school at trabaho. Kaya kapag pasok ko sa LRT ay laspag na ako. Walang silbi ang plantsa sa damit at pabango, sa sobrang siksikan at iba-ibang awra ng mga tao. May amoy pawis, amoy araw, amoy labanos, amoy papaya, amoy tae, amoy panis, amoy bulok, amoy cenaculo, at amoy na nangangain ng tao. Kung bulaklak kang papasok sa LRT, bulaklak ka pa ring lalabas naman, yun nga lang yung isang klase ng bulaklak na hindi nahuhugasan ng Lactacyd o pH5.

May aso naman kami, may breed siya. Nadala siya sa animal clinic, noong binalik na siya sa amin, meron na siyang kakaibang amoy. Kapag pinaliguan siya halimbawa ngayon, mabango siya, pagdating ng kinabukasan nag-iiba na, amoy daing na. After 2 days na di pinaliguan nangangamoy patis na, siguro kung isang linggo na siyang di napaliguan ay amoy bagoong na ang asong iyon. Kaya dati di ko maatim na ilabas o igala siya kasi nga sa amoy niya. Mabuti na nga lang nawala na ang amoy na iyun, salamat sa nabiling sabon ni Mommy sa Landmark. Ngayon nakikipaglaplapan na ako sa aso namin.

Heto naman, isang taon mahigit na ang nakakaraan. Nakamarka na ito sa history book ni Billycoy. Ang panahon na nagtatrabaho pa ako sa Madrigal Business Park sa Alabang. Yung una, papasok ako habang binabaybay ng jeep ang Alabang-Zapote Road may nakasabay akong kakaibang nilalang. Dalawa silang babae, umupo sila sa tabi ko. Lintek yung katabi ko ang sama ng BO. Jusmio, kababaeng tao pagkabantot-bantot. At talagang mukhang hindi naliligo, yung hitsura niya pa man din mukha ring primitibo, parang taong tabon. Grabe talaga, ewan ko ba kung bakit sa tabi ko pa umupo. Hindi ko kayang tiisin kaya napayuko na lang ako, pagtingin ko naman sa paa, hala, ano ba yung nakita ko sa paa niya. Pagkadilaw-dilaw ng mga kuko niya sa paa, at pwede kang matetano kapag nasugatan ka nun. Sa gilid ng hinlalaki niya sa paa niya, may nakita ako, tinitigan kong mabuti para malaman kung ano iyon, akala ko ingrown, hindi pala... Syet, may talbos ng kamote sa paa, tinutubuan na ng kamote ang paa niya!

Meron naman, pauwi naman na ako. Umupo ako doon sa upuan sa likod ng driver's seat, wala pa kasing driver noon kasi nasa station palang kami at nag-aabang na mapuno ang jeep. Nang mapuno na ang jeep, ready ng umalis. Pumuwesto na si Manong Driver, at syet, umalingasaw ang nakakaduwal niyang awra. Umandar na ang jeep, at regal shockers talaga, yung hangin ay sinasalubong ako, kaya naman lahat ng amoy ni manong ay nasagap ko na at kumapit na sa pagmumukha ko. Lumaganap na ang amoy ni manong sa buong jeep at lahat ng pasahero ay sumuka na, kaya ang buong jeep ay binaha na ng suka. Syempre, ako postura pa rin, kahit na ganun ang amoy tiniis ko na lang. Pero pagkauwi ko sa bahay, pagharap ko sa salamin, regal shockers, iba na ang mukha ko AAAAHHH! Nagbago na, kamukha ko na si Kuhol yung alalay ni Mr. Shooli sa Mongolian Barbecue. Kaya naghilamos na lang ako. Salamat sa Nive Facial Wash Oil Control for Men at bumalik ang dati kong nag-uumapaw sa sex appeal, at talaga namang kabigha-bighani kong mukha.

Kung makaka-encounter kayo ng mga ganitong sitwasyon, magtakip na lang kayo ng ilong o kaya ugaliing magdala ng ipit para sa inyong nose. Kung hindi niyo na talaga makayanan, magpatiwakal na lang kayo.

15 comments:

lheeanne said...

Naku kaawa awang bata ka nman. buti hindi ko naranasan makipag siksikan sa lrt na ganyan, pero madalas ang mga driver na nasasakyan ko dati e pawisan at me amoy nga! heheh! hate korin pala ung amoy ng pamada, ung ginagamit sa buhok ng mga lolo, parang kulang nlang bilhan ko sila ng gel, para un na gamitin nila....

lheeanne said...

Uy infairness at tlgang nahalukay pa yang bioman na yan, ang babaduy nung mga undergarments na gamit nila pag mag che-change costume na sila heheh!

Riker said...

bwahahahaha..LRT ang worst!!..para kayung sardinas tas minsan ala pang aircon!!..sira ang get-up!!

Anonymous said...

bwahaha, naalala ko tuloy, one time sa likod ako ng driver nakaupo at may tumabi saking lalaki ng wapak!!! talaga ang amoy!!! Di ko kinaya.. grabe, hayagan ko ng napakita na pilit kong nilalabas yung mukha ko sa may bintana para makasagap ng sariwang hangin!!!

Grabe yun..

A.Fuentes said...

Hehe... sya nung video =p

Pero kahit marami ka ng karanasan tungkol sa mga taong mababaho, masmababango pa rin ang mga pinoy kumpara sa ibang bansa. Karamihan ng pinoy amoy shampoo sa umaga... sinuwerte ka lang tlga na makasabay ung mga mababaho =p haha tsk ntwa ako dun sa talbos ng kamote =p

ek manalaysay said...

gusto kong makapanood at matapos ang maskman! ung bioman meron ako pati whole season ng shaider! ung maskman talaga ang pahirap na hanapin!

anyway! at least nasa pilipinas ka... kung nasa india ka... pinakaworst ang smell ng mga tao kapag sumakay ka ng train dun... grabe napanood mo ba ung episode nila sa amazing race... ganung kasiksik ang mga tao!

Anonymous said...

bad trip talaga yung mga ganun. Kahapon lang, habang nagkichristmas shopping kami ng nanay ko sa isang mall sa alabang, nakaamoy ako ng kakaibang aura dun sa isang salesman na nakasalubong ko. Grabe, aircon na nga ang mall, nagkakaganun pa siya.

Diba dapat kapag nagtatrabaho ka na, panatilihin mo na well-groomed ka dahil madaming mga mata at ilong ang nakabantay.

Redg said...

Ang malas mo nama. :)) Haha. Mas sagad ang kakaibang aura ngayon kasi Christmas Rush. Pawisan talaga mga tao ngayon. XD.

Anonymous said...

wahaha...ilang beses na rin ako nakaencounter ng ganyan karanasan na hindi kanais nais..haha!

pero di ko na ikwento..bdtrip e.. mga gnyng bgay, hindi na nirereminisce hehe

Anonymous said...

nyahaha yan ba ung maskman?? my gaash,, di ko na sila mejo maalala,, haha

kakaibang awra nga ang mga yan,, pamatay!! sus kawawang mga nilalang at nabanggit pa sila dito,, hehe,, di ata uso sa kanila ang safeguard at rexona.. malamang di sila nanunuod ng commercial!! hahah

carlotta1924 said...

kahapon sumakay ako sa isang aircinditioned bus na puno. buti na lang me umalis dun sa me harapan so nakupo ako... hayyy grabe hindi naman umaalingasaw ang awra nung lalaking katabi ko... stealth attack ito!

MISYEL said...

naku sobra talaga kapag nakatabi ka ng tao na iba ang awra, masisira araw mo kaya nun nandyan ako sa atin madalas ako may dalang panyo pantakip sa ilong.. natawa na naman ako sa entry mo, iba ka talaga! pero talaga bang safeguard gamit mo? hehehehe...

Anonymous said...

hay nako! sinabi mo pa! lalo na kapag nakasakay ka sa LRT ng bumbay! naku mahilo hilo ka sa... err awra nila! whaha

Anonymous said...

bakit ganon? nahuhubaran yung mga charcters bago magtransform?

XD

Anonymous said...

bwahahha~~!! kktawa ka tlga kuya... :P