Monday, December 11, 2006

Letter of Love

Kung hindi niyo natatanong, at wala naman talagang nagtatanong, nag-attempt din akong mang-rape... este mangligaw. Yun nga lang medyo hindi ako pinalad kaya kahit isang girlfriend hindi pa ako nagkakaroon. Hindi naman ako bad ass na manliligaw, actually napakaromantic ko pa nga. Yung mga kaibigan, pinsan at kaklase ko noong highschool, nagpapatulong pang gumawa sa akin ng love letters. Oo, alam ko laos na yun, pero uso pa yun dati, gamit pa nga naming pangsulat mga gel pens at kung anu-anu pa.

Bagamat mga lalaki kami, marami din kaming alam na kalandian sa pagsulat ng love letters. Merong mga letters na nakasulat sa graphing paper, sa pinilas na notebook, sa label ng mga chocolates, sa tissue, sa tiket ng bus, sa butil ng bigas, tapos kanya-kanyang style din ng pagsulat, yung papahirapan pang magbasa yung mga babae/mambabasa, yung tipong kailangan pang iikot nila yung papel o kaya magsuot pa ng 3d glasses mabasa lang ang message. Baka nga ngayon meron ng sudoku style na love letter o kaya anagrams, paduguan na ng utak ngayon!

But anyway, heto yung love letter sa attempt kong panliligaw noong highschool:

Maging sino ka man,

Hi! Hello! Kamusta na? Ako hindi maayos ang pakiramdam ko. Ewan ko ba. Tuwing gabi, imbis na matulog na ako, hindi ko magawa. Merong bumabagabag sa aking damdamin at isipan. Tuwing naiisip ko yun laging bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ako mapakali at laging bumabalikwas sa aking kama. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero ikaw lang naman ang iniisip ko kapag gabi. Sakit na yata ito. Nagkakasakit na ako dahil sa pag-ibig ko sa iyo.

Ano bang meron sa iyo? Tuwing nakikita kita, hindi ko maintindihan ang feeling ko. Ang mga mata mo ay parang mga bituin sa langit na dumampi sa iyong mukha na nagbibigay ng liwanag sa madidilim na parte ng aking buhay. Ang iyong mga ngiti ay tila sakit na nakakahawa ngunit nagpapagaan sa mga mabibigat kong araw. Mga labi mo'y mapupula na gusto kong laplapin, lamutakin at lantakin. Mga boobs mong naglalakihan at nagtatalbugan sa tuwinang ika'y naglalakad at mas nakakatuwa kapag ika'y tumatakbo ngunit mas napapasaya ako kapag ikaw ay napapayuko. Ang mga makikinis mong mga binti na tila masarap himasin.

My world is getting crazy when you are around. I can't help my blood to run faster whenever I see you. I think I'm falling for you and I want to pump you. Pag-ibig na yata ito.

Hoping for your kind consideration.

Thank you.


I'm yours,
Billycoy


Binigay ko sa kanya ito, tapos kinabukasan bumalik siya sa akin. Hinampas niya sa aking mukha ang manila paper na pinagsulatan ko nito at umalis na lang bigla. I was clueless. Hindi ko alam kung bakit siya nagalit sa akin. Pinaghirapan ko pa man din yung pagsulat kong iyon. Lalo't tiniyak kong pantay-pantay lahat ng letra doon kasi ayaw kong pumunta sa langit o sa impiyerno ang mga sulat ko dun sa manila paper. May mali ba sa love letter ko noon? Dapat siguro sa susunod ang gamitin ko ng pentel pen ay yung fine point at di na yung broad.

17 comments:

lheeanne said...

Loko ka tlga! heheh! Khit ako hahampasin kita sa sinulat mo ei! Kc hskul ka palang ganun na kaagad ka-ewan ang utak mo? nyahahah!!

Donya Quixote said...

ha? binasted ka, eh ang ganda ng love letter mo!

wehehehe

Anonymous said...

luko luko!
tsk tsk tsk
sarap mo batukan kung ako nga yung babae
okey na sana yung sa manila paper at gumamit ka ng broad pen e pero yung isulat mong tinitigasan ka pag nakikita mo sya.... pwede ka idemanda nun kala mo ba kahit salita lang
buti na lang hindi to totoo kundi patay ka tsk tsk tsk!

Billycoy said...

manilenya > tinanggal ko na pala yung word na yun, brutal masyado, nasisira ang reputasyon ko, kung meron man

xoxiRiSH_29xox said...

naku nagkamali ung girl sa ginawa nia sau....


tsk tsk...


buti nga broad pentel pen pa gamit mo eh at hindi ballpen...hehehe

Hermie said...

Isang makabagbag damdaming love letter. Mabuhay ka!!!

ikay the dancer said...

naman!! ok naman ung letter mo e.. kaso mejo kakaloka lng ung mga hirit mo! haha.. bkt naman kce sa manila paper.. hahaha!

*namiss kita. bwahaha. ngayon lng kasi ako naka daan ulit
:P

Anonymous said...

wala namang akong nakikitang mali doon sa letter, bakit nga kaya?

Mary De Leon said...

bwahaha.. anlupet mo talaga billycoy!! Hehe, ok na sa una eh.. Nagulantang ako sa huling part! Whew!

Dos Ocampo said...

ibang klaseng lab letter, medyo naguluhan ako dun sa dulo, paki explain nga!

love, dos heheh

(JOKE ONLY)

ek manalaysay said...

"hoping for your kind consideration."

hahahahha...

ano to letter of application?

MANDAYA MOORE: Ang bayot sa bukid said...

ewan ko sa yo billycoy. sulatan mo nga ako, sasagutin kita agad.

Anonymous said...

hehe..pagnanasa na yun hindi na pag ibig...

oh well... sigurpo nabitin xa sa description mo sa kanyang body kaya naglit..tingin ko lng nmn.

Anonymous said...

hahahaha me takot ka rin pala ano? :)

Debie said...

Parang lahat ata ng nakasulat sa love letter mo mali ee.

haha!at kumusta naman ang love letter na nakasulat sa butil ng bigas..

I M D. N U? said...

kinilig ako <3 haha. agree ako ke yatot. parang resume yung dulo, pero yung simula - flawless (di lang yung legs)!

deejayz said...

yan ang pagpapahayag ng tunay na damdamin! nice one!