Nakakainis ang mga bagong youth natin ngayon. 12 years old or younger may mga fraternity na, kaya kapag may gulo damay na pati sila. As if naman, fraternity talaga yun. First and foremost, malaki pagkakaiba ng fraternity sa gang. Karamihan naman ng mga gumagawa ng gulo ay yung mga gang at hindi mga tunay na frat. Frat-fratan lang, para mas magandang pakinggan. Music to the ears nga naman ang mga words na ginagamit sa mga frat; sigma rho, alpha phi at kung anu-anu pa. Though, pareho silang organization but still they are not the same.
I have a friend kasi na sumali sa organization, though hindi ko ma-identify kung frat ba sila o gang. Masyado kasing kakaiba. Sila yung mga Jolina Fans Club slash JOLOGS (Jolina Organization and Groups System) na na-mention ko na dati. Buti na nga lang nakatakas siya at di niya natapos ang initiation nito, dahil kung hindi, ewan ko lang kung ano na nangyari sa kanya. na-brainwash nga yata, buti na nga lang nahimasmasan na. Sandamakmak na dagok, sampal, sapak, sipa, bugbog at ilang galong tubig ang naubus para lang matauhan. Not mentioning the electric torture pa para lang magising na siya sa kahibangan niya.
Nung naging maayos na siya, naikwento niya sa amin ang ginawang initiation sa kanila. At talagang kakapangilabot at katakut-takot ang mga pinaggagagawa sa kanila.
1st Stage. Kabisaduhin ang lahat ng likes/dislikes ni Jolina. Yung mga favorite niyang mga pagkain, mga naging ka-loveteam, biography, mga kadramahan niya sa buhay ay dapat masusing i-memorize. Hindi pa masama, pwede ka pang pumasa. Now go to the next.
2nd stage. Papatugtugin ang kantang "Chuvachuchu" the whole day. Kapag lalabas man, kailangang nakaheadset at heto pa rin ang pinapatugtug. Kapag maka-survive ka pa dito, proceed to the next stage.
3rd stage. Ibababad ka sa harap ng TV at papanoorin mo lahat ng movies at TV shows ni Julens hindi ka pwedeng lumingon kung saan-saan, kumakain o anuman ang ginagawa mo dapat nakatutok ka sa palabas na iyon. Hindi lang ito tumatagal ng isang araw, umaabot ang pagsubok na ito sa loob ng isang linggo.
4th stage. Ang nakakapangilabot at kahindik-hindik na pagsubok na gagawin sa iyo. Lalapit ka kay Julens, para magkiss, magpa-autograph at magpapicture. Kapag nagawa mo ito, then you'll go to the fifth and final stage.
Umabot ang kaibigan ko sa fifth stage, yun nga lang di niya na talaga makayanan kaya't tumakas na siya. Pinipilit namin siyang sagutin kung ano ang mga nangyari sa huling pagsubok, kaso hindi na niya talaga kaya pang sagutin. Matinding trauma ang pinagdaanan ng aking kaibigan kaya nag-undergo siya ngayon sa therapy. Kung anuman ang mga nangyari sa 5th stage, hindi na natin alam. What lies in the 5th stage of the test is still a mystery!
Wednesday, December 13, 2006
Initiating to Entry
Posted by Billycoy at 12/13/2006 11:50:00 AM
Labels: Repapeeps
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
ano nga kaya ang nangyari sa fifth stage? hmmmm
heheheh lanya nabitin ako :)
kakantutin ba nya si jolens?
haha... grabe yun.. tsk tsk... buti na lang di ko naisipang sumali jan dati.bwahahaha..
lol! totoo ba to?!!
ang mga kabataan nga naman sa panahon ngayon.
siguro pag college na ako mapabibilang din ako sa ganyang klase ng fraternity.
SOLID BAKEKANG FAN? heeheh..
soro o frat?..hahahaha..anu kaya ang ginawa niya o dapat gawin?.. ako'y nagigimbal!!..hahaha
Naku talaga! Yang mga gang gang na yan. frat fratan! ek ek! achuchuchu! hehe. yung mga pers yir hs eh ang tindi magyosi, tapos buong araw sa dotahan. tapos makikipag bugbugan dahil sa babaeng nililigawan. dahil natitigan nung kabilang gang. asuuu!!
ang nagyari sa 5th stage ay... ewan, asi hanggang 4th stage lang din ako, hahahah
hahahha... akala ko talaga seryoso na, pero oo nga noh ano kaya nangyari sa 5th stage? kakabitin!
hahahahaha!
akalo ko what kind of frat! sus. hahah.
may nagrerecruit pa naman sa kin sa JOLOGS... buti nalang...
akala ko naman kung anu frat na yng sinalinan niya...bka yung pang 5th stage eh maging kamukha niya si Jolina..naku iyon na ang pinakamagastos na gagawin niya kung sakali. sa thailand pa siya pupunta para magretoke kasi mas mura daw dun kaysa dito sa pilipinas.
dumaan lng po..ingat...
ahihihi oi! tama!! NDE NANGGUGULO ANG FRAT! wahhahaha! shet ano anung frat ang tinutukoy mo dun sa first pharagraph?? linawin mo ah!
I dont have anything against the so called fraternity.. but why we need to joined frat?.. brotherhood? hai.. 'TROPA' lang ayos na eh.. but anyway buhay nila yun.. *sigh*
Post a Comment