Terible ang pagkawala ng internet ng ilang araw. Aba pati yung kapitbahay naming canteen hindi nakapagserve ng sandwich dahil sa pagkawala ng internet. Malay ko ba kung ano kuneksyon ng sandwich sa internet, baka dina-download pa nila ang mga pagkain through the net.
Malapit na ang bagong taon, kung noong pasko wishlist, ngayon ready na ang mga New Year's Resolution. At wala akong pakialam dun at hindi yan ang ilalagay ko ngayon. Heto na naman at mauuso na naman ang mga paputok, may putok at mga nagpapaputok sa mga motels at kwarto. Uso na rin ang torotot, baklang tumotorotot, asawang nanonorotot at mga lalaking umuutot. Ngayon din nauuso yung mga boga at bugawan sa kalye.
Kagabi ba naman, may nagpaputok ba naman sa loob ng bahay namin. Hinagis nung teenager yung paputok sa loob ng bahay. Syempre nagulat ang mga taong nasa loob ng bahay, at dahil sa lahi kami ng highblood hindi nila napigilang maging green at lumaki at habulin ng mga kasambahay ko ang batang nagpaputok. Buti na nga lang wala ako sa bahay ng naganap na iyon dahil ako'y nasa gym at kumakain ng weight plates para sa muscles ko nang mga sandaling iyon. Kung nasa bahay ako siguro sa kaganapang iyon aba humanda sa akin ang batang iyon dahil ako'y magkakakaripas ng takbo sa aming kwarto at magtatago sa ilalim ng aming kama. Nadatnan ko na lang ang mga kasama ko sa bahay at gumagawa ng eskandalo para turuan ng leksyon ang nahuling bata na nagpaputok. Syempre ako, di naman mahilig makigulo kaya diretso na lang ako sa bahay at nag-shower na lang samantalang sila nag-iingayan at nagbabalitaktakan sa labas.
Dahil sa paputok na iyon, nakapagdevice ako ng safer plans para sa bagong taon na magaganap. Kailangan siyempreng mag-ingay, at malamang na di niyo magagamit ang inyong mga kaldero para kalampagin dahil may mga lamang mga pagkain yun. Unless itatapon niyo muna ang nakalagay dun. Pero may iba pa namang way para talaga makagawa ng kakaibang at totoong ingay sa bagong taon.
- Ilang minuto bago sumapit ang bagong taon, asarin o gumawa ng nakakainis na bagay at kalokohan sa harap ng nagger na magulang o juwawhoopers niyo. For sure na bubungangaan kayo nila pagsapit ng bagong taon, di ba masaya ang maingay?
- Kumuha ng pardible, karayom o kaya toothpick at itusok sa mata ng katabi niyo. Mag-iingay yun sa kakangawa.
- Magpaputok sa loob ng kwarto. Siguro naman di ko na kailangan pang magdetalye. Basta gawin niyo na lang wild ang gabi niyo para maligayang ingay ang gagawin niyo. "Oh Yes, Who's Your Daddeh!?"
- Ano silbi ng putok kung mahinang ingay lang naman ang gagawin niyo. Magpasabog na lang di ba? Magpasabog kayo ng kotse o kaya gas station. Kung medyo realistic naman, bumili kayo ng LPG at ilagay sa gitna ng kalsada at pasingawin kasabay ng mga nagpapaputok sa labas. Malaking pasabog ang magagawa niyo lalo na sa media, dahil mababalita kayo. Exposure din yun!
- Kumain kayo ng kamote, papaya, mani at kung anu-ano pang rich in fiber pati na rin dairy products ilang oras bago ang bagong taon. Pagsapit ng bagong taon, gagawa din kayo ng ingay sa loob ng banyo.
Basta, Maligo kayo sa Bagong Taon!
7 comments:
Thanks for the nifty plans and ideas. Ma-share nga sa iba. But as for me, I'd take number 3, puhlease.
Happy New Year! Wag kalimutang tumalon para tumangkad... or something shitty like that. Pfft.
well, masaya ka talaga magpost!
nakakatawa!
anyways, have a wonderful year ahead!
ibig ba sabihin e dapat pagsapit ng alas dose sa a-uno e may kasiping ka para sumaya ang iyung buhay-makamundo?..nyahehehe.. nyhoo.. merry new year!! :)
natatawa naman ako sa post mo! buong time na binabasa ko eh nakangiti ako o kaya ay tumatawa mag-isa! at nalalaman ka pang juwawhoopers!
siguro, number 1 lang muna kaya kong gawin...
happy new year sayo!!!
hehehe... sice takot ako sa paputok.... pero gusto kong mag-ingay.... at naniniwala ako sa u (hehe)...
gagawin ko ung number 5. pero hindi sa loob ng banyo... kasi kapag sa labas ng banyo ko gagawin ... mangyayari rin ung number 1.... hahahahaha... mas maingay un....
happy new year! uhm, anu ba? Baka nga mangawawa ang genitalia ko. Ayun, siguro tatalon na lang ako sa bagong taon para tumangkad. Sige, paalam po, ginoong makisig. Hehe, peace out.
gs2 q mn2sok ng mta
gmt ang tutpik sbay subo
ksma ung mga optik nerve
mmm. srap ng media noche q
--
dangsama ko nmn qng ggmit
aq ng lpg sa pgpppu2k kc
mrming pips ang dedbols
--
ikw nkgwa k n b ng mga plnong
gnwa m?
Post a Comment