I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake I'm alive alert awake
I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake enthusiastic
I'm alive alert awake I'm alive alert awake
I'm alive alert awake enthusiastic
Yes I'm back from the grave. Matagal din ang five days kong pagkawala sa mundong ibabaw. Almost hiatus din yun. Kahit hindi ako tao, may karapatan din naman akong mamahinga. Kung akala niyo ay na-stroke at inatake ako sa puso nitong nakaraang ilang araw dahil sa masasarap na putaheng hinanda ng aking ina ay nagkakamali kayo. Kung akala niyo nagkaroon ako ng hangover at nalunod sa nag-uumapawang mga alak, mali pa rin. Dahil nagdidiyeta ako. Bagamat ang daily meals ko ay Skyflakes at Water lang, sa Noche Buena ay special dahil BluSkies Onion Crackers at Green Tea ang kinain ko.
Nasaan nga ba ako nitong mga nakaraang araw at lalo na noong araw ng Pasko? Sinimulan ko lang namang hanapin ang mga ninong at ninang ko. Aba malaki na rin ang pagkakautang nila sa akin dahil ilang Pasko na ang napapalagpas nila. Kaya kailangan ko na silang singilin. Nagpunta ako sa iba't ibang kasuluk-sulukan ng mundo mahagilap ko lang ang mga nagtataguan ninong. I've been to different parts of the world, I've been in New York, in Gay Paree, and even London Town.
Nanggaling na nga rin ako ng North Pole para hanapin yung ninong ko dun. Sikat at kilala ang ninong kong yun at very galante sa regalo. Kaso ilang Pasko na niya akong hindi binibigyan ng regalo. But I was dismayed. Wala na siya dun. Nagpunta pa nga ako sa factory niya para lang hanapin siya kaso wala na siya dun. Ang laki ng pinagbago ng factory niya, ang gulo at ang dumi ng mga pader. Puro vandals na. Parang akala mo pinagsama-samang Katrina, Reming, Milenyo at Madam Auring ang dumaan sa factory. Hindi na maliwanag at masiglang-masigla sa kumukutitap na mga bumbilya ang factory niya na katulad ng pinapadala niyang mga postcard sa akin noon.
Nakaututang dila ko ang isa niyang tauhan. Nagkaroon daw ng rally at pagpoprotesta laban sa aking ninong. Tinuligsa nila ang pagbabago sa mga patakaran na mangyayari. Tinutulan din nila ang mababang pasweldo sa factory. Magulung-magulo ang lahat noong mga nakalipas na taon. Pati ang mga animal rights activist nakisalo na rin dahil daw sa pagpapahirap ng aking ninong sa kanyang mga alagang usa. Imposible raw kasing mapalipad ang mga usa at tanging matinding pagpapahirap daw ang makakagawa para mapalutang sila sa ere. Hindi na nagtrabaho ang mga empleyado at humina na nga ang productivity ng factory hanggang sa matuluyan na itong mapasarado.
Nabalitaan ko rin na nagpapayat na itong ninong ko dahil concerned na rin siya sa health niya. Madalas na rin daw siyang mag-Gold's Gym during his free days. malaki daw ang ipinayat ng ninong ko. Pati rin sa pananamit, hindi na niya isinusuot yung pula niyang suit, naging fashion conscious simula ng magkaroon siya ng TiVo at nakakanood na ng FTV. Pero kahit na wala na siyang factory at mga tauhan, pinilit niya pa ring gawin ang mga dati niyang ginagawa. Kilala ko ang aking ninong, kahit na nahihirapan at mawasak ang buhay niya, pipilitin niya pa rin ang bagay na mga ginagawa niya lalo't para sa ikakabuti at ikakasaya ng mas marami. Wala siyang pakialam kung sabihin mang si Lito Lapid ang mananalo sa Makati. Kaya nga yun, nung minsang ipapamahagi ang kanyang mga produkto, gumamit na siya ng eroplano para sa pagpunta sa iba't ibang bansa. Hindi na rin kasi niya magamit ang mga alaga niyang lumilipad na usa dahil pinagbawalan na siya ng mga mambababatas dahil sa reklamo ng mga animal rights activists. Gumamit ng disguise ang ninong ko para hindi siya makilala at pagkaguluhan ng mga paparazzi. Ngunit dahil sa disguise niya hinuli siya ng mga kinauukulan sa airport. Nang dahil sa pagdisguise niyang iyun nakakulong daw siya ngayon.
Nakakaawa ang mga nangyari kay ninong. Marami na tuloy siyang mga tao at batang hindi na napapasaya sa araw ng Pasko. Siguro pagbibigyan ko muna siya ngayon, saka ko na lang siya sisingilin kapag nakalabas na siya. Puntahan ko muna ang iba ko pang mga ninong at ninang na nagtatago sa akin, aba sumosobra na sila. Marami-rami din sila, kaya kailangang lumarga na. Anyway, hanggang 3 Gwapings... este ... 3 Kings pa naman ang Pasko nating mga Pilipino!
8 comments:
Happy pasko at merry new year sayo! at masayang three kings narin sau! bertdey ba nila?
naku si Ninong mo nman, mali ang mukhang ginamit sa pinag disguise hayan tuloy nahuli sya. sino gang nakahuli? cguro milyonaryo na un.
Merry Christmas! nice post! ni-link kita sa'kin ah if u don't mind!
Happy New Year!
ano?
ililigpit na ba natin
yung ninong mo?
:)
lupet nam ng ninong mo! haha.
merry christmas pooo. at happy new year. ;)
oist lakas mong mahingi ng regalo! =p eto po ang regalo ko kay billycoy... aasahan ko pong may regalo rin ikaw sa akin =p weeee haha de wag na lang =p Happy new year
CLICK ME!
haha.. ang mga ninong at ninang mo ay nagpapaalala ng mga ninong at ninang ko..wahaha..
in fernez to the ninong thing. hehe. now i know why children continually end up with just hopes of his return. :)
nakakapagtaka. ano kaya ang nireregalo nya dati nung hindi pa sya into hiding? whistleBOMBS? o di kaya superLOLO? kagaya nya. hehehe.
bloghopping!
exchange links?
tikey > ewan ko ba kung kailan birthday nung three stoogies
virginia > don't worry i don't mind because i dont have a mind
super xienah > wag na muna, di ko pa sila nasisingil
cars > same to you... malupet talaga mga ninong at ninang ko, may nanlalatigo pa nga
adrian > naku, sumabog tuloy utak ko dun sa regalo mo
marya > mahirap talagang magkaroon ng mga pasaway na mga ninong at ninang
thephonologist > matagal na rin kasing di nagbibigay sa akin ng regalo yun kaya di ko na maalala. sana nga bigyan niya ako ng gerlpren.
Post a Comment