Monday, October 30, 2006

Now Salivate!!!




Sa mga nakatira sa US malamang nakita niyo na ang ad na yan during the Superbowl Season,.Galing ng TV ad ng Burger King sa US. Siguro kung pinalabas yan dito tataas ang bumababang sales ng Burger King dito sa 'Pinas. Artistic and creative ang ad. Pero every work of art may meaning, subliminally. Kung artist ka or enthusiast ka, alam mo dapat yan. At isa nga ako sa kanila, so I have an analysis of this TV ad. Heto ang investigative analysis ko sa TV ad ng Burger King na Whopperettes:

Burger Patties. Masarap ang patties nila, juicy and grilled to perfection. As the TV ad suggest, ang patties nila ay gawa sa karne ng tao. Yup. giniling and grilled to perfection. Sarap ng Double Whopper!

Mayonnaise. Isang ingredient na nagpapalinamnam ng Whopper. Yun nga lang mataas ang calories at fat content, you know why? Gawa lang naman siya sa mga taba ng tao, or yung adipose tissue. Mmmm yummy. Extra Mayo sir?

Ketchup. Siguro di ko na kailangang pahabain pa kung saan gawa ito, kulay pa lang alam niyo na kung saan gawa ito. Dugo! Dugong nilagyan lang ng suka at asukal para lumasa at mawala ang lansa.

Cheese. Isa sa addictive content ng mga burgers, optional naman ito sa Whopper. Ang cheese gawa sa cow's milk, pero sa Burger King, hindi, gawa yan sa mammary gland ng tao!

Veggies (onions, tomatoes, lettuce). Fiber sa burger. Pampahealthy kuno. Fresh naman yan, nothing to worry about the veggies' freshness. Yung mga fertilizers lang naman ng mga gulay niyan ay gawa sa mga lamanloob ng mga tao. Hindi naman kasi pwedeng isama sa burger patty kaya, ilagay na lang sa fertilizers.

Burger Buns. Ang mga tinapay gawa yan sa wheat and plants alike. Well, ang mga taniman lang naman ng mga yan ay ginagawa ring tambakan ng mga bangkay ng kung anu-anong krimen; salvage, rape atbp. Minsan nga naaagnas na mga cadavers dyan kasi di na makita gawa ng matataas na halaman.

Yan lang naman ang sangkap ng masarap na Whopper ng Burger King. Nakakapanglaway di ba? Kakagutom. Kain na. Ako oorder na nga ako ng Double Whopper plus cheese with extra mayo!

Friday, October 27, 2006

Who is the Chosen One?

Nitong kailan lamang ay sinugod ako ng mga mananampalataya ni Juday o mga member ng Judayismo. Laking gulat ko kasi may dalawang dilag ang kumatok sa aming pintuan at ako raw ang sugo ng kanilang panginoong si Juday. Sa una nga akala ko, mga aplikante para sa pagiging housemaid namin, papalayasin ko na nga sana kasi sa hitsura pa lang, siguradong di na sila papasa. Syempre, nagulat ako, kasi kahit minsan hindi ako naging fan ni Juday. Ako pa nga raw ang magliligtas sa mga tagasunod ni Judy Ann. Tinanong ko sila kung paano ako naging chosen one ng nasabing pananampalataya. Ang sagot naman nila, kinunsulta nila ang mga starsigns at ng mga manghuhula sa Quiapo. Nagpatawas na nga rin daw sila para ikompirma at ako nga raw ang lumabas. Pero para daw ma-assure nila na ako nga ang kanilang sugo, kailangan matapos ko raw ang mga misyon na ito:


  1. Paghiwalayin sina Juday at Ryan.
  2. Ibalik ang tambalang Wowie at Juday.
  3. Gawing National Anthem ang Esperanza o di kaya ang Mara Clara.
  4. Ipalaganap ang Judayismo at ito lang ang kikilalaning relihiyon sa buong mundo.
  5. Gawan ng rebulto at simbahan sa ngalan ni Juday.
  6. Mapatalsik ang Santo Papa sa Vatican at ibigay ang upuan kay Juday.
  7. Ang Vatican ay gagawing bansa ni Juday at papangalanang Judaia.
  8. Puksain si Julens at ang mga miyembro ng organisasyon niya.

Nangyari na sa akin ito noon, mga miyembro naman ng JOLOGS (JOLina Organization ang Groups System) ang lumapit sa akin at gagawin naman daw akong Presidente ng nasabing orgy... org pala. I declined the offer, kasi naging mag-un sina Marvin at Julens noon although inaamin ko na naging krash ko talaga si Julens noong Grade 4 ako. Tapos nga nun nawala na ang paghanga ko sa tinatangi kong si Julens. Pero ngayon, parang krash ko na ulit siya, kasi bago na ang hairdo niya, short hair na ngayon. Tawagan ko na nga yung mga oposisyon sa loob ng JOLOGS para ma-impeach na yung current president nila at ako na ang pumalit dun.

Ano ba ang meron sa akin at ako ang kanilang napipisil sa mga samahan nila? Ordinaryong mamamayan lang naman ako sa patapong lugar ng makasalanang bayan ng Pasay. Baka malakas lang talaga ang sex appeal!!!

Warning: Ang mga sumusunod na videos ay pawang nakamamatay. Mag-ingat!!!


Thursday, October 26, 2006

Clear Your Eyes

Para sa mga minamahal nating mga kababaihan, siguraduhing malinaw ang inyong mga mata para sa ikaliligaya ng lahat.

Monday, October 23, 2006

Wanted Housemaid

Umalis na pala yung Degree-Holder Housemaid namin. Napag-alaman kasi namin na hindi pala HRM ang tinapos niya, Accountancy pala at may license na. Kaya pala lasang numero lahat ng mga hinahain niya sa aming kainan. Medyo strict na ang paghahanap namin ngayon, para ma-assure namin ang quality ng kanyang ginagawa. Kaya ngayon, naghahanap na kami ng papalit sa kanya.

22-35 years of age Graduate of a Bachelor's Degree or Masteral Courses
STRICTLY FEMALE

Must be single (not engaged, married, commited, no kids, or complicated)
Must be sexy not skinny or juba. Vital Statistics of 36-24-36
Must have an IQ above 110.
Must know French, American, Italian, Thai, Indonesian, Chinese, Japanese, Korean, Pekingese, Chuvanese, Mongrel, Shitzu, Dalmatian cuisines
Knowledge with Washing Machines, Laundry nets, Palo-palo, Washboard, Palanggana, Mops, Clorox, Sabong panlaba, Dusters, Brooms, Rags, Floor polishers, Floorwax

Qualifications:
Hardworking at maaasahan.
Sumusunod sa mga amo ng walang reklamo.
Hindi mukhang katulong, mas mukha pang amo sa mga amo.
Laging mabango at di nangangamoy pawis.
Magaling sa kama... er... mag-ayos ng kama.
May alam sa mga brands ng damit at fashionista.
Nakakapagsuot din ng tight leather suits.
Marunong magmasahe na parang sa mga Physical Therapist.
Naghahain ng fine dining.
Class A Professional Driver.
Magaling sa strip dancing.
Hindi humihilik na parang pabo o tambutso ng jeep.
Walang bisyo sa yosi o alak, drugs pwede pa.
*Experience as a sous chef with Mario Batali, Wolfgang Puck or Bobby Flay is not required but is a plus-plus


To all interested applicants please email your Resumé, Portfolio, 1x1 Full Body, 3R, 5R pictures, NBI Clearance, Birth Certificate, Baptismal Certificate, Transcript of Records, Mayor's Permit, Working Visa (if an alien), 3 Valid ID's, Recommendation Letter and of course, yourself with plastic cover. Please prepare a five-page essay about yourself. Please also include your Demo CD and prepare two (2) songs; one ballad and one upbeat within application. All applicants will be screened and be judged accordingly. First come, first serve basis.

Dapat ipo-post ko ito sa Jobstreet o kaya sa JobsDB, pero I prefer dito na lang sa blog ko makakatipid pa. Wala naman dapat ipag-alala ang mga aplikante, hindi naman kami malufet na amo. Mababait nga kami, samakatuwid, latigo lang ang ginagamit bilang parusa samantalang ang iba pinapatapon na lamang sa ilog ang mga katawan nila.

Friday, October 20, 2006

Spilling My Beans

Siguro maraming nagtataka kung paano ako mag-isip. Panahon na siguro para ipaalam ko sa inyo ang sikreto sa napakahenyo kong utak. Alam kong wala namang nagtatanong o nag-iisip nun, pero bakit ba? Eh sa gusto kong i-share ang mga sikreto ko kaya walang pakialamanan.

Mental Exercises
Stretching. Nilalapag ko muna sa lamesa ang utak ko at binabanat-banat para ma-stretch. Warm up niya yun kasi maghapon na naman siyang kikilos para sa akin.

Massage. Normal na kapag nag-iisip yung nilalagay sa sintido ang ating hintuturo, pero merong mas effective dun. Kapag nag-iisip ako, nilalagay ko sa loob ng ilong ko yung index finger ko, mas malapit kasi sa utak yun at mamamasahe mo pa. Mahaba kasi ang fingers ko kaya naaabot yung utak ko. Pwede naman kayong gumamit ng tungkod o kaya payong para maabot ang brain niyo kung sakaling maigsi ang fingers niyo.

Swimming. Malaking tulong ang swimming, nakakarelaks ng isipan. Nagtake pa nga ako ng swimming lessons sa Malabanan para lang maging bihasa ako dito. Kung gusto niyo ring magtake ng free swimming lessons, please contact the nearest Malabanan in your place.

Relaxation. Kapag sleeping time na, kailangang magpahinga ang utak. Kaya ang ginagawa ko, tinatanggal ko muna siya sa aking ulo at nilalagay sa isang bowl para makapagrest na rin siya. Nagpapatugtug din ako ng mga classical at trance music para makatulog siya kaagad. Hindi ko siya kinakantahan baka kasi sumabog, ang hirap kayang magpulot at maghanap ng mga piraso ng utak.

Nutrition
Glucose. Simple sugar. Nakukuha sa kahit anong sweets, kagaya ko. Nakakapagpatalas din ng memorya kaya nga mainam ang hard kendi (hindi hed kandi!) habang nag-eexam. Daily intake ko ang asukal, pero di ko siya kinakain, hinihithit ko siya, mas matindi ang tama. Mas mura kumpara sa shabu, pareho lang din naman silang puti.

Iodine. Mayaman seafoods nito. Kailangan para makaiwas sa goiter. Pwede ring makuha sa iodized salt. Magpapak ng iodized salt para makonsumo ang iodine nito. Alternatibo ko, kapag wala ng asukal. Maaari ding hithitin, mas mura din kumpara sa shabu at kagaya ng asukal, pareho ring puti, mas pino nga lang ito.

Zinc. Ang mga pagkaing mayaman sa zinc ay kinikilalang aphrodisiac o ang dahilan sa pagiging malibog. Masagana ang zinc sa gatas at oysters. Madalas akong kumain ng oysters at uminom ng gatas, kung kaya't nagiging malibog ako.

Omega fatty acids. Mainam na nutrition para sa ating mga puso at ganun din sa utak. Mayaman ang fishes, gaya ng mackerel, salmon at sardines at ganun din ang itlog (hindi po betlog). Maraming mantika na labelled na "rich in omega-3/6/9" kaya laklakin na lang ito. Laklakin din ang Omega Pain Killer, lufet din ng epekto.

So hayan, nai-share ko na ang ilan sa mga secrets para magkaroon ng brilyanteng utak. Kung gusto niyong subukan, wala na akong pakialam dun, basta namamahagi lang ako ng ilang piraso ng aking utak. Para sa mga di nakakaalam, ang bituka ko ang nag-iisip para sa akin hindi ang utak ko.

Siya nga pala, nagbebenta rin ako ng mga piraso ng utak ko, baka gusto niyo lang bumili. Sariwang-sariwa at murang-mura pa. Delivery rates do apply.

Monday, October 16, 2006

Hero of the Metro

I've got an email from an old-time friend, Em-em. Matagal na rin kaming hindi nagkikita nito because he migrated to the United States. He's needed daw kasi dun lalo sa field of work niya. We only contacted through emails, but the latest email he sent was quite disturbing. He has sentiments kasi with his work and I don't know how to answer it. Kaya I wanna share it with you and kahit papaano maparating sa marami ang sentimiyento niya.

My best friend Billycoy,

Hi! Kamusta na? I hope you're doing well there. I'm currently here in an internet café, because back in the station, we haven't subscribe for a broadband connection pa kasi. I'm not doing fine here. I'm really dissed with my work. My co-workers are really an asshole. They won't make me save other people. Lagi nila akong inuunahan sa pagligtas ng ibang tao, kaya lahat ng credits napupunta na lang sa kanila. I know you know what I'm talking about here, the JLA!

Like that Superman, he is sooo mayabang! He always take the lead. But as everyone knows, he is not that super compared to my powers. His powers is just like my kulangot, a worthless dumi in the galaxy. And one thing, he has a weakness kaya with those kryptonites, while I don't have one, i have two, zits and bad hair days. And his tights are so ugly kaya, it's even passé. He is giving me one nga, but i refuse to have it kasi naman, it's a big EWWW! I'm not wearing those tights because I'm not going to an aerobics class. My clothes are maganda na kaya. Coutures from Michael Kors and Tom Ford na kaya ang mga suot ko. I don't even wear the same clothes over and over again. And another, as if he stand the chance with his Lois Lane, eh obvious naman na Lois is just using Kal-el just to be closer to his cousin Kara-el, Supergirl. Yes, Lois Lane is a lesbo. I could read it from her mind using my uber cool telephatic powers.

Have I told you that Wonder Woman is salivating a waterfalls over me? Yes, she's going gaga over my good looks. In her dreams ha. She's not my type kaya, and she won't pass because she's not even fashionable to display. She's wearing a star-spangled aerobic tights knowing that she's an amazon from Greece. Ewww, I don't like amazona beauties. Kaya nga these days she ignores me and making those lame parinigs because I dumped her. And I don't care I have charms and good looks more than anybody have. I can have a googol of girls.

And these freaks are blaming for the 9/11 incident, kasi that's the moment they told me if I could prove to them that I am reliable from their team. But I can't go that moment, because I'm in a spa in Beverly Hills that time. If they called hours ago maybe I can go, kaso it was just a short notice, 5 minutes before the planes get bangga to those towers. 5 minutes, like hello!? I need to prepare myself pa, I need to go back to my home in New York to get my couture clothes and have my hair styled pa in a salon. I don't go on a rescue kaya looking wasted and haggard, kailangan lagi akong disente and proper to be a good rolemodel sa people.

And the media freaks! I really hate them. They named me ba naman METROMAN! Big EWWW kaya yun. The name is totally hideous! Para naman akong taxi driver niyan or yung mga taong may dalang metric tape who makes sukat the cadavers in the morgues and hospitals. I could give them my real identity if they will be asking me nicely, kaso I know the media here, they may even bringing paparazzi's to intrude my abode and privacy in New York.

O sige na. Next e-mail na lang. I need to go to the asteroid belt pa to do my morning exercises pa. You know me naman, I need to pound some asteroids and do my bench press with those meteors pa.

Ciao.


Your best friend,
MM


P.S. Please tell my regards to Mang Tibur and to his daughter Polay for graduating B.S. Embalsamatory. Thanks.


Nalungkot tuloy ako sa nangyayari sa best friend kong iyon. Nakakaawa. Masyado siyang inaapi ng mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung anong tulong ang mabibigay ko. Ano ba ang magagawa ko para sa kanya?

Friday, October 13, 2006

My Life: True to Life?

Nakipagmeeting pala ako kay Mr. Vic nitong nakaraang araw. Tinawagan niya ako through my cellphone, nagulat nga ako kung paano niya nakuha ang number ko. Sabi niya from a reliable source daw. So nagpunta na nga ako sa office niya that afternoon.

Sinalubong niya ako sa office niya with a smile na aabot na sa bunbunan niya. So nginitian ko rin siya na aabot naman na sa aking noo. We sat down na sa table niya. "Ah Mr. Vic, tungkol saan po ba ang meeting natin ngayon? Tungkol po ba ito sa draft ng script na pinadala ko po sa inyo?" nauna na akong magtanong sa kanya. "Hindi ito tungkol dun... we are planning to make a movie of your story?" sagot ng head ng Viva, "But I do like your script, maybe if we finalized that, we could start on it. But let's not talk about it yet, let's talk about the YOUR MOVIE, YOUR STORY." patuloy niya. Nagulat ako syempre, natameme at di ko malaman kung tatambling ba ako o makakapatay ako ng tao, hindi ko alam na meron din pala na magkakainteres sa walang kwenta kong buhay. "Mr. Vic, I'm overwhelmed. Pero bakit ang buhay ko pa ang gagawin nating movie... walang kwenta ang buhay ko, ano makukuha mong istorya sa isang taong halos magkakalyo sa puwet sa maghapong kakaupo sa harap ng computer?" sagot ko sa kanya, "ang tanging adventure ko lang naman sa buhay ko ay ang pag-upo ko sa trono sa aming banyo... at kapag nag-iisa ako sa kwarto habang nagbabasa ng FHM." "Oo nga alam ko naman yun, pero alam mo naman sa mundo ng takilya, nagkakaroon ng konting pagbabago." sagot ni Mr. Vic. "Magkakaroon ng konting pagbabago?" tanong ko sa kanya. "Oo, konti lang naman, bababa ka sa helicopter ladder, tatalon ka mula sa tuktok ng Daranak Falls pababa, car chase sa kalsada ng Valle Verde, tatambling habang kinukuha mo yung baril sa sahig, at magsasakalan kayo ng kalaban niyo sa gilid ng bangin." ang galak na galak na sagot ni Mr. Vic. "At kailan ko naman ginawa yun sa tanang buhay ko?" ang tanong ko uli sa nahihibang na producer ng Viva. "Ayun nga yung konting pagbabago na nangyayari sa pelikula." ang biglang sagot ng producer.

So magiging maaksyon pala ang buhay ko, akala ko pa man din komedya o kaya drama na ang kwento ng movie ko, kung porno nga siguro laking tuwa ko pa. "So what do you think Billycoy? You know I won't take no for an answer" ang sabi ni Mr. Vic habang ang kaluluwa ko ay naglalakbay sa astral plane at malapit ng maabot ang nirvana ng wet dreams. "Ah ok, sige, yan ang sabi mo eh" napilitang sagot ko, "but for one condition..." patuloy ko. "Ok, what's that?" sagot ng producer. "Sa akin manggagaling ang title, whether you like it or not." confident na sagot ko. "Ok, what do you have in mind?" tanong ulit ng makulet na produ. "The Arousal of Billycoy!" ang uber confident na reply ko sa question niya. "Baka naman pagalitan tayo niyan ni Laguardia, mahalay yata yung title mo" ang sabi ni Mr. Vic. "Mabuti na yun, kaysa naman sa 'The Erection of Billycoy'" sagot ko muli. "Ok, so we have a movie then" galak na sambit niya. Nag-shake hands kami at he expected another meeting soon para sa casting and story conference.

I also made drafts na rin para sa movie poster ng movie ko.

I chose the layout horizontally, but some say it looks better vertically.

Monday, October 09, 2006

World's End: It's Now or Never


Grabe. I have a vision last night. Malapit na raw ang end of days ng ating mundo. Iba sa inaakala nating prediction ng mga manghuhula sa quiapo at ng mga propeta ng Judaism (relihiyong itinatag ni Juday). Kahindik-hindik at kagila-gilalas.

Ganito ang mga pangyayari. Nakaupo ako sa aming sofa, medyo inaantok na ako noong mga panahong yun. Maya-maya may naririnig akong tumatawag sa pangalan ko "Billycoy... Billycoy..." Medyo mahina pa nung moments na yun. Naramdaman ko na tinigasan ako. Tapos, lumakas na ang boses, YAKK, lalaki pala!? "Billycoy!!!" sabi ng mahiwagang boses. "Big Brother, ikaw ba yan?" tugon ko. "OO ako nga!" sagot niya. Tinanong ko siya, "Yes, Big Brother, ano pong papagawa niyo sa akin?" "Alam mo bang malapit na ang katapusan ng mundo niyo?" sagot niya. "Nakita mo na ba ang mga senyales? Una, ang pagkamatay ni Pope John Paul II, ang sumunod ay ang pag-amin ni Rustom Padilla at ang kinakatakut ng lahat ang huling senyales... ang pagkain ni Mang Tibur sa kanto ng Isaw!!!" Nasindak ako sa mga sinabi ni Big Brother, hindi na ako nakasagot muli. "Kunin mo ang DVD sa loob ng shoebox sa tabi mo." Kinuha ko nga yung DVD sa loob ng shoebox, nagulat ako sa nakita ko sa packaging. "Big Brother, bakit porn to? ...saka bakit M2M? Bakla ka Big Brother?" tanong ko sa kanya. Tumugon siya, "Ah... eh... wala lang akong mapaglagyan nung DVD kanina." Natawa na lang ako ng tahimik sa aking kinakaupuan. "Ah basta! Kunin mo na yung DVD sa loob niyang case at isaksak na!", utos niya. "Yuck naman Big Brother, di ako nanonood ng M2M... baka meron ka dyang Girl on girl action, pwede pa." "Iba ang laman niyan kaya isaksak mo na!" pasigaw na utos niya. "Teka Big Brother, gawa lang ako ng popcorn." ang aking tugon. "Wala ng panahon, isaksak mo na yang DVD sa player!" nanggigigil na utos ng nakakasindak na boses ni Big Brother. Nang dahil sa galit ng boses niya, ginawa ko na lang bigla. Talagang nagulat ako sa mga nakita ko sa video, talagang feel na feel ko ang mangyayari sa kinabukasan ng ating mundo lalo't naka 7.1 Dolby Surround Stereo at Sony Bravia 49" pa ang aming tahanan.

Si Mahal na ang pinakamatangkad na tao sa mundo.

Lalabas sa Playboy at Hustler Magazine si Madam Auring.

Uulan ng elepante sa iba't ibang parte ng mundo. Ito ang magiging sanhi ng pagkamatay at pagkawasak ng maraming tahanan sa ating mundo.

Ang lahat ng tubig sa mundo ay magiging uhog at i-expect mo na kapag summer o tag-init na unti-unti itong magiging malapot na green hanggang sa maging kulangot. Kitang-kita sa far-away galaxy na ang earth ay magiging isang kulangot!

At ang malufet na mangyayari, magiging presidente si Kuya Germs ng ating bansa at pag naglaon, magiging chairman pa siya ng United Nations. Pamumunuan niya ang buong mundo. At ang resulta hindi na matutulog ang mga tao sa mundo, ang mga eyebags aabot na sa sahig. At ang hindi ko kayang matanggap, magiging dreadful ang fashion, dahil ang lahat ng isusuot na damit ay katulad ng mga sinusuot ni Kuya Germs.

Hindi ko na kinaya ang mga nakita ko sa revelation na ito, kaya't pinatay ko na ang DVD. Kakarimarim ang magaganap sa ating kinabukasan, hindi ito kaya ng powers ko. Napaluha ako sa mga mangyayari. Nagulantang ako sa mga tumambad sa akin kung kaya't naitanong ko na lang, "Big Brother... kaanu-ano mo pala si Charlie dun sa Charlie's Angel?"

Wala ng sumagot sa akin. Wala na ang boses ni Big Brother. Hindi ko namalayang nilayasan na pala ako ni Big Brother ngunit may naiwang note sa shoebox:

Please pass or the world's end will be tomorrow if not now!

Friday, October 06, 2006

New Solution to Lose Weight!

Panahon na ngayon ng mga matataba. Isa ka na ba sa kanila? Madalas ka bang tawaging mataba, chubby, babuy, juba, balyena, elepante, butanding, dabyana, jupiter at kung anu-ano pa. Ang mga exercise at mga diet ba ay walang silbi? Nasubukan mo na rin bang uminom ng kung anu-anung mga diet pills? Puwes, heto na ang mabisang solusyon sa iyong problema!

Introducing Tubig Baha™! Imported from Malabon, mabisang pampapayat ito. Mas malupit pa ang epekto sa Ballerina, Kankunis at Xenical. Mas matindi rin ang epekto kaysa sa Bangkok Pills. Sure na sure ang pagpayat mo dito. Ang mga nasabing gamot ay nilalabas ang mga toxins sa inyong mga tyan sa pamamagitan ng inyong mga jerbaks, jebs, ebs, syits, craps, fecal matter o kung anumang nais mong tawag dito, ngunit gagastos kayo ng daan-daan kung hindi man libu-libung salapi. Ang Tubig Baha™ ay ganun din ang epekto, minsan mas matindi pa, kaya nga siguradong papayat ka dito at sa murang halaga lamang. Pwede pa ngang libre.

Kung gusto niyo ang Tubig Baha™ magtungo lang sa Malabon at dalhin ang inyong mga container para makakuha ng libre. Kung tinatamad naman kayo tumawag lamang kayo sa aming hotline: 1-800-TUBIGBAHA para umorder.

BUT WAIT THERE'S MORE... If you'll order now, at this very moment and very second, you'll get a 375,255 gallons for free, yes, FOR FREE. That's worth a thousand pawis, now for free.

BUT WAIT THERE'S MORE... Call on the next 1 minute and you'll receive this LIBRENG ELEGANTENG PLATITO!

Ulam sold separately

Also available soon, Tubig Baha™ Powdered Drink and Tubig Baha™ Tablets.

*Limited stocks only when off-season. Season is from May to October. Batteries not included.

Tuesday, October 03, 2006

Kudos to Milenyo

Sinalubong ko nung Huwebes si Milenyo. May dala pa nga akong placard na nakalagay "Welcome Milenyo to the Philippines" ang sa pinsan ko naman "I *heart* you Milenyo!" Dala namin ang mga placard na yan sa bubong ng aming bahay. Inabangan namin siya kasi narinig namin na dadaan nga raw siya dito sa Metro Manila. At yun dumaan nga siya.

Dumaan si Milenyo, disaster ang nangyari. Parang dinaan ng bagyo ang Metro Manila... maraming di nakapanood sa ending ng Majika, hindi pinalabas ang laro ni Ogie Diaz sa game show ni Kris Aquino, hindi rin napanood ang Bituing Walang Ningning at maraming di nakapagtaya ng lotto nang maganap ang hagupit ni Milenyo. Pero mabuti at dumating itong si Milenyo, ang dami niyang benefits.

Waterbed. Maraming nakaranas ng waterbed nung dumaan si Milenyo. Dahil nagblackout, mainit kaya hayun pinagpawisan ang marami sa kanilang mga kama and walla! may waterbed na kayo.

Physical Fitness. Blackout, walang kuryente ang mga waterpumps, diretso ngayon tayo sa mga poso. Igib dito, igib doon, buhat dito buhat doon. Mabuti sa triceps o yung mga naglalaylayang taba sa mga braso para ma-tone. Ang pagbubuhat naman ng balde, good for the thighs, butts and lower back. pati rin ang pagpapaypay, mainam sa forearms.

Burned Calories. Nag-iigib man o hindi sure na nagburn kayo ng calories. Mistulang sauna ang inyong pagtulog sa gabi. At for sure di rin kayo nakakain ng maayos those days.

Relaxation. Sa wakas nakapagpahinga ang mga fingers sa kakatext at kakatype sa PC. Walang signal at walang kuryenteng pangpower sa mga computer. Wala ring mga pasok sa school at wala ring access sa outside world. Bumalik sa primitibo ang karamihan.

Easy Money Opportunities. Ilabas na ang mga lagareng bakal at pumunta sa labas. I-ready na rin ang mga kariton at mga sidecars. Maraming billboards ang bumagsak at mga yerong nilipad, pwedeng ikalakal sa mga junkshop. Kung hardcore kayo, pwede ring kunin ang mga kable ng kuryente ng madalian, kasi nga patay ang mga ito. KALAKAL NA!

Maraming benefits ang bagyo, kaya kung gugustuhin niyo pa, wait lang may kasunod na si Milenyo. Ilalabas ko na nga ang illustration board at pentel pen ng masimulang ko naman na ang placard ko para sa bagyong si Neneng. Ano kaya ang isusulat ko naman?

--------------------------------------------------------

Kaya nga pala ako ng blog para i-promote ko na iboto ako sa blog ni talksmart Nominated kasi ang walang kwenta kong blog sa Blog of the Week para sa week 24. Para tumaas din ang exposure ko, baka sakaling madiscover ako nila Tita Annabelle at Inay Lolit.

Monday, October 02, 2006

Not Another Board Exam Controversy

Let's get over my love stories and my rants being singles. Newscoop muna sa nasagap kong balita nung kailan.

Maraming bakla ang sumugod sa opisina ng CiBAC (Commission in Bakla Accreditation and Certification) dahil sa kontrobersyang naganap sa Gay Board Exam. Nagkaroon daw ng leakage at dayaan sa nasabing board exam kung kaya't sila ay napasugod. Ang fabulosong Gay Board Exam ay ang magpapatunay sa mga bakla kung sila nga ay tunay na bakla o hindi. May mga ilang personalidad daw ang nagbayad upang bumagsak sila sa Gay Board Exam, opo, bumagsak at hindi para pumasa. Ang dalawa sa mga kabilang daw sa mga sikat na celebrities na ito ay itago na lang natin sa mga pangalang Pyulu Pascual at Erik Santos. Malaki raw ang ibinayad nila sa mga opisyales ng CiBAC upang bumagsak.

Pagkatapos may mga nakapagpuslit pa ng mga exam papers. At ayun sa mga nasagap naming mga impormasyon ay ganito ang mga nilalaman sa nasabing exam:

1. Kung ikaw ay may chorva, ikaw ay may:
a. Kimberly
b. Chuchunes
c. Cheneling
d. Chuva

2. Ang chorva ay ginagamit sa kimberly. Ang chuchu ay sa cheneling:
a. Ang unang chuva ay trulalu, ang pangalawa ay syongak
b. Ang unang chuva ay syongak, ang pangalawa ay trulalu
c. Ang parehong chuva ay trulalu
d. Ang parehong chuva ay syongak

3. Ang chuchu ay isang:
a. aso
b. chuva
c. tren
d. biatch

Kaya pala ang kapitbahay namin kahapon ay umiiyak at nagwawala sa kanilang tahanan. Pinakinggan ko ang kanilang usapan ng kanilang ina. Ngumangawang dumating ang bakla "Inaaay, hindi ako baklaaa! Huwaah!" Sumagot ang ina, "Bakit anak? Paano mo nalaman yan?"
"Hindi ako nakapasa sa Gay Board Exam! Huwaah!" sagot ng hindi pumasang bakla. "Ganun ba anak? Ok lang yun, next year may exam pa naman, baka dun pumasa ka na. Malay mo next year bakla ka na."

Haaay, kaawa-awang nilalang.