Ang hirap naman ng buhay ko ngayon. Lagi na lang akong nagsosolo. Wala pa kasi akong juwawhooopers, kaya madalas lang akong gumimik mag-isa. Actually, di pa ako nakakaranas magmahal. Ano ba feeling? Parang heaven ba o parang nasa heaven ka na biglang mafa-flatan ang eroplano at babagsak sa lupa. O baka naman suicide ang pag-ibig. Wala pa akong alam kapag tungkol sa love, natututo lang naman ako sa experiences ng ibang nilalang dito sa lupa. Forsaken na yata akong hindi magmahal... Huwag naman! Gusto ko ring makipag-sex... este magmahal. Isipin mo na lang, kapag kakain sa labas, di ko naman pwedeng i-expect ang mga kakosa ko na samahan ako lagi, at least andyan ang girl in shining armor ko to the rescue. Lalo na kapag nalolongkot ako at walang makaosap. She's just a phone away.
Kailan pa ba kasi nauso na ang lalaki ang nanliligaw? Di ko tuloy malaman kung bakit, malamang dahil sa: a. torpe ako b. ubod lang talaga ako ng gwapo na makalaglag-panty-at-nakaka-wet-sa-unang-tingin-pa-lamang na sex appeal na nakaka-intimidate lalo sa mga kababaihan (tinatype ko ito habang nililipad ng hangin ang building namin). Kasi I'm sure na di ako saksakan ng kapangitan na itinakwil ng langit at impiyerno at pati na sa ibang parte ng kalawakan. Hindi ko pa rin alam kung torpe nga ako kasi hindi naman ako aware na lalaki pala ang nanliligaw sa mga girls. Kung alam ko lang dapat matagal ko ng ginawa. I-a-advertise ko na lang ang ganitong kalagayan ko, since nandito na rin ako sa field na ito.
Wednesday, September 20, 2006
Someone To Love
Posted by Billycoy at 9/20/2006 12:37:00 PM
Labels: Oh Pag-ibig
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
10 comments:
Haha!
Nice post dude and ayoko ng isipin kung ano ang ibig sabihin ng picture na yan.
funny.
well, maeexperience mo din ang love na yan.
wag mo munang hanapin, kasi pag nandyan na yan maiinis ka din. pramis.
feel ko ala ako sa lugar para magsalita tungkol sa love dahil kinse plang ako.. Pero dadating din ang time na yun! Pramis.. tc..
hehehe, dont worry may darating din pra sau
para may makaosap ka pag nalolongkot ka. hehehehe. :)
love is patient. love is kind. tandaan mo yan.
darating at darating din ang panahon na mararanasan mo ang pakiramdam na mahirap ipaliwanag, na para bang ikaw lang ang nakaiintindi sa sarili mo, na para bang langit ang pakiramdam sa tuwing nakikita mo siya, na para bang ayaw mo nang magising kung panaginip lang ang lahat, na para bang hindi ka mabubuhay nang wala siya, na para bang hindi mo siya kayang mawala sa paningin mo, na siya ang nagbibigay sa'yo ng lakas ng loob, na siya ang inspirasyon mo sa lahat ng bagay, na sa bawat kilos mo parati siyang sumasagi sa isip mo lalo na't nakatatak na siya sa puso mo, na siya talaga ang itinitibok ng iyong puso....
dude, hindi sex ang laging dapat hanapin. kapag naramdaman mo ang craving sa sex at ang kalibugan mong mas mataas pa sa mount everest, hindi yan pag-ibig, pagnanasa lamang yan.
ang pag-ibig kasi ay hindi self-seeking, love protects tandaan mo yan.
oo, malungkot nga na wala kang kasama, na para bang walang isang taong mag-aasikaso sa'yo... malungkot talaga. naranasan ko na 'yan kaya sana maniwala ka.
darating din ang araw na darating ang right girl na hinahanap mo. sana makita mo na siya. malay mo, diba, nasa tabi-tabi lang siya. kapag naramdaman mo na ang bagay na "pag-ibig" sabihin mo lang sa akin.
-Jonell-
http://paurong.i.ph
ipinapakilala ko nga pala sa iyo si Maria. Mariang Palad. Sana maging masaya kayo sa piling ng isa't isa
mr_d, nakilala ko na si Mariang Palad, nagpalit na siya ng pangalan eh, Mary Palmer na siya ngayon. Nagpabago na siya ng pangalan sa NSO nung kailan lang.
ahihihi pag tiitsan mo na muna si mariang palad...
anyhoo, mahirap talaga ang panliligaw.... haaay
Love talaga naman oh... sumasakit ang ulo ko jan ahehehe... pareho pala tayo eh nanana A and B ahahahha
i love your post. at tingin ko i love you na rin! hehehe.. o xa..
Post a Comment