Monday, September 11, 2006

Just for 88 pesos



Kahapon nag-mall hopping kami ng family ko. May hinahanap kasi ang dad ko na B4 paper rim saka Speakers para sa office nila. Una naming pinuntahan ang Mall of Asia, naglakad-lakad at nagpalamig. Maraming madla ang nagkalat, eww! Wala naman dun sa MoA yung mga hinahanap ng dad ko. Di pa naman kasi bukas yung Bose dun, pati National Bookstore nila wala ring B4 paper. So we decided to go to Makati na lang, kasi meron nga dun sa Park Square ng mga sound equipments store dun. Nag-canvass ang dad ko ng mga speakers pagkatapos tumingin ulit siya sa National Bookstore nung hinahanap niyang paper, wala rin. We ate na lang muna sa Wendy's and afterwards uuwi na rin. So nung pauwi na kami, lumagpas kami sa exit at nadaanan namin itong Japan Home Center, across the Sony Store. Tinuro ko kina mommy yung store kasi sabi ko, yung mga items nila sa loob mura lang, worth 88 pesos lang. So we went inside, marami din kaming nakitang good items, the others are weird and new stuffs.
Nakabili ang dad ko ng Litter Picker worth P88 lang. Nagtanong kami sa True Value ng ganito, ang presyo nila is worth P1400. Laki ng natipid namin.We also found this very narrow reading glasses. Kasya sa cigar case. Ngayon lang kami nakakita ng ganun kanipis na eyeglass. Since nasa Japan Home Center kami, para sa mga nippongo nga talaga ang salamin na yun. Bagay sa mga singkit nilang mga mata.
Nakakita rin kami ng pony, yung maliit na portable na kabayo pangplantsa. Di ko nga alam kung makakaplantsa ka nga dun eh. Kasi masyadong maliit, as in maliit at mababa talaga. Yung haba niya tama lang about 16 inches, pero yung lapad niya ang nakakapagtaka, siguro about 2 inches lang siya. Sobrang nipis talaga, baka mga panyo nga lang ang mapaplantsa mo. Sabi ng mom ko, portable daw yun, kasi meron din siyang portable plantsa noon sa Japan... walang kabayo, plantsa lang. Kahit yata portable kabayo yun, di mo rin magagamit sa mga damit mo. Paano pa kaya sa pantalon. Ano ba talaga gamit nun?

1 comment:

PDA said...

astigen, http://www.myiidotbox.co.nr try mo baka mawalan ka lalo ng katinuan. Salamat nga pla buti nalang nasagi ko tong link na to andami ko info na hinahanap sa ngaun na makaktulong sakin dahil sa blog mo. salamas ng marami!