Ang daming revival hits ngayon, sobra. Nariyan na ang revivals ng mga songs ng E'heads tapos sumunod din yung mga kanta ng APO. Kahit din yung songs ng labs kong si Sitti pulos revivals din mga bossa songs niya. Well, ganun talaga, kapag maganda talaga yung kanta, ok talagang i-remake. Pero meron din akong kinakanta na kinakanta rin ng karamihan. Kung may album nga siguro baka maging hit pa. Iba-iba nga rin ang versions nito. Siguro mga isang libong versions o baka nga mahigit pa. Ang kantang sinasabi ko ay yung Arimunding-munding. Iba ang version ko, iba rin sa katabi ko, iba rin sa mga kapitbahay ko. Yung version ko ganito:
Arimunding-munding-munding (repeat till you make sawa na!)
Yung sa iba namang ganito:
Arii-munding Arimunding (repeat till the hands of the baby are almost falling)
Actually, iba-iba ang version sa bawat Pinoy. Sa bawat baby na kinakantahan niya puro revival yan. Pero ang Arimunding-munding pala ay songs nina Carmen Rosales and Jose Padilla nung 1939. So duet pa pala dapat ang kantang ito, aba sosyal. Pwedeng pang-concert sa Araneta o kaya sa Folk Arts. O kaya pang-duet sa mga lipsynching loveteams sa mga noontime shows. Parang yung duet ng Freestyle saka ni Pops sa song na "Bakit Ngayon Ka Lang" big hit yan kung sakali sa mga videoke. Sana nga may magrevive ng song na ito. Bahala na kung paano version nila, mapa-rock, alternative, bossa, dance, electronica, pop, jazz, hiphop. Heto pala ang original lyrics:
- Arimunding-Munding
- Halina at Magsaya
- Arimunding-Munding
- At Pakunday-Kunday
- Sa iindak indak at sarap ng pagsinta
- Ay banayan mo sinta himig ng tugtugan
Ngayong kung sino gustong magrevive nito, hayan na ang lyrics. Teka, tanong ko lang, sino ba o ano ba ang Arimunding?
Kung may magre-revive na disco version nito, dapat parang ganito ang sayaw
2 comments:
waa.. naalala ko tuloy si napoleon dynamite!
astig! hahahha. carlos agassi version palagay ko the best...
Post a Comment