Monday, August 28, 2006

Fresh and Virgin Lips

Ilang panahon na nga ba akong single. Di lang pala ilang panahon, since birth nga pala ay single na ako. Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi naman ako pangit na nilalang para iwasan at matakot manligaw. Hindi naman ako halimaw na nangagain ng tao, nanglalapa siguro pwede pa, Roar! Torpe lang siguro talaga ako, o talagang ayaw ko pang magcommit, ayun sa beloved Tickle survey ko. Mahina pa ang loob ko sa pag-ibig, kaya heto hanggang ngayon ay very virgin at very available pa ako. Ok lang siguro kung wala pa akong sex life hanggang ngayon, pero pati first kiss wala pa ako. Hay, kaawa-awang nilalang naman ako. I don't think I'm a bad kisser, kasi ang kiss ko ay mala-Durian, Tastes like heaven but smells like hell. Pero di ko rin alam, kasi baka mala-lychee din ang lips ko, sweet and chunky, ingat lang baka manggigil at kagatin, mawalan pa ako ng kissable lips. Kaso hindi ko naman malalaman yun, kasi nga wala pa akong experience sa kiss. Ang alam ko lang halik ay ang beso-beso, saka ang paghalik sa noo.

Side effect yata ng wala pang lovelife at sexlife ang pagiging sabik sa sex. Lahat na yata kasi ng lumalabas sa bibig ko ay regarding sa sex na. Pero di naman explicit, figurative pa. Lagi pang si Mary Palmer ang kasama ko, siya lang ang katuwang ko kapag mag-isa ako. Nakakasawa na rin siyang kasama. Hayan na, nilalabasan na ako ng mahahalay na salita. Sobra na yata ang pananabik ko sa sex, human nature na kasi yan, lalo sa aming mga kalalakihan, hirap kaming magtiis. Buti na lang andyan si Mary Palmer to the rescue. Sacred pa rin naman ang sex sa akin, yung thought about it, just makes me curious and excited.

Hindi naman sex ang pinakagusto kong ma-achieve. Happy pa akong magtiis at i-retain na muna siya sa isip. Masaya na ako kung madampian lang ng halik ang mga lips ko ng aking unang mamahalin. Baka magsilundag at tumambling pa ako sa tuwa kapag dumating ang time na iyun. O kaya pasarado ko pa ang kalsada at magpainom ako sa amin. O di kaya, magpatawag pa ako ng banda at ipa-announce ko pa sa MalacaƱang ang First-Kiss-Ni-Alan-Sa-Babaeng-Una-Niyang-Minahal Day.

Hindi naman ako nagmamadali, alam ko rin namang darating ang time na yan. Sa ngayon, focus muna ako sa career, saka masaya din naman maging single kahit papano, hindi nga lang kung since birth. Ayokong tumandang virgin, baka magaya pa ako sa 40-Year Old Virgin. O kaya malagay pa sa puntod ko:

The Man Who Died Virgin

Huwag namannn!

1 comment:

prinsipe dilan said...

ha ha ha... ganun? bakit naman baka naman torpedo ka hehehe!

add mo naman ako sa blogroll mo..
www.dilan.co.nr

tnx billycoy.