Dito sa Makati, aakalain mo kagad na mga sosyal at matatalino mga tao. Kasi nga business capital nga ito ng 'Pinas, so sa isip lahat ng mga tao, mga career people, degree-holder at intelihente ang mga nilalang na mga nakatira at nagtatrabaho dito. Hayy, nung kailan lang laking bigo ko kay Binay. Buti na nga lang hindi nakalagay sa Ayala yung karatulang nakita ko, siguro sasalampak sa kakatawa ang mga matataas na nilalang na naninirahan at mga nagtatrabaho dito. Baka kung meron akong pagmamay-ari ng business dito at nakita ko yun, malamang lumipat ako ng lugar. Mabuti na nga lang, along Pasay Road, near Osmeña Highway, sa may bandang riles nakalagay sa karatula. Mga Class C saka small businesses lang naman ang mga nandito. Pero kahit na, nakakabobo pa rin. Ginagawang tanga ang maraming nilalang. Sino ba namang hindi mabobo kung ganito ang nakalagay sa karatula:
ANG KALIGTASAN AY MAPAPANATILI KUNG IISIPIN LAGI ANG SAFETY.
Hayy, grabe, di ko tuloy malalaman kung maiinis o matatawa ako sa tuwing makikita ko yun. Parang napaka-seryoso pa man din yung message nila, paano ba naman kasi yung pinagsulatan niya eh katulad nung mga No Parking Signs, saka mga warning signs sa mga kalsada. At take note, pulido ang pagkagawa, di siya katulad nung mga "Bawal Umihi Dito" na nakasulat lang ng pintura o mga pentel pen. So galing talaga sa baranggay o local government ng Makati yun. Namana ata nila kay Melanie Marquez yun. Kung ganyan siguro lahat ng mga signs siguro maraming maaaksidente dahil matatawa sila ng sobra-sobra. Niyahahahaha!
Tuesday, August 22, 2006
Bobong Karatula
Posted by Billycoy at 8/22/2006 11:35:00 AM
Labels: Basura Blogs
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment