May bagong sports na ngayon sa buong mundo. Tiyak maraming matutuwa kapag naging official sport na ito, lalo na kapag nasa olympics na ang mga ganitong paligsahan. Magtataasan ang ratings ng mga sports channel kapag pinalabas nila ang mga ganitong patimpalak. Baka ako mag-tune in na rin sa mga sports channel. Walang panama ang mga Wowow at illegal channels dyan. Ano ha?
Thursday, August 31, 2006
New Sport... Arousing!
Posted by Billycoy at 8/31/2006 04:44:00 PM 0 comments
Labels: Advertisements
Wednesday, August 30, 2006
Fine Dining sa Canteen
Kakatapos ko lang mag-lunch. Hanep itong canteen, kakaiba. Mala-fine dining. Hindi yung lugar at mga klase ng food, yung dami ng servings ang katulad sa mga fine dining restos. Aba, umorder ako ng chicken teriyaki with sautéed in butter corn and carrots, laking gulat ko sa laki ng binigay na drumstick na nilapag sa aming kainan. Huwaw! Fine dining talaga, kakarampot. Kulang na nga lang yung may nakakalat na sauce sa gilid ng manok, at alas, fine dining style serving na. Sige isipin ko na lang na yung mga mantika ng manok yung sauce na iyun. Pero kakaiba yung drumstick na yun, boneless, pero di siya fillet. Syempre, dahil sa likas kong kabutihan, di na lang ako nagreklamo, anyway, minsan ka lang naman makaranas ng "fine dining" sa isang simpleng canteen at on diet naman ang hibang na ako. Saan ka pa ba makakatikim ng "fine dining" na canteen?
Posted by Billycoy at 8/30/2006 12:32:00 PM 0 comments
Labels: Basura Blogs
Tuesday, August 29, 2006
Mayon, Suman, Butanding... at si Christian Bautista!?
Nanaginip si Ate Lo, masyadong kakaiba nga eh. Kuwento niya sa akin through chat sa YM:
Ate Lo: napanaginipan kita
crost: ngek
Ate Lo: pumunta daw tayo sa mayon, hehehe
crost: magpapakamatay ba tayo?
crost: hahaha
Ate Lo: tapos takbo daw tayo ng takbo kase umaagos na yung lava, tapos lam mo kung sino kasama natin? si yung sa star in a million
crost: may showbiz na naman
Ate Lo: oh diba sosi
crost: kakatawa naman yang drim mo
crost: masyadong kakaiba
crost: hahah
Ate Lo: yung nag revive ng tonight i need your sweet caress yun
Ate Lo: sino nga yun?
crost: christian bautista?
Ate Lo: ayun
Ate Lo: tama
Ate Lo: haha sya nga yung nahuhuli tumakbo
crost: nilamon siya ng lava?
Ate Lo: di naman, muntik na
crost: sayang!
Ate Lo: salbahe ka
crost: sana nilamon na lang siya
Ate Lo: haha!
crost: tapos ano pang nangyari?
Ate Lo: kumain daw tayo ng maraming suman tapos nag cruise tayo at lumangoy kasama pa natin yung mga butanding
Ate Lo: may kasama tayo girl
crost: hala! baka tumaba tayo niyan
Ate Lo: di ko lang recognize ang mukha
crost: sino yung girl? maganda ba? baka soulmate ko na yan
Ate Lo: oo maganda, long hair
Ate Lo: tapos medyo pettite at kayumanggi ang kulay
crost: saan natin siya nakasama, sa cruise o sa mayon?
Ate Lo: sa cruise kasama natin yung butanding
Wow, di ba? Pwedeng pangpelikula. Pagkatapos magtatakbo mula sa Mayon, hayun kumain kagad kami ng sandamakmak na suman at nagcruise kasama ng mga butanding at ng unknown girl na could be my soulmate. Kakaiba talaga ang mga dreams ni Ate Lo, pero kung psychic at manghuhula siya, at ganun mga predictions, ayoko naman yata ang magpahabol sa Lava ng Mayon lalo't hindi naman pala nilamon si Christian Bautista.
Posted by Billycoy at 8/29/2006 01:26:00 PM 0 comments
Labels: Repapeeps
Monday, August 28, 2006
Fresh and Virgin Lips
Ilang panahon na nga ba akong single. Di lang pala ilang panahon, since birth nga pala ay single na ako. Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi naman ako pangit na nilalang para iwasan at matakot manligaw. Hindi naman ako halimaw na nangagain ng tao, nanglalapa siguro pwede pa, Roar! Torpe lang siguro talaga ako, o talagang ayaw ko pang magcommit, ayun sa beloved Tickle survey ko. Mahina pa ang loob ko sa pag-ibig, kaya heto hanggang ngayon ay very virgin at very available pa ako. Ok lang siguro kung wala pa akong sex life hanggang ngayon, pero pati first kiss wala pa ako. Hay, kaawa-awang nilalang naman ako. I don't think I'm a bad kisser, kasi ang kiss ko ay mala-Durian, Tastes like heaven but smells like hell. Pero di ko rin alam, kasi baka mala-lychee din ang lips ko, sweet and chunky, ingat lang baka manggigil at kagatin, mawalan pa ako ng kissable lips. Kaso hindi ko naman malalaman yun, kasi nga wala pa akong experience sa kiss. Ang alam ko lang halik ay ang beso-beso, saka ang paghalik sa noo.
Side effect yata ng wala pang lovelife at sexlife ang pagiging sabik sa sex. Lahat na yata kasi ng lumalabas sa bibig ko ay regarding sa sex na. Pero di naman explicit, figurative pa. Lagi pang si Mary Palmer ang kasama ko, siya lang ang katuwang ko kapag mag-isa ako. Nakakasawa na rin siyang kasama. Hayan na, nilalabasan na ako ng mahahalay na salita. Sobra na yata ang pananabik ko sa sex, human nature na kasi yan, lalo sa aming mga kalalakihan, hirap kaming magtiis. Buti na lang andyan si Mary Palmer to the rescue. Sacred pa rin naman ang sex sa akin, yung thought about it, just makes me curious and excited.
Hindi naman sex ang pinakagusto kong ma-achieve. Happy pa akong magtiis at i-retain na muna siya sa isip. Masaya na ako kung madampian lang ng halik ang mga lips ko ng aking unang mamahalin. Baka magsilundag at tumambling pa ako sa tuwa kapag dumating ang time na iyun. O kaya pasarado ko pa ang kalsada at magpainom ako sa amin. O di kaya, magpatawag pa ako ng banda at ipa-announce ko pa sa Malacañang ang First-Kiss-Ni-Alan-Sa-Babaeng-Una-Niyang-Minahal Day.
Hindi naman ako nagmamadali, alam ko rin namang darating ang time na yan. Sa ngayon, focus muna ako sa career, saka masaya din naman maging single kahit papano, hindi nga lang kung since birth. Ayokong tumandang virgin, baka magaya pa ako sa 40-Year Old Virgin. O kaya malagay pa sa puntod ko:
The Man Who Died Virgin
Huwag namannn!
Posted by Billycoy at 8/28/2006 10:09:00 AM 1 comments
Labels: Oh Pag-ibig
Thursday, August 24, 2006
Boyfriend Material Naman Ako
Isa sigurong dahilan ng pagiging single ko hanggang ngayon ay dahil marami pa akong di alam gawin. Marami naman na akong alam na gawaing bahay, pwede na nga akong mag-asawa eh. Marunong akong magluto ng Lucky Me noodles, may sabaw o kahit pancit canton, kaya ko na. Mahusay na rin akong magpakulo ng tubig, lalo na kung de-sipol yung kettle. Magaling din ako magprito ng itlog, lalo kapag ginawa ko na yung specialty kong crunchy omelette, yung may eggshells pa. Wala kasing gumagawa nun ako lang. Kaya ko rin namang labhan ang mga brip ko. Napag-aralan ko na rin ang mag-alaga ng bata, napagpraktisan ko na kasi ang talent kong ito sa My Baby-All-Gone na manika at lalo na sa paglalaro ko ng tamagotchi. Kaya ko rin namang ipagtanggol ang mga minamahal ko, kayang-kaya ko ang mga ginagawa nila Shaider at ng mga Bioman. Sa kanila ko natutunan ang martial arts. Pero siguro nga marami pa kong di alam. Kaya nga heto pinapanood ko kung paano magtupi ng damit. Pinag-aaralan ko na ring mamalantsa. Lahat kaya kong gawin para lang sa aking iniirog.
Posted by Billycoy at 8/24/2006 12:51:00 PM 0 comments
Labels: Oh Pag-ibig
Tuesday, August 22, 2006
Bobong Karatula
Dito sa Makati, aakalain mo kagad na mga sosyal at matatalino mga tao. Kasi nga business capital nga ito ng 'Pinas, so sa isip lahat ng mga tao, mga career people, degree-holder at intelihente ang mga nilalang na mga nakatira at nagtatrabaho dito. Hayy, nung kailan lang laking bigo ko kay Binay. Buti na nga lang hindi nakalagay sa Ayala yung karatulang nakita ko, siguro sasalampak sa kakatawa ang mga matataas na nilalang na naninirahan at mga nagtatrabaho dito. Baka kung meron akong pagmamay-ari ng business dito at nakita ko yun, malamang lumipat ako ng lugar. Mabuti na nga lang, along Pasay Road, near Osmeña Highway, sa may bandang riles nakalagay sa karatula. Mga Class C saka small businesses lang naman ang mga nandito. Pero kahit na, nakakabobo pa rin. Ginagawang tanga ang maraming nilalang. Sino ba namang hindi mabobo kung ganito ang nakalagay sa karatula:
ANG KALIGTASAN AY MAPAPANATILI KUNG IISIPIN LAGI ANG SAFETY.
Hayy, grabe, di ko tuloy malalaman kung maiinis o matatawa ako sa tuwing makikita ko yun. Parang napaka-seryoso pa man din yung message nila, paano ba naman kasi yung pinagsulatan niya eh katulad nung mga No Parking Signs, saka mga warning signs sa mga kalsada. At take note, pulido ang pagkagawa, di siya katulad nung mga "Bawal Umihi Dito" na nakasulat lang ng pintura o mga pentel pen. So galing talaga sa baranggay o local government ng Makati yun. Namana ata nila kay Melanie Marquez yun. Kung ganyan siguro lahat ng mga signs siguro maraming maaaksidente dahil matatawa sila ng sobra-sobra. Niyahahahaha!
Posted by Billycoy at 8/22/2006 11:35:00 AM 0 comments
Labels: Basura Blogs
Friday, August 18, 2006
Degree-Holder Housemaid
Hayy! Patapos na ang araw. May sipon pa ring humihigop ng powers ko. Marami pa nga eh. Baka gusto mo, you like ba? Di naman kadiri yun ah, naaalala mo pa ba yung mga panahong nanood ka pa ng Batibot o kaya kapag naglalaro ka sa labas at ginagaya mo si Shaider, kapag tumutulo nga yan dinidilaan mo pa. Green at sobrang lapot pa. Sarap ng uhog di ba? Maalat-alat pa. Mainit nga rin pakiramdam ko, baka pwede ka ng magpakulo ng tubig, 100 degrees na yata. Pero parang lagnat loob lang, o baka init lang ng laman. Nalilibugan lang yata. Pero di rin, wala naman kasi akong iniisip na mahalay gaya ng hubad na katawan ni Bianca King. Di ko iniisip yun, laman lang ng utak ko puro trabaho at mga bagay na gagawin mamaya sa bahay, gaya ng pagbulatlat ng FHM. Pero don't worry, gagaling din naman ako... Enervon-C lang katapat niyan.
Siya nga pala, baka bukas na dumating ang bago naming kasambahay, HRM Graduate yata. Marunong na kasing magluto. Kahit nasa bahay lang ako laging masarap mga meals namin. Naka-set pa palagi ang dining table namin. Meron pa kaming appetizer, main course and dessert sa tuwing kakain kami. Baka mala-Iron Chef meals mga kakainin namin. Tapos yung mga pangalan ng dishes kakaiba, parang French or Italian na. Yung mga sineserve niya sa amin may presentation na rin, yung mga tipong di ka mabubusog sa hitsura kasi kakapiranggot lang ang mga nakalagay sa mga plato. Ang bawat subo namin ay magrereact kami na parang nasa climax na ng sex, na-achieve na namin ang orgasm! Ayos di ba? Magkano kaya papasweldo namin sa ganung kasambahay, baka mas malaki pa sa salary ko, huwaaah!
Posted by Billycoy at 8/18/2006 04:51:00 PM 0 comments
Labels: Karir
Panahong Malumbay
Isang linggo na akong naghahanap ng makasama upang maibsan itong kalungkutang aking nadarama. Sa bawat umagang dumarating ngayong linggong ito ay napakabigat sa akin, tila naging bakal at bato ang aking mga kalamnan sa aking paggising. Bagamat ang simula ng linggong ito ay maayos para sa iba, sapagkat nanalo ang aking ina sa EZ2 lotto, maliit man ang nakuha, maganda na rin sigurong simula ng linggo ito. Ngunit nagkamali ako, hindi man pangit ang mga pangyayari, nakakalungkot lang para sa bahagi ko. Lahat ng paanyaya ko sa aking mga kaibigan at mga dating kasamahan ay tila nabalewala. Kung hindi man ito tatanggihan, hindi rin sila maaaring makasama dahil sa sandamakmak na gawain ang meron sila. Nauunawaan ko naman ang mga ganung bagay, ngunit sadyang ang mundo ko ngayong mga panahong ito ay nababalot ng kalungkutan. Nais kong manood sa sinehan ngunit wala akong mga kaibigang makasama o nais sumama. Bagamat kaya kong manood mag-isa, hindi lang sa mga panahong ito. Tila ako'y mahihibang sa aking pag-iisa. Tanging ninanais ko lamang ay ang pakikisama ng iba upang kahit papaano'y malaman kong di ako nag-iisa... ngunit sa aking kabiguan ay, nabatid kong mag-isa na nga lang ako.
Sa kabila pa ng aking paglulumbay, nadama ko pa ang pagbalewala sa akin ng isa sa aking mga kaibigan. Inakala niya na biro pa ang lahat ngunit di niya batid ay lubos na sakit ang kanyang mga binitawang mga salita. Sa maliit na bagay lang nagsimula ang lahat, ngunit talagang di ko kinaya ang mga nasabi niya. Nagngitngit na ang aking mga ngipin at pumutok na lahat ng ugat sa aking katawan sa galit na nadama ko. Kaya kong tiisin ang mga bagay na iyon kung hindi lang ako sensitibo sa mga ganitong panahon. Di man lang niya inunawa ang aking mga dinaramdam sapagkat di na rin maayos ang kondisyon ng isip at katawan ko ng mga oras na iyon. Maliit na di pagkakaunawaan lamang ito, di ko na nais pang palawakin. Nais ko lang maipabatid na tao lamang din ako na napupuno at nawawalan ng pasensya. May panahon na masaya at may panahon ding nalulumbay. Hindi lahat ng gising ko sa umaga ay masasaya at may mga ibong umaawit sa aking mga bintana. Dumadaan din ako sa mga panahong may bagyo sa aking isipan. At sa mga ganitong araw ng aking buhay, di ko nais ang mga patawa o birong nakakasakit, mas nais ko lamang ang pag-unawa at ang pakikisama.
Posted by Billycoy at 8/18/2006 01:24:00 PM 0 comments
Labels: Tao Lang