Wednesday, February 20, 2008

Memory Gap

Bawal ang pork, bawal ang beans...

Iyan ang isang memorable line sa isang TV ad regarding sa memory gap na nararanasan ng mga matatanda. Ako nga rin yata tumatanda na at nagiging makakalimutin na ako. Hindi ko na nga maalala kung sino ako. Teka, sino nga ba ako? Asan ako? Bakit ako nandito?

Hindi ko nga alam kung ano nangyari sa akin kanina, kung nagiging makalimutin na ako o sadyang tanga lang. Kanina kasi, pagkatapos kong kumain ng aking brunch na butter toast, nakaranas ng El Niño ang lalamunan ko. Nakiusap tuloy ang throat ko, kailangan daw siyang madiligan ng C2. Pesteng lalamunan, sa pagka-arte-arte bakit kailangang C2 pa. Pwede namang tubig sa inodoro o kaya tubig sa estero na lang.

Hayun, napilitan akong lumabas at bumili sa store ng C2. At dahil walang ibang tao sa office sa mga oras na iyon at ako ang kiki*, ini-lock ko na ang pinto ng office at ikinulong ang mga ipis na nagpopopoyan doon. Pagkatapos, nu'ng nakabili na ako ng C2, pagbalik ko ng office. REGAL SHOCKERS!!! Naiwanan ko pala ang susi sa loob. My Gulay talaga! Buti na lang in a few minutes dumating na boss ko at nabuksan na rin ang office. Isa lang tawag sa nangyari sa akin, KATANGAHAN. Nakakatanga pala talaga ang pagkain ng Butter Toast. Kaya eat butter toast with warning.

Pero para sa mga bata pa lang at may sakit na ng kalimot, may paraan pa naman para kahit papaano ay ma-minimize ang pagiging makakalimutin.

Peanuts. Good source ito ng Niacin na tumutulong sa circulation ng dugo sa utak. Kaya kapag nakita si manong magmamamani, patigilin siya at hampasin ng plantsa. Pakyawin lahat ng binebenta niyang mani at kainin. Siguradong tatalas ang memorya at magiging best friend pa ang kubeta.

Get fishy. Hindi kayo magpapatubo ng buntot ng isda sa katawan o maging kasing amoy ng malansang isda kundi kumain ng isdang mayaman sa DHA, isang omega-3 essential fatty acid. Kumain ng mga isdang gaya ng tuna, mackerel, at tilapia dahil mayaman nga sila sa DHA. Ang DHA din ang nakaka-reduce ng risk ng Alzheimer's Disease. Pero kung nasobrahan sa pagkain ng isda at unti-unti ng nagkakakaliskis sa paa. Congratulations! Kayo na ang papalit kay Marian Rivera bilang Dyesebel or kay Malou de Guzman bilang Dugong.

Mental exercises. Bukod sa paghampas ng ulo sa lamesa at pader, pwede ring maglaro ng mga brain puzzles gaya ng crossword puzzle, sudoku or pairing game sa baraha. Kung talagang dakilang gunggong, pumunta sa  pinakamalapit na service center at manghingi ng replacement sa utak. Kung hindi na kaya ng warranty, mabuti pang i-dispose na ito kasama ng katawan.

Avoid me. Mapa-lalaki, babae, bakla, tomboy, bata, matanda, may ngipin o wala, nararapat lang na iwasan akong makita in person. Isang sulyap lang sa akin, hindi lang pangalan ang makakalimutan, pati ang nakaraan. Daig pa sa amnesia ang dulot ng isang tingin sa akin.

Pero tandaan, malaki ang pagkakaiba ng pagiging makakalimutin at katangahan... iba pa rin ang mukhang tanga. Kung sakaling nagsama-sama ang mga ganyang katangian sa isang tao, hindi na dapat sila binubuhay pa ng matagal. Tama ba?


*kiki - keykeeper

6 comments:

Anonymous said...

grabe! problema ko yan nowadays.. at ang laging biktima ng aking pagkakamalimutin ay ang aking celfon.. hirap kaya! para kong tanga na naghahanap ng celfon ko na nasa bulsa ko lang pala.. o diba??!!

Anonymous said...

no shit, kaka-exam ko lang about ANIMAL NUTRITION kanina!! naalala ko pa since nakita ko yung word na 'Niacin'.

:P naman, napaka-self centered ng blog na to. puro na lang IKAW! lol

bulitas said...

haha.kalimot! kamon. senyales na yan ng katandaan.tsktsk

PoPoY said...

memory gap.. sakit ng madaming tao yan... lalo na pag may utang?? nakoowww.. and daming natamaan.. hehhe... love ur blog.. natatawa talaga ako.. isa ka rin sa naging inspirasyon ko magbuo ng "KULTO" este ng blog ko, kahit feeling ko humor xa pero parang hindi hehehe... pls visit my site and sana po eh pahingi na din advice for more unique and mas ikakaayos pa ng blog ko.. tnx.. :) popoyinosentes.blogspot.com tnx

x said...

uy, para po pala itong blog post sa akin! grabe ang memory gap ko! LOL! :)

andi said...

bawal ang pork, bawal ang beans.

ano na lang pede... mga dahon?

di kaya maging berde utak ko? :)