Wednesday, January 23, 2008

No, Not Yet!

"Kung sino pa ang gwapo sila pa ang namamatay ng maaga"
-sabi ng isa sa aking ka-opisina tungkol sa pagkamatay ni Heath Ledger

Kagaya ni Rico Yan na pumanaw sa napakamurang edad. Siyempre akong naturally born gwapo, kanasa-nasa at katakam-takam na sex appeal infected sa sinabi niya. Hindi yata ako makakapayag doon lalo't napakabata ko pa at higit sa lahat... VIRGIN PA AKO! Hindi pa ako handang mamatay at iwanan ang mundong ibabaw. Marami pa akong hindi nagagawa sa aking buhay.
  1. Hindi pa ako nakakatikim ng sex.
  2. Hindi pa ako nahahalikan ng torrid.
  3. Hindi pa ako marunong mag-bike.
  4. Hindi pa ako marunong mag-drive.
  5. Hindi ko pa nasasayaw yung Crank That ni Soulja Boy.
  6. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.
  7. Hindi ko pa nasasakop ang mundo.
  8. Presidente pa rin si PGMA.
  9. Wala pang solo single yung "My Brother" ni Renaldo Lapuz.
  10. HINDI PA AKO NAKAKATIKIM NG SEX.
Kaya hindi ko maaatim ang mamatay ng maaga. Dapat ma-accomplish ko muna ang mga dapat ma-accomplish. Pero palagay ko malayo pa namang mangyari yun. Bakit ko nasabi yun? Kasi masamang damo rin ako. Matagal mamatay ang masamang damo. At isa akong masamang damo, isa akong marijuana.

Sayang naman ang aking kagwapuhan kung papanaw din ako ng maaga, kaya hindi ako papayag. Susuhulan ko si kamatayan para hindi niya kagad kunin ang aking kaluluwa. Kailangan man lang ma-devirginate muna ako bago mangyari yun.

Payag ba kayong mamatay ng maaga ang isang napakagwapong katulad ko?











10 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Can't wait to see the new Batman movie... Heath is the new Joker...

Ano ba ikinamatay nya? Drugs daw?

Anonymous said...

kagulat nga na patay na si heath.. ang galing pa man din niyang umarte, gwapo pa, kaso ayun nga, namatay na siya...

ikaw na lang billycoy... pag-aralan mo na lang sigurong umarte sa harap ng camera, tutal gwapo ka naman. *yun ang sabi mo sa mga posts mo, na gwapo ka, hehe. pis.

sherma said...

akalain mong nakapag-update ka... hahaha!

nagulat talaga ako nalaman kong patay na si heath. Parang pagkagulat ko nung nalaman kong buntis si jennylyn... hahaha!

bagong bihis na ang aking blog... pero alam kong di ka makakabisita sa ngayon... =)

Anonymous said...

Oo papayag ako na mamatay na ang napakagwapo na katulad mo para ang mga less gwapo na tulad ko ay magiging napagwapo na sa buong mundo. :-) Biro lang.

Dapat makitikim ka muna ng sex bago mamatay. Pa-devirginize na!

Dakilang Tambay said...

napakalungkot at patay na si Heath Ledger.

oo nga, sayang ang iyong natatanging kagwapuhan. sige humayo ka at magpakarami..hihi

Saminella said...

totoo ba ito? birhen ka pa?





wow. akala ko ako na lang ang pwedeng ialay sa dragon para iligtas ang sangkatauhan.

U.T.O.Y said...

dear belekoy,

kung meron mang tatlong guwapo na pipiliin pra matira sa mundo e malamang kasama mo ako dun. sayang nawala sa heath. dalwa na lang tuloy tayo.

yaan mo bago ka muntik munitkan na din ang buhay ko siguro e ayaw pa ako ni Lord sa dormitoryo nya. next time siguro pag binulabog ko uli ang buhay ko.

good boy,
utoy

Anonymous said...

Sayang... Joker pa naman yung papel niya. Wag ka magalala Billy, alam ko eh mga virgin ang napupunta sa langit.

Dakilang Tambay said...

palink naman.. hehe

Anonymous said...

Hey dude, have you read this already?