Friday, December 28, 2007

Here Comes the Rat

Funny Pictures

Matatapos na naman ang taon. Napakabilis talaga ng panahon, parang kahapon, yesterday lang, tapos ngayon, today na! Sa bilis nga ng oras hindi mo na nga matatandaan ang mga nangyari nitong nagdaang taon. Isang alzheimers na biglang umatake na dinaig pa ang mga bida sa mga telenobela na naa-amnesia. O sige nga kung matalas ang memory niyo, ano ang ginawa nioy noong May 22, 2007 dakong 4:17:56 ng hapon?

At dahil matatapos na nga ang taon naming mga hinayupak na mga baboy, parating naman na ang taon ng mga mababait; mga daga. Kung hindi niyo natatanong, ang tiyuhin ng lolo ng pinsan ng kinakapatid ng biyenan ng hipag ng kapitbahay ko ay isang Feng Shui expert slash psychic slash pedicurista. Thus, isa na rin akong wrist-slasher... este Feng Shui expert slash psychotic. At dahil lumalakas na rin ang pwersa ng utot ko, lumalakas na rin ang vibes ko para sa mga susunod na araw at sa susunod na taon.

Ang Nakakatakot na Forecast ni Billycoy Dacuycuy

Sa pagtatapos ng 2007
Malakas ang pakiramdam ko na sa pagtatapos ng taong ito, marami ang gagawa ng mga yearender reports at posts. Ilalahad nila ang lahat ng kaganapan mula Enero hanggang sa Disyembre ng 2007. Simula sa pangangampanya sa naganap na eleksyon hanggang sa pagdedemanda nila Sam Melbi at Pyulu Pascual kay Manay Lolit. Naba-vibes ko rin na may magsusulat—or nakapagsulat na—sa mga pangyayaring online gaya ng mga Malu Fernandez controversy at paglaganap ng 2girls1cup video.

Kaya hindi na ako gagawa ng yearender post. Naniniwala kasi ako na ang flashback din naman ay nagaganap kapag malapit ng mamatay.

Sa pagpasok ng 2008
Unang papasok ang buwan ng January—alanganin namang February. Magkakaroon ng putukan sa mga kalsada at mag-iingay ang lahat ng tao na parang akala mga baliw na nakatakas sa mental hospital. Magaganap rin ang ibang klaseng putukan na gagamitan pa ng in-out-up-down-ooh-ahh motion para lang pumutok. Hindi ito nagaganap sa mga kalye, pero pwede ring gawin para mapanood naming mga sabik at mga mamboboso.

Mas higit ang pinsalang matatamo ang magagawa ng mga taong amoy-putok kaysa sa mga paputok. Daig pa nito ang lason ng watusi, masabugan ng boga at maputukan ni... este ng superlolo sa bunganga.

Pagdating ng mga Daga
Sa opisyal na pagpasok ng mga daga ay maghanda na sa paghihiganti ng mga kamag-anak nina Mickey Mouse, Mighty Mouse, Ikabod at Doding Daga. Magiging patok sa taong 2008 ang Dora, hindi yung cartoon character ng negrang lakwatsera, kundi yung Dora na pamatay ng daga. Lalakas din ang business ng mga flypaper at mousetraps sa taong ito.

Magkakaroon din ng scarcity sa production ng cheese dahil papapakin ito ng mga mababait. Kaya ang mga mahihilig sa cheese ay mamamatay sa gutom dahil di sila makakakain ng keso sa buong taon ng 2008.

Susuwertehen naman ang mga fanatics at mananampalataya ni Mickey Mouse dahil magkakaroon na ng Disney Channel sa Sky Cable Silver simula January 1.

Fashion Forecast
At dahil nga year of the rat next year, mauuso ang mga damit na butas-butas dahil sa mga ngatngat ng daga. Ang mga style pa ng mga butas ay yung sa part ng mga utong, at pati mga undies ay may mga butas na rin. Uso sa lingerie next year ang naka-usli ang patotoy at ang namimintanang tahong sa mga panty.

Ayan ang mga naramdaman ko gamit ang aking vibrator... este vibes para sa susunod na taon. Kaya mag-stock na ng supply ng Dora at laging mag-ingat sa leptospirosis. Kapag wala na talagang magagawa, pwede na ring gawing pagkain ang mga daga. Edible naman sila!

Wednesday, December 26, 2007

Christmas = MMFF

Uy kakatapos lang pala ng Pasko. Hindi ko yata naramdaman ang Pasko. Sumilong kasi ako sa loob ng kuweba ng pukipuki at doon ako nag-hibernate kaya di ko naramadamang dumaan na ang Pasko. Mabuti na nga ring pumasok muna ako sa kuwebang iyon para maiwasan ko ang mga tiyanak... este mga inaanak.

Ang panahon ng mga regalo, bonus, 13th-month pay at makukulit na pangangaroling ng mga bata, meron pang isang paraan para malaman ang Pasko sa 'Pinas. Ano pa nga ba? Eh di ang walang kasawa-sawang Metro Manila Film Fest. Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kapag walang MMFF. Katulad yan ng mga Fiesta Ham, Queso de Bola at Fruitcake para sa mga sinehan natin.

Nakakasawa na ang mga entries ng MMFF. Heto kasi ang mga napapansin ko sa mga entries ng MMFF:

  • Kung ano ang visual effects sa trailer, ayun na rin ang nasa movie. Panoorin na lang ang trailers sa TV kaysa gumastos pa sa panonood ng sine.
  • Laging may entries si Bong Revilla at Vic Sotto sa MMFF. Pero mas nangunguna pa rin si Mother Lily sa paggawa ng movies na isasali sa MMFF kahit sinabi na niya noon na di na siya sasali sa MMFF.
  • Ang mga bankable na artista ay lumalabas sa isa o dalawang movies na kasali sa MMFF (e.g. Marian Rivera)
  • Hindi pumapatok sa box office ang mga pelikulang may "essence", sa awards ng ibang bansa lang.
  • Kailangang laging all-star cast ang mga pelikula.
  • May mga kasaling movies na angkop na angkop sa panahon ng Pasko, mga horror.
  • Sa sobrang dami ng special effects, nawawala na ang dialogue at istorya ng pelikula. Parang yung isang pelikula last year na halos 30 minutes na yata ay wala pa ring naririnig na dialogue sa climax.
  • Laging may fantasy movies para ma-maximize ang visual effects.
  • Ipinagsisigawan ang budget sa paggawa at production ng pelikula.
  • Lagi na lang ding may dayaan sa awards night.
  • Ang mga pelikula ay nagsasama ng mga talents ng rival TV stations para makapag-promote ng mga pelikula sa parehong TV networks.
  • Big deal na Dolby Surround ang audio system ng movie.
  • Wala pa ring makakatalo sa fashion sense ni Kuya Germs.
Kaya sa panahon ng MMFF, nagtitiyaga na lang ako sa tatatlo kong porn movies sa bahay. Mas maganda pa nga yatang panoorin ang porn films, mas may kuwenta pa kaysa sa mga palabas ng MMFF. Nakakapagpapaalab kasi ng aking damdamin at nakakapagpapatigas sa aking... abs!

Hayaan niyo kapag ako gumawa ng pelikulang ilalahok sa MMFF, titiyakin kong tataob ang mga tabo sa lababo ng kubo... Whatever!

HAPPY HOLIDAYS SA LAHAT... at sa manonood ng mga entries dyan, MAGDUSA KAYO!

Thursday, December 20, 2007

I'm not lying

So medyo nilangaw ang huli kong post. Actually, nilangaw pala talaga. Hindi siguro mabaho ang nailabas kong jebs kaya iilang langaw lang ang dumapo. Kawawa naman ako. Well, ok lang yun. Pero as promised ako na lang ang sasagot sa mga sarili kong katanungan.

1. Ako ay isang dakilang demigod na mayroong katakam-takam na katawan at makalagas-bulbul na kagwapuhan.

True. Isa nga akong katakam-takam na demigod at pwede akong prituhin, ilaga, i-sauté, deep fry, ihawin, i-bake, i-poach o kahit i-refrigerate lang. Nakakalagas-bulbul din ang aking kagwapuhan dahil marami akong natatanggap na reklamo na nauubos ang mga PH nila kapag nakikita ako.

2. Pinakapaborito kong mga tao sina Cristy Fermin, Mahal, Jobert Sucaldito at Madam Auring.

False. Sino ba ang may gusto sa kanila?

3. Estudyante at mag-aaral ako sa isang kinikilalang university.

False.
Matagal na akong tapos mag-aral. Pero sa kasalukuyan ay nag-se-self-study ako ng KamaSutra. Naghihintay na lang ako ng mapaglalaanan ng application.

4. Napapakinggan ko ngayon—sa mga oras na tina-type ko ito—sa FM radio ang jingle ad ng UniversiTV.

False. Basta may ibang tugtug ang meron sa radyo nu'ng isinusulat ko ito.

5. Isa akong kilalang showbiz personality.

False. Hindi pa, pero malapit na.

6. Ang paborito kong puppet sa Sesame Street ay si Elmo.

False. Ang paborito ko si Oscar the Grouch.

7. Ako ay chinito, kumikislap sa kaputian at makinis ang aking kutis.

False. Isa akong moreno na may 6.25% dugong spanish, balbun at napakagwapo.

8. Tatlong CD lang ang porn ko sa bahay.

True. Pero meron din akong ilang porn video clips sa aking cellphone.

9. Nakatira ako sa Makati.

False. Doon lang ako nagtatrabaho.

10. Nakakuha na ako ng Starbucks 2008 planner.

False. Kaya kung sinumang may extra stickers dyan bigyan niyo naman ako. Hindi kasi ako tambay ng Starbs eh.

11. Si Suri ang baby nila Angelina Jolie at Brad Pitt.

False. Si Shiloh ang kanilang anak dahil si Suri ay kina Tom Cruise at Katie Holmes. Ang laking impluwensiya nila sa personal life ko di ba?

12. Ako ay hiphop.

False. In terms of music, meron akong ilang gustong hiphop songs. In terms sa personality at fashion, hindi ako hiphop, ayt?!

13. Gusto kong sawsawan ng fried chicken ay ketchup.

False. Sa gravy lang ako mahilig magsawsaw ng chicken. Gusto ko pa yung plain fried chicken lang saka yung buhay na manok.

14. Nagkaroon na ako ng girlfriend.

False. Hindi pa nangyayari yun, pero kung merong nais mag-apply ay siya ang aking kauna-unahan.

15. Ako ay certified tried and tested virgin.

True. Kahit subukan niyo pa.

Sana nabigyang linaw ko na ang lahat ng mga iyan. If you think I'm lying, gayahin niyo na lang ang sayaw ni John Lapuz.



----------------------------

Tulungan niyo pala ang kaibigan kong si Agent Grey na manalo ng Ruffbook PC. Kasalukuyan kasing nagloloko ang PC niya sa bahay at nangangailangan na yata ng kapalit. So please ako'y nagmamakaawa sa inyo. Panalunin niyo siya, mula sa akin ako'y magpapasalamat sa tulong niyo.

Friday, December 14, 2007

Don't Lie to Me


Woah Nelly! Nakaka-199 posts na pala ako dito. So kung 199 ngayon, ang susunod 200 na. Sabagay, alanganin namang maging 201 kagad yun. Marunong naman akong magbilang kahit papaano, kahit hindi ako mahusay sa Math. At dahil, 199th post ko na, medyo eyspeysyal ang post ko. Marami na ring gumawa nito pero gagawin ko na rin para naman makilala niyo ng maigi ang inyong lingkod.

TRUE or FALSE

Panuto: Sagutan lang ang mga sumusunod ng True or False. Syempre True kung totoo at False kung kabalbalan at kabulbulan ang mga sinasabi sa statement. Madali lang naman di ba? Parang elementary lang. Unless, hindi kayo dumaan ng grade school. Ok Game?

  1. Ako ay isang dakilang demigod na mayroong katakam-takam na katawan at makalagas-bulbul na kagwapuhan.
  2. Pinakapaborito kong mga tao sina Cristy Fermin, Mahal, Jobert Sucaldito at Madam Auring.
  3. Estudyante at mag-aaral ako sa isang kinikilalang university.
  4. Napapakinggan ko ngayon—sa mga oras na tina-type ko ito—sa FM radio ang jingle ad ng UniversiTV.
  5. Isa akong kilalang showbiz personality.
  6. Ang paborito kong puppet sa Sesame Street ay si Elmo.
  7. Ako ay chinito, kumikislap sa kaputian at makinis ang aking kutis.
  8. Tatlong CD lang ang porn ko sa bahay.
  9. Nakatira ako sa Makati.
  10. Nakakuha na ako ng Starbucks 2008 planner.
  11. Si Suri ang baby nila Angelina Jolie at Brad Pitt.
  12. Ako ay hiphop.
  13. Gusto kong sawsawan ng fried chicken ay ketchup.
  14. Nagkaroon na ako ng girlfriend.
  15. Ako ay certified tried and tested virgin.
Iyan na lahat ng True or False test tungkol sa akin. Kaya sa kung sinuman ang nagbabasa ngayon ay sagutin na. Ang hindi sumagot ay mawawalan ng butas sa puwet at sa bunganga lalabas ang jebs nila.

Prizes:
Ang may pinakamaraming tamang sagot ay makakatanggap ng masigabong palakpakan at isang yacht na babagsak mula sa langit.

Monday, December 10, 2007

You'll Love these Gifts... Not!

Ganyan din kaya ang reaction nila kapag nakakita ng malaking "package"?

Ang lamig na talaga ng simoy ng hangin. Isa lang ibig sabihin nito, naka-full blast na naman ang aircon namin. Kung noon ay nakakayamot ang init ng panahon sa ating bansa, ngayon naman ay naninigas na ang ating mga utak sa tindi ng lamig na dulot ng cold front; brain freeze!

Kapag malamig, masarap makipag-sex. Kapag malamig na panahon, it's either mamomroblema sa electric bill dahil magdamag ang aircon o dahil nalalapit na ang Pasko. Oo nga, malapit na ang pasko. Hayan na naman ang sangkatutak na Christmas parties at inuman sa mga kanto. Syempre, uso na rin ang exchange gifts at mga pa-raffle sa mga opisina. Yun nga lang, hindi lahat ng klase ng regalo ay gusto natin. Ano ba mga ayaw nating matanggap na regalo o raffle prize kapag Pasko?

Oven Toaster
Sa palagiang pa-raffle sa kumpanya ng aking ama, lagi na lang yatang oven toaster ang inuuwi niya. Pwede na kaming gumawa ng bakery kung hindi lang ipinamimigay ni mommy yung ibang natanggap na oven toaster sa mga kasal. Ano pwedeng gawin? Isalaksak ang ulo ng nagbigay nito sa loob ng oven toaster, painitin at hintaying tumunog bago tanggalin ang ulo.

Payong
Madalas na ibigay ito ng mga banks. Sa dami na nga ng mga payong na ito, pwede na nitong payungan ang buong Pilipinas para makaiwas na sa mga baha. Ano pwedeng gawin? Pumunta sa pinakamalapit na branch ng bangkong nagbigay ng payong. Isalaksak ang payong sa bunganga ng teller at buksan.

Coffee Mug
Sino pa nga ba ang hindi nakakatanggap ng coffee mug bilang regalo? Kung dati mga ceramic mugs na may mga zodiac signs ang usong regalo, ngayon naman yung iba't ibang klase ng traveling mugs. Ceramic o Traveling, coffee mugs pa rin yun. Kaya nga nag-bloom ang Starbucks dahil sa dami ng nakakatanggap ng coffee mugs kapag Pasko. Ano pwedeng gawin? Painumin ng isang drum ng kape ang nagbigay nito.

Seiko Seiko Wallet, ang wallet na masuwerte
Ok pa siguro kung genuine (jinuwayn) na tatak ng wallet. Ang kaso hindi, galing pa sa bangketa at mga imitation lang ng Girbaud, Louis Vuitton at Pony. Madalas ay Girbaul, Louie Baton at Phony, halatang halata ang pagka-japeyks nito. Matatahimik lang siguro sa pagrereklamo kung may kasamang 5,000 pesos sa loob ng pitaka. Ano pwedeng gawin? Balatan ng buhay ang nagbigay ng wallet at gawing pitaka, tiyak ang swerte sa pagpasok ng bagong taon kapag nagawa ito.

Figurines
Ok naman ito, ang masama lang kung hindi naman kolektor ng mga ganitong bagay. Lalung-lalo na kung hindi naman nangongolekta ng angel figurines. 10 out of 10 yatang nakakatanggap ng figurines bilang regalo ay puro mga angel figurines. Kaya wag magugulat kung lahat ng bahay na mapupuntahan ay may angel na naka-display sa mga cabinets. Ano pwedeng gawin? Itabi ang mga figurine, gamitin na lang ito kapag nakikipag-away sa asawa para pwedeng basagin.

Picture Frames
Wow, sentimental ba? Hindi rin eh. Kasi kadalasan sa mga picture frames na regalo ay yung walang picture na nakalagay. It's either nakalagay ang size ng picture na pwedeng ilagay (e.g. 4R, 4in x 6in) o default picture ng mga caucasian na di naman kakilala. Ano pwedeng gawin? Magpa-picture at ilagay ang larawan sa loob ng picture frame.

Nude Picture ni Madame Auring or Scandal Video ni Mahal in DVD
Sino bang may gustong makatanggap nito? Ano pwedeng gawin? Ipasa na lang sa kaibigan o kaya dalhin sa mga mambabarang at mangkukulam.


Hayan ang mga pinakaaayawang regalo sa Pasko at mga Christmas Party. Sana nga wala ng magbenta ng mga ganyan para hindi na i-regalo. Isusumpa lang sila ng mapagbibigyan nila.

Thursday, December 06, 2007

El Gimikero? No Señor

Gimikero nga ba si Billycoy?
Oo dahil gwapo siya
Hindi, pero at least gwapo pa rin siya
pollcode.com free polls


Hindi ko maintindihan kung ano meron sa akin. Kadalasang judgement sa akin ng marami ay magimik daw akong tao. Hindi ko alam kung paano nila nasasabi na ganun ako. Siguro dahil sa nakakauhaw kong kagwapuhan kaya ako napagkakamalang party-goer. Well, di naman kasi mapapagkaila na kadalasan nga sa mga parties and night outs ay mga beautiful people.

I'm not a party-goer, gwapo lang talaga ako!

Ang katotohanan nga niyan ay napakadalang ko sa mga gimik. Isa o dalawang beses sa isang taon lang yata ako kung makapunta sa mga bars or nightclubs. Kasing dalang sa pagbisita ko sa dentista. Mas madalas pa nga yata akong makakain ng baby ipis sa cup noodles kaysa malango sa mga cocktails ng mga bars. Wala pa nga yata yun sa kalingkingan sa dalas kong pagkakaroon ng happy time sa kwarto o kaya sa banyo.

Isa nga siguro sa dahilan sa di ko madalas na pag-nightout kung bakit hanggang ngayon ay USB pa rin ako. Sino ba naman syo-syotain ko sa loob ng bahay namin? Alanganin naman yung aso namin, eh lalaki din kaya yun. Hindi ko naman pwedeng syotain yung mga isda sa aquarium, hindi naman ako marunong tumingin ng gender ng mga isda. Kaya kung kayo ang tatayo sa kalagayan ko, malamang ay matitigang din kayo... pero at least gwapo pa rin.

Totoong isa akong dakilang Homeboy—hindi nga lang ako yung kalbong talk show host slash talent manager. Pero hindi naman sobrang homeboy na nangangamoy paa na dahil sa sobrang buro na sa loob ng bahay. Ilang lugar lang ang madalas kong puntahan: bahay, bahay ng kapitbahay, gym, mall at office. Malate, Makati at Pasay lang yata ang kabisado kong lugar. Malayo na sa kabihasnan ang tingin ko sa Quezon City, Pasig, atbp. dahil ang kabihasnan ay nasa Parañaque.

Dahil di nga ako party-goer, sa bahay na lang ako nagpaparty mag-isa. May pinag-aaralan nga akong sayaw, higit pa at talong-talo pa nito ang Hiphop Abs. Para kung sakali mang mag-nightout ako with my repakuls, may alam na akong dance step.

Saturday, December 01, 2007

Letter to Santa

Dear Santa Clause,

Hi! Hello! Kamusta na po kayo? Minarapat ko pong sumulat sa inyo dahil sa nalalapit na Pasko. Nitong nakalipas na taon ay naging "nice" naman po ako at naging wholesome. Nakapagpatayo na nga rin po ako ng mga punso para sa mga homeless na anay, langgam at mga nuno. Itinakwil ko na rin po ang aking malilibog na kaisipan at ipinamigay na ang aking mga porno sa mga higit na nangangailangan.

Pasensya na po pala kung sa wikang Pinoy ko po isinulat ang liham kong ito dahil hindi ko po alam ang salitang gamit niyo dyan sa North Pole, kung Russian, Polish o wikang Polar Bear ba ang gamit niyo. Maiintindihan niyo naman siguro ito dahil malamang na may Pinoy workers din kayo dyan sa factory niyo na pwedeng mag-translate ng sulat ko. Idinaan ko na rin po sa blog para mas mabilis niyong makita saka di ko naman ang snailmail or email address niyo.

Heto ang aking wishlist para sa darating na Pasko.

Apple Products
Hindi po yung washington o fuji ang tinutukoy ko dito. Marami namang mansanas sa palengke. Hindi rin po franchise ng motel na may kagat sa mansanas ang sinasabi ko. Matagal na pong wala ng Anito Hotel dahil pinalitan na po ito ng Kabayan. Ang sinasabi ko po ay yung Apple na gawa ni Steve Jobs. Heto yung Macbook na may Leopard OS X, iPod, iPhone at kung anu-ano pang gawa ng Apple. Kung pwede po, yung kumpanya na lang ng Apple ang ibigay niyo sa akin.

Magic 8 Ball
Sa tagal-tagal ko ng nililista ito tuwing may Christmas party kami ay wala pa ring nagbibigay sa akin nito. Kaya naman inaasahan kong kayo na lang magbibigay nito sa akin. Hindi po kasi alam ng iba kung ano itong Magic 8-ball. Baka pati kayo Santa hindi rin ito alam?

Sex toys
Walang nagseseryoso sa akin kapag hinihiling ko ito. Since gumagawa na lang din kayo ng laruan malamang meron din kayong section ng mga laruang pang-adults. Masaya na po ako kahit sa simpleng pocket pussy lang. Pero kung ang ireregalo niyo po sa akin ay yung vibrating pocket pussy na ay labis na akong maliligayahan at baka mapa-somersault pa ako sa tuwa.

Girlfriend
Santa naman, ilang taon ko na kaya itong hinihiling sa inyo pero hanggang ngayon di niyo pa rin ako binibigyan nito. Ilang taon na kaya akong tigang na tigang. As usual, gusto ko yung maganda at sizzling hot juwawhoopers wearing only a red ribbon and only that red ribbon. Basta make sure na di mo pa siya ginamit pagkabigay niyo sa akin. Gusto ko lagi ay fresh at brand new.

World Peace
Ang dami na kayang humihiling nito, pati nga mga beauty queens ay heto rin ang gusto. Kakasawa na kasi silang pakinggan kaya pwede bang ibigay niyo na po ito sa kanila. Bahala na po kayo kung paano niyo ito ibabalot sa giftwrapper, anyway problema naman na iyon ng elf workers niyo.

Iyan lang naman po ang mga gusto ko ngayong pasko. Sana naman bigyan mo naman na ng katuparan ang wishlist ko. Ibigay niyo po ito sa akin on or before December 24. Kapag hindi niyo po tinupad ang mga kagustuhan ko ay pangungunahan ko po ang pag-aaklas ng union sa inyong factory.

Hoping for you kind consideration.


Truly yours,
Billycoy Dacuycuy
XOXO

P.S.
Wala po kaming chimney sa Pinas dahil di naman po uso yun dito dahil nasa tropical country po kami. Kumatok na lang po kayo sa gate namin, pero don't worry magsusuot na lang ako ng blindfold para di ko po kayo makita.