Hindi ko inaakala na may nagmamahal na pala sa akin ngayon. Lagi na niya akong kinukulit dito sa opisina at binubulabog ang aking karimlan. Secret admirer ko yata, kaso hindi ko pa alam ang hitsura niya, sana nga lima ang mata, tatlong bibig, labing-apat na ilong, sampung tenga, maliit ang beywang na wala na yatang bituka - 1 cm lang ang waistline - at may malaking boobs na walang cleavage. Naa-arouse kasi ako sa mga ganung babae.
Ahente siya ng call center, at lagi niya akong kinukulit tungkol sa application ng credit card, na hindi naman ako interesado. Kakaiba itong ahenteng ito, pagkalandi-landi ba naman tapos ang pagsasalita nakakainis matinis ang boses, tagalog na nga patwang-twang pa, gusto kong ipasok ang kamay ko sa mouthpiece at hugutin ang kanyang dila sa kabilang linya at ipulupot sa leeg niya. Friday noong nakausap ko siya, sabi niya nasa harap niya ang application form at kinoconfirm niya lang ang details, heto naman ako game sa pagsagot. Hanggang sa tinanong niya yung sa marital status. "You're single?" tanong ng ahente, "Yes." sagot ko, tapos "How come?" ang reply niya. Ako'y natulala at parang natutunaw ang mga sementong pader nitong opisina sa kanyang katanungan. Tapos, sabi niya pinapatawa lang niya ako kasi masyado raw seryoso ang usapan. Maya-maya tinanong niya ang workplace, siyempre sinagot ko Makati, same din daw ang place niya, tapos sabi niya "Can you fetch me tonight?" Nagulantang na naman ako sa katanungan niyang iyun, "It's Friday today, maybe we can hangout later." tapos may mga banat pang "Do you want me to go to your office?" the hell talaga itong babaeng ito, hindi ko malaman kung ahente ba talaga siya ng credit card o pokpok na ginagawang dildo ang telepono!
Nung hapon ding iyun, tumawag siya ulit, nakausap niya ang boss kong babae. Marunong makipaglaro din ang boss kong iyun, hala sige chika sila. Tapos nung nagkwento na ang boss ko nalaman ko ang pagka-intrigera nitong ahenteng ito. Paano ba naman nakausap niya yung isa kong officemate na lalaki, pabulong niya kasing sinagot, nung ikinuwento na nitong pokpok... este ahente sa boss ko sabi ba naman "Sino po ba yung nakasagot kanina? Bakit po pabulong siyang sumagot? Parang may inililihim siya. Parang MANYAK!" jaskeng ahente ito, ginawang issue pa yung pagsagot ng pabulong. Tapos hinanap din yung isa kong boss - husband ng boss na babae - sinabi na lang ng boss kong babae na kunwari magkasama kami sa meeting, tapos ang sabi ba naman nitong agent "Naku, kapag 3 hours wala pa rin sila, iba na yata yun. Kasi di ba may short-time rate sa mga motel." Hala!? Gawan pa ng issue ang pagkawala sa opisina. Kamag-anak yata ito ni crater-faced Cristy Fermin!?
Tapos ngayong umaga tumawag ulit siya, ipinipilit niya sa aking ipadala yung requirements through fax. Tapos kung anu-ano na naman pinagsasabi niya, kesyo ang cute daw ng tawa ko, kung kailan daw kami magde-date. Anu ba yun? Ahente ba talaga siya? Ayaw niya pang ibaba yung phone kahit sinasabi ko na ang mga projects ko ay kasing taas na ng Petronas Tower sa dami. Kasi sabi niya kailangan ko daw i-send yung requirements before lunch at kailangan ko raw sabihin ang word na "Promise" para ibaba na niya ang phone. Para tuloy akong highschool dito na kinikilig at humahagikgik sa kakatawa dito, nararamdaman ko na nga na kumakapal ang balahibo at nagkakaroon ng mga batik at unti-unti na akong nagiging hyena sa kakatawa dito. Kasi naman ako rin nagfi-flirt din mismo sa babaeng yun, nakakita tuloy siya ng motibo.
Ok lang naman kasing magflirt siya kapag hindi sa oras at lugar ng trabaho. Napaka-unprofessional kaya nun. Kahit phone sex nga payag ako basta wag lang naman sa opisina, kasi kung ikikiskis ko yung phone sa ano ko at may lumabas dun, nakakahiya naman sa susunod na gagamit. Although pwede ko namang sabihin "Ahh pinunasan ko yan ng clorox natapunan kasi kanina ng kaong." Reasonable naman di ba? Nagpapakapropesyonal lang naman ako.
Naku kapag tumawag ulit ang pokpok ng credit card, ano na kaya ang gagawin ko sa kanya, papatulan ko ba ang offer nila or papatayin ko na lang siya?
Monday, January 29, 2007
A Phony Affair (The Pre-Valentine Season Post)
Posted by Billycoy at 1/29/2007 10:25:00 AM 18 comments
Labels: Basura Blogs, Oh Pag-ibig
Sunday, January 28, 2007
My Pity Right Hand at the Parteeh
Pasensya na kasi hindi ako nakapunta doon sa Blog Parteeh, pero ipinadala ko naman ang aking kanang kamay. Kaya kung sakali mang may makakita ng mga larawan at sinasabing ako yun, FYI right hand ko po lamang siya. Nagkaroon kasi ng emergency, ipinatawag ako ng queen para kami'y mag-tsaa.
Nakabalik naman ako ng maaga mula sa pagtsatsaa ko from England, nag-teleport lang naman kasi ako. Susunod sana ako dun sa Blog Parteeh na iyon kaso hindi ko na nagawa kasi hindi kumpleto ang aking internal organs ko gawa ng pagmaterialize ko sa pagteleport. Ini-report naman ng aking sugo ang mga kaganapan sa Blog Parteeh.
Nagtaxi ang aking kanang kamay papunta dun sa parteeh dahil ayaw niyang mapagpawisan at maglakad ng malayo dahil sa matutulis niyang mga paa... este sapatos. Kuntodo porma siya gaya ng aking bilin, kasi sabi ko "Representative kita kaya kung gusto mong pumunta doon kailangan magsuot ka na kagaya ako." Ganun nga ang ginawa niya, pero on the way daw, habang binabaybay ng Taxi ang maluwag na karagatan ng Edsa, bigla daw dumilim ang paligid, bumaba ang madilim na ulap at tumambad sa harapan "Katapusan na ng mundo" ang sigaw niya. Ay syet, hindi pala, usok pala yun ng bus, isang bus na blue at pagkaluma-luma, gawa pa ata sa panahon ng mga Flintstones yun. Pero nung umarangkada na yung taxi at inunahan ang bus nakita niya, bus pa pala ng MMDA na gamit for clearing operations. Aba aba aba... mapupuksa ko si Bayani niyan at ako ang magclearing operation sa kanya.
Dumating na nga ang aking proxy dun sa location. Pagpasok niya sa lugar, bumulaga ang isang matangkad na halimaw... este nilalang, si Heneroso Bistokya katabi ang side dish na si Bulitas. Nakaupo naman sina Aaron Roselo, Tina at iba pang bloggers. Pero dahil pinalakas ko ang force ng aking sugo, lingon pa lang niya ay para na rin niyang hinagis sa kalawakan ang mga kapwa bloggers. At gaya ko rin, strike-a-pose din lagi ang aking representative. Kung ako siguro ang nagpunta dun, pagpasok ko palang mabasag na lahat ng salamin sa building at gumuho ito bigla at kung sakali pwede pang alisin ang buong Salcedo Village sa mapa ng Makati dahil sa lakas ng aking puwersa.
Umakyat na sila sa 6th floor at nagregister na at umupo. Tumambad sa kanilang harapan daw ang isang bath tub... hindi pala, swimming pool na tama lang sa mga condo; tipong paslit lang ang malulunod. I adviced my representative to maintain a low-profile, kahit nag-eexist siya huwag siyang mag-exist, labo ba? Invisible mode lang, mahirap pagkaguluhan since hindi lang naman siya dapat ang maging bida sa event, di ba? Nagkaroon ng usapan, bangayan at giyera sa isipan ng mga bloggers. Sosyal, telepathy lang ang mga gamit nila sa pag-uusap, pero later on nagkaroon na ng verbal at naging maaksyon na. May nagwrestling, nagbarilan, nagpatayan, at nag... ay sorry ibang report na pala ang binabasa ko, sa Toro na pala ako nagbabasa. May goodie bags ding natanggap na naglalaman ng magazines at kung anu-ano pa. Sana nga yung mga magazines ay Toro o kaya RED Magazine na lang, kaso hindi, pero ok lang.
Maraming nangyari at dumating na bloggers, masaya at enjoy. Meron pa ngang nagpalambot at nagpatigas dun. May mga raffles at mga games, sayang dahil malas ang aking alagad sa mga ganitong bagay, kung umulan man ng kamalasan noon siguro sa kanya lang lahat ibinuhos kaya hayun umuwi siyang bigo at walang iPod Video na dinala sa akin. Pero ok na rin, kasi marami siyang nauwi mula dun sa goodie bag, kasama na dun ang half-dozen na Krispy Kreme, kaya pinasakan ko na lang ng headset yung Krispy Kreme glazed doughnuts at nakinig ng music. Aba, akalain mo ba namang tumugtug. Almost 8pm natapos ang mga programs, kaya naisipan ng aking alagad na umuwi na at maiwasan pa ang exposure. At dahil isa lang ang nakapag-uwi ng iPod Video, hindi malayong mangyari na maging emo na lahat ng bloggers na umattend at magpakamatay na. Yung alagad ko nga gusto na yatang tumalon sa building o di kaya basagin ang mga baso at kainin na lahat ng bubog, kaso hindi na niya ginawa kasi kung sakaling mabuhay pa siya mafeature pa siya sa Guinness o kaya sa Ripley's.
Siyangapala, ini-report ng aking sugo na may isang nilalang dun na nakasira ng vendo machine, pinindot ba naman kaya hayun umagos sa bunganga ng vendo ang tubig.
Hindi kagad umuwi ang aking alagad at naglagalag pa siya sa G4 at naglaro pa sa Timezone ng Soul Calibur. Aba, naglaro pa, talo naman daw siya parati, dumating ang kaibigan at nagchallenge, ganun, talo pa rin. Hindi man lang nadala. Tsk tsk tsk. Malas ka talaga aking kanang kamay, hindi mo na nga ako inuwi ng iPod at hayan gumastos ka pa. Hayaan mo mamaya bibigyan na kita ng lason para tapusin mo na lahat.
Sa mga nagtatanong kung ano ang hitsura ng aking kanang kamay, huwag kayong mag-alala, nilagay ko larawan niya dito.
Hayaan niyo sa susunod na magkaroon ng pagtitipon, susubukan kong pumunta basta make sure na ako mananalo ng grand prize, dahil kung hindi papasabugin ko ang mundo niyo.
Technorati Tag: blogparteeh07
Posted by Billycoy at 1/28/2007 11:07:00 AM 14 comments
Labels: blogparteeh07, Kabaliw-Balita, Repapeeps
Thursday, January 25, 2007
Parteeh Get Meeh
Umiiyak na ako ngayon ng elepante, paano ba naman kasi wala pa rin akong invite sa Blog Parteeh 2007 na yan. Kailangan yata magpanovena pa ako para lang makasama diyan, o kaya lumuhod sa mga santo ng Quiapo, Baclaran, Calaruega at Barosoain. Dapat yata sumama na rin ako dun sa pakikipagbalyahan at moshpit noong Fiesta ng Nazareno, baka sakaling makasama ako sa Blog Parteeh na ito. O di kaya magsasasayaw din ako ng Hala Bira noong Piyesta ng Sto. Niño at nakipagwrestling at nagsuplexan para lang makuha yung mga kending binabato. Pwede ring yung nakijoin ako sa pagsasayaw sa Fiesta ng Obando baka sakaling magkaanak na ako kahit wala pa akong esposa. Nagdasal na nga ako sa diyos ng Judayismo na si Judai at humingi na rin ako ng tulong kina Imaw at Elahi. Dumulog na rin ako kay Dugong at Braguda para matulungan ako kaso wala talaga.
Ewan ko ba kasi sa Technorati na yan, ayaw ilagay yung tag ko. Tama naman lahat! Nakakainis sinabayan pa ng pagbagal nitong Globelines Broadband dito sa opisina. Daig pa yata ng suso - snail po yan, wag kayong bastos - sa bilis itong internet namin ngayon. Ready pa man din ang aking parteeh attire para sa event na iyon. Pinatahi ko na nga yung mga damit ko kay Mang Tibur na design naman ni Maryang Malabanan - nanay ni Em-em - na gagamitin ko nga sana at talagang umangat si Billycoy dun sa naturang event. Kaya naman mga konseho ng Blog Parteeh 2007 invite niyo naman at bigyan ako ng tsansang manalo ng iPod at Krispy Kreme. Gagawin ko ang lahat para lang makamtan ko ang mga premyo, lalanguyin ko ang Pacific Ocean, tatawirin ko ang Himalayas, ire-repair ko ng martilyo at screwdrivers ang Ozone Layer para maiwasan na ang Global Warming at papaangatin ko ang kontinente ng Atlantis. Kaya PLEASE bigyan niyo na ako ng invite!
Kung sakali mang hindi ako makapunta, isa lang ibig sabihin nun. Napakagwapo ko kaya hindi ako itinadhanang makapunta dun, baka maoverpower ko ang event. O di kaya talagang fate na ang nagsasabing maging anonymous na ako forever at di na makilala ng kahit sino. Kaya magmumukmok na lang ako sa bahay at manonood ng porn... este TV buong araw na suot yung parteeh attire ko habang umiindayog sa kanta ng Boom Tarat-Tarat ni Willie o kaya Itaktak Mo ni Joey.
Konseho ng Blog Parteeh pansinin niyo naman ako at mag-email na.
Tatadtarin ko na lang ng technorati tag ito para sigurado! blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07 blogparteeh07
Posted by Billycoy at 1/25/2007 09:52:00 AM 4 comments
Labels: Advertisements, blogparteeh07, Eyspeysyal Post
Tuesday, January 23, 2007
I'm a Parteeh Banana
Marami na malamang ang nakabalita sa Blog Parteeh '07 na magaganap January 27, 2007 mula 2:00pm hanggang 8:00pm dun sa Classica Tower 2 sa may Salcedo Village sa Siyudad ng Makati. Kasinglaki daw ng Titanic ang event na ito, medyo nag-aalangan nga akong magpunta paano ba naman, mga bigtimer at mga halimaw yata ang mga pupunta dito isipin mo ba naman sponsored ito ng: Sheero Media Solutions, MyJournal Philippines, FeedText, Inc., Migs Paraz, A Bugged Life, The Blog Herald, b5media blog network, About My Recovery, Pinoy.Tech.Blog, Enthropia, Inc., Krispy Kreme Philippines, GMA New Media, Awesome Philippines, Codamon.com, Boracay.com.ph, Recipes.com.ph, WebMaster.com.ph, Bouncing Red Ball, Bo Sanchez, Microwarehouse Inc.
at heto pa ang mga BlogParteeh07 Donors:
Marc Javellana, Bubba Gump, e-YellowPages, Adobe User Group - Philippines, Weddings @ Work, Google Philippines, Hinge Inquirer Publications
Sobrang bigtime nila, baka lamunin nila ako ng buong-buo at wala ng matira sa akin. Isa lang akong saging na madaling kainin, lamutakin, lantakan, isubo at lunukin. Pero ok lang kahit saging lang ako, ako lang naman ang puno na may puso.
Iniisip ko nga kung pupunta pa ba ako, kasi kung sakali mari-reveal ang aking katauhan. Regal shockers yun, baka ipagkalat yun ng kapwa bloggers kong mami-meet, tapos later on, makikilala na ako sa TV, tapos pagkakaguluhan na ako ng local media, tapos sa Hollywood at bubulabugin na ang privacy ko ng mga paparazzi at magkaroon pa ako ng sex scandal na lalabas sa cellphone at internet. Hindi ko pa yata kaya yun. Kung di lang siguro sa mga prizes na iPod at Krispy Kreme hindi ko gagawin ito. Ite-take ko na ang risk na ito para lang magkaroon ako ng iPod.
Magdidisguise na lang siguro ako para di ako makilala. Hindi naman kasi ako pinanganak na blurred ang mukha para di makilala. Alin kaya ang mga effective ways para di lumabas ang aking pagkakilanlan?
- Maglalagay ako ng bayong sa aking ulo na may dalawang butas na eksakto sa aking mata, kaso nga lang baka mapagkamalan akong Makapili at puksain ako bigla ng mga descendant ng mga KKK at ng mga inapi noong panahon ng hapon.
- Magtatakip ako ng puting panyo sa may bunganga at shades yun nga lang baka sabihin nilang ni-rape ako. Hindi naman ako payag dun kasi nga virgin pa ako.
- Magdadala ako ng bilog na frosted glass at itatapat ko sa aking mukha. Ganun kasi ang epek nung may pixelated at blurred sa mukha. Masuwerte na lang yung mga pinanganak na pixelated ang mukha, hindi sila makikilala. Yun nga lang mabigat ang salamin at baka ipanghambalos ko pa yun kung sakali mang magkaroon ng kaguluhan sa event.
- Tatakpan ko ng itim na cardboard ang aking mata. Ang kaso naman dito, hindi ko naman makikita ang dinadaanan ko, baka kasi may biglang dumaan na tren sa H.V. Dela Costa at masagasaan ako dahil hindi ko nakitang dumaan. Magaya pa ako sa nangyari kay Poknat.
- Magsusuot na lang ako ng maskara, wearing that and only that maskara. Baka nga lang ma-overpower ko ang event kung ganun, kasi mahahalina sila sa alindog ng aking machong-macho at bruskong katawan.
- Magcocostume na lang ako bilang isang saging, kaso dahil mga halimaw ang mga makakasama ko, baka may gorilla dun at lamunin na lang akong bigla.
Dahil sa event na iyan napapost akong bigla, sana nga lang bigyan ng pansin ng komite ang post kong ito para manalo naman na ako ng iPod. Malalaman ko lang daw na kasali ako kapag nag-email sila sa akin sa crost22@gmail.com. Baka nandun na rin ang matrona... este ang sinta na magpupuno sa aking bulsa... este kakulangan dito sa aking puso. Baka pagkatapos ng Parteeh na ito madevirginized... I mean, matuto pa ako ng mga bagong kaalaman sa blogging.
Heto ang technorati tag: blogparteeh07
Posted by Billycoy at 1/23/2007 03:31:00 PM 8 comments
Labels: Advertisements, blogparteeh07, Eyspeysyal Post, Repapeeps, Turning Hollywood
Friday, January 19, 2007
Lord of Titles
Mahilig tayo sa namecalling. Madalas nating binabansagan ang iba ayon sa mga nagawa nilang mga kabalbalan o sa mga pagmumukha nila. Ganun din naman kahit yung mga nasa higher echelon at marami ng nagawa para sa earth. Nariyan yung mga Lord, Dame, Konde, Contessa, Donya, Don atbp. para sa mga dugong bughaw at maharlika na kagaya ko, dahil nga blue talaga ang dugo ko, parang turqoise nga, minsan naman sapphire. Meron din naman yung dinadagdagan ang pangalan sa harap dahil sa mga awards nila, gaya ng Academy Award, Nobel Prize, Pulitzer, MMFF Award Winner, Loyalty Awardee, o kaya naman sa natapos at propesyon nila, merong M.D., Ph.D, M.A., Doctorate, Director, Manager at kung anu-anu pa. Pero para sa akin, para magkaroon na ng title ang magiging anak ko, ilalagay ko na yung title na yun sa pangalan niya sa kanyang birth certificate.
Academy Award Winner Lord Billycoy Dacuycuy Jr.Meron na rin naman akong ibinansag sa sarili ko. Mga titulong nararapat lang sa isang maharlikang kagaya ko. Umpisahan na natin.
Mucous Lord
Halos buong taon yata may sipon ako. Minsan na lang ako mawalan. Lagi naman akong nagtetake ng vitamins pero ganun talaga, sinisipon ako. Isang linggo at mahigit lang ako mawalan ng sipon, pagkatapos nun, babalik na naman. Kabisado ko na nga stages ng sipon. 1st stage, masakit sa ulo, malatubig pa ang uhog, uncontrollable ang pagtulo, kaya minsan pati sa pagkain mo tumutulo na ng hindi namamalayan, instant seasoning mas masarap pa sa Maggi Savor. next stage, medyo malapot na, pero kadalasan na sinasamahan na ng ubo at lagnat. Yung susunod, heto na yung green na at sobrang lapot, mahirap na talagang huminga, wala na ring boses dahil sa sore throat at ubo, heto na yung malutong kapag sinisinga. ang huli, umaga o gabi na lang may sipon na malapot na green, sa araw, madalas na malalaking kulangot na lang sa loob ng ilong. Ngayon sabihin niyo sa aking hindi ako pwedeng maging Mucous Lord.
Hungry Virgin
Sapagkat ilang beses ko na ring paulit-ulit na binabanggit na virgin pa ako. Kaso di lang obvious dahil parang mas may alam pa ako sa mga nakaranas na. Parang alam ko na lahat ng styles at posisyon, pero ang sa totoo wala pa talaga akong experience sa ganyan. Sabik ako sa sex kasi nga wala pa akong alam dun. Trivia: Ang mga taong sex-deprived ay mas madalas na pag-usapan ang sex kaysa sa mga dun sa nakaranas na, at kung sex-deprived naman sila at hindi sila nagsasalita regarding sex, mga ignorante ang mga yun at dapat patapon sa mga bundok.
Prinsipe ng Kababuyan (Prinsipe K)
Hindi naman pwedeng prinsipe ng baboy dahil hindi naman ako pig. Halos lahat yata ng kababuyan at kalokohan alam ko na. Pagkababuy-babuy lahat ng mga pinagsasabi at mga pinagsusulat ko dito. Sobrang nakakadiri at talaga namang nakakasulasok kung iisipin. Pero hindi pa naman ganap ang kababuyan at kahalayan ng aking pag-iisip, wholesome pa nga ako sa kalagayan kong ito. Saka kaya nga prinsipe lang kasi nga, prince pa lang... hindi pa hari. Ibig sabihin nun may mas babuy pa sa akin.
Conde de Locura (Count of Insanity)
Ito ay dahil sa dami ng aking katauhan at kung anu-ano ang mga tumatakbo sa stadium ng aking utak. Madalas walang kakwenta-kwenta ang mga naglalagalag sa palasyo ng aking kaisipan. Weird at talagang napaka-freaky, hindi niyo maiintindihan kasi kung ako nga di ko rin maintindihan. Asa pa kayo. Magulo lagi at talagang may gyera ang left at right membrane, madalas pa nga sumasama pa ang bituka ko sa giyera ng mga ito, tapos sasalo pa hetong puso at yung ano ko... basta yung ano.
Hari ng Kagwapuhan
No need to explain, the title says it all!
Hayan ang mga titulo ko at talaga namang karapat-dapat ako sa mga iyan, lalung-lalo na yung huli. Heto nga magpapagawa na ako ng aking chateau na gawa mula sa mga pinatigas na kulangot. Ano pa silbi ng mga awards o kung anu-ano pa, marami naman na akong titles. Kaya kung isang araw tatawag sa akin ang Nobel, Oscar, Pulitzer at Palanca, magdedecline na lang ako, gagawa na lang ako ng sarili kong award-winning body o kaya papamana ko na lang ang mga titles ko, wag lang yung pagiging hari ng kagwapuhan.
Posted by Billycoy at 1/19/2007 10:07:00 AM 16 comments
Labels: Basura Blogs, Now You Know
Wednesday, January 17, 2007
Masochistic Monday
Nitong Lunes, napakaraming pangyayari. Hindi pa rin naman ako nadedevirginized nung araw na iyon, pero ang daming events. Halos kakapasok pa lang ng taon, ganun na ang mga nangyari. Hindi yata magandang pangitain ang mga bagay na iyon.
Nagsimula kasi yun ng pauwi na kami mula sa trabaho. Ayus di ba? Pauwi pero simula pa lang. The end is only the beginning. Paglabas namin ng building, sinamahan ko muna ang officemate ko na maghintay ng taxi. Habang hinihintay namin yung taxi, kwentuhan muna kami, blah-blah-blah yada-yada-yada. Ganun kasi salita namin, blah-blah saka yada-yada, di naman kasi kami earthlings. Sa sobrang tagal dumating ng mga taxi, pumuti na ang mga bulbul namin kaya we decided to transfer sa ibang spot para makakuha na ng taxi. Nung palipat na kami ng puwesto at naglakad na kami, may nakita kaming nilalang. Paglagpas namin sa kanya, ang nasambit ko lang "Ang sakit sa mataa!" Nakita na pala ng ka-officemate ko, hindi niya lang sa akin nabanggit. Akala ko nga end of the world na dahil akala ko demonyo yung nakita ko. Hindi pala, isa pala siyang baklang ogre... pero parang undead din siya. Siguro in between ng ogre at undead. Paano ba namang hindi sasakit ang mata mo dun? Batu-bato ang katawan niya, hindi naman maskulado, payat na mabato, tapos ang suot niya tube na lacy at pink pa. Ang buhok niya malago, mahaba at kinky. Lubog pa ang mga pisngi at mataas ang cheekbones. The Nerve!
Nagpunta muna ako ng Glorye bago umuwi, kasi kailangan kong bumili ng bag. Dugyut na kasi yung luma kong bag at pwede na nga akong magsideline ng kamote business sa bag kong yun. Habang naglalakad ako sa mezzanine ng glorye, may nakita akong mga lovers na naglalaplapan, nainggit ako, gusto ko na ngang lumapit at makisali sa paglalaplapan. Dumiretso ako sa G4 at bumili ng tiket kasi naisipan kong manood ng Eragon. Habang hinihintay ko ang palabas, naglaro muna ako sa Timezone, nilaro ko yung all-time favorite game ko yung tetris... este yung Soul Calibur. Sinubukan ko yung Soul Calibur 3 gamit ang all-time favorite character kong si Maxi, first game ko hanggang 2 rounds lang, regal shockers, kakahiya, na-damage ang aking ego. Next game Maxi ulit, mas malala, 1 round lang. 3rd game, gamit ko naman ang 2nd All-time favorite ko Seong Mina, 1 round lang din, hindi man lang ako umubra sa mga kalaban ko. Ang aking ego, wasak na wasak na, sinasagasaan na ng pison, giniling at ginawa ng hamburger. Nakakainis, sayang lang ang card, gusto ko na ngang maglabas ng samurai at samurayin ko na yung arcade. Pero dahil disente akong nilalang, tumayo na lang ako at lumayu-layo sa Timezone. Buy na lang akong popcorn at pumasok na sa sinehan.
Nung nasa bahay na ako, paalis na ang Tita at ang pinsan ko, pumupunta kasi sila sa amin para tumulong kay mommy dahil nga wala na kaming degree-holder housemaid. Habang ako'y gumigiling habang nagbuburles at nag-aayos ng gamit sa aming kwarto, tumunog ang doorbell, akala ko may bibili lang ng yelo (meron kaming ice business), hindi pala, ang pinsan ko at ang tita ko nandun bumalik sa amin, duguan ang ulo ng aking tiyahin. Nabagok pala ang aking tita, nadulas at nagpasirko-sirko with matching cartwheel sa ere kasi basa ang kalsada dahil umambon nung gabing iyon. Hindi naman daw siya nakakapit kagad sa aking pinsan kaya hayun, nauntog ang batok niya. Dinala kagad siya sa pinakamalapit na hospital ng aking mga magulang para mabigyan ng lunas at maobserbahan.
Ang matindi. Maya-maya, nagshower na ako. Pagbuhos ko ng tubig, medyo humapdi yung sa malapit sa sakong ko. Yung nasa pagitan ng sakong at buto, hapdi nila sobra both feet, left and right. Umiiyak na pala yung mga paltos ko. Nagkapaltos ang mga paa ko dahil sa binili kong boots last week from Rusty Lopez, hindi naman siya masikip, sakto nga siya sa paa ko. Kumportable naman ako sa shoes, para nga akong modelong naglalakad sa glorye. Saka talagang strike-a-pose ako kapag humhinto. Pero kahit may paltos pa, suot ko ulit yung boots ngayon.
Anu ba namang mga kaganapang ito. Masyadong masakit. Pero kahit masakit masarap naman!
Posted by Billycoy at 1/17/2007 10:23:00 AM 11 comments
Labels: Basura Blogs
Monday, January 15, 2007
Fumbling Fearless Forecast
Napakabilis talaga ng panahon, di mo aakalain na 2007 na. Parang kahapon Sunday lang, ngayon Lunes na. Tapos na naman ang mga Pasko at New Year, kaya naman magtitiis muna kaming mga empleyado hanggang sa susunod na long weekend, which is sa April pa. Holy Week saka Araw ng Kagitingan, tagal pa! Hayy! People Power kasi natapat ng Linggo, ewan kung idedeclare yung next day nun na holiday.
Pero dahil kakahain palang sa ating hapag-kainan ang baboy, marami na namang hula-hula dyan. Naglitawan na naman yang mga propeta ng showbiz at politika sa mga talkshows at kung saan-saan pa. Kailangan ba talaga yearly ang mga forecast na yan? Mapagkakatiwalaan ba ang kanilang mga vibrator... i mean vibes? Ano ang ulam namin mamayang hapunan? Ano pinagkaiba ng lasa ng Popeye's Chicken sa Jollibee Chickenjoy?
Dahil sa mga katanungang iyan, sinapian ako ng espiritu ng kahalayan... este kalinawan. Nanginig ang aking katawan at ako'y nagmistulang vibrator. Damang-dama ko ang vibes na ikinaloob sa akin ng sun which is the center of our solar system moving around are the planets. Kaya ngayon may kuliti ako dahil sa pamboboso ko sa babaeng pinangalanang kinabukasan.
Sa Showbiz
Dahil ngayon ay 2007, uulan ng siyete mula sa langit. Ang mga siyeteng ito ay babagsak sa ulunan ng mga artista at sila ay mamamatay. Mawawalan na tayo ng mga artista, at mabuti yun dahil mawawala na ang mga artistang walang inatupag kundi magpacute lang. Ang matitirang mga buhay na artista ay mamamatay din ang career dahil sa kanilang mga tighiyawat. At dadagundong ang pangalan ni Billycoy at siya'y magiging hari ng showbiz.
Sa Politika
Ngayon ay year of the boar, kaya ang mga baboy sa pork barrel ay mabubuhay at kakainin nila ang mga politiko. Kahit pa buwaya ay magagawang lamunin ng mga baboy dahil wala namang crocs sa chinese zodiac. At dahil year of the pig at malayo pa ang presidential election, asahan na lalaki at tataba pa ang first gentleman dahil ito'y punung-puno na ng pera. No wonder na hindi makita ang kinukupit nila dahil kinakain niya pala ito.
Sa Iba pang pwedeng mangyari
Dadami ang mga baboy at malalampasan nila ang dami ng mga daga. Sila na ang mamemeste sa loob ng ating mga tahanan; Pig is the new Rat! Dadanak ang kababuyan at kahalayan sa iba't ibang parte ng mundo. Hindi na mauuso ang mga kubyertos at mga chopsticks, dahil kakamayin na ang lahat ng pagkain kung hindi man isusubsub na lang ang mukha habang kumakain. Maraming manganganak ng labindalawa at may mga batik pa. May porn movie na mananalo sa Oscar at dahil dun, dadanak na ang porno at pwede na ring panoorin ng mga bata at sanggol pa.
Ang forecast ko sa aking sarili? Maraming mangyayari, dahil pinanganak din ako sa Year of the Pig, dodoble ang aking kababuyan at kahalayan. Mahihilig na rin ako sa paliligo sa putik at sa koral na rin ako matutulog. Madedevirginized na ako this year dahil mare-rape ako ng isang hot chick na kamukha ni Heidi Klum. Magkakaroon na rin ako ng girlfriend, di lang isa, kundi sandamukal. Lalo pang lalakas ang makamandag kong alindog. At ilalabas ko na rin ang aking katauhan dito sa blog... maybe not!
Posted by Billycoy at 1/15/2007 09:55:00 AM 12 comments
Labels: Propesiya
Friday, January 12, 2007
Who Doesn't Want to Get Rich?
Sinumang nasa baba ng estado sa buhay ay nais tumaas. And most Filipinos are down there. Halos lahat gustong yumaman. Umaasa lagi sa lotto at pinapadugo na ang mga utak at kamay sa pagtatrabaho. Marami ring nilalangoy pa ang pacific ocean at lumilipad sa stratosphere para lang makapunta sa ibang bansa at doon magtrabaho. At talaga namang nakakainggit yung mga taong kumakain ng masasarap na mga pagkain sa mga hotel, ang sarap tadtarin at i-mince naman yung mga umiinom ng kape sa mga coffee shops at pa-english-english pa na alam naman nilang hindi nila afford at mas marami pa silang dapat pagkagastusan kaysa sa sa worth Php 100 na kape.
Naku, ang mommy ko, araw-araw yang tumaya ng lotto. Kabisado ko na nga yung mga bola sa bawat araw; Megalotto/4 digits kapag MWF, Regular/6 digits kapag Tuesday and Saturday, Superlotto naman kapag Thursday. Grade 6 pa lang ako, 12 years old, nagtataya na ako sa lotto. Bawal yun, pero nakakalusot ako kasi matangkad naman ako... pero hindi ako mukhang matanda, bebefes yata ako! Sa araw-araw na taya ng mom ko, puro balik-taya lang lagi ang panalo niya, minsan lang yung mga 500 saka yung mga thousands. Ewan ko ba, bakit ba laging umaasa dun si mommy. Malay mo nga naman manalo kami, one of these days... Sana nga manalo na ng jackpot si mommy para magkaroon na ako ng sariling bahay at makapag-uwi na ng babae... I mean pintura at mapinturahan ko ng gusto kong kulay ang aking bahay.
Bukod sa lotto, marami pa namang pwedeng gawin para yumaman. STD lang yan, sabi nga ni Manny Villar... ay di pala STD, ST pala. Mag-ST sa mga bars at kung saan-saan pa... ganun din STD rin abot mo. Pero bukod sa mga yan, marami pang iba.
Mambugaw. Hindi ito yung pambubugaw ng mga langaw sa mga lugawan o palengke. Heto yung pambubugaw sa mga kalsada ng Malate, ilang parte ng Makati, saka sa Quezon Ave. at Timog Ave. Kapag naging successful sa ganito, pwede ng magtayo ng sex den at whorehouse. Make sure lang na sinusuplayan ang kalapit na presinto ng iyong mga produkto. Pero sabi nga ni Robbie Williams "Pimpin' ain't easy".Napakarami pang paraan para yumaman, pwedeng maging politiko, druglord, Mafia, sindikato at kung anu-ano pa. Ayoko lang i-elaborate baka kasi sabihin na bad influence na ako. Pero kung gusto niyo ng easy money, magtaya na lang kayo sa lotto. Basta be sure na nasa legal age na kayo sa pagtaya. Balatuhan niyo na lang kami kapag nanalo kayo!
Mag-sideline. Kung lagi kang naka-cherry sa dart, pwede ka na dito. Maghitman ka, kung gusto ng mas maayos na term, eh di assassin! Bigtime ang kita dito, lalo kung bigtime ang client niyo. Pero kung ang titirahin niyo lang yung mga pedicab drivers, wala kayong mapapala, unless gusto niyo silang maging practice target. Sayang nga lang sa bala at effort.
Mangolekta. Kung meron kang isang milyong kaibigan, hingan mo sila ng tigpipiso at ipunin, yayaman kayo tiyak. Ok lang kung kahit libo lang o yung mga friends mo sa friendsters, myspace o multiply, basta araw-arawin lang, makakaipon na kayo nun!
Magpanggap. Pumunta ka sa isang tribu at sabihin sa kanila na ikaw ang reincarnation ng kanilang dating hari. Hindi ka man mayaman na katulad nila Bill Gates, feeling mayaman ka pa rin naman, kasi marami kang tagasilbi at maraming alay ang ibibigay sa iyo. Yun nga lang, baka di mo na maatim na tingnan ang iyong hitsura sa salamin dahil masulasok ka sa sarili mo na nakabahag o anu pa man.
Posted by Billycoy at 1/12/2007 10:23:00 AM 19 comments
Labels: Now You Know
Wednesday, January 10, 2007
I am You and You are Me! That Makes A Country
Lunes ng umaga, as usual, late na naman. Ako ang may hawak ng susi ng office kaya ako ang unang dumating. Ako pa lang mag-isa noong umagang iyun. Binuksan ko ang ilaw, ang aircon, ang PC ng server, at ang PC ko, dumungaw saglit sa e-mail, sumilip-silip ng porn... este... ng news sa yahoo. Yung mga common rituals sa umaga bago ako magtrabaho, magbate... este magsurf sa net at medyo i-set ang mood for lovemaking... i mean working.
Nananahimik pa ako sa workstation ko nun, hindi ko pa nabubuksan ang radyo. Maya-maya nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam, parang lumalamig ang paligid... ay oo nga pala nabuksan ko yung aircon. Tapos kinilabutan ako at tumaas ang aking mga balahibo... najejebs na naman ako, syet. Pero mamaya, may sumutsot at tumawag sa aking pangalan "Psst! Billycoy!" Syempre dahil ubod ako ng tapang, pumunta ako sa ilalim ng aking lamesa at nanginginig na nagtago. "Huy, Billycoy, kahit anong tago mo dyan masusundan pa rin kita!" ang sabi ng boses. "At bakit naman?" ang tanong ko. "Dahil nandito ako sa ulo mo" at sumagot naman siya. "Huh? Ano? Nagsasalita ang buhok ko? Waah!!!" ang pagwawala ko. "Ay eng-eng, hindi ako buhok, nandito ako sa utak mo!" sagot ng boses. Syempre nagtaka ako. imposible namang hindi "At paano ka naman nagkasya dyan sa utak ko?" At sumagot naman siya "Let's put it this way, ako ay ikaw at ikaw ay ako... kaya huwag ka ng matakot at bumalik ka na sa upuan mo, mukha kang timang dyan sa ilalim ng mesa!" Bumalik na nga ako sa upuan ko, "Ang korny mo naman, 'ako ay ikaw at ikaw ay ako' para kang mga teleserye at animé ah." "Eh talagang ganun, korny ka rin kasi" sagot ni Billycoy 2. Pagkatapos may tumawag ulit sa akin "Hoy hoy hoy Billycoy!"
Nagtaka ako, mukha na nga akong tangang kausap ang sarili ko, heto't may tumawag pang isa. "At sino ka naman?" tanong ko sa isa pang boses. "Same answer sa sagot nitong isa mong katauhan." sagot nitong boses. "Huwag mong sabihin na isa lang tayo?" ang pagtataka ko. "You got it right, men!" sagot nitong Billycoy 3. "Pa-english-english ka pa dyan, hambalusin kita ng lamesa dyan!" sabi ko na medyo naiirita na "Paano naman kayo nagkasya dyan sa utak ko, aber? Explain!" patuloy ko. "Ganito kasi yan" Billycoy 2 interrupted "Naaalala mo ba yung ego, superego and id, tayo yun!" "Huh? Para tayong Holy Trinity?" pagtatanong ko. "You got it right, men!" sagot ni Billycoy 3. "Parang ganun, na parang hindi, magbasa ka na lang ng psychology books" sabi ni Billycoy 2. "Nyak, ako pa ngayon pagbabasahin mo!" sagot ko. "You got it right, men!"sabat ulit ni Billycoy 3. "Teka pansin ko lang, yan lang ba ang alam mong sabihin?" ang tanong ko kay Billycoy 3. "You got it right, men!" ang sagot niya. "Pasensyahan mo na yan, yan lang kasi script niya saka may pagkakulang-kulang yan." ang sabi ni Billycoy 2. "Regal shockers, kulang-kulang ang isa kong pagkatao" sabi ko. "Bakit? hindi ba obvious?" sabat ni Billycoy 2.
Maya-maya pa, parang sumasakit ang ulo ko, nabagsakan yata ng Boeing 747 ang utak ko o kaya may nalaglag na meteor at tumama sa akin ng hindi ko alam. Pero hindi migraine, kasi parang lumilindol sa loob ng utak ko, umaalog na, ano ba ito? "Paparating na sila!" sabi ni Billycoy 2. "Sinong sila?" pag-uusisa ko. "Yung iba mo pang katauhan... maraming 'ikaw' dito sa utak mo." sagot ni Billycoy 2. "Huh? Maraming ako? so ano ito? may stampede ng 'ako' dito sa utak ko." taka ko. "You got it right men!" sabat ni Billycoy 3.
Kaya hayun, sumakit ang ulo ko nung araw na yun, nalamog yata ang utak ko sa kakaapak ng mga lintek na mga katauhan ko. Hindi ko aakalaing may populasyon pala ng China dito sa aking ulo. Jaske, kaya pala ako ganito, sandamukal pala ang aking katauhan. Buti na lang normal pa ako!
Posted by Billycoy at 1/10/2007 09:42:00 AM 13 comments
Labels: Basura Blogs
Saturday, January 06, 2007
Fire in the Sky
Kagabi Pyro Olympics sa MoA. Sandamukal ang mga tao, mas marami kaysa last year. Hindi naman masyado matrapik nung bumiyahe kami papunta dun, wala kasing trapik sa LRT. Ewan ko na lang kung magkatrapik pa dun. Tapos nagdyip kami mula Pasay Rotonda patungong MoA. Lagpas 8pm na nga kami dumating, 8pm start, pero as usual hindi naman kagad nagsisimula yun. Nung bumaba na kami sa MoA, hayun nagsisimula, hindi man lang kami nahintay, masyadong atat. Lintek na mga paputok, excited ng sumabog sa ere, sana man lang naghintay muna sila makahanap kami ng maayus-ayus na pwesto bago sila sumabog. I'm so hot, that's why I start to wet... wet with sweat. In rush kasi kami. Buti na lang maganda ang getup ko kaya I don't let my posture down. Ginawa ko na namang catwalk ang paseo ng MoA.
Nakipagkissing elbows tuloy kami sa mga kakaibang mga earthlings. Grabe, iba't ibang nilalang, may halimaw, may alien, may timawa, may tabon at kung anu-ano pa. Pero agaw pansin talaga sa amin dun yung Taong Bulbul. Yung bang parang sinalampakan ng bulbul ng sampung tao at nilagay sa kanyang ulo, as if naman negro siya para magpa-afro. Mabuti na lang may mga Bebes sa likod namin, at talaga namang umapaw ang lawa ng aking laway na halos lunurin na ang MoA lalo kapag nililingon ko sila. Kulang na nga lang yata lumapit ako sa kanila at lamunin sila. Bwiset lang kasi may kasama silang mga guys, ewan kung juwawhoopers nila yun, gusto ko tuloy sila (yung mga guys) na masakerin gamit ng radiation ng aking cellphone o kaya bigyan sila ng pearl shake para magkakanser na sila.
Pero siyempre, bida dito yung fireworks. Ang gaganda lahat at ang lulufet. Merong korteng puso, parang puno, saka meron din parang boobies. Talaga namang naligayahan ako sa mga pinakita nila. Naakit ako sa alindog ng kanilang mga paputok. Hindi ko mapigilan ang aking ungol sa ligayang aking nadama noong gabing yun. I can feel the heat. Sobra akong na-arouse!
Kaya naman naisip kong i-video ito at i-share sa inyo para ma-arouse din kayo. Kung hinahanap niyo ang abang-lingkod niyo sa video pasensya na po kayo at wala siya diyan dahil isinama na po siya sa mga paputok.
Posted by Billycoy at 1/06/2007 11:41:00 PM 16 comments
Labels: Kabaliw-Balita
Wednesday, January 03, 2007
The Marriage of Dreams and Reality
Enero na naman, at heto nag-aabang na rin ang February. Ibig sabihing malapit na namang mag-valentines. Ilang valentines na ba akong single at walang nakakadate, isa, dalawa, tatlo... lintek, kailangan pa bang bilangin yun. Since naman paglagpas ko ng puberty ay wala naman akong nai-date kahit man lang isa. Wala man lang minalas na maseduce sa makamandag kong sex appeal. Hindi rin ikinaloob sa akin noong nagdaang Pasko ang aking kahilingan na isang babaeng columbian na lalabas mula sa balikbayan box at sumasayaw-sayaw wearing only a red ribbon and only that ribbon na may hawak pang iPod at PS3.
Pero hindi porke't malapit na ang valentines ay nagmamadali na ako na may maka-sex... este magkaroon ng girlfriend. Masaya yata ang maging single at walang commitment, ok na rin kahit virgin ako, wala naman akong magagawa dun di ba? Kahit deep within the bottom of my bottomless heart with a hole that passes through my belly button ay gusto ko pa ring makaranas ng tinatawag nilang pag-ibig. Wait na lang tayo hanggang dumating yun, huwag lang sana akong mamatay na virgin.
Habang tayo'y nakaupo pinapainit ang puwet at naghihintay na bumagsak mula sa langit ang aking magiging Ms. Right (at sana'y buhay pa siya sa pagbagsak niya) ikwento ko na lang ang aking dream wedding. Usong-uso na ngayon ang mga themed wedding, meron dyan yung mala-Star Wars o kaya Lord of the Rings, meron ding mala-Harry Potter at mala-That's Entertainment. Minsan nga pinalabas pa sa Jessica Soho Reports yung mga sirkerong ikinasal habang tumatawid sa alambre. Jaskeng mga Geekazoids na 'to. Syempre, magpapahuli ba naman si Billycoy.
Ang gusto kong motif ng aking wedding ay black and red. Tapos yung tema niya ay medyo dark ang dating. Gusto kong kasal yung may iaalay na babaeng birhen sa altar pagkatapos ibubuhos sa aming ikakasal yung dugo niya. Yung mga kanta ng choir ay yung "Shigi-shigi-Wah-Wakere-Umaa!!!" habang may sumasayaw ng Roger Rabbit at Running Man sa harap. Yung mga ilaw din dapat pula. Ang mga pagkaing iseserve naman dinuguan, inihaw na dugo, bloody mary para sa drinks at Haagen-Dazs Ice Cream para sa dessert. Medyo off ang ice cream pero bakit ba, kasal ko 'to walang pakialamanan, saka Haagen-Dazs din yun!
Kung may wedding, dapat may honeymoon din. Gusto kong honeymoon yung kakaiba talaga. Honeymoon habang nag-skydiving, yung nagdu-do kayo habang kayo'y nasa ere. Wow, kakaiba yun at parang ang sarap ng feeling, wag lang sanang makalimutang buksan ang parachute kapag dumating na sa climax. O kaya habang nagba-bunjee jumping, ilang seconds lang yun, pero di ba ayus din yun, habang nalalaglag naggaganun, exciting. Yun nga lang kailangan din ng maraming practice kapag ganun bago sa actual. Baka pag-naexcite din makalimutang ilagay yung tali, goodluck na lang kapag yun ang nangyari.
Mukhang magastos itong plano kong ito, dapat na sigurong mag-ipon ngayon pa lang. Dapat medyo bigtime rin ang mga sponsors ko, kailangang makahanap na para bawi-bawi sa gastos. Dapat sa mga ninong at ninang na ito yung hindi magbibigay sa amin ng punchbowl. Ano pa ba kulang? Ahh, yung alay ba? Madali lang yan, marami naman ng mga emo kids dyan. Ano pa ba kulang, meron pa ba? Ahh muntikan kong makaligtaan, syempre yung babaeng papakasalan ko.
Kahit dream pa lang yan dapat nakaplano na, ayokong maggahol sa oras. Kaya kung sinuman diyan ang nais tumulong at magsponsor, tumatanggap na po ako ng cash or bank transfer as of this moment pa lang. Kahit wala pa yung magiging bride nagpeprepare na kasi ako.
Posted by Billycoy at 1/03/2007 03:33:00 PM 20 comments
Labels: Oh Pag-ibig
Monday, January 01, 2007
The Sound of Silence of the Lambs
New Year sa amin masyadong tahimik. Nakakamatay ang katahimikan. Kung sa ibang lugar halos mabingi ka na sa ingay ng mga gabombang sumasayaw sa ibabaw ng lamesa, gabombang mga paputok mula sa mga kili-kili ng mga lasenggong nagpapaputok ng kanilang mga labentador at mga boga, sa amin ay tahimik. Kahit nga yata ang mga kuliglig hindi nagpipiyesta at nag-iingay nitong bagong taon.
Ang weird pa dun, kahit mga kasamahan ko dito sa house ay tahimik din. Parang magkakagalit at nananahimik lang sila. Nagcelebrate naman kami sa pagsalubong ngayong New Year. Sarap nga ng handa namin, yung Rebisco Crackers na may strawberry filling at Lipton Tea. Engrande ang Media Noche namin at alam kong mamatay-matay na naman ang mga kapitbahay namin sa inggit, palibhasa kasi ang handa nila ay asin at asukal lang.
Pero bakit ganun ang tahimik talaga. Kahit sarili kong boses hindi ko rin marinig, it's freaking me out na. May mga nagpapaputok sa labas lalo nung sumapit na yung 12mn, pero bakit ganun walang sounds. Tsinek ko nga yung stereo namin baka kasi naka-mute at naapektuhan ang ingay sa labas. Hindi naman. Kinapa ko ang mga tenga ko, pagkasundot ko sa butas, ay syet talaga. Ang kapal na pala ng aking tutuli, pulang pula at malagkit. Naalala ko, five years ko na palang hindi nalilinis ang aking ears, yak talaga. Buti na lang merong cotton buds at baby oil sa bahay at hayun, umayos na pandinig ko. Kaso tapos na ang putukan, kaya ako na lang ang nagpaputok sa mga palad ko.
Useful naman yung tutuli ko, at least ngayong taon makakatipid na ako sa hairwax!
Posted by Billycoy at 1/01/2007 07:17:00 PM 13 comments
Labels: Basura Blogs