Palagay ko alam ko na ang pakiramdam ng pag-ibig. Ngayon ko lang naranasan ang mga ganitong bagay sa buhay ko. Bumibilis na pintig ng aking puso. Sa tuwing kausap ko siya, parang hindi ako mapakali at tila nagbabago ang ugali ko. Ngunit naguguluhan, nahuhulog na ba ang loob ko? Totoo na kaya ito? Pag-ibig na kaya ito?
Nagsimula ang mga ganitong pakiramdam ilang araw pa lamang mula ngayon. Tatawagan ko sana ang kaibigan ko ng may ibang sumagot. Nagulat ako, kasi akala ko na-wrong number ako, kasi hindi pamilyar ang boses niya sa akin. Hindi yun mula sa tahanan ng kaibigan ko. Sino kaya ito? Ngunit habang pinakikinggan ko ang kanyang boses, tila bumagal ang oras ko. Ninanamnam ko ang bawat segundong naririnig ko ang kanyang malamyos at nakakabighaning tinig. Tila musika sa aking mga tainga ang kanyang tinig. Bumibilis na rin ang pintig ng aking puso. Maya't maya ibinaba niya rin ang kanyang telepono. Ano kaya ang naramdaman ko sa mga sandaling yun? Ilang oras ang lumipas, sinubukan ko ulit tawagan ang aking kaibigan, ngunit laking gulat ko yung nakausap kong babae ang nakasagot, sinigurado ko naman ang bawat pindot ko sa mga numero. Muli, bumagal ang aking oras at tila nawala sa mundong kinagagalawan. Maaari bang mangyari ito? Pag-ibig na kaya ito? Maaari ba akong umibig sa isang nilalang na kahit minsan ay hindi ko pa naaaninag? Maaari ba akong magmahal na sa boses at sa kauna-unahan ko lang nakilala?
Ilang araw ko ring naranasang ang mga ganitong bagay; tatawag sa kaibigan at iba ang makakasagot. Maigsing panahon lamang kaming nag-uusap, ngunit sa tuwing mag-uusap kami parang humahaba ito, parang may nabubuong kuneksyon sa aming dalawa sa mga sandaling yun. Naisip ko, baka nga soulmate ko siya. Posible nga kaya? Nag-iibigan na kaya kami sa iilang waglit ng panahon? Mga tanong na di ko kayang masagot.
Ngunit dumating ang araw na ito. Ang araw na aalamin ko na dapat ang kanyang pangalan at tanungin kung maaari ba kaming magkita. Ngunit sa kabiguan ko, wala na siya. Nung tatawagan ko ang kaibigan ko, hindi na ang babaeng aking iniibig ang sumagot. Ang kaibigan ko na ang sumagot ng telepono. Hinanap ko sa aking kaibigan ang babaeng laging sumasagot sa kanyang telepono. Sinabi ng kaibigan ko na wala naman siyang kasamang babae sa kanyang condo unit at alam ko naman daw na mag-isa siyang naninirahan doon. Oo nga, tama nga siya, wala ngang babaeng nakatira dun sa kanila. Dahil kahit nga ang mga girlfriend niya hindi niya dinadala doon at kahit sinuman sa kanyang mga kaibigang babae. At ganun din wala rin siyang kapatid na babae. Hindi ko malaman ang gagawin ko ng nalaman ko yun. Parang mahihibang na ako. Sino ba ang mistoryosang nilalang na ito? Minumulto na yata ako.
Napakasaklap ng ganitong pangyayari. Malalaman ko na rin sana ang sarap ng pag-ibig, ngunit isa akong bigo. Kahit man lamang pangalan niya ay hindi ko man lamang naitanong. Kung alam ko lamang na ganito, sa simula pa lang dapat ay tinanong ko na. Hindi ko man lang din nalaman ko ano ang hitsura ng aking iniibig. Wala na siya, wala na ang aking iniibig. Tanging natitira na lamang ang mga alaala ng mga munti naming pag-uusap at ang kanyang laging sinasabi sa akin:
Sorry, the phone line is busy now. Please try your call again later.
Thursday, September 21, 2006
Misteryo sa Kuwento ng Pag-ibig
Posted by Billycoy at 9/21/2006 09:51:00 PM 7 comments
Labels: Oh Pag-ibig
Wednesday, September 20, 2006
Someone To Love
Ang hirap naman ng buhay ko ngayon. Lagi na lang akong nagsosolo. Wala pa kasi akong juwawhooopers, kaya madalas lang akong gumimik mag-isa. Actually, di pa ako nakakaranas magmahal. Ano ba feeling? Parang heaven ba o parang nasa heaven ka na biglang mafa-flatan ang eroplano at babagsak sa lupa. O baka naman suicide ang pag-ibig. Wala pa akong alam kapag tungkol sa love, natututo lang naman ako sa experiences ng ibang nilalang dito sa lupa. Forsaken na yata akong hindi magmahal... Huwag naman! Gusto ko ring makipag-sex... este magmahal. Isipin mo na lang, kapag kakain sa labas, di ko naman pwedeng i-expect ang mga kakosa ko na samahan ako lagi, at least andyan ang girl in shining armor ko to the rescue. Lalo na kapag nalolongkot ako at walang makaosap. She's just a phone away.
Kailan pa ba kasi nauso na ang lalaki ang nanliligaw? Di ko tuloy malaman kung bakit, malamang dahil sa: a. torpe ako b. ubod lang talaga ako ng gwapo na makalaglag-panty-at-nakaka-wet-sa-unang-tingin-pa-lamang na sex appeal na nakaka-intimidate lalo sa mga kababaihan (tinatype ko ito habang nililipad ng hangin ang building namin). Kasi I'm sure na di ako saksakan ng kapangitan na itinakwil ng langit at impiyerno at pati na sa ibang parte ng kalawakan. Hindi ko pa rin alam kung torpe nga ako kasi hindi naman ako aware na lalaki pala ang nanliligaw sa mga girls. Kung alam ko lang dapat matagal ko ng ginawa. I-a-advertise ko na lang ang ganitong kalagayan ko, since nandito na rin ako sa field na ito.
Posted by Billycoy at 9/20/2006 12:37:00 PM 10 comments
Labels: Oh Pag-ibig
Monday, September 18, 2006
The Hunt Begins
Napakadesperado ko na talaga. Ayoko ng maging habang buhay na singol kaya gumawa na ako ng desperadong paraan. I have two options na pwede niyong pagbotohan. Ang una ay ang application/selection process. Sasalain ng husto ang mga applicants, dadaan sa mga interviews at kung anu-anu pang pagsubok. May trial and testing period din. Ang sumunod kong option ay ang raffle draw. Mas mabilis kumpara sa nauna, at may mga naghihintay na papremyo sa mga sasali. Kailangan ng gawin ito dahil ayoko ng maging singol forever.
Posted by Billycoy at 9/18/2006 11:21:00 AM 9 comments
Labels: Oh Pag-ibig
Friday, September 15, 2006
Palanca Awards, Here I Come!
Hindi ako nakatulog kagabi. Tumatakbo kasi sa isip ko yung script na dinedevelop ko, hinahabol ko nga eh, kaya napagod ako. For sure kasi award winning yung script na yun. Ipi-pitch ko nga kay Mr. Vic del Rosario heto baka sakaling magawang movie, kasi surebet sa story ang movie na ito. Hindi naman kailangan ng special effects ng ginagawa kong script, it's more on stunts. Hindi magastos. I want this film to be critically acclaimed, not glossy but will not fall under indie movies.
Sobrang hirap gawin ng script na ito, gumugugol ng dugo, pawis at mahabang panahon para lang madevelop. Halfway pa nga lang ako, pero i'm positive na this will be the best movie of all time, if ever. Talentadong writer kasi ako, kaya I know that this masterpiece will be great. Obsessive -Compulsive din ako sa project kong ito, I want this to be perfect. Kaya nga kung may actors, di sila basta-basta, baka masira lang ang quality ng film project ko. They will pass through screen tests and my discretion before they get into my movie. Pipiliin ko lang ang mga topnotch artists sa project kong ito. Surewinner sa Sundance, Cannes, and sa Oscar ito, locally naman, panalo ito sa Mowelfund, Palanca and Urian. I'm also choosing top caliber directors to make my movie such as Laurice Guillien or kung pwedeng i-clone o buhayin si Lino Brocka, siya na lang. Kapag successful at kinuha sa Hollywood, I prefer Bryan Singer, Steven Spielberg and James Cameron to direct this.
Storyline niya is about a female prostitute trying to survive from poverty. So this are the few scenes in my script. Share ko dito sa blog ko for my audiences (kung meron man):
SCENE 1: Hotel RoomWhat do you think of my script guys? Wasn't it great? List your comments and suggestions baka kasi may madagdag pa akong scenes para mas maganda ang movie natin. Remember we are doing an AWARD WINNING script/movie here.
BGM: Careless Whisper (soft and mellow)
GIRL: Oooh Oooh Ahh Ahh...
GUY: Ugh Ugh Ughhhh...
GIRL: Ahhh Ah Ah...
GUY: Oh Oh Ohh...
GIRL: Ahh Ah...
GUY: Ohhhohoo...
GIRL: Oh Yess Yess!
GUY: Yeah Baby Yeahhh
GIRL: Ahhh Ah
GUY: Oh Yeaah!
GIRL: Aaaahhh...
GUY: Ughhh
GIRL: Eeeeyaaaahhhhh...
GUY: Ahhh.... Hffttt! Hffttt!
SCENE 2: Kariton sa bakanteng lote habang bumubuhos ang malakas na ulan
BGM: Ambient sound of rain
GIRL: Ahhh Ahh
GUY: Oh ohh
GIRL: Ahhhh
GUY: Ohh
GIRL: Ahh ah ah
GUY: Ohh Yess
GIRL: Ahhh ah ah ah ah
GUY: Ugh ugh ugh ugh ughhh
GIRL: Ah ah ah ah ah ah ah ah
GUY: Oh oh oh oh
GIRL: Ahhh
GUY: Ohhh
GIRL: P*****ina mooohh!!! Sinong tatay moh? SINONG TATAYY MOOOHHH!!!
[insert SFX: Thunder]
GUY: AAAAAHHHHH!!!
Posted by Billycoy at 9/15/2006 08:13:00 AM 2 comments
Labels: Turning Hollywood
Thursday, September 14, 2006
Congratulations! You Are A Professional Singer (tenenen-ten-ten-tenen)
Ang daming revival hits ngayon, sobra. Nariyan na ang revivals ng mga songs ng E'heads tapos sumunod din yung mga kanta ng APO. Kahit din yung songs ng labs kong si Sitti pulos revivals din mga bossa songs niya. Well, ganun talaga, kapag maganda talaga yung kanta, ok talagang i-remake. Pero meron din akong kinakanta na kinakanta rin ng karamihan. Kung may album nga siguro baka maging hit pa. Iba-iba nga rin ang versions nito. Siguro mga isang libong versions o baka nga mahigit pa. Ang kantang sinasabi ko ay yung Arimunding-munding. Iba ang version ko, iba rin sa katabi ko, iba rin sa mga kapitbahay ko. Yung version ko ganito:
- Arimunding-Munding
- Halina at Magsaya
- Arimunding-Munding
- At Pakunday-Kunday
- Sa iindak indak at sarap ng pagsinta
- Ay banayan mo sinta himig ng tugtugan
Posted by Billycoy at 9/14/2006 09:37:00 AM 2 comments
Labels: Now You Know
Wednesday, September 13, 2006
Sorry For My Inconveniences
Ok, habang wala pa akong ginagawa,, nagbasa-basa ako ng mga blogs at nakita ko nga itong blog ni Heneroso. Down ang Photobucket kaya ganyan ang lumabas sa blogsite niya. Buti na lang hindi ako gaanong dependent sa photobucket kaya di pa ako umaabot sa ganyan. Buti nga mabilis ang maintenance nila at naayos kagad. Kung sa Pilipinas siguro ang server ng Photobucket baka milenyo bago yan maayos ulit, patay ang mga local-bred website kung nagkataon.
I'm doing a little work right now. My blog will be back soon.
Posted by Billycoy at 9/13/2006 05:18:00 PM 1 comments
Labels: Basura Blogs
Monday, September 11, 2006
Hyperhydrosis
Malakas din akong pawis. Kahapon nga lang kahit nasa MoA kami naglalakad at malamig sa loob, I can feel my sweat rolling down my back. Pero di naman pawis na pawis, di naman kagaya nito. Buti na lang I use antiperspirant/deodorant.
Posted by Billycoy at 9/11/2006 02:01:00 PM 0 comments
Labels: Advertisements
Just for 88 pesos
Kahapon nag-mall hopping kami ng family ko. May hinahanap kasi ang dad ko na B4 paper rim saka Speakers para sa office nila. Una naming pinuntahan ang Mall of Asia, naglakad-lakad at nagpalamig. Maraming madla ang nagkalat, eww! Wala naman dun sa MoA yung mga hinahanap ng dad ko. Di pa naman kasi bukas yung Bose dun, pati National Bookstore nila wala ring B4 paper. So we decided to go to Makati na lang, kasi meron nga dun sa Park Square ng mga sound equipments store dun. Nag-canvass ang dad ko ng mga speakers pagkatapos tumingin ulit siya sa National Bookstore nung hinahanap niyang paper, wala rin. We ate na lang muna sa Wendy's and afterwards uuwi na rin. So nung pauwi na kami, lumagpas kami sa exit at nadaanan namin itong Japan Home Center, across the Sony Store. Tinuro ko kina mommy yung store kasi sabi ko, yung mga items nila sa loob mura lang, worth 88 pesos lang. So we went inside, marami din kaming nakitang good items, the others are weird and new stuffs.
Nakabili ang dad ko ng Litter Picker worth P88 lang. Nagtanong kami sa True Value ng ganito, ang presyo nila is worth P1400. Laki ng natipid namin.We also found this very narrow reading glasses. Kasya sa cigar case. Ngayon lang kami nakakita ng ganun kanipis na eyeglass. Since nasa Japan Home Center kami, para sa mga nippongo nga talaga ang salamin na yun. Bagay sa mga singkit nilang mga mata.
Nakakita rin kami ng pony, yung maliit na portable na kabayo pangplantsa. Di ko nga alam kung makakaplantsa ka nga dun eh. Kasi masyadong maliit, as in maliit at mababa talaga. Yung haba niya tama lang about 16 inches, pero yung lapad niya ang nakakapagtaka, siguro about 2 inches lang siya. Sobrang nipis talaga, baka mga panyo nga lang ang mapaplantsa mo. Sabi ng mom ko, portable daw yun, kasi meron din siyang portable plantsa noon sa Japan... walang kabayo, plantsa lang. Kahit yata portable kabayo yun, di mo rin magagamit sa mga damit mo. Paano pa kaya sa pantalon. Ano ba talaga gamit nun?
Posted by Billycoy at 9/11/2006 10:17:00 AM 1 comments
Labels: Basura Blogs
Thursday, September 07, 2006
Star Komplex
Good Looks
Hindi importante sa mga artistang pinoy ngayon ang talent. Kailangan meron kang killer looks. Pamatay na katawan. Kahit hindi ka na umarte basta meron ka nito, pagtitilian ka na ng mga stufeed fans. Example ng mga ito, Wendell Ramos, Jennylyn Mercado, Diether Ocampo, Kristine Hermosa. Ngayon kung wala ka nito, read the next one.
Be Very Ugly, as in Pangit talaga
Kung halimbawang dumating ka sa isang party at nagtinginan lahat sa iyo pagkatapos ay pinagtawanan ka nila, perfect, pwede ka na ring maging artista. Sila yung kumikita dahil sa mga hitsura nila. Ngayon kung halimbawang mukha ka namang halimaw, pasado ka bilang mga kontrabida sa mga cheap action movies. Pero mas sikat ka kung yung una ang meron ka. Good example nito, Long Mejia, Allan K., Pokwang, Diego.
The Natural Vovo
Sila yung mga artistang kapag nagsalita ng english ay puro mali sa grammar at pronunciation. Mga tatanga-tanga. Ang mga kagaya nito ay sina Melanie Marquez, Keanna Reeves, Ethel Booba. Ngayon, kung matalino ka, tanggalin mo na lang ang utak sa ulo mo, baka sakali may pag-asa kang sumikat.
Mark my words
Usually, nanggagaling sa mga natural vovos ito. Mga one-liners na tatatak sa utak ng mga fans. Famous dito si Melanie Marquez "Don't judge my brother because he is not a book." Pero meron ding sumikat ang tagline dahil sa script ng tv commercials at movies. Sumikat si Alice Dixson siya sa line niyang "I can feel it, sha." Ganun din ang linyang "You're nothing but a second rate, yadayadayada" kay Cherrie Gil.
The Bratinella/Prima Donna Syndrome
Maraming sumisikat na may attitude problems. Mga bitchy at talagang pasaway. Sila yung mga laging late sa mga shooting at taping. Laging nakikipag-away at nakakaaway sa inside and out ng showbiz. Nakakaaway ang mga directors at mga managers nila. Yung mga wala pang gaanong karir ay malaki na ang ulo. Gaya nila Iwa Moto, Hero Angeles at Ethel Booba.
Doubtful Loveteams
Mga pinagtatambal ng dahil lang sa pelikula. Sasabihing sila na raw, pero kapag natapos na ang mga movie or tv show ay tapos na rin sila. Ginagawan lang ng issue para kumita ang movie or tv show nila. Mga naggagamitan lang ng kanilang mga pangalan para mapromote ang isa't isa.
Unconfirmed Lovers
Mga lovers na di mo malaman kung sila na ba talaga o hindi. Sikat sa linyang "We're just friends." Katumbas ang mga katagang iyan sa Hollywood na "We're dating" or "We're going out." Pero minsan di talaga totoo, para sumikat lang din.
Word Wars
Kung sakaling bungangera, palengkera, eskandaloso o talagang pinaglihi ka lang sa megaphone, bagay ka dito. Makipag-away ka in front of the cameras and the national TV. Mas maganda kung kapareho mo ang kaaway mo, mas malakas, di lang ang boses niyo, pati kasikatan niyo. Pati mga ratings ng mga talkshows lalakas din, yan ang magiging metro mo kung gaano kalakas ang decibels ng boses mo.
Multi-Purpose Star
Gusto mo talagang sumikat? Kumanta, umarte at sumayaw. Lalo sa mga guesting kailangan mo yang mga yan. Hindi tayo katulad sa Hollywood na iba ang music artist sa mga actors, sa atin kailangang lahat ng talento meron ka. Tingnan niyo na lang si Manny Pacquiao, may pelikula, may album at sandamakmak na endorsements. Pero boxer siya. Effective rin sa mga out of town shows yan.
Deny to Death
Kausapin mo managers or mga kakilala mo sa media na magkalat ng kakaibang tsismacaroons, pagkatapos magpa-interview sa mga talk shows at todo-denials ang gawin mo. Just make sure na kaya mong i-defend ang sarili mo sa mga tanong, if the audience and found it doubtful, good luck sa bad reputation.
The Tupperwares
Learn the trick of the trade. Kung sinasabi ng mga artista na kung sino sila sa TV ganun din sa totoo; WYSIWYG, beware! Kapag nasa showbiz ka, alam mong mga artista kayo, marunong kayong umarte, kaya huwag masyadong magtiwala sa kapwa-artista. Baka magsisi ka sa huli. Kaya matutong umarte rin sa harap nila.
On Cover
Hindi sa mga magazines, kundi sa mga tabloids. Kapag nagawa mo ito sikat ka na naman. Lalo kung palaos ka na, sisigaw muli ang pangalan mo. Tingnan mo na lang makontrobersyal na si Auring, may asim pa raw at buntis at the age of 60... the hell! Masangkot ka sa mga gulo, away o patayan. Kung gusto mo pumatay ka ng tao, sure sikat ka nun, o kaya magnakaw sa kaban ng bayan, tingnan mo na lang ang mga politiko kung gaano sila kasikat.
On Streams
Si Paris Hilton, mas lalo pang sumikat noong lumabas ang sex scandal video niya. Meron na rin sa atin niyan, puro denials nga lang sila. Lalo sa panahong mabilis ang spreading ng infos, dahil sa internet, cellphones, at kung anupaman. Mabilis kang sisikat kapag meron kang mga scandal videos and pix. Heto mga ways, huwag mong burahin ang mga scandals sa cellphone niyo, pagkatapos kunwari papaayos niyo, or kung ok lang, make wagayway your cellphone in the streets at pa-snatch niyo. Kung pa-demure naman kayo, makiusap kayo sa mga gumagawa ng pirated CD's na kung pwede ilagay ang pic niyo sa cover ng CD's nila, kahit di naman kayo ang nandun.
Take Off those Clothes
Gusto mo talagang sumikat at palubog na ang araw sa karir mo, huwag ka na lang magsuot ng damit. If you are old enough at handa ka ng sabihing "Gusto ko namang gumawa ng daring", then do bold and sexy films. Gayahin mo ang Baywalk Bodies, magpose ng hubad sa Baywalk. Do the cover of sexy magazines din, at for sure dadami projects mo. Basta hindi ka lang kamukha nila Auring, Mahal at ni Diego, baka mawalan pa ng trabaho ang mga nasa publications, mahabag ka naman.
Marami pang paraan para maging sikat. Ganyan sa Pinoy showbiz, kakaiba. Hindi katulad sa ibang bansa. Guts lang naman ang kailangan sa pagpasok ng showbiz, in other words, pakapalan lang yan ng mukha. Pero kung gusto mo pa talaga ng exposures, heto pa ibang paraan:
1. Manood ng pinoy movies, sa opening night, tapos kung merong nag-iinterview kung maganda ang movie, chance mo na, agawin mo na ang mic.
2. Kung may krimen at may newsteam sa lugar niyo, pumunta ka sa lugar at magpahaging ka sa kamera at kumaway-kaway, or kung talagang malakas ang loob mo, magpainterview ka at sabihin mong kakilala mo yung pinag-uusapan.
3. Pumunta sa photo studio at magpakuha, tapos pakiusapan mo yung mga empleyado dun na kung pwedeng ipaskil ang pic mo sa labas nila.
4. Gumawa ng kakaiba; kumain ng bubog, tumulay ng alambre, magbalat ng buko gamit ng bunganga.
5. Magmascot sa TV commercial tapos sabihin sa mga kasama mo "Uy, lumabas na ako sa commercial... ako yan oh, si Jollibee!"
Posted by Billycoy at 9/07/2006 10:02:00 AM 2 comments
Labels: Now You Know
Wednesday, September 06, 2006
The Fashionista Devil
Heto na naman ulit ako. Hay! Walang magawa ngayon sa opisina kaya blog na lang. Kagabi, habang naghihintay ako sa showtime ng "Devil Wears Prada" dumaan muna ako sa G4, kumain muna ako sa Wendy's ng Value Salad at uminom ng medium iced tea. Pagkatapos dumaan ako sa timezone, wala lang, nagpalipas ng oras kasi nga maaga pa, 6:20pm pa lang nun, ang showtime ng movie ay 7:05pm pa. Ayoko namang tumambay sa Starbucks, una sa lahat, di naman ako bibili ng products nila, at saka hindi ko feel yung mga crowd dun. Puro kasi mga TH at mga mountaineers na beings. Akala naman nila they look good on those layered thick textiles clothings, we are living in a tropical country kaya. So ang fashion season lang natin is summer/spring and holiday seasons. We dont need those fall/winter clothes. Layering is not also advisable in our country, kasi nga mainit, lalo ngayon na may abnormalities sa weather natin. I don't say they look bad on those clothes, it's just not suitable in our climate. And that is ugly. So daan lang ako Timezone, paburn lang ng konting calories. Dami ding cute girls dun, kaso they are too young for me. Ayoko namang lumapit sa kanila mapagkamalan pa akong stalker o kung mapapasama, tawagin pa akong pedophile.
So lakad with my good fashionista strut. Wala. Pumunta na lang ako ng G1, kasi dun ako manonood, sa G4 kasi 8:05pm, I can't go that time kasi I want to go home early din. So nagpunta na nga ako, I bought my ticket then went inside the theater. Sayang nga di ko naabutan yung mga trailers, kasi kung di sulit ang movie, at least updated ako sa mga upcoming movies.
Ang hatol ko
Maganda ang movie, nakakarelate ako bilang yuppy. Having a boss from hell... yata, from previous job, pero di naman katulad ni Miranda (Meryl Streep). Salbahe ko, syet! But anyway, bilang employee, marami akong natutunan. Nalaman ko na ang devil ay marunong palang magdamit. Saka hindi pala sila kulay pula. Siguro may zipper dun sa likod ni Miranda, tapos pag binuksan niya lalabas ang tunay niyang anyo. Sino kaya nagturo ng fashion sa mga demonyo? Ang mga anghel, may fashion sense din kaya, o kasama sila sa mga baduy? Para kasi silang mga manang sa mga suot nila, buti nilang blessed sila with beautiful faces.
Posted by Billycoy at 9/06/2006 03:31:00 PM 0 comments
Labels: Basura Blogs, Rebyu-rebyuhan
Monday, September 04, 2006
Bad Forecast
Taurus |
You need to take some time right now to prepare yourself for the next several days. Your situation is going through some severe changes, and you probably know what's going to come down the line soon. There's no need to worry, though -- just make sure your emotional energy is up for the task. Your imagination is coming up with a future that's far darker and troublesome than what could ever possibly be, so why not start thinking more positively?
Kakatakot naman ng Horoscope ko ngayong araw. Kinabahan tuloy me. What possibly could go wrong this week? Kunsabagay, hindi nga naging maganda simula ng araw ko ngayon. As usual, late sa office. Tapos heto pa. Bumili ako sa canteen ng maja blanca, worth Php8.00, wala akong baryang dinala, inabot ko yung Php20.00 ko, aba!? wala ba namang barya. So bumalik pa ako ng office para kumuha ng barya sa bag ko. Lagi na lang silang ganun tuwing umaga, kapag bumibili ako ng biko at maja blanca lagi silang walang barya. Siguro kung 8:00am pa ako bumili sa kanila, gets ko pa na wala silang barya, ang kaso 10am na ako bumibili. Probably, meron na sila, kasi they offer breakfast meals, so medyo imposible yatang wala silang barya. Para silang mga dyip na "Barya lang po sa umaga". Sana nga magpaskil na sila ng ganung karatula. Minsan nga, nakakalimutan ko ng ibalik yung bayad sa kanila, sa ganung sistema nila. Mabuti na lang, naaalala ko kaya binabayaran ko rin sila kinabukasan. Dapat talaga di ko na binabalik yung bayad sa kanila.
Ngayon, gets ko na ang horoscope ko. Kasi sabi "...and you probably know what's going to come down the line soon..." Every morning bibili ako sa kanila ng maja blanca at biko at lagi silang walang barya at mabuburyo ang araw ko. Syet naman oh!
Isa lang ang masasabi ko sa kanila, ang laging sinasabi ng dad ko:
SISTEMA NIYO!
Posted by Billycoy at 9/04/2006 10:24:00 AM 0 comments
Labels: Basura Blogs
Saturday, September 02, 2006
FHM Most Wanted and Unwanted
Mabalik ako sa FHM, halos lahat ng babaeng pinapakita sa cover nila ay deserving na nandun. Ang pinaka-ayaw ko lang na nasa cover nila ay yung solo ni Phoemela Berranda. The editing was not good there. The head was so big that time. I dont expect her to be on the cover too.
Posted by Billycoy at 9/02/2006 02:25:00 PM 0 comments
Labels: Now You Know
Hanapin
Ako ba ito?
- Billycoy
- Hibang na makata ng Pasay. May sariling mundo. Di napapakali sa isang upuan. Maraming iniisip. Maraming katauhan. Baliw kung ituring. Nilalang sa subconscious. Extreme ang pagkatao. Minsan mabait. Minsan salbahe. Basta laging timang. Single since birth. Ubervirgin pa sa lahat.
Huni ng ibon
Bili na mga suki
Mga Malalang Nasabugan
- Aaron Roselo: His Pseudo Mr. Ivy League
- Agent Grey: In the Brink of the Mental Warzone
- Analee: Tutubing Karayom
- BatJay: Kwentong Tambay
- Benj: Atheista
- Bikoy: Bikoy.net
- Billycoy: Wanthought
- Blogkadahan: The Rebels Without Because
- Bonaks: Blog ng Isang Baliw
- Chico: Sa Wari Ko
- Cofibean: Make Poverty History
- Coy: CokskiBlue
- Darwin: Juicelog
- Dong Ampil: Kulamnista
- Frank Cimatu: Pine for Pine
- Gerry Alanguilan: Komikero
- Irvin: Bulitas
- Jessica Zafra: She Rules the Universe
- Jhed: Dor(k)chismo
- Kevin: Utakgago
- Marco: Exploits of an Advertising Jerk
- Mr.D: Dear Diarya
- Neil: Estupidormitorian
- Rens: Pansit Eating Maderpaking Blog!?
- Shari: Misteryosa
- Talamasca: Not that Kinda Blog
- Talksmart: The Composed Gentleman
- Toothpick: Toothpick Diaries
- Whilce Portacio: Wetworks
- Xienah: Ang Empermera
Casualties ng Pagsabog
- Aaron: Let Him Take You to the Scene
- Adrian: Kisses Comics
- Andianka: Wait, Who Said That?
- Arnel: Zantetsuken
- Bananas: Life in Between Banana Split
- Baylon: Spokening Dollar
- Cars: Pulsar Panic
- Culture Shiok!
- Daddy Rich: Morning Boleros
- Davangels: Davangels Clan
- David Edward: Geeky Thoughts
- Deejay: Ang Seminarista
- Deejayz: Cyclopean Archives
- Dex: The Big Tempest Inside my Head
- Dilan: Wag Mo Nang Itanong
- Donya Quixote: She's Not Crazy. She Swear.
- Dos: Ejection Seat
- Dotep: Alaala sa Alapaap
- Edden: Jam Sessions
- Edgar: Everything's Graded
- Elmo: Siya si Eagleman
- Franco: All Turned Grey
- Geexie: These are Her Confessions
- Gerome: TheBuzzerbeater
- Gibbs: Airs in G
- Hannah: Isang Minuto sa Buhay Ko
- Hermie: One Day at a Time
- Ian: The Word According to Hellbound
- Icarus: Rages from the Heart
- Ikay: Insanity Strikes Again!
- Irish: Ewan Niya
- Isagani X: The Medical Assistant
- Jadiebrat: Coffee Break Rants
- Jed: Nerd Monkey
- Jeff: Fire Eyed Boy
- Jennifer: Walong Bote
- Jerico: Jerico
- Jigs: Harsh Poetic Chaos
- Joe: JoeBreaker
- John: Yarnhoj's Ideas
- Jomar: You Will Be Forever
- Jonell: Gusot
- Juice: Juice Kill
- Kahla: Most of the Things...
- Karla: Halik sa apoy
- Karlo: Pinoy Blogero
- Kat: Copy.Kat
- Kat: Yet Another Corner in a Maiden's Life
- Kiro: His Turf
- KuyaAceNgBayan: Tayo na't Magkwentuhan
- L.A.: Art Works
- Lalaine: Memoirs of the Ice Princess
- Lalon: The Thumbsucker
- Lin: The Juvenile
- Manilenya: Ang Blog ng Bobang Pinay
- Mats: 6 Letters She Have in Mind
- Mica: DagupeƱa Dreamer
- Mike: Puckering Time
- Misyel: Kwentong Misyel
- Mr. Tuesday: Mga Hinanakit
- Nash: Behind Wonderland
- Niknok: It's In Your Face
- Nocturnal Angel: Mental Foreplay
- Nostalgia Manila
- Paeng: It's Him Paeng-zter
- Paolo: The Weblog of Paolo Mendoza
- Patty Laurel: Ooh La La
- Pausiu: Pausiu's Blog
- Phia: New Life
- Pierre: Jester in Exile
- Rach: Magic in this Reality
- Redg: Laging Naniniwala...
- Renz: Charlie Wonka Jr.'s Adventures
- Rex: Just Typing Out Loud
- Richard: Pulse Circle
- Rob Ruiz: Doubting Thomas
- Rob Ruiz: Walk Away
- Rommel: Ang Inghinyero
- RV: Transcription of the Phonologist
- Sherma: The Door that I Opened
- Tere: Blue Ink. Black Thoughts. Green Mind.
- The Brat: a prodigal mermaid's guide on growing legs
- Thejoketh: Waiting for the Miracle
- Vinch: The Green Grin
- Virginia: Virginia-Vagi...*toot*
- XYRYX: Thoughts of Oblivion
- Yatot: Random Pieces of His Mind
- Yatot: Yatot Chronicles
- Yna: XXX
- Zord: A Reattempt