Monday, December 10, 2007

You'll Love these Gifts... Not!

Ganyan din kaya ang reaction nila kapag nakakita ng malaking "package"?

Ang lamig na talaga ng simoy ng hangin. Isa lang ibig sabihin nito, naka-full blast na naman ang aircon namin. Kung noon ay nakakayamot ang init ng panahon sa ating bansa, ngayon naman ay naninigas na ang ating mga utak sa tindi ng lamig na dulot ng cold front; brain freeze!

Kapag malamig, masarap makipag-sex. Kapag malamig na panahon, it's either mamomroblema sa electric bill dahil magdamag ang aircon o dahil nalalapit na ang Pasko. Oo nga, malapit na ang pasko. Hayan na naman ang sangkatutak na Christmas parties at inuman sa mga kanto. Syempre, uso na rin ang exchange gifts at mga pa-raffle sa mga opisina. Yun nga lang, hindi lahat ng klase ng regalo ay gusto natin. Ano ba mga ayaw nating matanggap na regalo o raffle prize kapag Pasko?

Oven Toaster
Sa palagiang pa-raffle sa kumpanya ng aking ama, lagi na lang yatang oven toaster ang inuuwi niya. Pwede na kaming gumawa ng bakery kung hindi lang ipinamimigay ni mommy yung ibang natanggap na oven toaster sa mga kasal. Ano pwedeng gawin? Isalaksak ang ulo ng nagbigay nito sa loob ng oven toaster, painitin at hintaying tumunog bago tanggalin ang ulo.

Payong
Madalas na ibigay ito ng mga banks. Sa dami na nga ng mga payong na ito, pwede na nitong payungan ang buong Pilipinas para makaiwas na sa mga baha. Ano pwedeng gawin? Pumunta sa pinakamalapit na branch ng bangkong nagbigay ng payong. Isalaksak ang payong sa bunganga ng teller at buksan.

Coffee Mug
Sino pa nga ba ang hindi nakakatanggap ng coffee mug bilang regalo? Kung dati mga ceramic mugs na may mga zodiac signs ang usong regalo, ngayon naman yung iba't ibang klase ng traveling mugs. Ceramic o Traveling, coffee mugs pa rin yun. Kaya nga nag-bloom ang Starbucks dahil sa dami ng nakakatanggap ng coffee mugs kapag Pasko. Ano pwedeng gawin? Painumin ng isang drum ng kape ang nagbigay nito.

Seiko Seiko Wallet, ang wallet na masuwerte
Ok pa siguro kung genuine (jinuwayn) na tatak ng wallet. Ang kaso hindi, galing pa sa bangketa at mga imitation lang ng Girbaud, Louis Vuitton at Pony. Madalas ay Girbaul, Louie Baton at Phony, halatang halata ang pagka-japeyks nito. Matatahimik lang siguro sa pagrereklamo kung may kasamang 5,000 pesos sa loob ng pitaka. Ano pwedeng gawin? Balatan ng buhay ang nagbigay ng wallet at gawing pitaka, tiyak ang swerte sa pagpasok ng bagong taon kapag nagawa ito.

Figurines
Ok naman ito, ang masama lang kung hindi naman kolektor ng mga ganitong bagay. Lalung-lalo na kung hindi naman nangongolekta ng angel figurines. 10 out of 10 yatang nakakatanggap ng figurines bilang regalo ay puro mga angel figurines. Kaya wag magugulat kung lahat ng bahay na mapupuntahan ay may angel na naka-display sa mga cabinets. Ano pwedeng gawin? Itabi ang mga figurine, gamitin na lang ito kapag nakikipag-away sa asawa para pwedeng basagin.

Picture Frames
Wow, sentimental ba? Hindi rin eh. Kasi kadalasan sa mga picture frames na regalo ay yung walang picture na nakalagay. It's either nakalagay ang size ng picture na pwedeng ilagay (e.g. 4R, 4in x 6in) o default picture ng mga caucasian na di naman kakilala. Ano pwedeng gawin? Magpa-picture at ilagay ang larawan sa loob ng picture frame.

Nude Picture ni Madame Auring or Scandal Video ni Mahal in DVD
Sino bang may gustong makatanggap nito? Ano pwedeng gawin? Ipasa na lang sa kaibigan o kaya dalhin sa mga mambabarang at mangkukulam.


Hayan ang mga pinakaaayawang regalo sa Pasko at mga Christmas Party. Sana nga wala ng magbenta ng mga ganyan para hindi na i-regalo. Isusumpa lang sila ng mapagbibigyan nila.

17 comments:

Virginia said...

yuck naman sina madam auring nanaman at mahal! masyado mo silang pinapasikat!

Anonymous said...

nung high school kami photo frames lagi ang nireregalo namin tuwing christmas party kasi un lng ang kaya ng budget namin.. ngaun kahit humiling ka ng jaded na buddah okay lang...

okay na ung iba wag lng si madam auring! utang na loob! hahh

Billycoy said...

virginia > sabi nga, the more you hate the more you love. LOL.

yatot > so pwede kahit humiling ako ng sports car yung red?

Anonymous said...

1. Yung oven toaster na nasa bahay namin, napulot lang ng dad ko sa kalsada sa China. You know, yung era of old appliances disposal. Hanggang ngayon, andito pa rin. Ayos pa pero di namin ginagamit.

2. Ginagamit ko sa school yung payong na dinekwat ko sa MoA Blogfest. Nakailang mamahaling payong na kasi akong naiwawala kaya nakokonsyensya na ko sa paggastos ng aking mommy.

3. Hay naku. GUmagawa/nagdidisenyo ang aking daddy ng mga coffee mugs sa China kaya no comment.

4. Meron pa ba nito? Kailangan ko na rin ng bagong wallet. Dumadami na kasi yung cards ko.

5. Isa pa ito. Milyon na ata ang nagawang figurines ng dad ko sa tanang buhay niya. Puro figurines na gawa niya ang nandito sa house (kasama na ang mga figurines na binibili niyo't pinangreregalo sa ka-Kris Kringle niyo). Sawang-sawa na ko sa figurines. May tatay ba naman akong eskultor. Leche. :D

6. AAAAAAACK! Can I just stop commenting? Ginagawa rin ng dad ko to eh. Lintek. Sa sobrang dami ng ceramic pic frame prototypes dito sa bahay (oops, nabuking--inuuwi ang mga prototype :) hehehe), yung iba, kahit 5 thou + ang value, pinamimigay namin. Yung mga pinakamamahalin, tinatago namin.

7. [***** seizures.]

6.

Billycoy said...

neil es2pido > lahat na yata ginagawa na ng dad mo ah!

Myx said...

1. Mas gusto kong makatanggap ng electric fan kaysa sa oven toaster.

2. Ok lang yung mga giveaway na payong kaso karamihan hindi naman matibay katulad nung payong ng _____ bank na natanggap ko nasira nung nasa la union ako tinangay ng hangin tsktsk.. penge na lang ng payong and i'll stand under your umbrella ella ella eh eh eh

3. Matagal na rin akong hindi nakakatanggap ng mug. Na-aappreciate ko yung mga personalized mugs. Pinaka-ayoko yung mug na may mukha ng pulitiko.

4. Gusto ko rin ng bagong wallet pero oh well no comment na nga lang haha

5.Hay naku nung high school ako basta kris kringle laging angel figurines ang natatanggap ko pati mama ko ganun din kaya nagdeal kami: yung ibibigay sa kanya ang ipanreregalo ko vice versa pero in fairness nandito pa din yung iba.

6. Gusto ko din ng picture frame pero mas gusto ko ang photo album

7. Scandal na lang ni janvier :D

Anonymous said...

sakto, ayan ang mga natatanggap ko twing pasko. kung icash na lang nila natuwa pa ko.

mr_diaz said...

pagnakatanggap pa ako ng isang face towel na tinda ng bench reregaluhan ko talaga ng poster size na litrato ni madam auring.

Anonymous said...

Actually, pati yung bahay namin, kasama yung dad ko sa construction. Pati cabinet, mesa, antenna, ako, yung kuya ko, yung dalawa kong kapatid... aaack!

Anonymous said...

Medyo improved na ngayon ang mga oven dahil meron nang MicroWave oven. Natuto na siguro ang mga kumpanya at alam nilang di ito ang makakapagpasaya sa mga manggagawa.

Nung bata ako, nakatanggap ako ng alkansyang walang takip ang kabilang dulo. Hindi ko alam ang gusto nilang ipahiwatig pero napakawalang-kwentang alkansya nun.

Wala talagang tatalo sa picture frames na may unknown caucasian. Minsan nga hindi ko na sila pinapalitan para mag-isip ang mga tao.

May asim pa daw ang litrato ni Madame Auring, kaya pwede sa sinigang.

Billycoy said...

anonymous > ok na ba kahit bente pesos?

mr_d > poster size lang? dapat billboard na!

Madame Auring > di ko rin kayang maatim ang lasa ng Sinigang sa Madame Auring.

yarnhoj said...

wahahaha

meron pa nga yung sabon ng safeguard saka handkerchief...

:)

Anonymous said...

billycoy eh ipunin mo na lang po ung mga gifts tas magtayo ka ng novelty gift shop, oh di ba kahit pano dagdag sa kabuhayan mo yan.

Anonymous said...

naging 'anonymous' pala ako haha. 20? ayoko nga. minimum 500.

Anonymous said...

haha! merry xmas billycoy! haha! gift ko!

PHIA said...

hahaha! nakakatuwa! ;p

Anonymous said...

heheh :) your post really made me laugh. parang napanood ko to sa pinaka ni Pia sa QTv(?)

Happy New Year!