Uy kakatapos lang pala ng Pasko. Hindi ko yata naramdaman ang Pasko. Sumilong kasi ako sa loob ng kuweba ng pukipuki at doon ako nag-hibernate kaya di ko naramadamang dumaan na ang Pasko. Mabuti na nga ring pumasok muna ako sa kuwebang iyon para maiwasan ko ang mga tiyanak... este mga inaanak.
Ang panahon ng mga regalo, bonus, 13th-month pay at makukulit na pangangaroling ng mga bata, meron pang isang paraan para malaman ang Pasko sa 'Pinas. Ano pa nga ba? Eh di ang walang kasawa-sawang Metro Manila Film Fest. Hindi kumpleto ang Paskong Pinoy kapag walang MMFF. Katulad yan ng mga Fiesta Ham, Queso de Bola at Fruitcake para sa mga sinehan natin.
Nakakasawa na ang mga entries ng MMFF. Heto kasi ang mga napapansin ko sa mga entries ng MMFF:
- Kung ano ang visual effects sa trailer, ayun na rin ang nasa movie. Panoorin na lang ang trailers sa TV kaysa gumastos pa sa panonood ng sine.
- Laging may entries si Bong Revilla at Vic Sotto sa MMFF. Pero mas nangunguna pa rin si Mother Lily sa paggawa ng movies na isasali sa MMFF kahit sinabi na niya noon na di na siya sasali sa MMFF.
- Ang mga bankable na artista ay lumalabas sa isa o dalawang movies na kasali sa MMFF (e.g. Marian Rivera)
- Hindi pumapatok sa box office ang mga pelikulang may "essence", sa awards ng ibang bansa lang.
- Kailangang laging all-star cast ang mga pelikula.
- May mga kasaling movies na angkop na angkop sa panahon ng Pasko, mga horror.
- Sa sobrang dami ng special effects, nawawala na ang dialogue at istorya ng pelikula. Parang yung isang pelikula last year na halos 30 minutes na yata ay wala pa ring naririnig na dialogue sa climax.
- Laging may fantasy movies para ma-maximize ang visual effects.
- Ipinagsisigawan ang budget sa paggawa at production ng pelikula.
- Lagi na lang ding may dayaan sa awards night.
- Ang mga pelikula ay nagsasama ng mga talents ng rival TV stations para makapag-promote ng mga pelikula sa parehong TV networks.
- Big deal na Dolby Surround ang audio system ng movie.
- Wala pa ring makakatalo sa fashion sense ni Kuya Germs.
Hayaan niyo kapag ako gumawa ng pelikulang ilalahok sa MMFF, titiyakin kong tataob ang mga tabo sa lababo ng kubo... Whatever!
HAPPY HOLIDAYS SA LAHAT... at sa manonood ng mga entries dyan, MAGDUSA KAYO!
12 comments:
hahahaha! ang saya ng MMFF! isa pa lang napapanood ko :P
Sleep-deprived ako nitong nakaraang araw, kaya pwede ako manood ng isa sa mga MMFF entries. Sigurado sa 15-30 minuto ng pelikula, maaantok nako. Ang pangit nga lang, yung venue na pagtutulugan ko... Sinehan!
Pero... Baka 'di narin ako maantok. May pelikula na featuring Marian Rivera eh. Makes me wake up! Ooh-la-la!
Labooo.
hahaha, you made all your points.
lalo na yung last. sobra.
hindi ko rin talaga mapaliwanag kung pano nakukuha nila vic at bong ang puso ng mga saging. este tao pala.
Tumpak! Halos pare-pareho na lang sila basta kung ano yung pumatok nung nakaraan halos yun ang gagawin para muling manalo.
Hindi na kami nanood ng mga yan ipapalabas din naman yan sa TV libre pa. minsan wala pang 2 months nasa Cinema One na sila mweheheheh
>>>www.toingks.com<<<
kapag nag-comment si Mother Lily dito, lagot ka!
o kaya si Bayani Fernando! Lol.
dan hellbound > naku makakatulugan mo rin si Marian Rivera, hindi naman kasi siya maghuhubad sa mga movies niya
toingks > oo nga, sa TV libre pa!
Yung Desperadas at Banal ang talagang gusto kong panoorin pero Jan 1 pa yung 2 yun lol
Kaya gumagawa ng pelikula ang mga iyan ay para lamang pagkakitaan kahit walllaaaang kakwenta-kwenta. At.. hahaha. Natawa ako dun sa visual effects. Gusto kong murahin yung nag-speech dati sa MMFF (na nanalo lang naman ng best sounds) tapos kung anu=anong 'we are the first to have this so called dolby surround sound, very expensive visual effects, enchanted kingdom.... and lesbian secks.'
WTF. Gusto kong isungalngal tuloy sa bunganga niya yung best in sound s na yon. Exodus ata yun? Pweh! Mas matagal pa speech niya kaysa sa best actor/actress/picture.
Bat di mo naisali si pacquiao?
ewan ko kung ako lang ang my pakiramdam na ganito pero sa trailer pa lang sa tv malalaman ko na kung maganda ang quality ng film.
yung ibang kalahok naman dinadaan lang sa special effects para makahakot ng manonood. mga bata at isip bata lang naman ang magkakainteres dun. mas ok pa mga indie films e
saka bakit sa script nila inaalam ang mga magiging oficial entries sa mmff e hindi pa nga nila nakikita yung kalalabasan after mashoot yung film
buti na lang lagi akong walang pera, kaya wala rin akong mapapanood na mmff entries.
neil brian > masyado na yatang overexposed si pacman para isama ko pa dito. ayokong nasasapawan ako!
pouroutboy! > eh trailer pa nga lang parang buong pelikula na.
takte > hanapin mo mga ninong at ninang mo para makapanood ka!
hahahaha! ang saya ng MMFF!
Post a Comment