moar funny pictures
Matatapos na naman ang taon. Napakabilis talaga ng panahon, parang kahapon, yesterday lang, tapos ngayon, today na! Sa bilis nga ng oras hindi mo na nga matatandaan ang mga nangyari nitong nagdaang taon. Isang alzheimers na biglang umatake na dinaig pa ang mga bida sa mga telenobela na naa-amnesia. O sige nga kung matalas ang memory niyo, ano ang ginawa nioy noong May 22, 2007 dakong 4:17:56 ng hapon?
At dahil matatapos na nga ang taon naming mga hinayupak na mga baboy, parating naman na ang taon ng mga mababait; mga daga. Kung hindi niyo natatanong, ang tiyuhin ng lolo ng pinsan ng kinakapatid ng biyenan ng hipag ng kapitbahay ko ay isang Feng Shui expert slash psychic slash pedicurista. Thus, isa na rin akong wrist-slasher... este Feng Shui expert slash psychotic. At dahil lumalakas na rin ang pwersa ng utot ko, lumalakas na rin ang vibes ko para sa mga susunod na araw at sa susunod na taon.
Ang Nakakatakot na Forecast ni Billycoy Dacuycuy
Sa pagtatapos ng 2007
Malakas ang pakiramdam ko na sa pagtatapos ng taong ito, marami ang gagawa ng mga yearender reports at posts. Ilalahad nila ang lahat ng kaganapan mula Enero hanggang sa Disyembre ng 2007. Simula sa pangangampanya sa naganap na eleksyon hanggang sa pagdedemanda nila Sam Melbi at Pyulu Pascual kay Manay Lolit. Naba-vibes ko rin na may magsusulat—or nakapagsulat na—sa mga pangyayaring online gaya ng mga Malu Fernandez controversy at paglaganap ng 2girls1cup video.
Kaya hindi na ako gagawa ng yearender post. Naniniwala kasi ako na ang flashback din naman ay nagaganap kapag malapit ng mamatay.
Sa pagpasok ng 2008
Unang papasok ang buwan ng January—alanganin namang February. Magkakaroon ng putukan sa mga kalsada at mag-iingay ang lahat ng tao na parang akala mga baliw na nakatakas sa mental hospital. Magaganap rin ang ibang klaseng putukan na gagamitan pa ng in-out-up-down-ooh-ahh motion para lang pumutok. Hindi ito nagaganap sa mga kalye, pero pwede ring gawin para mapanood naming mga sabik at mga mamboboso.
Mas higit ang pinsalang matatamo ang magagawa ng mga taong amoy-putok kaysa sa mga paputok. Daig pa nito ang lason ng watusi, masabugan ng boga at maputukan ni... este ng superlolo sa bunganga.
Pagdating ng mga Daga
Sa opisyal na pagpasok ng mga daga ay maghanda na sa paghihiganti ng mga kamag-anak nina Mickey Mouse, Mighty Mouse, Ikabod at Doding Daga. Magiging patok sa taong 2008 ang Dora, hindi yung cartoon character ng negrang lakwatsera, kundi yung Dora na pamatay ng daga. Lalakas din ang business ng mga flypaper at mousetraps sa taong ito.
Magkakaroon din ng scarcity sa production ng cheese dahil papapakin ito ng mga mababait. Kaya ang mga mahihilig sa cheese ay mamamatay sa gutom dahil di sila makakakain ng keso sa buong taon ng 2008.
Susuwertehen naman ang mga fanatics at mananampalataya ni Mickey Mouse dahil magkakaroon na ng Disney Channel sa Sky Cable Silver simula January 1.
Fashion Forecast
At dahil nga year of the rat next year, mauuso ang mga damit na butas-butas dahil sa mga ngatngat ng daga. Ang mga style pa ng mga butas ay yung sa part ng mga utong, at pati mga undies ay may mga butas na rin. Uso sa lingerie next year ang naka-usli ang patotoy at ang namimintanang tahong sa mga panty.
Ayan ang mga naramdaman ko gamit ang aking vibrator... este vibes para sa susunod na taon. Kaya mag-stock na ng supply ng Dora at laging mag-ingat sa leptospirosis. Kapag wala na talagang magagawa, pwede na ring gawing pagkain ang mga daga. Edible naman sila!
9 comments:
ang sabi:
ang mga rabbit daw
sa year of the earth rat
ay maswerte sa pera
sa taong 2008
:)
panigurado hula ko
mawawala na sa negosyo
ang mga mouse traps
kasi magaalaga na
ang mga tao ng daga
simula ngayon.
@xienahgirl Totoo ba 'yun? Year of the rabbit ako eh. Hehe. Maswerte. Hindi ko na kelangan ng Seiko wallet.
--
May special treatment kaya ang mga daga sa animal kingdom ngayong taon? I wonder.
nasagot mo ang katanungan namin nila rens at jhed at ian kagabi! year of the rat pala next year!
:P pakshet ka hindi ka sumunod kagabi. :P
haha. that 1st pic was so funny. happy new year in advance!
apinuyir!
haha!
at bakit ka me vibrator? wahaha!
apir!
happy new year!
Malas din daw ang Rooster sa Year of the Rat! Badtrip!
arlo > meron silang special treatment... sa kabilang buhay
utakgago > sorry, sa dami kasi ng events naubusan ako ng mga alagad para ipadala sa kung saan-saan
bulitas > ah eh... pangmasahe?
Very "daga"-ish! ^_^ Hehe! Happy new year!
Post a Comment