Monday, January 28, 2008

The Fastest Way to My Heart

Matatapos na naman pala ang January kaya heto at February na naman. Meaning, nalalapit na ulit ang araw ng mga puso. At kapag malapit na ang araw ng mga puso, kailangan ko na ng date. At kapag wala akong date, magdurusa na naman ako. At kapag nagdusa ako, emo na ako. At kapag emo na ako... mas lalo akong gagwapo. SYET!

Sapagkat nalalapit na nga ang valentines day, fully booked na naman ang mga motels. Kaya dapat magpa-reserve na ngayon pa lang ang mga mag-juwawhoopers dyan kung ayaw nilang mag-end up sa talahiban at damuhan ng Luneta at mga bakanteng lote sa tabi-tabi. Yun ay kung sobrang horny lang naman na sila at tinatamad na silang pumila sa mga 3-hours shorttime rooms ng mga kilalang motels.

Bukod sa popoy, may iba pa namang paraan para maipawiwatig ang pagmamahal sa mga minamahal.

"The fastest way to a man's heart is through his stomach."

Ewan ko kung sino ang nagpauso ng cliché na yan pero against ako dyan. Paano kaya mangyayaring mas mabilis yun, kailangan munang dumaan sa puwet, sa aking intestines, stomach at esophagus bago makarating sa aking puso. Hindi kaya magandang pakiramdam sa katawan ang may kumakalikot sa pwet at bituka. Kung taeng hindi mailabas ay asiwa na sa pakiramdam, yun pang may dudukot sa puso na padadaanin sa pwet at bituka pa kaya—unless lalagyan ng anaesthesia. Saka isa pa, wala kayang daanan papuntang puso through digestive system. Duh!?

Para makuha naman ang puso ko, may mas madaling paraan. Heto ang mga tips para makuha ang aking puso:

  1. Chocolates or any other sumptuous cuisine. Siyempre madali akong mauto at maakit sa ganitong paraan, lalo na kung libre!
  2. Stripping my clothes off. Hindi na talaga ako makakapalag kapag ginawa sa akin ito. Laking tuwa ko pa siguro.
  3. Knives and surgical equipments. Wala akong fetish sa mga kutsilyo o kung anuman. Iyan kasi ang gagamitin sa pagkuha ng aking puso.
  4. Procedure: Ihiga ako sa lamesa o sa kahit anong levelled surface. Gumamit ng marker upang markahan ang pwesto ng aking puso. Kumuha ng isang basong tubig at inumin bago simulan ang operasyon. Kunin ang mga surgical knives at simulan ng bulatlatin ang aking hubad na katawan. Kapag nabuksan na ang aking dibdib unti-unting abutin ang aking puso at hugutin ito. Mag-ingat lang kasi may nagtatagong anaconda sa aking katawan.
  5. Bopis. Pakuluan hanggang sa lumambot ang aking puso. Ipagiling o tadtarin ng pino ang puso. Maaari ding sabayan ng paggiling ng puwet at beywang habang ginagawa ito. Ilagay sa isang kaserola at ihalo ang mga sangkap ng bopis.
  6. Serve while hot. Kapag nakain na ang aking puso, sureball na kanilang-kanila na ang aking puso at wala ng makakaagaw pa.

Napakasimple lang ng paraan para makuha ang puso ko di ba? Hindi na nga lang ako buhay kapag nakuha na ang puso ko. Sino pa ba ang mabubuhay kapag nahugot na ang puso at gawin na itong bopis?!

Note: Huwag niyo munang gawin ito sa akin, gusto ko pang mabuhay ng mahaba... at makatikim ng popoy.

Wednesday, January 23, 2008

No, Not Yet!

"Kung sino pa ang gwapo sila pa ang namamatay ng maaga"
-sabi ng isa sa aking ka-opisina tungkol sa pagkamatay ni Heath Ledger

Kagaya ni Rico Yan na pumanaw sa napakamurang edad. Siyempre akong naturally born gwapo, kanasa-nasa at katakam-takam na sex appeal infected sa sinabi niya. Hindi yata ako makakapayag doon lalo't napakabata ko pa at higit sa lahat... VIRGIN PA AKO! Hindi pa ako handang mamatay at iwanan ang mundong ibabaw. Marami pa akong hindi nagagawa sa aking buhay.
  1. Hindi pa ako nakakatikim ng sex.
  2. Hindi pa ako nahahalikan ng torrid.
  3. Hindi pa ako marunong mag-bike.
  4. Hindi pa ako marunong mag-drive.
  5. Hindi ko pa nasasayaw yung Crank That ni Soulja Boy.
  6. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano.
  7. Hindi ko pa nasasakop ang mundo.
  8. Presidente pa rin si PGMA.
  9. Wala pang solo single yung "My Brother" ni Renaldo Lapuz.
  10. HINDI PA AKO NAKAKATIKIM NG SEX.
Kaya hindi ko maaatim ang mamatay ng maaga. Dapat ma-accomplish ko muna ang mga dapat ma-accomplish. Pero palagay ko malayo pa namang mangyari yun. Bakit ko nasabi yun? Kasi masamang damo rin ako. Matagal mamatay ang masamang damo. At isa akong masamang damo, isa akong marijuana.

Sayang naman ang aking kagwapuhan kung papanaw din ako ng maaga, kaya hindi ako papayag. Susuhulan ko si kamatayan para hindi niya kagad kunin ang aking kaluluwa. Kailangan man lang ma-devirginate muna ako bago mangyari yun.

Payag ba kayong mamatay ng maaga ang isang napakagwapong katulad ko?











Monday, January 14, 2008

Why It's Hard to be a Girl

Hopia, Mani, Popcorn, Bote, Dyaryo, Garapata, Shake Body Body Dancers, A Rico Mambo Yeah! Huwag muna kayong magluksa, magsuot ng costume ni Combatron at gumawa ng tribute para sa akin. Hindi pa po ako patay, I am so alive, alert, awake, and enthusiastic at adeek pa rin! Limited na kasi ang paraan ko ng pagpopost ngayon. Alam niyo naman kaming mga bigtime, laging busy.

----------------------

Kung noon ay nabanggit ko kung bakit masarap maging lalake. Ngayon naman ipapalamon ko sa sikmura ng mga utak ng marami kung bakit napakahirap maging babae. Kung inaakala ng mgamale species ay madali maging babae, mag-hulus dili kayo, magpatiwakal at ipakain niyo na ang mga sarili niyo sa mga pating. Hindi easy ang pagiging babae.

  • Mas masakit ang mga klase ng sapatos na isinusuot gaya ng mga stilletos at iba pang high-heeled shoes
  • Laging dumadalaw ang "Red Monster" monthly, period!
  • Hindi lang sa puson, sakit ng ulo din ang dulot ng "Red Monster".
  • Dalawang piraso pa ang undies. Hindi kagaya sa aming lalaki na brip lang ok na at di na kailangan pang takpan ang mga utong.
  • Mas kailangan ng maraming espasyo para sa wardrobe kumpara sa mga lalaki
  • Hindi parating nakakatuwa kapag mayroong sumisipang maliit na bata sa mga lamanloob at bituka sa tiyan nila.
  • Sobrang sakit ang pagluwal ng bata
  • Matagal ang magpatuyo ng mahabang buhok.
  • Masakit ang magtype sa typewriter or computer kapag mahaba ang kuko
  • Hindi madali sa ego ng kababaihan na i-fake ang kanilang orgasm.
  • Time consuming para sa kanila ang palagiang paglagay ng makeup para ma-enhance ang beauty nila.
  • Hindi rin easy ang itago nila ang Visible Panty Line (VPL).
  • Nabibingi rin sila sa kanilang mga sariling tili.
  • Nahihirapan silang mag-weewee sa maduming toilet bowl.
  • Hindi nadadaan sa pitik o taktak lang pag natapos gumamit ng toilet. Kailangan laging may feminine wash na kasama.
  • Nahihirapan silang maka-getover sa kagwapuhan ni Billycoy Dacuycuy.

Ilan pa lang ang mga yan kaya mahirap ang maging babae. Kaya nga marapat-dapat lamang na respetuhin at galangin ng mga kalalakihan ang mga kababaihan. Kaya all hands down ako sa female species hindi dahil nalilibugan ako, kung hindi dahil kaya nilang tiisin ang mga ganyan katinding pagsubok sa kanilang buhay.

Ngayon, sabihin niyong madali ang maging babae. Ang sinumang lalake dyan na magsabing easy lang ang maging babae ay dadatnan ng regla makatapos ang isang buwan na sabihin nila iyon.

Ano pa ba ang ibang dahilan kung bakit mahirap maging babae?

Tuesday, January 08, 2008

The Sunny Side Up Challenge

Meron na namang iringan dito sa aming community. Ang laking gulo nga at umabot pa sa korte kaya naman kinukuyog na rin ng media ang issue nila. Inakala ko nga noong pasko at bagong taon ay mayroong let there be peace on earth and let it begin with me kaso wala. Bangayan pa rin sila ng bangayan. Walang awat ang parinigan nitong dalawang kampo.

Nagkaroon kasi ng paligsahan sa aming baranggay ng pahusayan sa pagluto ng sunny-side up na itlog. Natirang finalist ang magkapatid na sina Abel Bistro Santos at Cecilia Bonita Nagoya laban kay Greg Marciano Allego. Perfect kasi ang pula ng kanilang mga itlog, mamasa-masa pa... I mean, malasado at hindi basag or luto masyado. Pagkatapos, ang isa sa mga judges, si Avi Garcia-Berto, nagsalita na
nagkaroon daw ng bayaran sa nasabihang contest.

Hindi naman tahasang binanggit ni Avi kung sino ang nagbayad sa nasabing sunny-side-up egg cooking contest ngunit ang kampo nina Abel at Cecilia ay itinuro si Greg. Syempre, itong si Greg, na-offend sa accusation nitong sinabi ng nasa kampo nina Abel at Cecilia. Nagwala at sinumpang hindi na siya magluluto ng sunny side up na itlog kahit kailan. Nagsampa na rin siya ng kaso laban kina Abel at Cecilia kasama ng mga nasa panig nito. Kinasuhan niya ito ng libel.

Nang natanggap naman ng magkapatid na Abel at Cecilia ang kanilang subpoena, nagwala rin sila. Hinagis nila ang kanilang mga manok ng kanilang poultry farm sa mabilis na ikot na elesi ng kanilang Standard electric fan saka sila naglabas ng press statement. Iginiit na lang na totoo ang sinabi ng nasabi ng isa sa kanilang kapanalig.

Kaya hayun sila, hanggang ngayon ay nagbabangayan pa rin. Kung anu-anong mga parinigan ang mga ginagawa nila at pagkuha ng sentimiyento ng kanilang mga kapitbahay.

Ako? Wala na akong pakialam sa mga itlog nila. Masaya na ako sa itlog ko. Anumang luto ng itlog ko, nakadapa, tihaya, basag man o scrambled sure akong masarap yun.

SIGURADO AKONG MASARAP ANG ITLOG KO, NATIKMAN KO NA!

Friday, January 04, 2008

Top 5ive

Matagal na akong naimibitahan ni Badoodles sa Project Lafftrip Laffapalooza. At dahil January na at malapit na naman ang Lovapalooza sa February kaya naisipan kong maki-join sa kaguluhang ito. Matagal din kasi akong nangilatis ng iba't ibang blogs para iboto para dito. Saka may prizes kayang selepono, digital camera at 15,000 pesos, kaya kailangang sumali dito.

Kaya ko ring magpa-contest ng ganito, kaso sakim ako at di namamahagi ng aking kayamanan; shellfish ika nga. Mas gusto ko ang nakakatanggap kaysa ako ang gumastos—sino bang hindi? Kung meron man akong kayang ipamigay ay Pangkabuhayan Showcase lang. Kaya kong gumawa ng bata na pwedeng gawing negosyo pagdating ng Pasko.

Heto na ang aking Top Five Humor Blogs

hindi yung boyband na 5ive ang tinutukoy ko.

Number 1. BatJay. Isa sa tinitingalaan kong humor blogger/writer. Kaya nga yata madalas akong magka-stiff neck kapag binabasa ko blog niya. Nakapag-publish na nga rin siya ng kanyang libro, Kwentong Tambay. Isa sa mga bibliya ng mga gago kasunod kay Bob Ong. Bagamat gago rin ako, hindi ko pa nababasa ang libro niya.

Number 2. Mr. D. Kung nangangamoy lang ang mga blogs ay malamang na iduwal mo na ang longganisang mabantot at itlog na nabubulok na kinain mo kaninang umaga. Kulay pa lang ng blog ay tae na. Kaya rin yata ni Mr. D na hulaan ang inyong kapalaran sa pagtingin lang ng mga tae niyo. Favorite ko talaga yang si Mr. D, nakakatae sa salawal ang mga panulat niya.

Number 3. Xienah. Move over KC Concepcion at Inday. Siya ang "IT" girl ng blogosphere ngayon. Nagkakandarapa nga ang maraming lalaki sa kanya kaya hayun nagkakakandapasa at sugatan ang mga humahabol sa kanya. Pero alam naman nating isa lang ang laman ng puso niya at yun ay si... a... ay si Mr. E. Pero kahit may Mr. E na siya, hindi naman ibig sabihin nun na di na natin siya pwedeng mahalin. Hindi pa naman sila kasal.

Number 4. Billycoy. Although aminadong emotista ako kaysa humorista, isasama ko na rin ang sarili ko sa listahan. Aba sayang din ang tropeo, pwede ko ring ipamukpok yun sa bakanteng ulo ng mga politiko. Actually, ready na nga ang speech ko kapag nanalo ako. Pero di pa rin ako assuming, kaya nga pang-number 4 lang ako. Trip ko lang gumawa ng speech, bakit ba?

Number 5. Green Pinoy. Hindi ako madalas sa site niya, pero nakakatawa lahat ng post niya. At dahil nakakatawa ang blog niya nilagay ko sa huli, dahil kapag maraming naka-discover sa kanya, lalo pang aapaw ang nomination niya. Kawawa naman ako.


Ang totoo niyan, nambobola lang ako sa mga binoto ko—pwera yung sa akin. Gumawa lang ako ng nominations para makasali nga dun sa pa-raffle ni Badoodles. Kaya sa mga nominees na naniwala sa akin, sorry, inuuto ko lang kayo.

Wednesday, January 02, 2008

New Year's Resolution


Manigong Bagong Taon sa Lahat!!!

Late na ba? Hindi pa, kahit sa February o sa November naman ako bumati ng "Happy New Year" pwede ko namang gawin yun. Walang pakialamanan, yun ang trip kong gawin. Pero dahil ngayon ay 2008, tapos na ang 2007—syempre. Maraming pagbabago at maraming nais baguhin. Kaya sisimulan ko ang taon at first time ko sigurong gagawin ito, ang gumawa ng New Year's Resolution.

Hindi na ako magiging mahalay, malibog na lang.
Ako magiging wholesome? Asa kayo dude!

Lagi na akong magsasabi ng totoo.
Kailan ba ako nagsinungaling? Sa sobrang pagsasabi ko nga ng totoo lumalabas lalo ang kahalayan at kababuyan ng pag-iisip ko.

Hinding-hindi na ako manonood ng porn.
Manonood na lang ako ng liveshow. Mas exciting ang mga live!

Hindi ko na titirahin sina Madam Auring, Cristy Fermin, Mahal at Jobert Sucaldito.
Mga naggagandahang babae na lang.

Lie-low muna sa pagiging gwapo.
Para naman umangat ang level ng mga pangit... kahit papaano.

Ipu-pursue ko na ang aking singing career.
Para umulan at mabawasan ang init na dulot ng global warming.

Mas dadalasan ko na ang aking happy time sa banyo o kwarto.
Paraan ito para makaiwas sa prostate cancer.

Hindi na ako magbabasa ng FHM.
Hustler at Penthouse magazines na lang ang babasahin ko.

Hindi na ako magyayabang.
Hindi naman talaga ako mayabang eversince. Ano ba magagawa ko kung inborn na ang aking kagwapuhan at natural akong nuknukan ng sex appeal?!

Magfo-focus na ako sa aking career.
Kakalimutan ko muna ang paghahanap ng aking soulmate at future juwawhoopers. Sila na lang ang kusang lalapit dahil sa tindi ng aking charisma at mouthwatering sex appeal.

At ang huli sa lahat...



Hindi ko tutuparin ang mga nasa New Year's Resolution ko.
Ano ako timang?


Ay oo nga, timang nga ako!