End of the world na talaga, nakikita ko na ang mga signos ng katapusan ng mundo, kung hindi man sa Pilipinas lang. Paano ba naman, una kumandidato itong si Pacman para sa local government, tapos heto, mga taartits na ang mga kumakandidato para sa senado. Nandun na nga si Lito Lapid sinundan pa nina Goma, at heto si Buboy pa. Ano na ba nangyayari sa kanila? Sinasapian na yata. Kaninong espiritu naman kaya ang pumasok sa kanila, nakahithit yata ng asukal at nakainom yata ng chlorox ang mga ito.
Pero ano ba itong nababalitaan ko, may bagong partido na naman ang binubuo pantapat sa mga ito. Hindi sila administrasyon at hindi rin oposisyon, hindi rin nuisance. At kapag oras na lumabas na sila tiyak na mabubulabog ang ating gobyerno at ng mga kandidato. Malamang mahibang na rin ang mga botante at maghanap ng mataas na bangin at tumalon na silang lahat. Ano ang mangyayari sa bansa natin kung sila na ang kakandidato?
Tatakbo na raw ang mga puppets at mascots sa ating gobyerno. Napag-alaman kong nagfile for candidacy na ang mga puppets na ito, dahil ayon sa kanila, magkakaroon na lang din ng mga puppet na artista sa gobyerno bakit hindi na lang daw silang mga tunay na puppets ang tumakbo baka may magawa pa raw sila sa ikakaunlad ng ating bayan. Palaban talaga ang mga nilalang na ito at kahit great of wall of China ay kaya nilang gibain at magagawa pa nilang butasin ang earth para makapunta sa earth's core sa kanilang paninindigan.
Ayon sa aking trusted factual reliable source, ang mga kumpirmadong nakapagpasa na raw ng candidacy ay sina Jollibee, Champ, Pong Pagong, Kiko Matsing, Manang Bola, Koko Kwik-kwak, ang mag-ateng sina Ningning at Gingging, Pining ng PBB at PDA sa Studio 23, at sina Susie at Geno. Humahabol pa nga ang Boyoyong Clowns. Hindi pa raw kumpleto ang partido at may mga madadagdag pa hangga't hindi pa natatapos ang filing of candidacy. Ang kanilang campaign manager ay si Kuya Bodjie at ayon din sa aking nalaman, popondohan sila ni Ms. Piggy ng Muppets sa US.
Napag-alaman ko ring disqualified si Ronald McDonald sapagkat wala siyang dugong Filipino. Kaya ngayon ay nasa harap siya ng Comelec kasama nila Grimace at Hamburglar upang magprotesta dahil sa kanyang disqualification. Ayon sa interview ng aking source kay Ronald McDonald ang pinoprotesta niya raw ay dapat daw payagan siyang kumandidato dahil sa PBA naman daw ay pinapayagan ang mga import na maglaro.
Malaking riot ito ngayong eleksyon. Kaya nga wala akong planong pumasok sa politika. Masyadong magulo, madugo at karimarimarim... saka na, sa Presidential election na lang.
Wednesday, February 21, 2007
String Attached Government
Posted by Billycoy at 2/21/2007 10:02:00 AM
Labels: Kabaliw-Balita
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
wahaha. maski ang mga campaign jingle nila ay nakakabuwisit, lalo yung 'pichay itanim sa senado' nako..
mabuti pa ngang si jollibee na lang ang pangulo natin! libreng chickenjoy para sa lahat!! nyahaha.
bwahahaha... at least si jollibee may sarili ng tingle este jingle...
"dito tayo, dito tayo, kung saan bida ang masa... jollibee sa senado wala ng iba... kay jollibee... bida ang masa..."
o di ba konting change of words lang at voila! campaign jingle na!
hindi na kelangang manghiram sa mga composers ng songs!
hindi ba nag-file for candidacy si arn-arn? e sina lucky at mimi? sikat sina lucky at mimi kasi annual ang pagdalaw nila sa mga paaralan...
Sabi pa ng ka-blog ko (http://searchingforpablo.blogspot.com), ang pichay tinatanim sa lupa di sa Senado. Wahahahaha. When I look at that brain of yours (I mean in the pic), naaalala ko si Hannibal Lecter opening the skull of Ray Liotta tapos may I fork a portion of the brain hehehe. Nice one here.
haha.. pti si jolibee!! wahehe... hay naku..
ikaw billycoy, bumibisita ka lang pag nangangati ka ha!!! :D
wala lang;)
Nyahaha! Jollibee? Hindi ko iboboto yan! May scandal yan eh hahahar
Nga pla Billycoy yung name mo and2 sa http://www.philippineblogawards.com.ph/entries/nominees-main-categories/
haha kasama kasama ka sa mga nomonated sa entertainment awrds!...
ako yung ngnominate sau!!!*clap*
pero dapat merong mahalay award eh hehehe
Lab yu billycoy... este Jollibee... HAHAHAHAHAHAH
miss ko na Jollibee... manalo ka sana!
grabe na talga ang election ngayon.. nung bata ako, talagang pinangarap ko mapunta sa election.. kaya nga nag student council ako.. (may sense of leadership kce ako. BWAHAHA! conceited!). pero grabe talga ang advertisment ng mga tatakbo ngayon. grr. kung ako kaya tatakbo ano kaya ggmitin kO? itaktak mo?
kay Jollibee na lng ako.
sayang..iboboto ko pa naman sana si Grimace.. UUWI ako para iboto lamang si Grimace!!! ay ay ay!!.. pati si Ms. Piggy!!.. close kami nun e..
Botante ka ba? pwedeng political statement yan. hehe
Btw dude, Im already on my new domain.
http://atheista.net
Please check it out if you have the time and alert me for any technical issues that you happen to notice. thanks.
wala pa ba? as i see the situation now, halos lahat sila ay mga puppet... puppet ni erap ung candidates na nasa opposition... and puppet ni gma ung mga nasa administration.... it's a battle between erap and gma kung sino ang better puppeteer.
but we can't do anything about it.... ganayan na yan... it's been a system... a system is a system and Anna Dizon is Anna Dizon (nakuha ko lang sa u yan from ur prev. entry).....
the only solution to that is an instant genocide of all Filipinos...
ang kyut kyut ni jollibee!!!! hehehe
Nakakainis na nga talaga, andaming mga oportunista sa pulitika.
Baka hindi magtagal gagawan narin ng isyu si Jollibee ng mga kalaban sa pulitika. Delikado sila, mas popular parin si Jollibee sa kanila.
patay na candidacy ko, mas popular sila wahaha
Politics sucks! (Pota, PolSci nga pala ako. Hehe.)
Pasaway ang mga politicians. As in.
pagalingan bang magpatawa ang laban sa senado? bwahaha!! panalo ung ad ni mike defensor.. andaming sense na pwedeng ipalunok sa kanya. argh
btw, 'stig.
napanood nyo na ba yung ad ni joker arroyo? grabe, ibang klase ang tagline, hehehehhhhh!
Sayang nman at tlgang ikaw ang hinahantay kong tumakbo sa election... waaaaa.. pano na ang pinas? sige na nag jogging kana... heheh
haha i actually find the picture hilarious!anyway, can i ask permission to post it in my site? i'd be a tad grateful:)tnx!:)i wanna keep the memory of jollibee forever in my heart:)actually gives me a reason to eat chickenjoy everyday!:)
Post a Comment