I'm happy being sought for single, oozing virgin and not committed... even once.
Taliwas yan sa madalas kong i-post sa blog ko, pero talagang masaya naman ako sa buhay ko. Kahit di pa ako nakakaranas magmahal, ng unang halik o ng popoy, happy naman talaga ako. Hindi naman kasi ako nagmamadali magkaroon ng loved one. I'm still enjoying my twenties. Pero siyempre, ganun lang talaga, may pagkakataon na naglalaway at nagke-crave din ako ng pagmamahal. Mga panahon na makikita mo ang mga magjuwawhoopers na naghaharutan, naglalandian, nagyayakapan, naghahalikan, naglalaplapan, naglalamutakan, naglalapaan, naghuhubaran, nagtatanggalan ng undies, naghahalikan ulit at... teka porn na yata yun.
Like any single out there, hindi talaga na maiwasan na mainggit nga sa mga magsing-irog. Naku lalo na sa akin na very ignorant about love, dahil nga hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend not even once. Nais ko rin kasing maramdaman kung ano nga ba ang pag-ibig. Gusto kong alamin yung pakiramdam na merong yumayakap at humahalik sa akin. Yung palaging may nag-iisip sa kalagayan ko kapag hindi kami magkasama. Gusto ko rin damhin yung mga panahon na naghaharutan at nagkukulitan sa tuwing nagkikita o sa telepono man. Kahit din yung mga pag-aaway dahil lang sa maliit na bagay. Mga pagkakataon ding nag-aalab at nag-iinit ang damdamin ng isa't isa sa tuwing magkasama. At yung pakiramdam na isang umagang magigising dahil sa halik ng iyong minamahal. Syet! Ang mushy ko!
Hindi naman talaga mawawala yung ma-dead sa envy sa mga bagay na wala ka. Pero hanggang dun lang talaga yun, may kani-kaniyang panahon din yan, ika nga; weder-weder lang. Marami din namang benefits ang maging single at uncommitted. Hindi lang napapansin ng marami at nao-overlook lang.
Pros:
- Nakakatipid at nakakakain sa mga gustong lugar na kakainan.
- Mas naiintindihan ang pinapanood na pelikula dahil walang nang-iistorbo at magtatanong "Anong nangyari?", "Ano daw?", atbp. Saka mas focus na sa panonood dahil wala ng ka-smooching sa loob ng moviehouse.
- Para sa lalaki, hindi na kailangang maghintay ng pagkatagal-tagal sa labas ng CR
ng babae. - Para sa babae, hindi na kailangang mag-alala kung hahawakan mo ang kamay ng BF kung sakaling nag-CR dahil di alam kung naghugas ba siya ng kamay.
- Hindi na kailangang hanapin ang KKK (Kataas-taasan Kadilim-diliman Kasuluk-sulukan) part ng mga sinehan.
- Pwede ng mangulangot kung kailan man nanaisin.
- Wala ng magagalit kapag nale-late, boss na lang ang magagalit at magdededuct ng sweldo.
- Walang aalalahaning birthday, anniversaries, monthsaries, at birthday ng aso na makakalimutan, pwera lang sa kabarkada dahil inuman na naman o kaya may manlilibre.
- Wala ng magtatrack kung saan man magpunta, maliban lang sa mga pulis kapag kasama sa most wanted list nila.
- Para sa lalaki, wala ng bubuhating mga mabibigat na shopping bags at groceries ng GF.
- Para sa babae, hindi na mag-aalala kung nabibigatan si BF sa mga pinamili.
- Wala masyadong gastos, kung meron man para sa sarili lahat mapupunta, maliban sa araw ng Pasko o kaya gagawing ninang/ninong ng mga kaibigang nagkaanak na.
- Walang kapopoyan, belat!!!
29 comments:
Nandun sa pinaka baba ang pangalan ng interior designer ko... hehehe...
Oo nga nman kayo bida jan, pero next time kami naman ah! nyahahha!!!!
Mushy mushy, no ibig sabihin nun? nyhahah!!!
darating din ang araw na mahahanap mo ang tunay na pag ibig. at pag andun na mabubura na lahat ng naisulat mo dito... hehehe
Para sa babae, hindi na kailangang mag-alala kung hahawakan mo ang kamay ng BF kung sakaling nag-CR dahil di alam kung naghugas ba siya ng kamay.
Hahaha panalo! =)
Pero I agree! Okay lang kahit single pa rin (at NBSB :p), eto ang panahon para makilala ng maigi ang sarili. :P May sinulat ako about singlehood din, pero medyo mas seryoso. Haha.
Okay lang yan...sabi nga, darating din yan. ;) In the meantime...mabuhay ang mga single! :P
i love your post. yes, i am single now, too. haha. at masaya rin ako sa pagiging single. mabuhay ang mga single! yay! haha
mabuhay tau!!!
iba eh..BIDA TAU BIDA TAU!! (hala parang kanta ng jollibee...hehe))
mabuhay ang mga single!!!!
i love this post..walang maxadong kababuyan pero meron pdin khit papaano hahahahahahahaha LOL
may tama ka! haha
ikaw talaga billyco dacuycoy.
natuto ka mula sa akin ha.
:)
eh kung ako na nga lang gumahasa sa iyo.
ayan ha.
nagpapaalam na ako.
:)
magkaaminan nga tayo
yung mga pros na nabanggit mo
pros ba talaga yun
o baka naman nagdadahilan ka lang?
:)
mabuhay ang mga single.
:)
ey!
tnx sa pag-add po sa inyong blogroll sa web ng clan namin.
sori din kasi now lang talaga ako nakapagnet*sigh*
single rin po ako, ever since. kahit magtake pa tayo sabay ng virginity test ng sabay, hehehe. joke lang po!
1. Tama!
2. Tama uli
3. TAMA! Bwahaha!
4. Hahaha. Um, hehehe.
5. Hmm, kahit single pa, mas maganda pa rin kung nasa kataas-taasan kadilim-dilimang whatever portion. You know...
6. Naku, temaarts naman pag ayaw ng gf mong mangulangot ka
7. Hahaha. Tama! Pero pareho lang naman ding nale-late ang magjowa ngay-on
8. Tama ka jan! Ako pa nama'y makakalimutin.
9. Hmm, no problem with that.
10. Hahah! TAMA!
11. Hehe. Tama uli!
12. Mas makakaipon ka pa sa sarili mo.
13. At pwede kang mangolek nang mangolek. Then select... them all!
Nyahaha!
CONS:
1. Baka ikaw lang. Bwahaha
Hmpp...Hindi ko mawari kung totoo yung post mo parang kasing hindi ako makapaniwala na wala ka pang naging GF o naka-laplapan man lang. Sa GWAPO mong yan [YES naman] parang I can't believe eh. yEAH!
Pero para din naman totoo haha! Naku basta parang may hidden msg.
Sus Jang Geum!? Haha fave ko yun! Ako si Lady Han-job nyahahaha! Good Luck Parin sa paghahanap ng rapist!!
HAHANAP DIN AKO NG SAKIN! BELAT! PATI-KAPOYPOY KO DIN!
aVAILABLE DAW SI MADAM AURING!
oi musta! oo naka-black talaga ako nung araw na yun, as in plain black t-shirt talaga! at tama lahat yang sinabi mo, lalo na yung: 'Hindi ko minamadali ang mga bagay-bagay, kasi ang lutuin kapag minadali hindi sumasarap.'
parang prutas din kapag hinog sa pilit!
yooohooo sarap maging single!!!
dahil sa blog ni billycoy mga singles ang laging bida! hehe...
Wee!
Sabi nga nila...
Mabuhay ang mga Single!
Haha.. nice post. I actually read it... ^__________^v
hahaha! naligayahan ako masyado, pero ang tanong, totoo ba laman nito? pero sige, im convinced.
but i also believe, mas madalas prin ang paglalaway mo! nyahahah!
haha. mabuhaya ng mga single!
ang galing mong mgsulat. parang bob ong. haha.
haha. mabuhaya ng mga single!
ang galing mong mgsulat. parang bob ong. haha.
pwede namang single pero loved pa rin ah ~^_^~
tama! CHEERS tau!! buti pa entry mo..makatao! hehe.. sa mga pros na naisulat mo..kung iisipin na hindi natin yun dadanasin like ..parang hindi tayo nabuhay. o sabihin na lang nating meron tayong kakaibang buhay na tinamasa?
pansin ko napaparami talaga ang pagsusulat mo tungkol sa buhay single though hindi ka nagrereklamo. Nakaka-inspire naman tong blog mo..nakaka-encourage na masaya rin pala buhay single.. pero teka kung ikaw tatanungin kahit masaya ka sa pagiging single ngaun...deep inside ba gusto mo na din magkajowa?
ayus lang maging mushy kung minsan...
ASTIG MAGING SINGLE... tanging wika ko sa lahat...
wahehhehe.. mabuhay ang mga single!
naglalakad ako sa street mga 1 week ago..tas sa may corner e etong dalawang tao biglang nagfrench kiss... as IN habang naghihintay ng "WALK" sign.. hehehe.. CONGRATS SAKANILA.. baka naman mamaya pag mag juwa kana e ganun kanarin! PDA TO THE NTH LEVEL!..hehehehe
shiyet! single rin ako. once commited and will never be (with the same girl). bobo kasi at tanga. total turn off. dati na yun. 2nd yr HS. so ayon.
gustong gusto ko ng may maharot at mahubaran.
nyaknyak
true love waits! hehehe...
anong meaning ng "kapopoyan" at "popoy?" (serious question po ito... pakisagot...)
super xienah > oo totoo yan... para naman mapilitang magsaya kahit papaano
ruth > hindi lang basta jowa, kundi kapopoy... like i said, hindi mawawala yun, it's normal... sa case ko hindi.
chino > hindi lang basta PDA baka magpopoy na kami sa kalsada kung sakali.
sherma > popoy... nakupu... alam mo na yun... basta yung act, pawholesome lang itong post ko kasi
hahahahaha! laftrip to ah!
"Para sa babae, hindi na kailangang mag-alala kung hahawakan mo ang kamay ng BF kung sakaling nag-CR dahil di alam kung naghugas ba siya ng kamay." - uy tama, tama.. haha
boy popoy!
haha...
at sinong nagsabing walang ka-popoy mga singles... haha
hehe mabuhay :)
anu ung kapopoyan? [hehe bubu ko]
ok lang maging single... pero for some time... mahirap kasi na para sa sarili mo lang ang lahat... kailangan ng mundo ang pag-ibig... kailangang ikalat ito sa buong mundo... come to think of it... mahirap kasing maghanap ng true love... single din ako kaya alam ko (siguro?)mahirap maging single... mahirap lalo na kapag may nakikita kang maggf na naglalampungan... parang gusto kong makisali... hehe!!! wooohooo... pero sa ngayon... Mabuhay ang mga Single!!! dahil single ko...
ah... i see... ang kulit ng term... hehehe...
sana naman, hindi ka isa sa mga makakasalubong ko weekly na nagpi-PDA... =)
Post a Comment