I look younger than my age.
Oo totoo yun, huwag na kayong mashock or mahimatay dyan. Yan ang madalas sabihin sa akin ng iba. No stir! Though medyo nagmature na rin ako ngayon since nagstart na akong mag-gain ng weight. Pero mas younger pa rin talaga akong tingnan kahit na 23 na ako. Opo 23 - nakalagay naman yan sa profile ko at hindi ko naman itinatago - na ako physically pero mentally 14! Kung magsuot lang siguro ako ng school uniform baka mapagkamalan pa akong college kung hindi man high school. Pero laking tuwa ko siguro kung may magsabi sa akin na mukha akong elementary or kindergarten dahil maa-uppercut ko siya at tumilapon hanggang sa moon. Kahit nga ang mom ko, 50 na siya pero mukha pa rin siyang in mid-30's niya. Sa kanya ko yata namana hetong young looks ko. Kaya nga hindi na namin kailangan yung ginintuang presyo nung Olay para lang magmukhang bata at sabihing my skin is firmer, my pores become smaller at yung mga lines... parang nawala.
Isang fact na natuklasan ko kung bakit meron kaming young and extremely ovepoweringly juvenile looks and appeal ay ang pagkakaroon namin ng oily skin. Nag-a-act as moisturizer ang natural oils ng ating balat kaya napeprevent niya ang aging. Nag-uumapaw kasi ang langis ng aming katawan at hayun nag-ooverflow sa aming mga balat, lalung-lalo na sa mukha. Kaya nga kapag naubusan na kami ng mantika sa bahay, kukuha lang kami ng kutsara at ikakayod lang sa mukha namin at ilalagay na sa pan, and walla! may mantika na kami. Minsan ginagawa rin naming mantikilya, ganun din, ilalagay lang sa container, lagyan ng konting asin at ibang pampalasa tapos ilagay lang sa ref kapag tumigas na, meron na kaming butter na pwedeng ipalaman sa tinapay at ilahok sa iba pang pagkain.
Kung dry ang skin niyo, hindi naman ibig sabihin nun na hindi kayo mas mukhang bata. Prone lang kayo sa effects ng aging, kami namang may oily skin prone sa acnes and breakouts. Syempre sa mga may dry skin kailangan nilang protektahan din ang kanilang balat from aging sa pamamagitan ng mga moisturizers at kung anu-ano pa. Magastos nga lang pero ganun talaga. Syempre bibigyan ko kayo ng mga alternatibo dito.
- Uminom ng sandamakmak na kape kahit galon-galon pa yan. Kasi nga ang kape ay nagtataglay ng anti-oxidants na nakakatulong sa pagprevent ng aging at mas marami pa sa taglay ng green tea. Kaya kung iinom ka ng marami nito, malamang magmukha ka ng sanggol afterwards. Salamat kay Tweetie De Leon sa ad niya ng Nescafé para sa impormasyon na ito. Ewan ko nga lang kung makakatulog pa kayo.
- Maghilamos ng mantika, mapa-Minola man yan o Golden Fiesta. Basta make sure na may Omega-9 at walang cholesterol para healthy sa puso. Pero ako, suggestion ko, Golden Fiesta, para kahit ilang beses mo mang gamitin golden pa rin. Tiyak na magiging glowing and shiny ang skin mo nito.
- Keep away from stress. Huwag na kayong magtrabaho o mag-aral. Iwasan na rin lahat ng stressful na bagay. Isa kasi ang stress sa pagpapabilis ng aging, kaya kung wala kang ginagawang nakaka-stress hindi ka tatanda kaagad. In other words, magiging palamunin ka na lang habambuhay.
- Kumain ng mga isdang malalalansa gaya ng salmon, tuna at kung anu-ano pa. Hindi dahil gagamitin mo yung mga fish oils sa iyong mukha - pero pwede mo ring gawin kung gusto mo at gusto mo ring mag-amoy palengke sa labas - kundi dahil sa taglay nitong unsaturated fats na good fat, at may mataas na HDL (High Density Lypoprotein) na nakakatulong sa ating puso at talaga namang nakakapagpabata ng pakiramdam. Pero I strongly suggest na itapal mo na lang yung mga isda sa iyong mukha para maabsorb kaagad ng balat ang mga nutrients na taglay nito. Kung may mga ngipin naman ang pores ng balat mo, ipakain mo na lang para direkta na kagad sa balat.
O sya. Tatapusin ko na ang post kong ito at sasandukin ko pa ang langis ng aking mukha para may magamit na pangmasahe ang tiyahin ko mamaya.
17 comments:
ikaw na ba ang papalit kay belo at calayan?..hahahaha.. EXPERT ka ata a..
"I look younger than my age."
Oo nga mukha ka talagang bata Billycoy at isip bata din nung nakita nga kita sa BLOG PARTEEH '07! eh kala ko College Student ka lang yun pala 23 years old kana. Hindi talaga halatang 23 years old ka?!
Yan pala ang secret mo kaya mukha kang bata, ang mamantikang mukha! The ulitimate super duper hyper to the highest level of all levels including sea level reason kung bakit ka isip bata este mukhang bata...Infairness tama yung mga pinoint out mo dun ha...coffe yung fish oil ect ewan ko lng dun sa matika at gawing panghilamos upang maging moisturazer! galing mo!
Sya nga pala oo tama ka korek ka! mas-mahalay ka pa pala kay Harry Potter mukha pa lang nakakalibog na at nagmumukha ng porno ang picture wahahaha! pag fullbody???wala na sobra na yung feeling ko incest na yung kadiri level nun haha!
waw very informative pero may halung kababuyan pdin..
eto ba ang bagong sikreto ng mga guwapo?!? hahaha...
kelangan bang hindi inaalis ang mantika sa mukha? kasi ako nagpapa-steam ako ng tubig at nginungudngod ko ang sarili ko sa steam upang lumabas lahat ng oil sa mukha ko... so far naman, epektib cyang gawin..
in all fairness... sabi din kasi sa akin dito, hindi ako mukhang 24 at my age, mukha daw akong 23! hahahaha! :)
lalo lang akong nananabik na makita ka billycoy dacuycuy,, ahahaha.
mukha kang dermatologist ngayon ah andami mong alam haha.
kulit ng tips..hehe.
nice blog^_^
AMPF!
Magdadala na nga ako ng isang malaking container pag nakita kita.
Mag-iipon na ako ng supply ng mantika. Haha. At yung mantikilya, mukhang yummy.
naks! 'yun pala ang sikreto ni billycoy. magaya nga.
saka ung mantikilya, masarap ba?
sang tinapay mo kaya siya pede ilagay na masasarapan ka talaga. o di kaya naman ay sa nilupak... sarap!!!
yuck, wala akong balak maghilamos ng mantika sa mukha ko.
haha galing ng advice... talo sina Mendez, Belo at Calayan. (mas mura eh)
Asan ang picture? Asan?
Dapat me ebidensya para kami ang magsabi kung mukhang bata ka nga.
nagbubuhat na ba ng sariling bangko? XD JOkE.
May karir ka ng talunin ang negosyo ni biki belo. Bagay sayo :P
wow educational inferness! hahaha may HDL HDL pang nalalaman...
ano ba yan, grabe ka naman! pero totoo yung lahat ng sinabi mo, pwera yung may kinalaman sa mga cooking oil! nabasa ko din na mag madaling magka-wrinkles yung mga taong di oily ang fez, swerte natin! (oily din ako!)
haha convincing!!!
niceeeeeee header. may signature pa talaga ha. lol.. :P
tanong - ano meaning ng header mo?
oo na lang ako na mukha kang bata. :)) malay ko ba!!!!
aryo > masyadong mahalay ang mukha ko para ipakita dito, ma-ban pa ako.
utakgago > meaning ng header? macaroning utak na tinutubuan ng puso!
Post a Comment