Pasensya na. Masama lang talaga ang loob ko. Hindi ko mapigilang ilabas lahat ng mga hinanakit ko. Matinding paghihirap ang dinadanas ko ngayon simula ng gawin mo sa akin. Sana ay maunuwaan mo ang lahat ng pasakit na ito. Hindi ko nais saktan ang iyong damdamin sa gagawin kong ito, pero labis-labis na talaga itong ginagawa mo sa akin.
Pagod na ako. Alam mo bang napakasakit nitong pinaparanas mo sa akin? Nahihirapan na ako. Ilang beses mo na sa aking ginagawa ito. Labis na sakit ang paghihirap na dinadanas ko ngayon. Hindi ko na mapigilan ang aking sarili dahil sa ginagawa mong ito. Paulit-ulit na lang. Ano pa bang problema? Akala ko ayos na ang lahat, pero bakit ganito, heto ka na naman. Ano bang ginawa ko para ako'y labis mong pahirapan. Sinusunod ko naman lahat ng alituntunin mo, pero bakit kapag ako hindi mo mapagbigyan. You're becoming unfair. Hindi ko na kaya itong ginagawa mo sa akin. Labis na parusa ito. Kung may problema ka, bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ng maayos na ito. Pinipilit ko namang gawin ang lahat para maayos na ito kaso talagang ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon.
Masakit. Sobrang sakit. Isang parusa ito na talagang hindi ko kayang lagpasan. Kung alam mo lang sana ang pakiramdam nitong parusang pasan ko ngayon. Huwag ka namang maging manhid. Hindi ito madali. Alam mo sana yun. Dumudugo itong damdamin ko, hindi ko alam kung kaya mong gamutin itong iniwang sakit sa aking loob. Bakit ngayong kailangan na kailangan kita hindi mo pa ako matulungan? Ang mga luha ko ngayon ay gumugulong pababa sa aking mga pisngi sa paghihirap kong ito. Hindi na ako mapakali at makapag-isip ng maayos. Sa isip ko, ikaw lagi ang nandito, binubulabog ang aking kamulatan. Hindi ko na kaya, susuko na ako.
Sana lang maunawaan mo ang paglalabas ko ng sama ng loob ko sa iyo. Napakahirap na talaga at di ko na kayang itolerate at tiisin ang ginagawa mo. Ilang beses na kasi, at paulit-ulit na lang. Kailan ka pa ba aayos? Kailan ka pa titino? Hindi lang ako ang nahihirapan sa ginagawa mo. Marami na rin ang apektado. Sana alam mo yun. Kaso ayaw mo talagang bigyan ng pansin ang pangangailangan namin. Hindi madali itong pagsabi ko ng sama ng loob sa'yo, kahit ako nahihirapan din. Sana lang malawak ang iyong pang-unawa.
Bakit ba kasi lagi ka na lang out of order? Parati ka na lang sira. Hindi na kita maunawaan. Ilang beses na ito. Ano yan? Tuwing matatae na lang ako maghahanap pa ako ng ibang CR. Alam mo namang ikaw na lang ang malapit sa amin, tapos magloloko ka pa. Kailangan ko pa man ding tumae ngayon. Ikaw na nga lang ang masasabi naming maayos na inidoro sa CR na ito tapos heto sira ka pa. Taeng-tae na ako ngayon, ang layo pa man din ng isang men's room dito, sa second floor pa. Ayokong matae sa salawal ko.
Monday, February 12, 2007
Hinanakit ng Damdamin
Posted by Billycoy at 2/12/2007 09:42:00 PM
Labels: Tao Lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
hahaha, ako una!
hahaha, sometimes nangyayari sa akin yan, yung may tae sa salawal ko, kahit ngayon na college na ako! hahahay
solid pa rin kami fans mo dito sa davao, billycoy!
pa-link exchange po naman yung web ng clan namin, http://www.davangels.blogspot.com/ at pati na rin sa lahat ng bloggers. salamat!
mabuhay u!
sabi kona ngaba isa na nman itong mabahong entry! nyhaha! mga senyales palang alam ko nang sa kubeta ang tuloy neto... nyhahaha.. Buti nlang malapit ung bahay nung lolo ko sa iskul nood kaya madali ng makatakbo bago pa matae sa salawal hehehe
P*kshet! Kala ko kung ano na! Yun pala natatae ka lang pala???
Wag ka sa salawal tumae sa dyaryo k na lang dumumi hahaha! Kaderder ka talaga!
ngork, ngork, ngork... wakekek... i knew it! dapat sa basura blogs mo ito nilabelan! wahahahaha
hay nako
mister billyc0y dacuyc0y.
isa ka sa mga
pinakamatinong blogger
nanakilala ko.
tapos gwaping ka pa?
o kita mo na?
kapag aalis ka
hahanapin ko
si pokpokera agent
at sisiguraduhin kong
hindi ka niya
tatantanan.
:)
hehe. u should bring ur own potty everytime :)
bwahahhahaha! panalo..hehe.. wawang billycoy..
So.. tumagas ba?hehe :P
nakakadiri kumakain p nmn ako ngaun...
ang tawag ng kalikasan ay sadyang mahirap maiwasan..kaya pls lng CR!! makipagcooperate ka!! hahahaha
eto yung mga gusto kong posts eh! twisted. ~^_^~
parang nakaamoy tuloy ako ng mabaho...hmph!
ewankosayo! kala ko kung ano ine-emote mo, natatae ka lang pala!
haha! nu ba yan! napapa emote na ko eh!
Hay. Natae ako sa sinulat mo.
Tsk tsk. Naalala ko tuloy. Iba epekto sakin ng yosi. Sa halip na narerelax ako, 'yang pakiramdam mo ang nararamdaman ko. Normal kaya yun?
Anyway, nice entry. Unexpected. Parang tae lang.
ahhhhh poetry in shit. my favorite topic hahahaha
kadugyutan..... hahahaha....
hahah! akala ko naman serious..
nyways, tnx for droppin by..
Post a Comment