Wednesday, February 07, 2007

Greenhouse Effect

Kahapon suot ko ang aking apple green na polo. All else that day seems normal and redundant, pero nung uwian na, may kakaibang phenomena ang nangyari sa aking daigdig. Hindi ko lubos maunawaan, baka nga pati mga siyentipiko hindi rin maipaliwanag ang aking karanasan kahapon.

Sa paglabas ko ng office at habang papasakay ako ng jeep papuntang Glorietta dahil naisipan kong manood ng sine, aba naman, sandamukal ang nakasuot ng shades of green. At dahil naka-apple green nga rin ako hindi ko maisip kung anong klaseng pangyayari ito. Inakala ko na dahil green-minded ako naapektuhan na ang mata ko kaya lahat ng taong nakikita ko ay berde na rin. Ang kaso hindi, marami talaga ang nakasuot ng green kahapon, isa, dalawa, tatlo... dami kong nakita. Nagkaroon ba kami ng meeting na hindi ko maalala at nagsuot kami ng green, na-abduct kami ng alien at inutusan kaming magsuot ng berde, or nakatala lang sa horoscope na ang lucky color of the day is green?

Nang dumating na ako sa Glorye, aba, green, green, green at green pa rin!? Ano na ba ang nangyayari sa mundo? End of the world na ba? O ito na ang tinatawag na Greenhouse Effect?

Sa G4 ako nagpunta, guess what kung ano ang tumambad sa akin dun? Aba ang mayabang na bansot na feeling superstar na si John Pratts, si Lucky Manzano at Iya Villania para yata sa ASAP nila gawa nung Invitational Screening ng Dreamgirls sa G4. Syempre ang daming uzi na nanonood sa kanila. Kung may jungle bolo lang siguro ng mga oras na iyon ay pinagtataga ko na sina John Pratts at Lucky, tapos yung tipong itatarak ko pa sa leeg yung bolo sa mga leeg nila at ipipihit bago hugutin. Kaso hindi ko na ginawa kasi ayokong magmop at maglinis ng dugo nila saka baka maduguan ang apple green kong polo, hirap kayang labhan ang mantsa ng dugo. Kay Iya? Ask ko kung ako na lang sana kung may extra ticket siya at ako na lang i-date niya sa invitational screening... syempre nakatutok yung sandata ko - yung bolo - sa kanya para pumayag.

Nagtungo na lang ako sa Timezone since hindi ko magagawa ang plano kong masaker kina John Pratts at Lucky, at binuhos na lang ang sama ng loob ko sa pakikipaglaban sa kaibigan ng Soul Calibur, at hayun talo pa rin ako. Regal shockers!? Bigo na nga sa pagmasaker sa mga artista heto talo pa rin sa Soul Calibur. Maya-maya bumili na ako ng ticket, popcorn and iced tea from Taters, at pumasok na sa sinehan para manood ng Apocalypto.

Tumambad sa aking mukha ang sandamakmak na upcoming line-up ng upcoming hollywood movies, heto ang isang dahilan kung bakit gustung-gusto ko ring manood. Hindi naman ako Muvi Dick (Movie Addict), more on movie enthusiast lang. Nagsimula na ang Apocalypto pagkatapos ng mga pinakitang mga movie trailers, at heto na naman ang tumambad sa akin... ang green na gubat!? Pero kahit na gubat at pawang Mayan language ang gamit, perfect ito sa valentines day dahil ang pelikulang ito ay may puso.

15 comments:

Loverboy said...

ahaha, marahil ay sign yan na green nga ang utak mo. gawin mo kayang green yung macaroni dun sa header mo? ahihi.

maganda ba yung apocalypto? di ko pa kasi napapanood eh.

ek manalaysay said...

waaah... kelan kaya ako makakapanood ng sine... gusto ko pa naman ung the messenger!

Anonymous said...

haha. was wearing green din kahapon. kinagabihan nung kunin ko yung hihiramin na barong, kulay green din binigay.

sephthedreamer said...

ok un. sa school naman blue ang madalas color of the day. kung sa college of fine arts naman, alien ka kung hindi ka nakablack. hehe.

hmm, tagal ko nang di nakanood ng sine ah. ano kaya magandang panoorin?

sherma said...

black is always the color of the day for me... parang laging may namamatay sa classroom namin kasi halos lahat kami, naka- color black but hayaan na natin sila... kasi malapit na ang invasion ng color red...

xoxiRiSH_29xox said...

samin naman white. (malamang puro nursing, PT, medtech, at med students kmi sa skul)


haha....senyales lng talaga yan...berde kc utak mo. wag kang magalala environment friendly naman ika nga "maka bantay kalikasan" utak mo po hehehe

Anonymous said...

Baka nga po iyo'y manipestasyon lamang ng berdeng utak. :D

Maganda po yung Apocalypto? Siguro oo. Match kayo eh. Green.

PS: Hindi po ata tayo nagkakilala nung Blgo Parteeh. ^_^

Anonymous said...

haha... nakakatuwa ka nmn... link kita ah ;p

Anonymous said...

Parang saging may puso... hehe

Riker said...

i hate luis manzano!!!! HATE HATE HATE!!

anyhoo....

ang paborito kong laro sa timezone dati e night of the living dead.. hehehehehe..

at may apol grin kading polo?!!..ako din!!! hahahahahaha.. kadiri yung kulay pero nakakatuwa!!

dorkzter said...

peborit ko yang coolay green. ewan ko nga b kung bkit.

Anonymous said...

hahaha.. baka "ALAY LAKAD PARA SA KALIKASAN" ang tema kahapon.. hhehe.. :)

mr_diaz said...

ako rin gusto ko yung green. lalo na yung malasuka ang dating. alam mo yon? yung pagnagsuka ang aso na kumain ng damo?

L.A said...

I KNEW IT!

Ikaw nga ang nagkakalat ng ka-manyakayan dito sa mundo! Kala ko mabait ka yun pala hindi! Nagkakalat ka pa ng lagim kasama ang apple green mo na polo ha! naku!

magubat sa pinas wag ka namn mabigla pag nalaman mo yan sakin masmadami puno dito satin kaysa sa muvi!

Cee said...

hehehe, napadpad lang me d2! apocalypto rocks ... ok ok so is ur apple green polo shirt if u insist! :P