“The actors who can pull anything off have depth and a sense of the past. Johnny Depp has that. When other guys wear the same thing, they look like idiots.”
by Adam Kimmel in an interview from Details Magazine
by Adam Kimmel in an interview from Details Magazine
Magpunta kayo sa mga malls ngayon, mapa-class man o kahit sa mga establishments na sinasabi nilang mall sila, malamang marami kayong makikitang nilalang na halos iisa lang ang mga porma at estilo sa pananamit. Kung may dala nga lang siguro kayong lagareng mapurol ay baka nilagare niyo na ang mga katawan at leeg ng mga nilalang na ito. Tumingin ka sa isang banda, meron diyang naka-tight fitting na polo shirt na nakataas pa ang kwelyo nila, sasamahan pa nila ng 45 degree tilt ng baseball cap kung hindi man naka-faux hawk ang buhok, may bag na animo'y kalasag at kasing kapal ng mga mukha nila at sneakers na imits ng chuckte. Lingon ka naman sa kabila, meron dyan naka-oversized shirt at may patong pang oversized na jersey, with bling-blings, oversized baggy pants na aabot na sa sakong ang pagka-low waist at imits white nike superstar shoes. Lingon ka ulit sa kabila at makikita mo dun ang isang maliit at maputing babae na naka-swan dress. Tumingin ka naman sa TV at makikita mo naman si Sadako papalapit at gumagapang na palabas ng telebisyon.
In terms of style, ganito lang naman yan: a. The brand styles you b. The style brands you. or c. The brand and your style compromise. Karamihan sa ating pinoy ay yung A, mahilig tayo sa signature, kahit na isinusumpa na tayo ng mundo dahil sa kabaduyan ng kulay walang pakialam. "Eh ano!? LaCoste naman!" pero kapag tinitigan mo ang logo hindi naman buwaya kung hindi mukha ng pulis na mahilig mangurakot sa Edsa; japeyks! Magaling naman sa bargain hunter yung B, kahit pa UK yang damit nila, hindi nagmumukhang cheap kapag naisuot na. Nakikidnap ng madalas dahil napagkakamalang mga anak nila Zobel de Ayala at Henry Sy. Rare find naman ang C, usually mga alta ang mga yan.
Ako muna ang inyong fashion consultant ngayon para turuan kayo sa tamang pananamit at paghuhubad ng inyong mga kasuotan.
Dress for the weather. Ang ibang bansa meron silang 4 seasons; summer, spring, winter and fall. Kaya sa fashion, hinahati nila ang mga collections sa summer/spring at fall/winter. Pero sa 'Pinas iba, wet and dry lang, parang palengke lang. Pero hindi palengke fashion ang sinasabi ko, hinahati ang collections ng Summer at Holiday.
Gaya ngayon, papasok na tag-init kaya dapat ang mga damit ngayon ay for summer na. Magstand-out ngayong summer at huwag makihalo sa damit na inestilo ni Lito Atienza na mga bulaklaking floral prints na shirt at polo. Sa halip mag-swimsuit ka na, two-piece bikini for girls at trunks for guys, kahit sa mall lang ang punta tiyak pag-uusapan at pagtitinginan ka. Kung papasok sa trabaho naman, dagdagan mo lang ng necktie ang leeg, propesyonal na ang dating.
Don't be afraid of colors. Hindi ka naman yan kakainin. Marami dyan na puro black lang ang damit kung hindi man yung fave color nila. Ngayong panahon ng global warming, hindi suggestable ang black or dark na damit, nag-aabsorb kasi ito ng init. Prefer lighter tones and hues para magbounce ang light at heat. Dapat iba-iba rin kulay ng damit dahil kung hindi, baka mapagkamalang isa lang ang damit o hindi naliligo ng ilang dekada.
Be updated. Walang masama kung magpakaretro sa style basta learn to fuse it with the modern fashion. Ang fashion naman parang washing machine lang, paikot-ikot lang. Hindi ibig sabihin nito makikisabay sa uso, dapat alam lang ang 'in'. Ang mga sumasabay kasi sa uso napagkakamalang mga clones, marami pang tutol dun kaya hayun binabagsakan sila ng asteroid.
Be confident. Walang silbi ang magandang damit kung wala ring confidence. Ang pangit at nakakaduwal na baduy na damit ay nagmumukhang disenyo ng sikat na designer at kumikinang sa kagandahan ng dahil sa projection at self esteem. Kaya chin-up, chest out, align your back at huwag huminga... hayan perfect, pwede ng gawing posteng pagdidikitan ng mga campaign posters ng mga kandidato... Oops, nakadikit na pala yung 'Wanted Lady Bedspacer'.
Nothing will go wrong with style. Ang fashion, nawawala rin yan at napapalitan kagad, parang cellphone lang. Pero siguro mas mabuting nakahubo't hubad na lang sa gitna ng kalsada since ang katawan naman ng tao is a masterpiece... lalo na kung sina Madame Auring or Chokoleit ang gumawa nun.
15 comments:
true enough! kaya nga di ko alam sa mga call center orcs na yan kung bakit sila naka imits na prada trenchcoats e ang init-init naman dito sa 'pinas!
sana nga kung ganun lang... ung iba nga may scarf pa! and what's with 45 degrees nga namang cap? i dont get it billy crawford!?!
ako yata ay walng fashio sense sa katawan.., basta kung ano lang ang available na damit yun lang isinusuot ko... pero hindi pa naman ako umabot sa puntong magsuot ng apple green na damit na kita ng mgatao sa buong mall kapag ikaw ay naglakad! madali kasing mapansin... ooops... ikaw nga pala ay nag apple green na...! bwehehehe... (^_^) V
ang haba--ng post mo.
dahil sa hindi mo ako pinapasweldo hindi ako nakakabili ng damit.
tsk.
doon ako sa divisoria namimili.
:)
basta yung mga weird na damit ang binibili ko na may malalaking prints.
:)
rocker chick porma.
kaya madaming napapalingon at naiinlab sa akin e.
:)
tska basta komportable ako.
pwede na
:)
tim yap, ikaw ba yan?!
hindi ako yung klase ng taong sunod sa uso... bukod sa walang pera, hindi ko kayang mag-suot ng mga tela lang... marami naman kaming towel at kumot sa bahay kaya pwede na yun... tutal naman, ang mga damit ngayon, halos lahat, kapos sa tela...
korek! di na pwede ang black sa ngayon... pa'no na lang yung mga nagpapapayat?! nakakapayat ang black, eh... suot na lang sila ng mga printed dress na may vertical lines...
hmm... i agree. para ng runway ang mall sa mangiba-ngibang kabaliwan sa fashion. d din ako sumasabay sa uso, i create my own trend to follow.
oh well, dapat hubad na lang. oh kaya takip ng dahon, parang adam & eve ba! :)
shet billycoy... tinatalo moko sa fashion advice.. pang-masa kasi ang adbays mo e!!.. ahahahaha!!
enihoo.. kaw cguro parati kang naka-ghetto/kurimaw attire nuh?.. BLING BLING BLING! hahahaha
fashion critique ka ngayon ha?ako, kung ano magkasya sa budget ko, yung ang bibilin ko.
shit. pota ka. sumakit ang leeg ko sa kakalingon.
Wow ang galing mo talaga
Billycoy, Iba ka! Lahat na
yata ng trabaho pede na sayo
dati dermatologist ngayon
naman fashion guru! asteeeg!
Salamat sa pag visit sa bago kung blog pa chenge na ng link ha http://artworks.uk.to/
thank u!
korek nasa nag dadala lang yan... galing! yaw ko ke madam auring at choko enge nlang kape hehe
haha.. bigla tuloy ako napa-isip kung ano ang mga sinusuot ko these days.. actually ndi rin ako fashionista eh... jeans at blouses lang talo-talo na :)
nice entry... next time na magawi ako sa mall i'll try to observe haha.
Iba ka talaga! Fashion consultant ka pa ngayon, galing pare!
Ako naiinis kasi sandali lang summer dito kaya di ko mapakita ang pagka-fashionista ko, hehe as if! Kahit ano lang sa akin kaso di ko pwede gawin yung maghubad sa gitna ng kalsada lalo na at winter, hehe....
oh. i naked always inside my room. i rent this room before and wierd because the walls are holes. i found out that the daughter of the landlady was always looking at me in the holes everytime i naked.
hi. sannu. i am fabulously eb. no not eb. but e-b. ok?
as for me, thanks.mabuhay.
oh...im back. im fabulously eb. not eb. but e-b. ok?
i forget to tell you that the daughter of the landlady was a girl. and i was a girl. im scared.
sincerely,
fabulously eb
So true. People today are so easily swayed by passing fads. Yan ang isa sa mga sakit ng mga Pinoy. Dapat sunod sa uso, always having to have the need to possess the latest in everything. Whether it's sporting the latest fashiong trend, or being a proud owner of new technology.
What most people don't realize is that be doing all this, you lose a sense of individuality. Dahil masyadong concious ang lahat, nagiging parepareho na ang mga itsura ng tao. People today are obviously less confident that people who experienced the colorful '70s and '80s. No matter what most ignorant people blurt out, those were the days when people really expressed themselves though what they wore, as it was very important to show a kind of uniqueness.
Ngayon, masyadong cookie-cutter ang mga itsura ng mga tao. Parepareho ang kanilang bihis, parepareho ang mga tunog ng mga banda, and in the end, lahat kinopya sa America, which in reality isn't a really good source of good music today. People should realize the simple fact that it boils down to being true to yourself, who gives a toss what others think. As long as you're projecting the real you, it doesn't matter. Inggit lang sila. In the end, that simple old saying still holds truth: "Nasa nagdadala yan."
Aba.. fashion consultant ang drama mo ngayon ah.. ayos! Sobrang helpful, balak ko ngang mag two-piece maya sa production meeting namin eh...haha..
kidding aside.. ayos na ayos! :)
Post a Comment