Monday, February 26, 2007

Elites in the Wild

"Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Di matatapos itong gulo
At ang dating munting bukid, ngayo’y sementeryo
Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok
Tulad ng dukha, nailagay mo sa tuktok"
- Bamboo from the song Tatsulok

Nakakainggit talaga ang mga mayayamang nilalang. Nagagawa nila ang mga naisin nila sa ilang iglap lang. Ang mga elitista rin ay ang mga karaniwang makapangyarihan sa ating lipunan. Makikita niyo silang nagpapatakbo ng mga malalaking kumpanya at may mga katungkulan sa ating gobyerno. Sila rin ang mga taong nagpapaikot at nagpapatakbo ng ating ekonomiya at ng mundo. Aminin man natin o hindi, kailangan natin sila para mabuhay sa panahon na lahat ng ating ikinikilos ay pinapatakbo ng salapi.

Ang mga nasa upper echelon ng kabuhayan nagagawa nilang posible ang mga imposible. Nagagawa nilang buhayin ang mga patay at kaya rin nilang patayin ang buhay sa pamamagitan ng pagkumpas ng kanilang mga magic wand pinapagana ng Visa Gold o American Express (pwede ring briefcase ni Kris na may numbers) at sambitin lang ang "abracadabra sisbumba!" tiyak na mawawala na sa mundong ibabaw ang nais nilang puksain. Nagagawa din nilang makalabas sa mga kulungan sa pamamagitan ng pagdikit ng kanilang mga pera sa mga pader ng kulungan at rehas ng presinto.

Ilan lang sina Henry Sy, Manny Villar, Tony Boy Cojuangco, Gabby Lopez at ang mga Zobel de Ayala sa mga kilalang elitista ng ating bansa at maging sa Asya. Hindi naman lahat ng mga elitista ay kilala o mediawhore, some prefer to be under the shadows of the limelight. Baka nga sa dalas niyong pagbisita sa mga malls at kung saan man ay nakakasama niyo na sila without knowing. Hindi naman sila katulad ng mga kasumpa-sumpang mga feelingers at ng mga mala-balat buwaya na ang mga mukhana mga TH dyan na napaka-OA sa pananamit at estilo. Kadalasan nga ay simple ang mga pananamit nila at hindi mo aakalaing milyon na pala ang halaga ng kanilang butas-butas na puting t-shirt.

Bukod sa 1M worth na butas-butas na white t-shirt ay may iba pa namang paraan upang sila'y makilala.
  • Kung anumang nais nilang magkaroon ay bigla na lamang itong mahuhulog mula sa langit. Halimbawa kailangan nila ng cellphone, sasabihin lang nila ang brand at model, e.g. "Apple iPhone", itataas lang nila ang kanilang kamay at babagsak mula sa kawalan papunta sa kanilang kamay ang kailangan nila. Mag-ingat lang kapag nangailangan silang ng kotse dahil nalalaglag din iyon sa kawalan at babagsak na lang bigla sa harapan nila na may kasama ng driver.
  • Sa kanilang mga dinaraanan, kapag may nakahambalang sa kanilang harapan, mapa-pader man o building pa yan, ipapagiba nila yan instantly upang makadaan na sila ng maayos.
  • Hindi sila mahilig dumaan o sumakay sa lugar na maraming tao gaya ng escalator at elevator, kaya ang nagteteleport na lang sila para makarating sa kanilang nais paroonan.
  • Meron silang mga cellphone pero mas madalas silang gumamit ng telepathy.
  • Caviar ang palaman nila sa pandesal.
  • Isinasama nila ang kanilang alagang langgam with collar pa sa mga spas at country clubs.
  • Chopper ang madalas na sakyan lalo kapag matrapik kaya't madalas bumaba sila sa helicopter ladder dahil hindi naman lahat ng pinupuntahan nila may helipad.
  • Namimigay ng mga luxury cruise ship sa mga kaibigan.
  • Pumupunta sa England para uminom ng black tea pagsapit ng alas-tres ng hapon.
Ganyan kasarap ang buhay ng mayaman. Wala na sa kanilang mga imposible. Kaya kung gusto niyo ng ganyang buhay, pagsikapan niyo, hindi yan nagagawa kapag nakaupo lang o kahit pa nakatayo ka pa dyan. Kailangan diyan pagkilos at aksyon upang makamtan. Pero kung isa naman na kayo sa mga ganyang nilalang, sabihin niyo lang at nandito mga palad namin na uhaw mabahagian ng yaman niyo, dahil kung hindi kikidnapin namin mga anak at pamilya niyo.

10 comments:

Anonymous said...

Buti nlang di ako mayaman, baka makidnap mga anak ko... pag meron na heheh ngayon pwede pa akong yumaman ala pa akong anak e!

ek manalaysay said...

uy fave ko ung tatsulok ng bamboo!

ako mayaman ako... pero nagtatrabahao pa din... front lang kung baga... kasi ayokong mapagkamalang mayaman dahil sa oras na malaman nila iyon ay baka buhay ko na ang kapalit! bwahahaha....

hawak ko pa naman ang colombia, peru, brazil at mabalacat! baka maapektuhan nyan ang mga negosyo ko... balak ko pa namang mag-extend pa ng boundaries sa zaire, nicaragua at sa sexmoan! bwahaaha...

Riker said...

si tessa prieto-valdes ata yung sinasabi mong grabe manamit!!.. hahaha.. :D

Anonymous said...

ayaw ko ng bagong kanta ng bamboo.
n_n
wala lang.

Anonymous said...

Yun yun e!

Despite the kalokohans, may itinatagong message ang mga posts ni Billycoy.

Hehehe!

Update mo naman link ko. Salamas!

Mary De Leon said...

Totoo yun, pero kahit mukhang nasa kanila na ang lahat, meron pa ring mga bagay ang wala sila, sigurado yun. Kasi di lahat nabibili ng pera..

wah.. seryoso?hehe

Billycoy said...

tikey > sabihin m kapag nanganak ka na, kikidnapin ko sila

yatot > ay yun ba pagmamay-ari mo? ako kasi may-ari ng earth, kanina nga lang nabili ko na ang jupiter

jhed > actually may award nga ang makakakuha ng mga nakatagong mensahe ko... kung meron man.

marya > seryoso? lagi naman seryoso mga post ko dito... emo nga ang blog ko.

jhenny said...

ello! bloghop lang po :)

ako din ndi ako mayaman... pero tama ka ndi nga nakukuha sa pag-upo at pgtayo yun...
hmmm just wondering about those politicians hehe.. hay ewan.. bsta ako ndi mayaman ha, kaya wag mo ako kikidnapin baka ikamatay ng mga kamag-anak ko hehe...

btw, nice blog! :)

sherma said...

matapos kong basahin ang post mong ito, naisip ko, talagang may mga powers sila! powerful talaga... imagine, nakakapag-telepathy! =)

pero kahit na minsan kontrolado na nila ang mga bagay-bagay, KSP pa rin sila... parang si Paris Hilton... ano pa ba ang gusto nya?! friends na nga sila ni britney, eh! hehehe...

Mary De Leon said...

wehe.. ah talaga.. ibang klase ka pala magseryoso.. kaya naman krasness kita eh..

hehe..