"I know nothing"
-Socrates
-Socrates
Ikaklaro ko lang sa post na ito ang mga katanungang bumubulabog sa mga unti-unting napo-pollute na utak ng mga mambabasa. Mga bagay na kinakabagabag, kinakabag at gumugulo sa buhay ng marami. Hindi ko naman lilinisin ang pangalan ko kasi kung sakaling nilinis ko yun ay mawawalan na ako ng pangalan at hindi ko alam kung paano ko inenenok ang birth certificate ko sa NSO para lang pagpagin at alisin ang mga alikabok nito.
Una sa lahat...
Hindi ako si Bob Ong. Hindi ko ginagaya o hinahalintulad ang aking mga panulat sa mga gawa niya. Pero ako ay nagpapasalamat at ako'y nafaflat with matching pulang pisngi na parang ini-spike ni Leila Barros sa paghambing niyo sa akin sa isang magaling na awtor. Pinupuri at hinahangaan ko siya sa kanyang pagiging malikhain at mahusay na manunulat pero wala pa akong nababasa - kahit isa man lang - sa kanyang mga obra. At hindi rin naman siguro mahalay si Bob Ong para maging magkatulad kami, kung meron man kayong paghahambingan sa akin pwedeng kay Gary Lising pa dahil labis din ang kalibugan ng matandang ito. Hindi rin naman ako papayag dun kung itutulad niyo ako kay Gary kasi hindi naman ako mukhang manyak at napakatanda na niya. Ang nais ko lang sabihin dito; Bob Ong is Bob Ong and Anna Dizon is Anna Dizon... sino ba si Anna Dizon?
Hindi po ako LaSallian. Hindi po ako nakapag-aral sa prestihiyosong paaralan na yan. Kung meron mang kolehiyo akong nais pasukin noon ay yun ang Ateneo, UP o di kaya UST. Sa kasawiang palad hindi ako nakapag-aral sa mga unibersidad na yan. Ako po ay nag-aral sa isang unibersidad sa may Taft kung saan naging mentor ko po si Ginoong Tiburciano Jaime Paciano Zumagalema Legattio Ridata Maitok Reposito Wendellio Q. Te*, o kilala bilang Mang Tibur. Sa kanya ko natutunan lahat ng aking kaalaman sa buhay at higit sa lahat ang tungkol sa samang dulot ng "Itlog ng Dragon".
Hindi ako manyak. Wala sa hitsura ko ang pagiging manyak. Papayag pa ako kung tawagin akong bastus, babuy o mahalay ngunit hanggang sa pananalita at panulat ko lamang yun. I'm a true ladies' man. Saka kaya nga ako ang nagpapa-rape kasi nga hindi ako ang manyak, yung mangre-rape sa akin ang manyak. Payag din akong magpaharass sa mga manyak dyan... basta totoong babae at sumusunod sa mga requirements ko.
Hindi po ako timawa. Ang mga timawa ay mga tribu o katayuan ng buhay noong pre-hispanic period at may kahulugan ding "free men". Ang salitang timawa din po ay nangangahulugang dukha o hampaslupa sa salitang cebuano.
Hindi po ako tungaw. Ang tungaw po ay isang klase ng malaking langaw na karaniwang matatagpuan sa mga kalabaw at sa ibabaw ng jerbaks nila. Maaaring ang salitang hinahanap niyo ay hindi timawa, hindi rin tungaw, kung hindi timang. Isa po akong timang and proud of it.
At higit sa lahat...
Hindi po ako tao. Hindi rin po ako alien o halimaw. Isa po akong nilalang... hindi tao, hindi hayop, hindi buto't balat lumilipad at hindi rin ito bugtong. Ako ay nilalang na may sampung mata, labintatlong tainga, limang bibig, walong ilong na may limang nostrils each at pitong ulo - kung anumang ulo yan, hahayaan ko na lamang kayong mag-isip sa tinutukoy kong ulo. Mabait naman akong nilalang at hindi ako nangangain ng tao, nanglalapa lang.
Siguro naman nabigyang linaw ko na ang ilang katanungan at lahat ng gumugulo sa mga bulbul at ulo niyo. Ngayon kung malabo at wala kayong maintindihan, kumunsulta na kayo sa pinakamalapit na optometrist at ophthalmologist at magpa-check up ng mata baka may higanteng muta lang na nakabara dyan.
*Author's cut: Kilala siya bilang Mr. T Te, ngunit sadyang mahalay ang pangalan kung kaya't pinakilala na lamang ng manunulat bilang Mang Tibur.
17 comments:
everything makes sense now! bwahahhaa... meron bang tissue este issue?
mr. t. te... bwahahaha... mang tibur na nga lang...
siguro kung hindi ka sa PWU nag-aral sa PCU ka ryt? kasi wala namang fine arts sa PNU e... at ung Adamson at TUP ay wala sa Taft Ave.! sa PCU ka nga malamang nag-aral!
naku.
madalas din akong napapagkamalan na si bob ong--female version nga lang.
sobrang nahihiya nga ako kay bob ong kapag kinukumpara ako sa kanya. ganun lang siguro tayo--nagpapakatotoo.
ang galing kasi natin eh.
:)
haha.
Hindi ko kilala si Mr Tibur.. kala ko e si tiburcio.. anyway highways, hindi mo nasabi kung ilan ang iyong mga kamay at alin dito ang nag tatype pag gumagawa ka ng entry? meron kabang kanang kamay na syang taga alaga at tagatulong sayu?
salamt sa pagbati!!!
hanggang ngaun ay nahihiwagaan pa rin ako sa pagkatao mo.
kahit sa frendster, napakamisteryoso mo. baka nama'y ikaw si mike defensor na endorser ng deodorant. o kaya ang kaluluwang sumanib kay prospero pichay kaya ang taas ng energy niya.
ah yun pala yung tungaw.. hehe
wahaha.. astig
Mas prefer ko yata ang Mr. TTe kaysa Mang Tibur. Maganda ang recall e. LOL.
Andami mong ulo. Kawawa naman ang magre-rape sa iyo, malilito kung aling ulo ang uunahin. Haha!
yun naman pala e, di siya manyak! ayos yan. >;)
sabi nga rin ng ate ko para kang si bob ong magsulat. pero ikaw man siya o hindi, wala ako paki. basta magaling ka magsulat. nakakaaliw. :)
that entry is virtually stimulating. hmm..thanks for the enlightenment.:) cool site by the way.:)
basta billycoy is billycoy! :D
ayaw gumana ng commenting system ng utak ko..hehe..
WATDA.. shet a..
at least alam na ng madla na hindi ka tao.. hahahahaa
oist.. naglipat na ako ng blog.. hope you can vct and update ur links.. salamat..
nyay db ung tungaw un ung maliit n insekto? hehe. di ko alam eh [bobo ko talaga]
hindi ko na pinagdudahan ang hindi mo pagiging tao.. si combatron (tama ba?) ka kasi, eh... ako nga pala si pink five! hehehe...
don't worry, sa akin naman, nakagawa ka ng sarili mong identity... yung ubervirgin na blogger pero hindi naman umano nagmamadaling magkajuwawhooper! =)
mamatay matay ako sa kakatawa (pero kulang pa...ako'y buhay parin!)
kung nagbblog lang kapatid kong lalaki, malamang magkakasundo ang istilo at kahalayan ninyo sa pagsulat. which i totally loved. asteeg tumambay dito... keep it coming at baka mapatay mo na ko. nyahahaha!
kahit kelan di ko inisip na manyak ka, er, ma-L lang siguro, pero ayos lang, lalaki ka naman eh, tsaka totoo ka!
pero minsan, may mas nakakatuwa kang mga sinulat kesa kay bob ong..
billycoy is billycoy! (parang 'tide is tide!' lang!)
Shhhhhhhhhhhhheeeeeeeeeeet! Nag comment ako eh hindi naman na save!
Tae! Yun nga hehe xenxa natawa kitang manyak dati hindi pla ikaw ang manyak yung mangrarape pla sau..nyahahah!
wow hindi ka pla tao, nilalang lang grabe asssteeeg! harhar
pero iba ka billycoy "your the man" hahah!
Post a Comment