Mahilig ako sa mga pets and animals. Noong bata nga ako gustung-gusto ko mag-alaga ng elepante o kaya giraffe sa loob ng aming pamamahay. Kaso ang sabi ng mom ko, hindi raw pwede kasi hindi pa tapos ang pinapagawa naming safari. Hindi naman kasi sila pwedeng ilagay sa aming garden sa 2nd floor dahil tanging mga basang damit at mga sampay lang ang pwedeng magliwaliw at gumala dun. Hindi natapos at nagawa yung safari kasi inangkin ng mga Ayala ang lupain namin, kaya hindi natuloy ang mga pangarap kong pets.
Nasagasaan at kumalat ang lamanloob, bituka at mga kalaman-lamanan ng alaga naming pusa noong 6 years old pa lamang ako. 15 years old na ulit ako nagkaroon ng alaga, at yun ay dagang kosta. Pinangalanan namin siyang Curacho dahil kapanahunan yun ng kasikatan ni Osang at ang pelikula niyang "Curacha, Ang Babaeng Walang Pahinga". Inihian niya pa nga ako ng kanyang pagkapanghi-panghing weewee, pero ganun pala talaga silang mga daga kapag nangingilala ng amo iniihian - Sana ganun din sa tao, para masaya. Pinapaliguan namin siya, pinupulbusan at nililinisan ang kanyang munting tahanan. Susyal mga alaga namin, talagang pinapaliguan, kahit pa daga, tipaklong o langaw pa yan, papaliguan namin yan.
Lumipas ang ilang buwan, niregaluhan ako ulit ng dagang kosta, pero iba na ang hitsura, batik-batik, si Gizmo at sinamahan pa ng juwawhoopers, si Curacha. Sinubukan nga naming ilapit yung babe na daga kay Curacho, kaso nagmenopause na yata itong si Curacho noon kaya hindi na niya pinatulan. Tumagal si Curacho ng mahigit isang taon. Namatay nga siya sa aking kamay at talaga namang langhap na langhap ko ang panghi ng bawat patak ng kanyang ihi. Pesteng daga, mamamaalam na nga lang sa mundong ibabaw nagweewee pa sa aking palad. Labs din pala ako ni Curacho dahil sa pag-ihi niya sa aking palad, ganun niya ako kamahal.
Napakalibog pala talaga ng mga rodents, paano ba naman, parang lagi akong nanonood ng porn sa kulungan nila Gizmo at Curacha. At talaga namang nakaka-arouse silang panoorin habang nagpopopoy sila. Kaya hayun, ilang linggo lang buntis na si curacha at isang buwan mahigit lang nanganak na, at ang dami pa nila. Minsan nga, napagkamalan nilang nanay si Gizmo. Nagulat ako nun, parang naninigas yata siya, kala ko dying na. Nung pagtingin ko nandun yung mga babies sa ilalim niya at kaya pala siya naninigas dahil nakatikim siya ng orgasm mula sa baby niya na napagkamalang udder ang kanyang patotoy. Kaya kinalabit ko siya at bigla ba namang bumagsak hanggang lumabas ang kaong niya at naging normal na ulit.
Yung mga anak naman nila, binebenta namin sa malapit na petshop na nagbebenta ng mga daga dun sa mga nag-aalaga ng mga ahas para ipakain sila. Ang saya talaga ng ecosystem natin. Nakailang benta rin kami dun sa petshop, pero sa bawat pagbenta namin, dama ko ang emosyon ni Curacha at sinasabi niya "ik-ik-ikik-ik" (translation: "Mga anak ko huwag niyo kong iwan! Mahal na mahal ko kayo! Patawarin niyo ako at wala akong magawa sa hinayupak kong amo, ipaghihiganti ko kayo balang araw! Isinusumpa ko, isunusumpa ko, isinusumpa ko...").
Natigil din kaming mag-alaga ng mga daga. Kasi hindi na sila cute kapag masyado ng marami. Crowded na ang bahay. Kaya lumipas ulit ang ilang taon na wala kaming alaga. Hanggang sa makita namin ang bago naming alaga sa aming hardin sa second floor. Isang green siberian tiger, pinangalanan namin siyang Nokia. Kinupkop namin siya, pinaliguan at pinalaki. Sosyal nga lang ang pusang ito, mana sa kanyang amo. Pinapaliguan din siya at talagang Whiskas lang ang pagkain nya. Minsan gusto niya ng Blue Marlin o kaya Maya-maya. Madiriin sa mga ipis at daga kaya hayun walang silbi, kundi matulog lang sa paanan ko at magmeow kapag kakain. Mahigit dalawang taon na siyang palamunin dito sa bahay.
Meron pa kaming isang alaga, nag-celebrate na nga siya nang kanyang ika-unang kaarawan kahapon. Hulaan niyo na lang kung anong klaseng nilalang siya. Heto ang kulungan niya. Pagmasdan niyo mabuti ang mga rehas at dun niyo malalaman kung anong klaseng nilalang siya.
Ano ang aming alaga?Kung curious talaga kayo, heto ang kasagutan sa tanong.
a. Halimaw na langgam
b. Orange na crocodile
c. Hippopotamus na may tatlong ulo
d. Isang cutesy lovable adorable mushy death-defying magenta rabbit
Asa naman kayong may prize akong ibibigay sa nakakuha ng tamang sagot. O sige na nga may prize na, basta lumabas kayo at hanapin ang malapit na barbekyuhan o kaya sa mga nagbebenta ng fishball. Sabihin niyo lang ang pangalan kong Billycoy Dacuycuy at ipilit niyo sa kanya, at tiyak makakatikim kayo ng prize na sapak o di kaya tadyak.
13 comments:
ang kyut nung bijo nuh?.. EQUILIBRIUM!! tama nga naman!1.. hhahahahahahahahaha..
wow naman.. ngayon alam ko na naging instrumento ka para labasan ang daga!! hahahahahahahahaha!!.. HOOOOORAY!!!
ang cute naman ng sandat mo ang liit... ayy, alaga mo pala! bwehehe... ang hirap nga lang ispelengin...
teka... ako ba yung patama sa "asa naman kayong may prize akong ibibigay sa nakakuha ng tamang sagot"? hahahha
anyway... akin na lang yang alaga mo para naman may kalaro yung alaga kong si atasha! lalaki ba yan? baka pwede silang pumoypoy ni atasha! bwahahahaha...
wehehe... sa sobrang aliw di ako makapag comment ng maayos.. ;)
ganyan talaga sila... mga porn stars! tsaka cannibals sila! kinakain nila ang sarili nilang babies... huhuhu...
musta naman kami?
veterinarian ang papa ko kaya mukhang africa ang bahay namin.
Awesome! Meron din akong mini pinscher, y'know. Nabili ko sya somewhere in Cartimar sa Pasay. Really. Hehe. In fact, I blogged about him during the time when people tried to call him names like chihuahua and other degrading stuff. Stupid people. So yeah, I love my dawg. :-)
whoa.. ang cute... ahahha. .:) gusto ko din nian!
Ang laki nga yata for a Pinscher. I used to have a Daschund, pero naaliw yata sa Christmas lights namin at yun ang nilapang.
Ayun, dead in less than a week.
I miss my Sophie. I miss my Slowpoke. :(
tatawa na lang lit ako, hahahah
Naku, bala lamunin ni Nokia si Olympus! Gusto ko din ng giraffe sa bahay hehe.
kung rabbit yun?? mahilig ka sa mga malibog na alaga hahaha
cute! hehe, wish i had one like it ;)
hindi ako maxadong mahilig mag-alaga ng hayop pero kung ano-ano na rin naalagaan namin dito sa bahay - pato, kuwago, manok, baboy, rabbit, aso, myna, agila (1 hour lang yata, tapos pinamigay na namin. tsk), pusa at kung ano-ano pa. sa ngayon, isang cute na chowchow na lang ang aming inaalagaan. yehey.
ang kulet talaga ng mga posts mo. nakakaaliw. keep it up. :)
Post a Comment