Showing posts with label Repapeeps. Show all posts
Showing posts with label Repapeeps. Show all posts

Friday, January 04, 2008

Top 5ive

Matagal na akong naimibitahan ni Badoodles sa Project Lafftrip Laffapalooza. At dahil January na at malapit na naman ang Lovapalooza sa February kaya naisipan kong maki-join sa kaguluhang ito. Matagal din kasi akong nangilatis ng iba't ibang blogs para iboto para dito. Saka may prizes kayang selepono, digital camera at 15,000 pesos, kaya kailangang sumali dito.

Kaya ko ring magpa-contest ng ganito, kaso sakim ako at di namamahagi ng aking kayamanan; shellfish ika nga. Mas gusto ko ang nakakatanggap kaysa ako ang gumastos—sino bang hindi? Kung meron man akong kayang ipamigay ay Pangkabuhayan Showcase lang. Kaya kong gumawa ng bata na pwedeng gawing negosyo pagdating ng Pasko.

Heto na ang aking Top Five Humor Blogs

hindi yung boyband na 5ive ang tinutukoy ko.

Number 1. BatJay. Isa sa tinitingalaan kong humor blogger/writer. Kaya nga yata madalas akong magka-stiff neck kapag binabasa ko blog niya. Nakapag-publish na nga rin siya ng kanyang libro, Kwentong Tambay. Isa sa mga bibliya ng mga gago kasunod kay Bob Ong. Bagamat gago rin ako, hindi ko pa nababasa ang libro niya.

Number 2. Mr. D. Kung nangangamoy lang ang mga blogs ay malamang na iduwal mo na ang longganisang mabantot at itlog na nabubulok na kinain mo kaninang umaga. Kulay pa lang ng blog ay tae na. Kaya rin yata ni Mr. D na hulaan ang inyong kapalaran sa pagtingin lang ng mga tae niyo. Favorite ko talaga yang si Mr. D, nakakatae sa salawal ang mga panulat niya.

Number 3. Xienah. Move over KC Concepcion at Inday. Siya ang "IT" girl ng blogosphere ngayon. Nagkakandarapa nga ang maraming lalaki sa kanya kaya hayun nagkakakandapasa at sugatan ang mga humahabol sa kanya. Pero alam naman nating isa lang ang laman ng puso niya at yun ay si... a... ay si Mr. E. Pero kahit may Mr. E na siya, hindi naman ibig sabihin nun na di na natin siya pwedeng mahalin. Hindi pa naman sila kasal.

Number 4. Billycoy. Although aminadong emotista ako kaysa humorista, isasama ko na rin ang sarili ko sa listahan. Aba sayang din ang tropeo, pwede ko ring ipamukpok yun sa bakanteng ulo ng mga politiko. Actually, ready na nga ang speech ko kapag nanalo ako. Pero di pa rin ako assuming, kaya nga pang-number 4 lang ako. Trip ko lang gumawa ng speech, bakit ba?

Number 5. Green Pinoy. Hindi ako madalas sa site niya, pero nakakatawa lahat ng post niya. At dahil nakakatawa ang blog niya nilagay ko sa huli, dahil kapag maraming naka-discover sa kanya, lalo pang aapaw ang nomination niya. Kawawa naman ako.


Ang totoo niyan, nambobola lang ako sa mga binoto ko—pwera yung sa akin. Gumawa lang ako ng nominations para makasali nga dun sa pa-raffle ni Badoodles. Kaya sa mga nominees na naniwala sa akin, sorry, inuuto ko lang kayo.

Monday, August 27, 2007

Hero's New Task

Na-miss ko na ang aking best friend na nagtatrabaho ngayon sa JLA na si Em-em aka Metroman. Kaya naman nagalak ako nung nitong kamakailan ay nakatanggap akong muli ng e-mail mula sa kanya. As usual, reklamo na naman ang sulat niya sa akin.

My best friend Billycoy,

Hi there again! Sorry di kita na-email for a long time now. Kamusta there? I'm having migraines here kasi. Since walang task and the other JLA members are making hakot my jobs nalipat tuloy ako sa different department. They are so kainis na talaga, I can rip them off to atoms talaga. Grabe! Transfer me ba naman sa HR department coz' JLA is recruiting for new superheroes. Like hello?! Kahit ako lang and without the JLA team I can save the world kaya.

So there nga, napunta na ako sa aking new designation. Syempre being in HR, I need to make turo the superheroes wannabes and newbies. We went to a room to orient these wannabes na nga. My gawd!? They are so maingay, I can feel my eardrums shatter into molecules na nga. These newbies have super ingay and daldal powers siguro. Like they are in palengke, duh!? They were shouting "Hey! Are you a housemaid as well?" Duh!? I can't believe we are making maids to superheroes now. Suggest ko nga sa management na we make na lang a reality TV show JLA's Next SuperChimi-u-u.

And the stench was so hell. Their pabangos ba naman ay Axe and imitations of famous brands. You know naman may super smelling powers di ba? I can distinguish kaya the fakes from the origs. Kaya there, their stench make sapaw my original High Energy by Dior. Even with my uber powers, di ko kaya ang amoy, I almost suffocate na nga eh. Buti na lang tinapos ko kagad ang orientation or else baka nag-disappear ang lungs ko.

Tapos, kanina ba naman, may fat lady na make lapit to me. She was asking for help kasi nakaka-receive daw siya ng death threats and hate mails. Pero she made puri my pabango and she's wearing Jo Malone for her perfume daw. I told her na lang "And so if you're wearing Jo Malone?! You look like Sly Stallone naman!" Then, she make gulong away from my office. The beeyotch!

Kakainis talaga di ba? Hay naku, let's forget it na nga lang. Bad trip lang ako lalo.

Anyway, ikamusta mo na lang ako kay Mang Tibur. I heard approve na ang visa niya dito sa US. Sana we'll meet here.

Til' next e-mail na lang ulit best friend.

Ciao.


Your best friend,
MM

Grabe naman. Kawawa naman best friend ko, inaapi talaga ng JLA. Pero sure naman akong kakayanin niya ang lahat ng kinakaharap niya ngayon. Wish him luck.

Other Em-em stories:
One Strange Family
When Heroes Battle
Hero of the Metro

Monday, May 21, 2007

Booze Overload II: Knocked Out

Marami talagang nagaganap sa lahat ng inuman. Heto yung mga pangyayaring talagang tatatak sa mga isipan at kapag naalala ang mga kaganapang iyon, tatawanan talaga. Pero walang silbi ito kung kayo ang lasing at kayo ang pinagtatawanan. Kaya nga sa lahat ng inuman, mas mabuting moderate pa rin para naman maging witness sa kabalbalan ng mga kainuman.

It's not flying... It's falling with style.
Birthday ng pinsan ko noon sa Parañaque. Talaga namang high tide ang mga panahon na iyon ng alak, at siyempre since lahat ng mga tao dun ay hayok sa alak, nagpakalunod din ako. Noong nasa Booze Level 2 na ako, akyat-baba na ako para pumunta parati sa CR — nasa rooftop ang inuman, nasa 3rd floor naman ang CR. Yung hagdan pa man din pababa tiles tapos wala pang railings noon. So nung bumaba, as expected, nadulas na nga ako at nalaglag ako patagilid. Naging anghel ako na naputulan ng pakpak at inilaglag ng langit sa lupa. Mabuti na lamang nandun ang pinsan ko sa 3rd floor kaya nasalo niya ako. Kung nagkataon, magagaya ako sa mga aktor ng telenobelang hindi maalala ang nakaraan. Pagkatapos nun ayos lang ang damit, ang tayo at bumalik sa taas para makipag-inuman ulit. Parang walang nangyari. Mabuti yung pinsan ko lang ang nakakita, yun nga lang pagbalik ko naman sa taas ako na pala ang topic nila.

The rebel unraveled
Doon pa rin sa bahay ng pinsan ko sa Parañaque. Wala namang liparang naganap kahit wala pa ring railings ang stairs. Bumaha na naman ng alcohol at umulan ng pulutan. Since ako walang pakialam noon sa dami ng iniinom ko, talaga namang nagpakalango ako ng husto. Kapag di ko nadadatnan ang tagay ko talaga namang dinodoble ko pa. Ang sarap ng red horse sa akin ng mga oras na iyon, ang lakas talaga ng tama ng ihi ng pulang kabayo. Hanggang sa umabot na ako sa Booze Level 4, blockout na ako, wala na talaga akong maalala ng mga oras na iyon. Pero ang narerecall ko lang, I'm speaking english that time. Naging aktibista ako sa mga saglit na iyon, kulang na lang placard, pumunta ako sa harap ng Malacañang para magwelga mag-isa doon at mga firetrucks na magbubuga ng tubig sa aking yummy na katawan. Tapos, maya-maya umiiyak na rin ako at kung anu-ano na mga pinagsasabi ko. Grabe talaga, ayaw ko na talagang maalala yun, buti na nga lang wala akong maalala dun.

Puke Pocket... it's not the sex toy!
Noong college days ko, sandamakmak na inuman. Bakal ang mga sikmura sa tindi ng tama ng alak. Patayan nga palagi ang inuman, at walang pakialam kung makatulog pa sa gitna ng kalsada dahil sa grabeng kalasingan. Isang karanasan ng college friend ko, grabeng inuman, talagang bangenge na ang lahat. Siya naman, nasusuka na, walang plastik o anuman sa paligid na pwedeng pagsukahan. Naka-uniform pa naman sila noon kaya sa bulsa ng polo niya siya sumuka. Pagkatapos niyang sumuka dun, na-realize niya sigurong polo pala iyon, kaya hinampas ng kanyang naglalakihang kamay ang pocket ng polo niya kaya naman mas lalong kumalat ang suka sa kanyang damit. Yummy!

Where's the chicken?!
Birthday ng isa pa naming college friend. Dumating yung kabarkada — yung sumuka — galing Canada para sorpresahin kaming lahat sa birthday na yun. At siyempre marami pa ring alak pati pagkaing handa. Since hindi na kami college ng panahon na ito, hindi na ganun kalakas ang pag-inom. Moderate lang ang kalasingan, kung sa aking Booze Level hanggang 3 lang. Marami rin handa ang celebrant nun, kung anu-ano pa. Masaya din namang natapos ang lahat. Pero nung pauwi na pala etong friend namin from Canada sa kanilang tahanan sa Laguna, nu'ng magbabayad na siya ng pamasahe sa jeep, may nakapa siya sa kanyang bulsa. Pera? Hindi. Susi? Hindi rin. Jebs ng kalabaw? Eww. Eh ano? Drumstick ng Fried Chicken! Para hindi masyadong mapahiya, kinain niya na lang yung katakam-takam na fried chicken, at palagay ko nainggit pa an ang mga pasahero ng jeep sa kanya. Pagkatapos, nu'ng magyoyosi naman siya, meron na namang nakita sa loob ng cigarette box. May lumpiang shanghai! Since ok pa naman at mukhang sumptuous pa, kinain niya na lang ulit.

Masaya talaga ang mga inuman, pero mas masaya kung naaalala niyo ang lahat ng mga nangyayari. Kung magpapakabangenge naman kayo sa tawag ng alak, bahala na kayo. Ano man ang mangyari sa inyo kapag nablockout kayo, nandito naman kami para tumawa sa inyo.

Basta tandaan: Uminom lang palagi ng may tama!

---------------------------------

Ginawan pala ako ni Mica ng isang featurette sa kanyang blog. Labis akong natuwa dahil ilang beses niya ring nabanggit na ako'y Uber Gwapo at ang aking pasaway na alagad. Siya na ang nagpatunay nito. Kaya't ako'y lubos nagpapasalamat sa ginawa niyang ito. At para kahit papaano makabawi man lang kahit konti basahin niyo:

Friday, March 09, 2007

When Heroes Battle

Naaalala niyo pa ba ang aking best friend kong si Em-em, the MetroMan? Nag-email kasi ulit siya, like sa mga emails niya sa akin problema na naman. This time hindi naman na sa work niya ang problem, personal life niya naman. Na-interview kasi siya sa isang radio show sa US. Quite controversial yung sagot niya kaya hayun, naeskandalo. Let me share it with you.

My best friend Billycoy,

Hi! Kamusta ulit? I'm totally pissed off again. Pasensya na if all my e-mails are puro problems na lang palagi, I don't have enough friends here kasi. My colleagues in JLA are assholes and mga friends ko naman sa society here are sooo tupperwares, the hell with them talaga!

I'm dissed with this Enerva girl, she made me enter to a scandal kasi. The biatch! Paano ba naman kasi, I had an interview with this radio show. They have this segment kasi na 'Forbidden Questions' like you know, they were asking me with controversial questions. I made sagot naman with all transparency and honesty. I'm just being blatantly honest para maging good rolemodel sa mga youths here, there and everywhere. Unlike those colleagues in JLA, they are so Orocanic.

The question that puts me into scandal is the question "Have you ever had a one-night stand? With whom?" I answered "Yes, with Enerva." Na-put ko in electrifying shock yata ang mga people here with my answer. There is a controversy kasi regarding with Enerva. She's a real oozing venusian beauty kasi, maganda voice niya but the problem with her, she's sooo muscular. She has a beautiful face with a body bigger than Arnold Schwarzenegger!

Nothing really happened to us, actually I am making a favor nga for her para mas makilala siya. One time in a bar kasi, I was totally drunk, but my alaala is still strong. I met her, we make pakilala to each other. Then there, I fell in love with her face, so we make out. Until we banged into her room. She stripped my clothes off and I can't resist kasi she is sooo strong, mas malakas pa yata than with that jackass Superman! We were so aroused but when I stripped off her clothes, I was really really shocked. My jaw dropped and made a hole on the floor, I feel my head nearing to make sabog like the Atomic Bomb in Hiroshima!

Enerva has a wang! Her wang dropped and dangled at talagang it made sayad na sa sahig! Big eww!!! She tried to make lapit to me, but I resisted so I kick her and then blast off from her room. Big eww talaga the moment I saw it, I wanna make suka all my lamanloob over her. This Enerva is a shemale pala, eww talaga, and I kissed her pa with my tongue roaming her mouth. Yuck!!! I'm disgusted that night with her and with myself! Big eww everytime I remember that!

Days after dun sa interview, Enerva and I crossed in front of Tiffany's here in New York. She suddenly made sampal me on the face, with her lakas ba naman so I threw off the air. Buti na lang I knew how to brake in air or else I will make largescale damage here in New York if I made tama with the buildings. I did not make patolling her kasi for me being a gentleman I don't want to hit her. She flew to me and she want me to apologize ba naman! The biatch! I did not make hingi ng tawad to her nga, so I just flew off na lang. Siya dapat ask for apology kasi she or he violated me. If I knew she or HE was a shemale, I would have not tried to kiss her. My only fault was being too gwapo to attract everyone!

Ahh! I don't want to make isip na nga that, I'm having goosebumps and make me wanna puke everytime I think of that. Sana lang may supervillain na dumating so I can make buhos all my anger to him na lang.

Till here na lang, I think I'm gonna puke na kasi.

Ciao.


Your best friend,
MM

P.S.
My mom arrive pala last week and she wanna say hi to you. I'm teaching her to write e-mail na nga para siya na mag-email and make kamusta to you.


Kay lufet talaga ng tadhana para kay Em-em. Lagi na lang siyang minamalas, dati sa work, ngayon sa personal life naman. Kakaawa talaga. Ano ba ang maitutulong ko sa kanya this time? Kahit ako kinikilabutan sa kwento niya!

Thursday, February 01, 2007

Not Another Blog Party

Hindi ko pa rin mawala sa aking isipan ang aking kabiguan sa pagkamit ng iPod Video o kahit na JBL speaker system noong Blog Parteeh. At malamang hindi lang ako ang nagko-contemplate ng tungkol dito, kasama na diyan sina Aaron, L.A., Bulitas, Heneroso, Benj, Ade, Pierre at ang the rest ng bloggers sa blogging community sa kamunduhan ng blogosphere of the blogworld. Hindi na nakakaduda kung magconvert na ang the rest na bloggers to emoness na. Ako nga pakiramdam ko kailangan ko na ring maging emo dahil hindi ko nakuha ang iPod na yun. Salamat sa Krispy Kreme at niligtas ang aming buhay at napigilan ang marami na tumalon ng building nang mga oras na iyon. Dapat kasama na lang sa loot bags yung iPod, ok na kahit wala na kaming pagkain.

Since isa lang nga ang nanalo ng iPod at isa din sa JBL speakers, the rest magiging emo na lang at hindi na nila ang i-eenjoy ang kanilang buhay for the rest of their life. Kaya para makatulong ako sa mga emo na ito, I planned to make a party just for them.

When: TBA (no specific dates yet and time, baka kasi sa sobrang excitement ay maglaslas na lang bigla ang mga emo na ito)
Where: TBA (no specific place yet, ayaw pang pumayag ng mga buildings na i-hold ang event na ito dahil ayaw nilang may nalalaglag sa mga building nila habang ginaganap ang event)
Attire: Please wear black or any grey tones, if you will wear pastel and bright colors you will be condemned with eternal sadness.

Prizes:

  • Trip and a jump without harness on top of Sears Tower in Chicago
  • Smith and Wesson 380 gun, perfect sa sintido o kaya isubo sa bunganga
  • Set of knives from Germany, bagay sa panglaslas sa mga pulso
  • Set of surgical knives, self-surgery anyone?
  • 20 electric transistors, bagay sa bath tub during your lonely nights
  • 50 bottles of Apollo Muriatic Acid, because we know you thirst for this
  • 30 rattan ropes length of your own choice, don't make those necks waiting

Early birds will receive loot bags that contains prescription drugs of 100 tablets, vial of morphein, syringe, razors from Gillette, the book "Suicide for Dummies", and the special DIY killing kit.

The first 10 registrants will get the chance to jump off from the top of the building.

Naku, exciting kung sakaling matuloy ang event na ito. Talaga namang nakaka-enjoy at magiging mapula ang araw na ito. Kaya sa mga hindi nanalo ng iPod dyan, tinatawagan ko kayo ng pansin at ipagbigay alam pa sa iba pang mga emo dyan nang masimulan na ang ating kaligayahan sa pagtatapos ng ating buhay.

Join na kayo sa once and will never be repeated again chance in a lifetime event. Sali na. Takot?



Tag: blogparteeh07

Sunday, January 28, 2007

My Pity Right Hand at the Parteeh

Pasensya na kasi hindi ako nakapunta doon sa Blog Parteeh, pero ipinadala ko naman ang aking kanang kamay. Kaya kung sakali mang may makakita ng mga larawan at sinasabing ako yun, FYI right hand ko po lamang siya. Nagkaroon kasi ng emergency, ipinatawag ako ng queen para kami'y mag-tsaa.

Nakabalik naman ako ng maaga mula sa pagtsatsaa ko from England, nag-teleport lang naman kasi ako. Susunod sana ako dun sa Blog Parteeh na iyon kaso hindi ko na nagawa kasi hindi kumpleto ang aking internal organs ko gawa ng pagmaterialize ko sa pagteleport. Ini-report naman ng aking sugo ang mga kaganapan sa Blog Parteeh.

Nagtaxi ang aking kanang kamay papunta dun sa parteeh dahil ayaw niyang mapagpawisan at maglakad ng malayo dahil sa matutulis niyang mga paa... este sapatos. Kuntodo porma siya gaya ng aking bilin, kasi sabi ko "Representative kita kaya kung gusto mong pumunta doon kailangan magsuot ka na kagaya ako." Ganun nga ang ginawa niya, pero on the way daw, habang binabaybay ng Taxi ang maluwag na karagatan ng Edsa, bigla daw dumilim ang paligid, bumaba ang madilim na ulap at tumambad sa harapan "Katapusan na ng mundo" ang sigaw niya. Ay syet, hindi pala, usok pala yun ng bus, isang bus na blue at pagkaluma-luma, gawa pa ata sa panahon ng mga Flintstones yun. Pero nung umarangkada na yung taxi at inunahan ang bus nakita niya, bus pa pala ng MMDA na gamit for clearing operations. Aba aba aba... mapupuksa ko si Bayani niyan at ako ang magclearing operation sa kanya.

Dumating na nga ang aking proxy dun sa location. Pagpasok niya sa lugar, bumulaga ang isang matangkad na halimaw... este nilalang, si Heneroso Bistokya katabi ang side dish na si Bulitas. Nakaupo naman sina Aaron Roselo, Tina at iba pang bloggers. Pero dahil pinalakas ko ang force ng aking sugo, lingon pa lang niya ay para na rin niyang hinagis sa kalawakan ang mga kapwa bloggers. At gaya ko rin, strike-a-pose din lagi ang aking representative. Kung ako siguro ang nagpunta dun, pagpasok ko palang mabasag na lahat ng salamin sa building at gumuho ito bigla at kung sakali pwede pang alisin ang buong Salcedo Village sa mapa ng Makati dahil sa lakas ng aking puwersa.

Umakyat na sila sa 6th floor at nagregister na at umupo. Tumambad sa kanilang harapan daw ang isang bath tub... hindi pala, swimming pool na tama lang sa mga condo; tipong paslit lang ang malulunod. I adviced my representative to maintain a low-profile, kahit nag-eexist siya huwag siyang mag-exist, labo ba? Invisible mode lang, mahirap pagkaguluhan since hindi lang naman siya dapat ang maging bida sa event, di ba? Nagkaroon ng usapan, bangayan at giyera sa isipan ng mga bloggers. Sosyal, telepathy lang ang mga gamit nila sa pag-uusap, pero later on nagkaroon na ng verbal at naging maaksyon na. May nagwrestling, nagbarilan, nagpatayan, at nag... ay sorry ibang report na pala ang binabasa ko, sa Toro na pala ako nagbabasa. May goodie bags ding natanggap na naglalaman ng magazines at kung anu-ano pa. Sana nga yung mga magazines ay Toro o kaya RED Magazine na lang, kaso hindi, pero ok lang.

Maraming nangyari at dumating na bloggers, masaya at enjoy. Meron pa ngang nagpalambot at nagpatigas dun. May mga raffles at mga games, sayang dahil malas ang aking alagad sa mga ganitong bagay, kung umulan man ng kamalasan noon siguro sa kanya lang lahat ibinuhos kaya hayun umuwi siyang bigo at walang iPod Video na dinala sa akin. Pero ok na rin, kasi marami siyang nauwi mula dun sa goodie bag, kasama na dun ang half-dozen na Krispy Kreme, kaya pinasakan ko na lang ng headset yung Krispy Kreme glazed doughnuts at nakinig ng music. Aba, akalain mo ba namang tumugtug. Almost 8pm natapos ang mga programs, kaya naisipan ng aking alagad na umuwi na at maiwasan pa ang exposure. At dahil isa lang ang nakapag-uwi ng iPod Video, hindi malayong mangyari na maging emo na lahat ng bloggers na umattend at magpakamatay na. Yung alagad ko nga gusto na yatang tumalon sa building o di kaya basagin ang mga baso at kainin na lahat ng bubog, kaso hindi na niya ginawa kasi kung sakaling mabuhay pa siya mafeature pa siya sa Guinness o kaya sa Ripley's.

Siyangapala, ini-report ng aking sugo na may isang nilalang dun na nakasira ng vendo machine, pinindot ba naman kaya hayun umagos sa bunganga ng vendo ang tubig.

Hindi kagad umuwi ang aking alagad at naglagalag pa siya sa G4 at naglaro pa sa Timezone ng Soul Calibur. Aba, naglaro pa, talo naman daw siya parati, dumating ang kaibigan at nagchallenge, ganun, talo pa rin. Hindi man lang nadala. Tsk tsk tsk. Malas ka talaga aking kanang kamay, hindi mo na nga ako inuwi ng iPod at hayan gumastos ka pa. Hayaan mo mamaya bibigyan na kita ng lason para tapusin mo na lahat.

Sa mga nagtatanong kung ano ang hitsura ng aking kanang kamay, huwag kayong mag-alala, nilagay ko larawan niya dito.


Hayaan niyo sa susunod na magkaroon ng pagtitipon, susubukan kong pumunta basta make sure na ako mananalo ng grand prize, dahil kung hindi papasabugin ko ang mundo niyo.

Technorati Tag: blogparteeh07

Tuesday, January 23, 2007

I'm a Parteeh Banana



Marami na malamang ang nakabalita sa Blog Parteeh '07 na magaganap January 27, 2007 mula 2:00pm hanggang 8:00pm dun sa Classica Tower 2 sa may Salcedo Village sa Siyudad ng Makati. Kasinglaki daw ng Titanic ang event na ito, medyo nag-aalangan nga akong magpunta paano ba naman, mga bigtimer at mga halimaw yata ang mga pupunta dito isipin mo ba naman sponsored ito ng: Sheero Media Solutions, MyJournal Philippines, FeedText, Inc., Migs Paraz, A Bugged Life, The Blog Herald, b5media blog network, About My Recovery, Pinoy.Tech.Blog, Enthropia, Inc., Krispy Kreme Philippines, GMA New Media, Awesome Philippines, Codamon.com, Boracay.com.ph, Recipes.com.ph, WebMaster.com.ph, Bouncing Red Ball, Bo Sanchez, Microwarehouse Inc.


at heto pa ang mga BlogParteeh07 Donors:

Marc Javellana, Bubba Gump, e-YellowPages, Adobe User Group - Philippines, Weddings @ Work, Google Philippines, Hinge Inquirer Publications


Sobrang bigtime nila, baka lamunin nila ako ng buong-buo at wala ng matira sa akin. Isa lang akong saging na madaling kainin, lamutakin, lantakan, isubo at lunukin. Pero ok lang kahit saging lang ako, ako lang naman ang puno na may puso.

Iniisip ko nga kung pupunta pa ba ako, kasi kung sakali mari-reveal ang aking katauhan. Regal shockers yun, baka ipagkalat yun ng kapwa bloggers kong mami-meet, tapos later on, makikilala na ako sa TV, tapos pagkakaguluhan na ako ng local media, tapos sa Hollywood at bubulabugin na ang privacy ko ng mga paparazzi at magkaroon pa ako ng sex scandal na lalabas sa cellphone at internet. Hindi ko pa yata kaya yun. Kung di lang siguro sa mga prizes na iPod at Krispy Kreme hindi ko gagawin ito. Ite-take ko na ang risk na ito para lang magkaroon ako ng iPod.

Magdidisguise na lang siguro ako para di ako makilala. Hindi naman kasi ako pinanganak na blurred ang mukha para di makilala. Alin kaya ang mga effective ways para di lumabas ang aking pagkakilanlan?

  1. Maglalagay ako ng bayong sa aking ulo na may dalawang butas na eksakto sa aking mata, kaso nga lang baka mapagkamalan akong Makapili at puksain ako bigla ng mga descendant ng mga KKK at ng mga inapi noong panahon ng hapon.
  2. Magtatakip ako ng puting panyo sa may bunganga at shades yun nga lang baka sabihin nilang ni-rape ako. Hindi naman ako payag dun kasi nga virgin pa ako.
  3. Magdadala ako ng bilog na frosted glass at itatapat ko sa aking mukha. Ganun kasi ang epek nung may pixelated at blurred sa mukha. Masuwerte na lang yung mga pinanganak na pixelated ang mukha, hindi sila makikilala. Yun nga lang mabigat ang salamin at baka ipanghambalos ko pa yun kung sakali mang magkaroon ng kaguluhan sa event.
  4. Tatakpan ko ng itim na cardboard ang aking mata. Ang kaso naman dito, hindi ko naman makikita ang dinadaanan ko, baka kasi may biglang dumaan na tren sa H.V. Dela Costa at masagasaan ako dahil hindi ko nakitang dumaan. Magaya pa ako sa nangyari kay Poknat.
  5. Magsusuot na lang ako ng maskara, wearing that and only that maskara. Baka nga lang ma-overpower ko ang event kung ganun, kasi mahahalina sila sa alindog ng aking machong-macho at bruskong katawan.
  6. Magcocostume na lang ako bilang isang saging, kaso dahil mga halimaw ang mga makakasama ko, baka may gorilla dun at lamunin na lang akong bigla.

Dahil sa event na iyan napapost akong bigla, sana nga lang bigyan ng pansin ng komite ang post kong ito para manalo naman na ako ng iPod. Malalaman ko lang daw na kasali ako kapag nag-email sila sa akin sa crost22@gmail.com. Baka nandun na rin ang matrona... este ang sinta na magpupuno sa aking bulsa... este kakulangan dito sa aking puso. Baka pagkatapos ng Parteeh na ito madevirginized... I mean, matuto pa ako ng mga bagong kaalaman sa blogging.

Heto ang technorati tag:

Wednesday, December 13, 2006

Initiating to Entry

Nakakainis ang mga bagong youth natin ngayon. 12 years old or younger may mga fraternity na, kaya kapag may gulo damay na pati sila. As if naman, fraternity talaga yun. First and foremost, malaki pagkakaiba ng fraternity sa gang. Karamihan naman ng mga gumagawa ng gulo ay yung mga gang at hindi mga tunay na frat. Frat-fratan lang, para mas magandang pakinggan. Music to the ears nga naman ang mga words na ginagamit sa mga frat; sigma rho, alpha phi at kung anu-anu pa. Though, pareho silang organization but still they are not the same.

I have a friend kasi na sumali sa organization, though hindi ko ma-identify kung frat ba sila o gang. Masyado kasing kakaiba. Sila yung mga Jolina Fans Club slash JOLOGS (Jolina Organization and Groups System) na na-mention ko na dati. Buti na nga lang nakatakas siya at di niya natapos ang initiation nito, dahil kung hindi, ewan ko lang kung ano na nangyari sa kanya. na-brainwash nga yata, buti na nga lang nahimasmasan na. Sandamakmak na dagok, sampal, sapak, sipa, bugbog at ilang galong tubig ang naubus para lang matauhan. Not mentioning the electric torture pa para lang magising na siya sa kahibangan niya.

Nung naging maayos na siya, naikwento niya sa amin ang ginawang initiation sa kanila. At talagang kakapangilabot at katakut-takot ang mga pinaggagagawa sa kanila.

1st Stage. Kabisaduhin ang lahat ng likes/dislikes ni Jolina. Yung mga favorite niyang mga pagkain, mga naging ka-loveteam, biography, mga kadramahan niya sa buhay ay dapat masusing i-memorize. Hindi pa masama, pwede ka pang pumasa. Now go to the next.

2nd stage. Papatugtugin ang kantang "Chuvachuchu" the whole day. Kapag lalabas man, kailangang nakaheadset at heto pa rin ang pinapatugtug. Kapag maka-survive ka pa dito, proceed to the next stage.

3rd stage. Ibababad ka sa harap ng TV at papanoorin mo lahat ng movies at TV shows ni Julens hindi ka pwedeng lumingon kung saan-saan, kumakain o anuman ang ginagawa mo dapat nakatutok ka sa palabas na iyon. Hindi lang ito tumatagal ng isang araw, umaabot ang pagsubok na ito sa loob ng isang linggo.

4th stage. Ang nakakapangilabot at kahindik-hindik na pagsubok na gagawin sa iyo. Lalapit ka kay Julens, para magkiss, magpa-autograph at magpapicture. Kapag nagawa mo ito, then you'll go to the fifth and final stage.

Umabot ang kaibigan ko sa fifth stage, yun nga lang di niya na talaga makayanan kaya't tumakas na siya. Pinipilit namin siyang sagutin kung ano ang mga nangyari sa huling pagsubok, kaso hindi na niya talaga kaya pang sagutin. Matinding trauma ang pinagdaanan ng aking kaibigan kaya nag-undergo siya ngayon sa therapy. Kung anuman ang mga nangyari sa 5th stage, hindi na natin alam. What lies in the 5th stage of the test is still a mystery!

Monday, October 16, 2006

Hero of the Metro

I've got an email from an old-time friend, Em-em. Matagal na rin kaming hindi nagkikita nito because he migrated to the United States. He's needed daw kasi dun lalo sa field of work niya. We only contacted through emails, but the latest email he sent was quite disturbing. He has sentiments kasi with his work and I don't know how to answer it. Kaya I wanna share it with you and kahit papaano maparating sa marami ang sentimiyento niya.

My best friend Billycoy,

Hi! Kamusta na? I hope you're doing well there. I'm currently here in an internet café, because back in the station, we haven't subscribe for a broadband connection pa kasi. I'm not doing fine here. I'm really dissed with my work. My co-workers are really an asshole. They won't make me save other people. Lagi nila akong inuunahan sa pagligtas ng ibang tao, kaya lahat ng credits napupunta na lang sa kanila. I know you know what I'm talking about here, the JLA!

Like that Superman, he is sooo mayabang! He always take the lead. But as everyone knows, he is not that super compared to my powers. His powers is just like my kulangot, a worthless dumi in the galaxy. And one thing, he has a weakness kaya with those kryptonites, while I don't have one, i have two, zits and bad hair days. And his tights are so ugly kaya, it's even passé. He is giving me one nga, but i refuse to have it kasi naman, it's a big EWWW! I'm not wearing those tights because I'm not going to an aerobics class. My clothes are maganda na kaya. Coutures from Michael Kors and Tom Ford na kaya ang mga suot ko. I don't even wear the same clothes over and over again. And another, as if he stand the chance with his Lois Lane, eh obvious naman na Lois is just using Kal-el just to be closer to his cousin Kara-el, Supergirl. Yes, Lois Lane is a lesbo. I could read it from her mind using my uber cool telephatic powers.

Have I told you that Wonder Woman is salivating a waterfalls over me? Yes, she's going gaga over my good looks. In her dreams ha. She's not my type kaya, and she won't pass because she's not even fashionable to display. She's wearing a star-spangled aerobic tights knowing that she's an amazon from Greece. Ewww, I don't like amazona beauties. Kaya nga these days she ignores me and making those lame parinigs because I dumped her. And I don't care I have charms and good looks more than anybody have. I can have a googol of girls.

And these freaks are blaming for the 9/11 incident, kasi that's the moment they told me if I could prove to them that I am reliable from their team. But I can't go that moment, because I'm in a spa in Beverly Hills that time. If they called hours ago maybe I can go, kaso it was just a short notice, 5 minutes before the planes get bangga to those towers. 5 minutes, like hello!? I need to prepare myself pa, I need to go back to my home in New York to get my couture clothes and have my hair styled pa in a salon. I don't go on a rescue kaya looking wasted and haggard, kailangan lagi akong disente and proper to be a good rolemodel sa people.

And the media freaks! I really hate them. They named me ba naman METROMAN! Big EWWW kaya yun. The name is totally hideous! Para naman akong taxi driver niyan or yung mga taong may dalang metric tape who makes sukat the cadavers in the morgues and hospitals. I could give them my real identity if they will be asking me nicely, kaso I know the media here, they may even bringing paparazzi's to intrude my abode and privacy in New York.

O sige na. Next e-mail na lang. I need to go to the asteroid belt pa to do my morning exercises pa. You know me naman, I need to pound some asteroids and do my bench press with those meteors pa.

Ciao.


Your best friend,
MM


P.S. Please tell my regards to Mang Tibur and to his daughter Polay for graduating B.S. Embalsamatory. Thanks.


Nalungkot tuloy ako sa nangyayari sa best friend kong iyon. Nakakaawa. Masyado siyang inaapi ng mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung anong tulong ang mabibigay ko. Ano ba ang magagawa ko para sa kanya?

Tuesday, August 29, 2006

Mayon, Suman, Butanding... at si Christian Bautista!?

Nanaginip si Ate Lo, masyadong kakaiba nga eh. Kuwento niya sa akin through chat sa YM:

Ate Lo: napanaginipan kita
crost: ngek
Ate Lo: pumunta daw tayo sa mayon, hehehe
crost: magpapakamatay ba tayo?
crost: hahaha
Ate Lo: tapos takbo daw tayo ng takbo kase umaagos na yung lava, tapos lam mo kung sino kasama natin? si yung sa star in a million
crost: may showbiz na naman
Ate Lo: oh diba sosi
crost: kakatawa naman yang drim mo
crost: masyadong kakaiba
crost: hahah
Ate Lo: yung nag revive ng tonight i need your sweet caress yun
Ate Lo: sino nga yun?
crost: christian bautista?
Ate Lo: ayun
Ate Lo: tama
Ate Lo: haha sya nga yung nahuhuli tumakbo
crost: nilamon siya ng lava?
Ate Lo: di naman, muntik na
crost: sayang!
Ate Lo: salbahe ka
crost: sana nilamon na lang siya
Ate Lo: haha!
crost: tapos ano pang nangyari?
Ate Lo: kumain daw tayo ng maraming suman tapos nag cruise tayo at lumangoy kasama pa natin yung mga butanding
Ate Lo: may kasama tayo girl
crost: hala! baka tumaba tayo niyan
Ate Lo: di ko lang recognize ang mukha
crost: sino yung girl? maganda ba? baka soulmate ko na yan
Ate Lo: oo maganda, long hair
Ate Lo: tapos medyo pettite at kayumanggi ang kulay
crost: saan natin siya nakasama, sa cruise o sa mayon?
Ate Lo: sa cruise kasama natin yung butanding

Wow, di ba? Pwedeng pangpelikula. Pagkatapos magtatakbo mula sa Mayon, hayun kumain kagad kami ng sandamakmak na suman at nagcruise kasama ng mga butanding at ng unknown girl na could be my soulmate. Kakaiba talaga ang mga dreams ni Ate Lo, pero kung psychic at manghuhula siya, at ganun mga predictions, ayoko naman yata ang magpahabol sa Lava ng Mayon lalo't hindi naman pala nilamon si Christian Bautista.