Matagal na akong naimibitahan ni Badoodles sa Project Lafftrip Laffapalooza. At dahil January na at malapit na naman ang Lovapalooza sa February kaya naisipan kong maki-join sa kaguluhang ito. Matagal din kasi akong nangilatis ng iba't ibang blogs para iboto para dito. Saka may prizes kayang selepono, digital camera at 15,000 pesos, kaya kailangang sumali dito.
Kaya ko ring magpa-contest ng ganito, kaso sakim ako at di namamahagi ng aking kayamanan; shellfish ika nga. Mas gusto ko ang nakakatanggap kaysa ako ang gumastos—sino bang hindi? Kung meron man akong kayang ipamigay ay Pangkabuhayan Showcase lang. Kaya kong gumawa ng bata na pwedeng gawing negosyo pagdating ng Pasko.
Number 1. BatJay. Isa sa tinitingalaan kong humor blogger/writer. Kaya nga yata madalas akong magka-stiff neck kapag binabasa ko blog niya. Nakapag-publish na nga rin siya ng kanyang libro, Kwentong Tambay. Isa sa mga bibliya ng mga gago kasunod kay Bob Ong. Bagamat gago rin ako, hindi ko pa nababasa ang libro niya.
Number 2. Mr. D. Kung nangangamoy lang ang mga blogs ay malamang na iduwal mo na ang longganisang mabantot at itlog na nabubulok na kinain mo kaninang umaga. Kulay pa lang ng blog ay tae na. Kaya rin yata ni Mr. D na hulaan ang inyong kapalaran sa pagtingin lang ng mga tae niyo. Favorite ko talaga yang si Mr. D, nakakatae sa salawal ang mga panulat niya.
Number 3. Xienah. Move over KC Concepcion at Inday. Siya ang "IT" girl ng blogosphere ngayon. Nagkakandarapa nga ang maraming lalaki sa kanya kaya hayun nagkakakandapasa at sugatan ang mga humahabol sa kanya. Pero alam naman nating isa lang ang laman ng puso niya at yun ay si... a... ay si Mr. E. Pero kahit may Mr. E na siya, hindi naman ibig sabihin nun na di na natin siya pwedeng mahalin. Hindi pa naman sila kasal.
Number 4. Billycoy. Although aminadong emotista ako kaysa humorista, isasama ko na rin ang sarili ko sa listahan. Aba sayang din ang tropeo, pwede ko ring ipamukpok yun sa bakanteng ulo ng mga politiko. Actually, ready na nga ang speech ko kapag nanalo ako. Pero di pa rin ako assuming, kaya nga pang-number 4 lang ako. Trip ko lang gumawa ng speech, bakit ba?
Number 5. Green Pinoy. Hindi ako madalas sa site niya, pero nakakatawa lahat ng post niya. At dahil nakakatawa ang blog niya nilagay ko sa huli, dahil kapag maraming naka-discover sa kanya, lalo pang aapaw ang nomination niya. Kawawa naman ako.
Ang totoo niyan, nambobola lang ako sa mga binoto ko—pwera yung sa akin. Gumawa lang ako ng nominations para makasali nga dun sa pa-raffle ni Badoodles. Kaya sa mga nominees na naniwala sa akin, sorry, inuuto ko lang kayo.
4 comments:
IT girl--
kelan pa yan?
hindi MrE
MisterE
ganyan
kras ko lang siya
hindi ko siya love.
alam naman nating lahat
na si..
si..
...
John Lloyd ang love ko
:)
sana manalo tayo
sa rapols ni baduds.
ganyan talaga ang teknik. iboto mo para iboto ka rin. bolohan lang ba. hahahaha.
pero kay xienah talaga dapat tayo. Numero uno. Walang panama si KC Montero bilang IT girl.
pagkatapos kong mapanood si greenpinoy na nagsasayaw ng nakabrip ay parang gusto ko ng ibigay sa kanya ang tropy bilang bestest humor blog hahahaa.
billicoy video din dyan ng nakabrip hahahhaaAHAHHAHAHAHA!
salamat sa links, nakatuklas ako ng pampakabag-blogs. ;)
Post a Comment